Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01

M Y L

Message board:

3 am thoughts:
"bakit pakiramdam ko pinagsisiksikan ko lang ang sarili ko sa iba?"

so ayown nga mga ka-twerk, nabasa ko lang iyan sa isang librong binabasa ko, lakas maka-hugot eh, ang lalim ghorl! mas malalim pa sa eyebag ko, mas malalim pa sa boses ni Taehyung

pero wala ng mas lalalim pa sa pagmamahal ko kay Taehyung witwiw!

Pailing-iling kong itinapon ang cellphone ko sa aking tabi, nakalagay parin ang malapad na ngiti sa aking labi.

Tangina kasi yung epekto ni Taehyung eh, alam kong may pagka-abnoy si Taehyung, pero nakaka-abnoy din yung epekto niya sa akin?

Gets nyo ba? Okay lang kahit hindi. Kasi sabi nga nila, ang pagmamahal kumplikado, mahirap ipaliwanag.

Parang yung nararamdaman ko, nakaka-abnoy, yung tipong bigla nalang akong mapapapikit at magmumura sa tuwing makikia kong nagpost siya ng selca niya.

Tangina, taehyung ano bang ginamit mong gayuma sa akin at nagiging abnoy narin ako? Pero syempre magandang abnoy!

Juicecolored! Kung mapapangasawa ko talaga in the future si Taehyung, nakow! Papakainin ko ang buong barangay namin.

Pero syempre imposible naman iyon, kasing imposible na magkaroon ako ng pakpak para lumipad. Ganoon ka-imposible

Mabilis akong napatingin sa screen ng phone ko, nang may nag-pop out. Galing sa wattpad.

GvesSWho started following you

I smiled. It's been a long time since someone followed me again in this account.

Sana naman mabasa n'ya rin yung mga stories ko, yes! It's a big YES. Isa akong writer sa wattpad, matagal na, mas lalo lang nagkaroon ng time ngayon kaya natapos ko na yung pinaka-una kong fanfiction ni Taehyung.

Being underrated writer wasn't easy, not all people wanted to read your story, even if it's a masterpiece, mas ginugusto ng ibang basahin ang gawa ng mas kilalang manunulat kesa sa mga baguhan.

Although, hindi ko naman nilalahat, kung sabagay mayroon naman tayong lahat na karapatan upang basahin ang ninanais natin.

Iyon nga lang, masyadong masakit para sa underrated writer na kagaya ko. ako lang naman ata yung underrated writer na nasasaktan.

Gilaroumous101 ang username ko sa wattpad. Muli akong napangiti habang nagpaikot-ikot sa aking malambot na kama nang makita kong magcomment si GvesSWho sa unang chapter ng story ko.

"Well sa tingin ko masarap maman ang kulangot ni Taehyung"
Isang malakas na tawa ang bumalot sa aking silid, ano daw? Seryoso ba siyang masarap yung kulangot ni taehyung?

Nag-comment kasi siya doon sa tinanong ko sa story ko.
"May mas sasarap pa ba sa sundot kulangot?"

'Yung sundot kulangot ay masarap na minatamis na binebenta ni Manong Cardo noong elementarya palang ako.

Pinunasan ko ang natuyong luha sa gilid ng mata ko, tangina, hindi ko inaasahan 'yung sagot niya.

Mabilis kong tinipa ang keyboard para magreply sa kan'ya.

"pati si taehyung masarap HAHAAHAHA joke lang po"

"natikman mo na ba yung kulangot niya?"

mabilis naman akong nakakuha ng reply mula dito sa bago kong follower, hindi ko alam kung bakit, pakiramdam ko napakalapit namin sa isa't-isa at talagang magka-vibes kami at game na game ako sa mga kalokohan niya

is it too early to say these things?

"rawr rawr rawr RAWR"

"nasasarapan ka pala sa akin ah ha ha ha"

kumunot ang noo ko sa pinakahuli niyang reply, siya? paanong siya? mukha ba siyang si taehyung? bigla akong natawa sa isiping iyon.

masyado namang joker 'tong si ate mong ghorl GvesSWho. marahil ay isa rin ito sa mga katulad kong fangirl, at asawa ng bangtan na kami-kami lang naman ang nakaka-alam.

magrerepky na sana ako, pero bigla namang nawala yung pinakahuli niyang nireply, nirefresh kong muli ang phone ko, pero wala na talaga ang comment niyang iyon.

"siguro binura na niya?" isip-isip ko.

"HAHAHAHA"

"masarap si taehyung, pero mas masarap yung kulangot niya lalo na kapag pinalaman sa tinapay" reply n'ya

tangina, ang weird naman ng fangirl na ito, ano bang klaseng tinapay? yung pandesal na malunggay flavor o yung pandesal ni jimin? yieee~ kenekeleg nemen eke dyen.

"ang sakit sa dibdib kung hindi ko aaminin na big fan ako ni taehyung sweggy baepsae beybe" pagbasa ko ng malakas sa comment niya, parang mapupunit yung labi sa sobrang laki ng ngiti.

"bakit may dibdib ka ba ghorl? sana all, ako kasi wala HAHAHAHA" reply ko naman, hindi ko namamalayan ang oras at mag-aalasdose na pala, ganoon ba kami katagal na nagpapalitan at naghihintay ng reply ng isa't-Isa?

"pa-vulcanize mo HAHAHAHA"

"Joke lang, labyu"

bilis naman ng aylabyu nito eh samantalang Kakakilala palang namin ngayon?

last reply na ito, kailangan ko ng matulog dahil may mahalaga akong lalakarin bukas, kahit gusto ko pang makipag-usap sa kung sino man itong GvesSWho na ito.

"luh papol ka GhorL?" mabilis kong reply.

muli itong nagreply, napaka-bilis naman niyang mag-reply, wala ba siyang ginagawa at sobrang bilis naman niyang magreply? o baka naman patulog na siya katulad ko?

muling may nag-pop out sa aking phone,message galing sa isang co-army ko at isang napakalapit na kaibigan sa akin simula junior highschool palang. Si Arya, ngunit hindi ko inaasahang ikakagimbal at magigising ang kaluluwa ko sa message niya.

ARYA: ineng? nakita mo na ba? alam mo na ba? huh?

AKO: ghOrL kung alam kong maganda ako, matagal na, jusko!

sigurado ako, kung kasama ko lang siya ngayon dito ay sinabunutan na niya ako.

ARYA: you mean maganda ang kalooban? HAHAHAHA

ARYA: late ka na nga sa balita

ARYA: dai! balitang-balita na meron daw wattpad account si Kim Taehyung! putangina!

napabangon ako habang paulit-ulit binabasa yung message ni Arya, hindi kaagad nag-sink in sa akin 'yung sinabi niya at para bang napaka-tagal magproseso ng utak ko. pero tangina, kung totoo man iyon, jusko!

madami siyang mababasang libro mula sa malilikot at malikhain at pilyang isipan ng mga writer dito.

AKO: legit ba iyan?

paninigurado ko kay arya, although I've known her for how many years, her news was very legitimate and trusted, but still I wanna make sure of it.

ARYA: idunno, pero pinaguusapan kasi eh, tsaka tignan mo 'yung isesend ko sa'yong picture, medyo blured pero makikita mo kasi doon yung icon ng wattpad, pota yung puso ko ayaw kumalma!

bigla tuloy akong napaisip kung may chansa kayang mabasa din niya yung fanfictions ko tungkol sakan'ya? umiling-iling ako at pinilit iniwaglit sa isipan ko iyon, masyadong imposible, hindi marunong magtagalog si taehyung at milyon-milyon ang gumagamit ng wattpad, napakaraming libro ang maari niya doong mabasa.

pumunta kaagad ako sa wattpad, hindi ko mapigilang tumili-tili at magmura dahil hindi ko alam kung totoo ba ang nasagap kong balita, pero tangina may picture talaga ni taehyung. oh my packing packing tape!

binasa ko muna yung reply ni GvuesSWho bago ako muling magsulat sa message board, sabi ko matutulog ako ng umaga pero tangina, ala-una na pero mulat na mulat parin ang mga mata ko.

kusa akong napangiti nang makita yung reply ni GvuesSWho

"magingat ka, baka mahulog ka" umiling iling ako sa comment n'ya. mahulog saan? sa kanal? sa basurahan? sa hagdan? sa upuan? o kay Taehyung? yieeee~ syempre mas gusto kong mahulog kay taehyung, mas bet kong mahulog sa bangtan!

at least sa tamang tao diba?

hindi nalang ako nag-reply dito at impit na nagtititili habang nagtitipa ng phone, ramdam kong tumulo na yung luha sa aking kaliwang mata dahil sa sobrang saya, sa excitement na nararamdaman ko sa aking dibdib.

Message board:

juscolored! mga ka-twerk totoo ba itong nababalitaan ko? hindi, hindi iyong maganda ako, alam ko na iyon, matagal na, totoo ba? totoo bang may wattpad account si bebe alien pero labidabi kong si Taehyung? omaygas, oh my packing packing gas!

TANGINA YUNG PUSO KO!

tumili lang ako ng tumili habang tinititigan parin yung picture na ipinadala ni Arya sa akin, wala naman akong pake kahit tumili ako ng tumili, dahil magisa lang naman ako.pero tulad nga ng sinabi ni Arya, hindi rin naman iyon sure at baka nga mali lang.

inilagay ko nalang yung phone ko sa gilid ng aking kama at pinatay na yung lampshade para maghanda na sa pagtulog, tangina kasi, madaling araw na pagising na nga lang ang lahat, samantalang ako, patulog palang.

nakita kong biglang nagopen yung phone, hindi, hindi ito dahil sa may multo o minumulto ako, jusko! hindi ito horror story! sadyang hindi lang talaga maingay ang wattpad pag may notification, kinuha kong muli ang phone ko.

"GvesSWho replied to Gilaroumous101 profile"

mabilis ko itong binuksan at binasa ngunit hindi ko alam na mas lalo lang pala akong hindi papatulugin dahil sa sinabi nito.

Message board:

juscolored! mga ka-twerk totoo ba itong nababalitaan ko? hindi, hindi iyong maganda ako, alam ko na iyon, matagal na, totoo ba? totoo bang may wattpad account si bebe alien pero labidabi kong si Taehyung? omaygas, oh my packing packing gas!

TANGINA YUNG PUSO KO!

> GvesSWho: hahahaha ngayon mo lang ba nalaman? matagal na, matagal na ^_~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro