Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

06

a/n: HAPPY NEW YEAR EBWIWAN! tumalon ako nung bagong taon baka sakaling tumangkad  pa eh ahahahhahhah, how was your New Year?                                                          yung last chapter sorry kung nakakalito, kasi yung last may "weirdybunny" na sumulpot, si GvesSWho din po iyon, iyon kasi ang previous name n'ya pinalitan  ko lng. pasensya na po huhu, naguluhan din ako eh HAAHAHHA, surii ulit!


"She's kinda cute"


That's the latest message on GvesSWho's message board. Is he pertaining to me?

Lol. Ano ba itong isip ko, parang gago, masyadong umaasa, kaya mabilis masaktan eh. Hay nako!

Days had past, we still maintain messaging each other, every. single. day.

Nahahawa na nga ako sa kaweirduhan niya, minsan magigising ako sa umaga at messages niya kaagad ang makikita ko.

Tulad ng:

Kapag ba nawalan na ng gana yung yelo, cold na ba ang tawag sakaniya?

Bakit kaya may pakpak yung mga bird, pero yung birdie ng guy wala?

Nagmamahal din kaya yung mga lamok?

Anong lasa ng lamok?

Alam ninyo yung pakiramdam na hindi mo alam kung mapipikon ka o matatawa ka nalang o mapapa-face palm ka nalang dahil sa mga tanong niya?

Putangina lalo na yubg birdie? Puta! bakit niya sa akin tinatanong 'yun eh una sa lahat, hindi ko rin naman alam ang sagot

At pangalawa! Wala akong birdie 'no!

Mabilis sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko yung bagong message niya sa akin ngayon.

Hindi ko mapigilan yung ngiti ko dahil sa mensahe niya, umiling nalang ako at impit na tumili.

Kung magiging prinsipe ako sa susunod kong buhay, pwede bang ikaw ang maging prinsesa ko?

Tangina talga, ang aga-aga tapos ganito yung mensaheng bubungad sa akin, gising na gising tuloy yung  kaluluwa ko. masyado namang pa-fall 'tong si mystery guy na 'to.

What the hell!

Inihagis ko ang sarili ko sa aking kama, isinubsob ang mukha sa aking unan at tumili ng tumili.

Taehyung patawarin mo ang pagiging marupok ko.

Huminga ako ng malalim bago ako magdesisyong sagutin yung message niya, pero yung malawak na ngiti sa aking labi ay nandoon parin.

"Ano namang nakain mo at nasabi mo iyan? Pasensya ka na pero peytpul ako sa bangtan"      iyon ang reply ko, pero parang sinasabi ng utak ko na tagos na tagos naman 'yung banat niya sa akin.

Ewan ko ba, ang aga-aga gumising ng taong ito, tapos ang sabi niya lanbg sa akin, maaga daw kasi siyang nag-e-exercise para mamaintain yung katawan niya.

Hindi lang naman pala siya isang wattpader at nakatutok lang sa pagbabasa, inaalagaan din niya ang sarili niya.

Last week, I got my first ever job, as a encoder, work from home ang peg ng inyong dyosang kapitbahay! Charot!

Malayo ito sa kurso ko, pero hindi na ako naginarte pa lalo na't si Arya,ang nagpasok sa akin sa kumpanya nila.

Diretsong tanghalian na ang iniluto ko, alas-dose pasado na akong nagising, palagi kasi akong late na natutulog dahil narin sa trabahong kailangan kong tapusin.

Mabilis kong kinuha yung phone ko nang makita ko ulit ang reply niya, lumawak ang ngiti sa aking labi na binuksan yung message niya.

GvesSWho: ganoon ka talaga ka faithful sa bangtan?

Gilamorous101: hell yes!

GvesSWho: narinig ko lang 'to kahapon sa isang vlogger pero--- skrttt!

Bigla akong natawa nang makita yung message nya lalo na yung skrtt! Parang alam ko kung kanino galing yung skrrttt!

Nagpatuloy ako sa pagbabasa

GvesSWho: so, payag ka nga?

I closed my eyes as I sighed, smiling like an idiot, shaking my head with disapointment with myself. Bakit niya ba kasi tinatanong ang mga ganoong bagay?

Hindi ko tuloy mapigilang maisip na pa-fall type siyang lalaki. Tss

Gilamorous101: basta meron kang life insurance, kotse, bahay at lupa, pambili ng bigas, hindi ako magugutom.

pakikisakay ko sa trip n'ya, Hindi ko mapigilang matawa nang isend ko 'yung message kong iyon, aba! Syempre doon tayo sa sigurado, yung mabubuhay. sigurado akong hindi n'ya maaabot ang standards sa isang lalaki na hinahanap ko.

Pero syempre kay taehyung parin kakalampag rawr!

Kung hindi si taehyung, kahit sinong member ng BTS. Rawr.

GvesSWho: HAHAHAHAHAHHA

GvesSWho:HAHAHAHAHAHAHAHHA

Gilamorous101: ano wala kang masabi 'no? Wala ka pa sigurong kotse at bahay at lupa.

GvesSWho:HAHAHAHAHAHAHA

GvesSWho: hindi mo lang alam Myl, hindi mo lang alam.

Doon ako natigilan, paano niya nalaman ang pangalan ko? Kanino? Saan at kailan?

Gilamorous: paano mo nalaman ang pangalan ko?

GvesSWho: HAHAHAHAHAHA

Gilamorous: wag ka ngang tumawa diyan!

Gilamorous: nakakainis ka!

 Gilamorous: masyado kang masaya.

GvesSWho: HAHAHAHA nakalimutan mo na ba? Hmp

GvesSWho: nakalimutan mo bang nakita ko ang socialmedia account mo? Ofcourse doon ko nalaman ang pangalan mo.

GvesSWho: medyo nakakahiya itong sasabihin ko, and I don't know if it will make you feel uncomfortable

GvesSWho: but--

Ay jusko! Pa-suspense naman masyado itong lalaking 'to! ayaw nalang sabihin ng direkta, may pa but-but pa. Oo na wala akong butt bakit ba?

Sandali pa akong naghintay, pero tangina hindi na nangreply, natapos nalang akong kumain ng tanghalian, hawak ko parin yung phone, naghihintay sa susunod niyang sasabihin pero tangina wala talaga hindi na nagreply.

Hay! Yung anxiety level ko!

Gilamorous: but?

Gilamorous: pa-suspense naman itez, sabihin mo, sabi nga ng bangtan "go go go"

Gilamorous: what are u waitin' for?

GvesSWho: sabi mo kasi kanina masyado akong masaya, well-- masaya talaga ako, masaya kasi ako sa'yo.

GvesSWho: (~ ̄▽ ̄)~

And that was the time my heart beat finally stop. I couldn't even feel I was breathing for a second, I am just holding my phone, looking at his last message, with my mouth hang open.

this isn't the feeling of being inlove that I have, but this feeling I have is something that is precious hindi ko inaasahang sa isang taong hindi ko naman kilala personally, hindi ko alam na sakan'ya ko pa mababasa ang ganitong mensahe. it feels like, it feels like he's treating me as his old friend,a companion, this is wonderful.

GvesSWho: andyan ka pa ba?

GvesSWho: s-sorry if I just said what I really felt inside, it's just that. Someone told me to express what I feel

I find it cute, hindi ko pa sya kilala pero pakiramdam ko nahihiya siya, ewan ko ba, hindi ko din alam. 

Gilamorou101: sorryy, naghugas ako ng plato, it's all right :>

Pagdadahilan ko, alangan namang sabihin kong nakatulala lang ako sa message niya hindi ba?

Gilamorous: hindi lahat ng tao kayang maging tapat sa tunay nilang nararamdaman

Well that's a fact kahit ako hindi ko kayang maging totoo, hindi ko kayang maging tapat sa kung ano nga ba ang tunay kong nararamdaman. I'm afraid to tell what I truly feel.

Gilamorous: alam mo ba noong nakaraang araw, habang bumibili ako ng fishball sa kanto, dahil sa pagkalutang ko, natanong ko kay kuyang tundero kung nanganganak din ba yung fish ball HAHAHAHAHAHAHA putangina nakakahiya ako!

GvesSWho: HAHAHAHA NAKAKATAWA NGA 'YUN NAIIMAGINE KONG NANLALAKI YUNG MGA MATA MO HABANG PINIPIGILAN MONG HUWAG KANG MATAWA AT HABANG SINASABI SA ISIP MONG:
"ANG TANGA MO MYL SA PART NA YUN, ALAM KONG TANGA KA TALAGA, GIVEN NA IYON PERO ANG TANGA MO PARIN SA PART NA IYON"

GvesSWho: HAHAHAHAHAHAHAHA

GvesSWho: don't get me wrong, ganoon kasi si Pee sa story eh.

Gilamorous: HAHAHAHAAHA TANGINANG YAN HAHAHAGAGAGA

GvesSWho: pero matanong ko lang, ano ba yung fishball? Hehe

Gilamorous101: (ノω<。)ノ))☆.。

Gilamorous101: HAHAHAHAHAHA

Gilamorous101: basta street food iyon, masarap iyon, pero mas masarap 'yubg kwek kwek at squid ball

Gilamorous101: hindi ka pa ba nakakatikim nun?

Ano bang klaseng tao itong si GvesSWho, sobrang weird niya talaga, seryoso ba siyang hindi pa siya nakakatikim ng fishball? Pilipino ba talaga siya?

GvesSWho: uhm. Hindi pa eh

Gilamorous101: kung magkikita tayo. Sa hinaharap, promise ko sa'yong ililibre kita ng mga street foods na nabanggit ko

GvesSWho: WEH? TALAGAAAAA? Yeheyyy! Walang bawian yan ah, promise?

Parang mapupunit yung labi ko sa kakangiti sa message ni GvesSWho, sobrang cute niya kasi, isip bata tapos ang inosente niya, weird nga lang pero ang cute parin.

Parang 'yung bias ko lang na si taehyung.

Gilamorous101: oo promise HAHAHAHAHA, Promise by park jimin!

GvesSWho: alam mo nakakatawa ka talaga, binubuo mo ang araw ko.

Para akong baliw na tumatawa magisa habang umiiling sa message nya, sasagot na sana ako pero parang dumikit na ang mga mata ko sa screen, at literal na napanganga ako sa sinod nitong mensahe dahilan pa upang mabitawan ko ang hawak-hawak kong phone.

GvesSWho: pero sana, ikaw narin ang bubuo ng buhay ko *(੭*ˊᵕˋ)੭*ଘ

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro