Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2. Lullaby

Laking tuwa't para akong nakahinga sa pagkakasakal ng sabihin ng aking mga magulang na may bagong bahay na kaming malilipatan at aalis na sa puder ni lola Vena. Sa dalawang taong paninirahan namin doon ay nakaranas kami ng kapatid ko ng pangmamalupit.

At hindi alam kung bakit ganoon na lang ang trato ni lola sa'min na parang hindi niya kami apo o kadugo man lang. Napapahagulgol na lang ako tuwing naalala ang mga masasakit niyang pananalita, mas masakit kaysa mga latay na aking natatanggap.

Sampung taon pa lang ako ngayon ngunit grabe na ang pinagdaanan ko sa mga taong inaasahang kong magmamahal din sa'min. Wala akong mapagsabihan ng sama ng loob at kinimkim na lang ang lahat dahil ayoko pang dumagdag ito sa problema naming pamilya. Alam ko kasing abala si mama sa trabaho niya bilang guro habang si papa naman ay aircon technician sa Saudi kaya kami lang ng kapatid kong si kuya Red ang madalas magkaramay.

"Violet anak, ayos ba sayo ang lugar?" tanong ni mama.

"Opo! okay na okay!" masayang tugon ko.

Nilibot ko ang bagong bili naming bahay, hindi nga lang ito kasing lawak ng bahay ni lola pero masasabi kong magiging payapa ang kalooban ko rito. Bungalow type ang bahay malawak ang bakuran para pagtamnan ng halaman at gulay.

Ang gate naman gawa pa lamang sa kawayan sapagkat nakulangan sa budget sa pagpapatayo. Naglakad-lakad ako sa lugar at may mangilan-ngilan ng nakitang bahay habang ang iba'y under construction pa.

"Anak, tulungan mo muna kami ipasok ang mga gamit mamaya ka na mamasyal," tawag ni mama kaya agad akong tumakbo pabalik para tulungan silang magpasok ng mga gamit.

Gabi nang maasikaso ko ang aking magiging kwarto at dahil hindi pa naman ako ganoong kapagod ay pinagtiyagaan kong tiklupin ang ilang damit at isalansang sa drawer, habang ang uniform at ilang panlakad ay hinanger ko sa loob closet.

Habang naglalagay ng bedsheet ay may napansin akong dumaan sa bintana kaya agad ko itong sinilip. Inikot ko ang paningin sa labas ng bintana ngunit walang tao.

"BOOO!!!"

Napitlag ako't napatili ng malakas.

"Ano ka ba naman kuya! nakakainis ka! pumasok ka na nga rito!" iritabling sambit ko.

Tanging hagikgik lang galing sa kanya ang natanggap at sa banas ay isinara ko na lang ang bintana at pinagpatuloy ang pagsasaayos ng bedsheet.

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

Laking pagtataka ng makarinig ako ng mahina't tila kumakanta sa kung saan. Napakamot na lang sapagkat di ko matukoy kung saan iyon nanggagaling. Hindi ko na lang iyon pinansin at ibinalik na lang ang atensyon sa paglalabas ng ilang gamit sa karton.

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

"Ma, ikaw ba yan?" tanong ko habang abala sa paglalagay ng mga libro sa book shelf.

Mas luminaw at lumalim pa ang boses na narinig dahilan para magsitayuan ang mga balahibo't makaramdam ng panlalamig ng batok. Sinubukan kong hindi mag-isip ng negatibo't nakakatakot ngunit sadyang malakas ang kawala ng daga sa aking dibdib.

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

Ayan nanaman ang tinig kahit anong takip sa aking tainga ay mas lalong lang umaalingawngaw ito kaya napikit na lang ako't nagdasal.

"Violet!"

"Kuya Red, Nasaan ka?!" aligagang tanong ko. Pagdilat ay agad akong nagpalingalinga para hanapin ang kapatid ngunit wala siya sa paligid.

"Nandito ako..."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig at napag-alaman kong nanggagaling iyon sa loob ng closet. Natawa na lang ako't kaswal na nilapitan na iyon na parang walang nangyari. Pagbukas ay nanlaki ang mga mata't mistula akong binuhusan ng malamig na tubig.

Tumambad sa akin ang nakaupong sunog na katawan ni kuya Red nakatitig ito sa'kin na may mapupulang mata't nakangiti ng wagas.

Napatakbo ako ng mabilis palabas ng kwarto't nagsisisigaw ng malakas at paspasang dumiretso sa kwarto nila mama't papa.

"Ma! Pa! si Kuya Red! si kuya!" hingal at humihikbing saad ko habang nakayakap sa nakahigang si Mama ngunit wala siyang naging reaksyon.

Hindi ko rin sila masyadong maaninag sapagkat patay ang ilaw sa kwarto ngunit alam kong naroon sila. Tumayo ako't binuksan ang ilaw. Napabalikwas ako paatras at nanginig ang buo kong katawan.

Mistula akong nababaliw sa nasaksihan, hindi ko na maipaliwanag ang nangyayari halos sabunutan ko ang aking buhok at masampal ng malakas ang mukha upang magising.

Nasa harapan ko ngayon ang sunog nilang mga katawan at namumula ang mga mata na tila nakatitig ng masama sa akin habang nakangiti ng wagas. Sa sandaling iyon ay unti-unting bumabalik ang ilang tagpo sa aking utak.

* * *

"Tang ina kang bata ka! demonyo ka talaga!" nanggigil na wika ni lola habang kinakaladkad ako sa buhok papasok ng bahay. Sa sobrang sakit ay pakiramdam ko'y tila mapupunit ang aking anit sa lakas at walang awa niyang paghila.

"Lola tama na po! hindi ko sinasadya," pagsusumamo ko habang hinahambalos niya sa akin ang isang dos por dos.

"Walang hiya ka! napaka hayop mong bata ka! ang dapat sayo mamatay!" sobrang ngitngit niyang bulalas. Sa bawat hampas ay napapaluktot ang aking mura at patpating katawan sa labis na parusa. Hampas dito hampas doon, walang tigil. Pakiramdam ko'y nagkabali-bali na aking buto. Puros pasa at duguan na ang sinapit. Pinilit ko pang tumakbo hanggang sa nawalan na ako ng malay.

* * *

"Iha, sige na uminom ka ng gamot para mabilis kang gumaling," pakiusap ng nurse. Dahan-dahan kong ibinuka ang aking bibig at ngumiti ang babaeng nurse sabay subo sa akin ng medicine dropper sabay pisil nito sa lamang gamot. Sunod niyang itinapat sa bibig ko ang isang basong tubig na may straw at dahan-dahan ko iyong sinipsip.

"Kung may kailangan ka pa ipush mo lang button," wika niya at umalis na rin sa kwarto. Nanatili akong nakatulala sa puting pader ng ospital habang iniinda ang mga bugbog, pasa at bali sa katawan. Nangingilid ang mga luha sa aking mata. Nanginginig ako sa tindi pagkapoot tuwing sumasagi sa aking isipan ang paulit-ulit na mga pangyayari.

* * *

"Pa, huwag po!" pagsusumamo ko.

"Mabilis lang toh!"

"Parang awa mo na pa!" pahagulgol kong sagot.

"Putragis ka! magtigil ka sa kakaiyak!"

Ginawan niya ako ng kababuyan, ang sarili kong ama. Sobrang nandidiri ako sa kanya. Sa sarili ko, gusto ko na lang mamatay ng mga oras na iyon.

"Subukan mong magsumbong! papatayin ko kayong dalawa ng mama mo!"

Nakauwi nga siya ng Pilipinas ngunit 'di ko akalain ganitong kasaklap ang aking kahahatungan sa kanya. Nagpaulit-ulit ang kamunduhan niya. Pakiramdam ko'y manhid na ako, sinubukan kong isumbong iyon kay mama ngunit hindi niya ako pinaniwalaan kahit si kuya hindi ring naniwala at dumating din sa puntong pati rin siya'y nagpakasasa sa akin. Ano pa ba nga bang magagawa ko? marumi na ako... basura... imoral! hinayaan ko na lang silang pagkasawa at babuyin ako.

* * *

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

"Iha... hindi kita matutulungan kung hindi mo rin tutulungan ang sarili mo," wika ng babaeng nakaputi, marahil isa siyang pyschiatrist, doktor o kung ano man. Tulala lang akong nakikinig. Walang pakialam. Lumilipad ang isip. Litong-lito. Natatawa. Habang napapakanta ng himig na palagiang umaandar sa aking utak na mistulang sirang plaka.

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

"Yan ba ang kinakanta ng mama mo sayo?" tanong niya.

Napatango ako at napangisi. Sinimulan kong ikuwento sa kanya ang lahat-lahat. Walang labis, walang kulang. Kung papaano ako maltaruhin ni lola ng tumira kami sa puder niya ng dalawang taon.

Akala ko'y matutuldukan noong lumipat kami ngunit mas lumala pa ang sitwasyon. Sina papa't kuya... binaboy nila ako, kaya hindi ako nagdalawang isip na sunugin ang bahay kasama sila.

Ikinadena ko ang mga pinto para talagang hindi sila makalabas. Sobrang sarap sa pakiramdam kung papaano sila magmakaawa't masunog ng buhay. Bumalik ako sa bahay ni lola at inamin sa kanya ang nagawa.

Binugbog niya ako ngunit sinigurado ko munang bago niya ako mapatay ay mauuna muna siya sa akin sa impyerno. Pinalitan ko kasi ang gamot na kanyang iniinom, halos magalak akong makita siyang nangingisay at bumubula ang bibig habang kumakanta ng paboritong himig.

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

Niyakap ako ng babaeng nakaputi at hinimas-himas ang aking likod.

"Napakabata mo pa para dumanas ng ganitong paghihirap," mahinang usal niya. Gumanti ako ng yakap... puno ako ng pighati't kawalang pag-asang makabangon pa.

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

mahinang niyang paghele. Kasabay ng pagsara ng aking mata.

"DIOS KO PO!! DOK!!"

"ANG PASYENTE!! NAGPAKAMATAY!!" sigaw ng nurse pagpasok nito ng silid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro