02
M Y L
A/N: ang pagbasa po sa name ng ating bida ay "mayl" thank you po, at enjoy reading!
"Why oh why! Bakit kailangang mangyari ito sa akin? Bakit kailangang maging mahirap akong k-pop fan at hindi magawang maka-attend ng concert ng my beloved BTS!" Hagulgol ko habang nakatingin sa BTS posters kong nakadikit sa dingding, akala mo ay naririnig at may buhay talaga yung mga poster ko.
"Bakit kailangang maging mahirap akong fan, tangina hindi man lang ako maka-attend sa concert nila ngayong araw!" Pinagpapadyak ko pa ang paa ko sa aking kama dahil sa inis at hagulgol lang ng hagulgol. alam ko namang walang magagawa ang pag-iyak at pagmamaktol ko dito, pero hindi ko lang talaga maiwasan at mapigilan.
The hardest thing of being a poor fan? Hindi ko kayang makabili ng merch, albums, hindi man lang ako maka-attend sa concert nila for pete's sake!
Tangina! Kung alam ko lang na magiging fan ako dati palang edi sana hindi na ako bumili ng sundot kulangot simula kindergarten ako!
Napakasakit kuya eddie~
Minsan na nga lang pumunta dito ang Bangtan sa Pinas, minsan nalang magka-concert, nagkataon pang kakaubos lang ng pera ko dahil binayad sa bahay at kuryente!
Hinayupak!
Oo, nag-iipon ako para sa sariling luho ko, but as an independent woman living for herself, there's such time I have no choice but to choose the thing I needed than wants.
Sana sa susunod hindi lang sa imagination ko, at sa fanfictions ko nasusulat at nangyayari na nakapunta at nameet ko ang bangtan, sana sa totoong buhay din!
"Jusko dai! Wag ka ng magmaktol diyan, maiintindihan ka ng Bangtan dahil hindi ka nakapunta. Mas gugustuhin nila iyon kaysa sa maputulan ka ng kuryente" tinignan ko ng masama si Mother Lulu nang hampasin niya ng malakasang likudan ko.
"Mother LuLu, hindi mo alam kung gaano kasakit itez, cuz you don't feel it" pagdadrama ko, naka-pout at paulit ulit sinisinghot yung sipon kong malapit nang tumulo.
Yikes!
"Gaga! Akala mo matanda ka makapag-salita diyan? Tumayo ka na nga at male-late na tayo sa raket ng kaibigan ko!"
"Masakit sa dibdib" pagdadrama ko pa habang Nakahawak sa dibdib.
"Bakit may dibdib ka ba?" Pang-aasar niya at malakas na tumawa, grabe si mader! Masyadong namemersonal!
Walang personalan masyado namang masakit 'yung walang dibdib!
"Ipa-vulcanize mo" napailing nalang ako nang maalala ko na naman yung sinabi ni GvesSWho tangina isa pa ang gagang iyon eh!
"Halika na, bilisan mo wag pabagal bagal!" Utos niya pagkatapos ay umalis na ng kwarto ko. Hindi ko siya nanay, hindi ko rin siya kamag-anak.
Si Mother LuLu ay lalaking may Pusong babae, bahaghari ng buhay ko!
Pero syempre, si Taehyung padin ang star ng buhay ko, yieeee~
Walang tatanggi, kung hindi, hindi masarap ang ulam ninyo mamayang hapunan! Chos!
Hindi ito star ng starbucks huh, pero siya talagang ang star na tinitingala ko, inspirasyon ko ang Bangtan, sila ang nagiisang inspirasyon ko kaya nagpapatuloy sa buhay ko at nangangarap ng mataas, na balang araw, titingalain din ako.
Napatingin ako sa aking phone nang may biglang mag-pop out dito ang isang message galing sa wattpad, may isang reader na nanghihingi na ng update sa fanfic ko kay Taehyung.
Tungkol kasi iyon sa isang babaeng fan na fan ng isang saxophonist na si Taehyung, they met at the bar, crush na crush niya si Taehyung at inaabangan tuwing tutugtog na ito, pero hindi niya alam na si Taehyung din pala ang may-ari ng company na pinagtatrabahuhan niya
I don't know if that makes sense, because all I know is that I love taehyung.
Skrt!
Matagal nadin kasi noong huli akong nakapag-update dahil medyo busy ako sa paghahanap ng trabaho. Agad kong nireplyan 'yung reader ko at humingi ng pasensya, sinabi kong next week sisiguraduhin kong makakapag-update na ako.
••••
"Sa ngayon po ay mas lalo pang tumataas ang kaso ng covid 19 sa ating bansa, nanatili parin ang banta nito. Panatilihin po nating malinis ang ating mga kamay, magdala at magsuot ng face mask, gumamit ng alcohol at kung walang importanteng lakad ay manatili na lamang po sa ating tahanan. Panatilihin natin ang social distancing, tandaan, nasa kamay natin ang ating kaligtasan"
"Hay nako mader! mag-iingat kayo sa pag-uwi nitong apprentice mo ah" rinig kong sabi ni Madam Bhoxz Chris, ang number one sources ng chismis, charot! andito kasi kami sa salon, tutal wala naman akong trabaho, I mean wala talaga. kakagraduate ko lang ng college, kaya wala pa talagang trabaho at rumaraket lang sa salon ni mother LuLu.
"sila ho ang matakot sa akin, masyadong makamandag ang kagandahang taglay ko 'no" ako na ang nagbuhat ng buong sala dahil sa kahanginang taglay ko, hindi nalang umimik si mother pero eto si bhoxz chris ang lakas makatawa.
"may salamin ka ba sa bahay ninyo ija? masyado kang feeling maganda"
"kesa naman sa'yo, masyadong chismosa" bulong ko sa sarili ko, kunot noo akong nagtitipa dito sa phone ko nang makita ko sa notification kong nagupdate sa message board itong si GvesSWho.
ilang araw din akong walang balita sakaniya, bakit kaya siya biglang nawala at hindi nagparamdam?
noong nakaraang araw ko pa siya iniinstalk, noong january lang niya ginawa yung account niya, tapos purple lang yung kulay ng profile niya, walang nakalagay sa reading list at ako lang ang isa niyang pina-follow.
tutal wala naman akong customer ay binasa ko yung message board, it's his first message on his message board.
"parang gusto ko ng malagay sa tahimik"
mabilis naman akong nagreply
>Gilamorous101: bakit gusto mo na bang mamatay GvesSWho?
> GvesSWho: hmp ang bad mo!
>Gilamorous101: I'm a bad gurl rawr!
naghintay ako ng reply niya, pero mukhang naging busy na naman ang kausap kong ito kaya ieexit ko na sanang muli pero biglang nagnotif sa akin ang reply niya.
>GvuesSWho: yes I wanna die
.
.
.
.
.
I wanna die in your arms beybe
sandali akong napatitig sa message niya, umiling-iling akong tumungo sa isang table at aminin ko man o hindi ay hindi ko mapigilang mapangiti sa biglaang pagbanat n'ya . tangina galing naman bumanat ng babaeng ito.
hindi ko mapigilang parang tangang ngumiti habang binabasa padin yung reply niya, tangina kasi ang lakas ng epekto, ang lakas bumanat eh!
babae ba talaga 'to?
"ay oh! ano 'yang pangiting ngiting iyan oh?" pinilit kong mag-poker face nang makita ako ni mother Lulu na parang tangang nakangiti, pero hindi ko talaga mapigilan at lalo lang lumalawak ang ngiti sa aking labi. tinusok-tusok pa ni Bhoxz Chris yung tagiliran ko habang may nakakalokong ngiti sa mga labi nila.
kaya ayokong nakikita nila akong nakangiti habang nagse-cellphone eh
"aysus! mother dalawa lang iyan! its either si Myl ng trabaho o ng boylet" napailing nalang ako dahil sa pang-aasar ni Chris, mga baklang ito, masyadong advance mag-isip!
tapos ay parang mga lukaret na kumakanta ng mr. kupido,
"wala akong boylet, n-nagbabasa lang ako ng wattpad" pagpapalusot ko, pero alam ko naamng hindi nila iyon kakagatin dahil kita sa ekspresyon nila.
I typed once again, smiling like an idiot.
>Gilamorous101: hoy ghorL hindi tayo talo! hahahaha
natatawang reply ko kay GvuesSWho,even we lost communication for a couple of days, the happiness and excitement is still the same.
>GvuesSWho: lalaki ako hmp. hindi ako babae, hindi rin binabae, pero pwedeng ikaw ang babaeng para sa'kin ( ̄y▽, ̄)╭
napahalakhak ako nang mabasa ko yung message niya, binasa ko iyon ng paulit-ulit, tangina seryoso bang lalaki siya? akala ko..... akala ko babae siya! what the hell! seryoso ba talagang lalaki siya?
> Gilamorous101: seryosong lalaki ka
> GvuesSWho: YES (ง •_•)ง
> GvuesSWho: hindi lang lalaki, gwapoging lalaki (/ω\*)......... (/ω•\*)
> GvuesSWho: masyado akong naging busy this fast few days, buti nalang gwapogi parin ang handsomeu faceu ko
> GvuesSWho: alam mo ba sabi nung kaibigan ko ang weird ko daw, hindi niya alam matagal na
>gilamorous101: HAHAHAHAHA tanginang 'yan hindi ko alam kung bakit ako natawa pero nakakatawa talaga HAHAHAHA
>GvuesSWho: naiinis ako, badtrip talaga!
>gilamorous101: bakit? kasi gwapo ka? tss. sorry pards pero mas gwapo si taehyung
¯\_(ツ)_/¯
>GvuesSWho: hindi 'yon, and please, gwapo ako, mas gwapo pa ako dyan sa idol mo lol
>GvuesSWho: 'yung kaibigan ko nakaka- badtrip, pinatay ba naman yung ipis na nasa loob ng kahon ng posporo, ireregalo ko pa naman sana sa isang kaibigan kong duwag HAHAHAHAHA.
>gilamorous101: HAHAHAHAHAHAHA TANGINA MO
>GvuesSWho: hey! that's bad u know?
>GvuesSWho: don't worry I love you too ^_~
> gilamorous101: ang pa-fall mo koyah, may girlfriend ka ba? alam n'ya ba 'to?
>GvuesSWho: ikaw
> Gilamorous101: anong ako, koyah tigilan mo ako HAHAHAHAHA
>GvuesSWho: ikaw ang pyutur ko hehehehe
>GvuesSWho: pyutur kalaro sa mga gagamba HAHAAHA
>GvuesSWho: kbye *(੭*ˊᵕˋ)੭*ଘ
ººººººº
A/N: Hola! how was the chapter two? did you enjoy it? I hope you did like how I enjoy writing it. kayo ba, naranasan n'yo na bang magkaroon o makausap ng stranger sa online? yung pakiramadam na kakakilala n'yo palang pero sobrang close n'yo na agad at magaan ang loob n'yo sa isa't-isa? comment n'yo naman, I really want to know your experiences :>
don't forget to vote and share. keep safe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro