Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

07

Taehyung


She likes watermelon so much, she have this skinny pale skin, her hair is curly, she loves apple but hate the peel of it. And adobo is her specialty, she loves chocolate, specially toblerone and kisses.

Paulit-ulit ko iyang binibigkas sa isip ko, isinantabi ko muna ang pagbabasa, i don't know why. But every chapter of her story, it feels like I slowly knowing her personality. pakiradam ko, yes! kahit alien ako may pakiramdam din naman ako,at pakiramdam kong mahal na mahal ako ng nagbabasa nito ngayon.

heheehehehe

pakiramdam ko, mas lalo kong nakikilala kung sino nga ba si Myl Rodriguez.

hindi ko pinagsisisihang sinunod ko ang instint ko at nagdownload ng wattpad, buti nalang talaga gwapogi at genius ako huehuehuehue.

iling-iling kong padabog na ibinaba yung phone ko, dumiretso nalang ako sa kusina na shorts lang ang suot ko, habang dahan-dahang pinupunasan yung dibdib kong tagaktak ang pawis. sobrang init kasi ngayon at parang gusto ko nalang manirahan sa loob ng freezer namin. gawin ko kaya mamaya?

tapos isama ko narin yung ipis na nahuli ko kagabi? hhmm.

"ano pong pagka---uyyy! kayo ah anong ginagawa ninyong dalawa" kusang lumabas ang pilyang ngiti ko nang makitang nakayakap si Namjoon kay Jin hyung na nagluluto ngayon. mabilis na humiwalay ang great great leader namin kay eomma na ngayon ay pulang-pula na.

nagawa kaya sila ng bagong kapatid namin? ay oo nga pala di sila makakabuo huehuehuehue

"kanina ka pa namin inaayang kumain, ikaw 'tong pabagal bagal" sus! kunyare galit galitan si eomma para hindi mahalatang kinikilig yieee~

NAMJIN NAMJIN NAMJIN


"taehyung HAHAHAHA gago!" walang galang itong pandak na ito, maka gago akala mo siya hindi.

"gago ka din" tinignan muna ako nito bago muling tumawa ng malakas, kasing lakas ng pagpalo niya sa aking braso. pero syempre mas malakas parin yung tama ko kay Jungkook.

"si Jungkook, inubos yung cereal mo" nanlaki ang mga mata ko at mabilis na pumunta sa maliit naming dining table, doon ko nakitang masarap na kinakain ni Jungkook yung cereal ko na ibinigay pa sa akin nung pinaka paboritong tao sa buhay ko.

"hyung"

"bakit mo kinain lahat ng cereal ko, sino ang nagsabing kainin mo huh!" hindi ko na napigilan ang sarili kong  sumigaw, napatigil naman siya at ibinigay sa akin ng dahan-dahan yung ereal box ko, halata ang ang pagkabigla sakaniyang mga mata.

"p-pero kasi nagugutom ako, atsaka sabi naman ni jin hyung pwede kong kainin at siya na daw ang bahalang magpaalam sa iyo, cereal lang naman ito hyung anong kinagagalit mo" napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi niya, cereal lang?

"cereal lang? bakit ka kasi nangengeelam, ako lang ang pwedeng kumain niyan!" sigaw ko, tumayo naman si Jungkook mula sa kinauupuan niya at gulat na gulat parin dahil sa inakto ko.

"ano bang nangyayari dito" halatang nabulabog sa paglalaro sina yoongi hyung at hobi hyung, ngayon ko lang napansing nandito na pala silang lima. 

I bite my lips devastatedly, I know it's not good that I shouted at Jungkook, but still he have no rights to just eat what is mine!

"eh si hyung kasi eh mga hyung, ang damot, hindi pa ako nakakakain simula kagabi dahil masakit ang sikmura ko, tapos nagalit na kinain ko yung cereal niya" pagpapaliwanag ni jungkook, nakayuko at hindi makatingin sa akin.

"kahit na hyung!" singhal kong parang bata. "akin iyon, ang akin ay akin lang!" mangiyak ngiyak na ako habang sumisigaw, ayokong may nangengealam ng gamit o pagkain ko, tapos wala pa siyang paalam, at bakit yung cereal pa na paborito ko?

"taehyung tumigil ka na!" natigilan kaming lahat ng sumigaw si yoongi hyung, naramdaman ko namang nangingilid na ang luha ko dahil sa pagsigaw niya sa akin. bakit ako parin ang mali, bakit ako nalang palagi.

"taehyung, cereal lang iyon, alam mong nasa harap tayo ng crisis, kailangan nating magtulungan lalo na't wala tayo sa sarili nating bansa. dapat mas nagiintindihan tayo at nagdadamayan kaysa sa nagdaamutan" pangangaral ni Yoongi hyung, kinagat ko ang ibabang labi ko at marahang pinahid yung luhang kanina pa pala tumutulo.

"taehyung mali ang ginawa mo, may sakit pa si Jungkook dahil sa paiba-ibang klima, sana intindihan mo naman siya" ani jin hyung, hindi ako sumagot, bakit ba palagi nalang ako ang mali? pagkain ko iyon eh!

"ang akin lang naman sana hindi niya kinain yung binigay sa akin ni--" hindi na ako nakapagpatuloy pang magsalita at mas pinili nalang tumahimik, sa huli kasalanan ko din naman.

"stop being childish Taehyung" Jin spoke once again.

"sorry hyung ako ang may kasalanan, kinain ko kasi yung paborito mong cereal sorry" ni-tap pa ni jungkook yung likod ko bago tuluyang umalis at dumiretso sa kwarto namin.

"ayusin ninyo itong problema ninyo" sambit ni namjoon hyung pero umalis narin ako, kinuha yung phone ko at nagkulong sa kabilang kwarto.


mabilis kong pinunasan ang aking luha at binuksan kaagad yung wattpad, my mind isn't clear, and she's the only one person I want to talk to.

gilamorous101: jusko sorry, hapon na kasi ako nagising, ang dami kong tinapos na trabaho simula noong nakaraang gabi pa.

gilamorous: buti kinakaya ko itez

gilamorous: buti kinakaya ng beauty ko HAHAHAHA

gilamorous101: pakshet ang ganda ko

gilamorous101: wag kang papalag, papaluin kita ng patpat sa pwet


I choked at laughing as my tears still streaming my cheeks, no wonder her presence is making me feel more than okay now while reading her messages. mabilis kong pinunasan ang mga luhang patuloy parin sa pag-agos, hindi ako sanay na nagkakatampuhan kami ng ganito ni Jungkook.

GvesSWho: hi (ಥ _ ಥ)

GvesSWho: I missed you

GvesSWho: sorry ngayon lang ako nakapag reply may  nangyari kasi (*  ̄︿ ̄)

GvesSWho: wala akong sinabing papalag sa sinabi mong maganda ka HAHAHAHA


mabilis naman siyang nagreply sa akin.


gilamorous: we are not that close pero kung gusto mo magopen? close ako, charot, gusto mo ikwento? 

sandali akong nag-isip, it's my first time to met someone online, she's a stranger but I didn't feel that she is at alam kong walang dudang gusto ko ngang magkwento sakaniya.

GvesSWho: si Jungkook kasi

I immediately erased that, I almost forgot that she can't know anything about me.

GvesSWho: yung kaibigan ko kasi, nakakainis kinain yung cereal ko ng walang paalam, alam naman niyang ayokong may ka-share sa pagkain ko. malinaw iyon lalo na kapag walang paalam, tapos sabi ng iba na childish daw ako at mas intindihin nalang ang kaibigan ko dahil hindi pa siya nakakakain simula kagabi dahil sa sakit ng tiyan.

gilamorous: hmmmm

gilamorous: well, for me, it's not right to eat my food without telling me. may karapatan kang magalit.

gilamorous: pero siguro intindihin mo din ang kaibigan mo, atsaka pagkain lang naman iyon GvesSWho hindi ba't mas masayang makita mong busog kayong lahat?

gilamorous101: wag mo sanang masamain ang sinasabi ko, atsaka kung nag-sorry naman sa iyo ang kaibigan mo, sa tingin ko hindi iyon malaking issue, pinapalaki mo lang dahil sa galit mo.

GvesSWho: tss. akala ko pa naman maiintindihan mo ako, akala ko kakampi ka sa side ko, kakampihan mo rin pala siya.

GvesSWho: sasabihin mo rin bang napaka-childish ko at tigilan yung  pagiging isip bata?

gilamorous101: huh? ano bang sinasabi mo?

gilamorous: alam mo binibigay ko lang naman ang opinyon ko dahil sa tingin ko parehas kayong may mali.

Gilamorous: bakit mo minamasama ang sinasabi ko?

GvesSWho: akala ko pa naman ikaw ang makakaintindi sa akin

gilamorous101: what?

gilamorous101: naiintindihan ko ang punto mo, pero ayokong mamili kung sino ang papanigan ko dahil wala talaga! parehas kayong may mali, at sana makita mo iyon.

gilamorous101: siguro nga napaka-childish mo dahil diyan sa inaakto mo

gilamorous101: hindi ako galit, pero naiinis ako, nakakainis lang dahil bakit kailangan mo pang magalit sa akin

gilamorous101: kung hindi mo rin pala kayang makinig sa side ko, kung ayaw mong pakinggan ang side ng iba at kung hindi rin tayo magkakaintindihan

gilamorous101: maybe it's much better if we'll never talk 


ºººººººººº

HI my sushikels! kamusta na? sorry for not being able to update this story, sobrang dami lang kasing nangyayari, anyways, hindi ako mangangako pero sisikapin kong matapos 'tong FF ni taehyung, sana po patuloy lang kayong sumuporta. love y'all

naranasan n'yo na bang magkaroon ng online friend? tipong yung taong iyon na ang nasasabihan nyo ng buhay n'yo o problema n'yo? na para bang sobrang gaan ng loob n'yo sa taong 'yon? I wanna know your online friends too! keep safe everyone! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro