Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1. Wishing Well

Tirik man ang araw ay 'di ito alintana ng mga taong namamasyal sa naturang parke at kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkalibang. At gaya ng karamihan ay ganoon din pananaw ng magkaibigang Rita at Lyza.

"Napakaganda talaga rito!" wika ni Rita habang nagpapaikot-ikot na parang bata.

"Eh bakit noong una aayaw-ayaw ka pa ha?!" wika ni Lyza at agad niyang kinunan ng litrato ang kaibigan sa kanyang dslr.

Ngumiti't pumosisyon naman si Rita bago tinugan ang kaibigan, "Buti na lang talaga pinilit mo ko bes!"

"Mga miss beautiful, drinks niyo!" sigaw ni Noel sa mga kasamahaan at hindi alintana ang ilang taong napatingin sa kanya. At nang natawag na nito ang kanilang atensyon ay kumaripas na lang ito ng takbo sa kinatatayuan ng dalawang dalaga. Unang inabutan ni Noel ang kasintahang si Rita habang si Lyza'y patuloy lang sa pagkuha ng larawan.

"Thank you, babe," may lambing na saad ni Rita sa kanyang kasintahan.

"Uy bes! huwag mo naman kaming kunan ng hindi pa nakakapagpose ng maayos, baka mamaya ang pangit ko diyan ha!" puna ng dalaga sa kaibigan ngunit binigyan lang siya nito ng makabuluhang ngiti.

"Patingin kami ng mga pictures," pakiusap ni Noel sabay ngiti.

"Sa akin nga ayaw ipahawak 'yang camera eh sayo pa kaya!" bulaslas ni Rita.

"Ipopost ko naman sa facebook at instagram. Itatag ko na lang kayo," wika ni Lyza na may matipid na ngiti.

"Ang daya bes ha, pa suspense ka lagi masyado!" nakangusong tugon ng dalaga.

Matapos ang kaunting paglilibot ng magkakaibigan ay pinuntahan na nila ang sikat na atraksyon ng parke; Ang wishing well. Pinaniniwalaang na kung mag-aalay ka ng barya dito ay matutupad ang iyong pinakamimithi ngunit bago ka makahiling ay kakailanganin mo munang pumila ng pagkahaba-haba sapagkat sa dami ng gustong sumubok at nagbabakasaling matupad ang kanilang hiling. Mahigpit din itong binabantayan sa kadahilanang marami ang nakakaaksidente rito buhat ng magbukas sa publiko ang nasabing mahiwagang balon. Sa ilang minutong pagpila nila'y nagawa na nilang makalapit at makapaghulog ng barya.

"Anong wish mo bes?" tanong ni Rita.

"Secret," tugon ni Lyza sa kaibigan.

"Pati ba naman sa'kin naliliham ka!" wika ni Rita sabay busangot ng mukha. At nagtawanan na lang silang ang dalawa.

* * *

Pagkauwi ni Lyza ay dumiretso agad siya sa kanyang kwarto at ibinagsak ang nananakit na katawan sa kama. Panandalian tinitigan ng dalaga ang puting kisame at pagkatapos ay saka kinuha ang camera. Doon ay tinitigan niya ang mga nakuhang larawan--- ni Noel.

Sa matagal na pagtitig niya sa isang larawan ay biglang sumagi sa kanyang isipan ang naging kahilingan niya sa balon. At ito ay ang kamatayan ng kanyang matalik na kaibigang si Rita na umagaw sa lihim at matagal na niyang sinisintang si Noel.

At habang patuloy niya itong naiisip ay napupuno siya ng ngitngit at matinding poot na matagal niyang kinimkim sa kaibuturan ng kanyang puso nagawa pa niyang ibagsak ang camera sa kama't nagtakip ng mukha ng unan. At upang mahimasmasan ay nagtungo na lang siya sa banyo na tumagal din ng ilang minuto kasabay ng pagkarinig niya ng sunod-sunod na mga katok sa pinto ng kanyang kwarto.

"Anak, lalabas lang ako... " bigkas ng kanyang mama na sa pagkahilo'y hindi na niya masyadong naintindihan ang iba pa nitong sinabi.

Lumabas ang dalaga sa banyo na nakahawak ang kamay sa ulo. At naupo sa gilid ng kama't nagsimulang makaramdam ng kakaiba. Noong una'y pinagsawalang bahala niya lang ito hanggang sa makarinig siya ng papalapit na yabag sa likod ng pinto ng kanyang kwarto.

"Ma, ikaw ba yan?!" pasigaw niyang tanong, ngunit bigo siyang makarinig ng tugon. Papalapit na sana siya sa pintuan ng biglang makaramdam ng biglaang pagkirot ng sentido.

Napatigil lang ang dalaga at napabalikwas paatras sa gulat ng kalampagin ng malakas ang pinto ng kanyang kwarto. Sa tindi ng pagpuwersa halos parang magigiba na ito.

Sa mga sandaling iyon ay sobra na siyang pinagpapawisan ng malamig at hirap makahinga kasabay ng lalong paglakas ng kabog ng dibdib. Ilang segundo rin tumagal iyon hanggang sa panandaliang humupa ang ingay ngunit nanatili siyang alerto at nakatitig sa pinto, sapagkat alam niyang may kung sino ang nais pumasok at gumawa sa kanya ng masama. Sobrang tuliro na siya't hindi makapag-isip ng maayos na may kasamang matinding panginginig ng katawan.

Ang panandaliang katahimikang iyon ay mas nagpapadagdag sa matindi niyang kaba. Maya-maya pa't biglang pumihit ang saradora at naalis sa pagkakalock nito. Bumukas ang pinto't tumambad sa kanya ang imahe ng isang babae.

At nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita, balewala ang pagsigaw sapagkat walang boses ang lumalabas sa kanyang bibig. Ang wasak nitong mukha ang nagbigay sa kanya ng mas matinding panginginig habang paika-ika nitong tinungo ang kinatatayuan niya habang bumubulwak sa kanyang bibig ang naghalong itim at pulang dugo at mistulang may sinasambit na mga kataga.

At biglang kumirot ulit ang kanyang sentido dahilan para mapapikit siya. Sa kanyang pagmulat ay wala na ang nakakatakot na babae. Dahil doon ay napatakbo siya palabas ng kanyang kwarto at sa taranta'y natapilok ang dalaga pababa ng hagdan dahilan upang mawalan siya ng balanse't gumulong pababa.

* * *

"Ma?" nanghihinang saad ni Rita habang hirap sa pagdilat ng mga mata.

"Diyos ko anak! kumusta ang pakiramdam mo?!" wika ng kanyang mama habang bumubuhos ang matinding emosyon nito.

"A-ano pong nangyari?" sobrang pagtatakang tanong ni Lyza.

"Ikinalulungkot kong sabihin sa'yo anak. Patay na si Rita," wika ng kanyang mama. Bakas sa mukha nito ang pighati't pagkabigla sa narinig.

"Hindi po totoo yan?!" gulat na tugon ng dalaga. Agad pumasok sa isipan niya ang tungkol sa balon at ang kanyang hiniling.

"Oo, anak..."

"P-pero, papaano?" mangiyak-ngiyak na wika ni Lyza. Matagal ang pag-imik ng kanyang ina hanggang sa tuluyan na nitong isiwalat ang nalalaman.

"Pinatay mo siya anak." Ang rebelasyong iyon ng kanyang mama ay ang nagpayanig sa buo niyang pagkatao.

"Anak, may nakitang parapernarya sa loob ng banyo ng kwarto mo. Bakit anak? bakit kailangan mong humantong sa paggamit ng droga?!" walang tigil ang pag-iyak ng kanyang ina. Habang unti-unti ring bumabalik sa kanyang alaala ang lahat.

* * *

"Anak, lalabas lang ako... nandito si Rita sa baba."

Pagkaalis ng mama ni Lyza ay nanatiling nakaupo ni Rita sa sofa habang inaaliw ang sarili sa pagbabasa ng comics at ilang magazine ng makarinig siya ng malakas na ungol sa itaas. Pamilyar ang boses na iyon sa kanya kaya naman nagmamadali siyang pumanik at tinungo ang kwarto ng kaibigan.

"Bes, ok ka lang ba?! anong nangyayari diyan?!" aligagang wika ni Rita.

Halos kalampagin niya ng malakas ang pinto sa labis na pag-aalala. Naisip bigla ng dalaga na may spare key sa bawat kwarto na nakalagay sa drawer ng sala. Alam niya ang bagay na ito sapagkat pangalawang bahay na niya ang tahanan ni Lyza. Agad niya itong kinuha at binuksan ang pinto.

Doon ay nakita niya ang kalunos-lunos na hitsura ng kaibigan. Namumula ang mata, tumutulo ang laway at bagsak ang balikat na animo'y lantang gulay.

Sa paglapit niya sa kaibigan ay biglang nanlisik ang mga mata nito at hinampas ang hawak na camera. Sa lakas ay natumba ang dalaga sa sahig. Dinaganan siya ng kaibigan at walang habas na pinaghahampas ulit ng camera sa mukha. Walang tigil.

"B-bes" huling kataga ni Rita bago tuluyang nalagutan ng hininga.

* * *

"Ba-bakit mo nagawa iyon Lyza? alam ni Rita ang nararamdaman mo para sa akin, hiniling pa niya sa balon na sana matagpuan mo na ang lalaking para sayo," humihikbing sambit ni Noel. Nanlumo si Lyza sa nalaman. At walang tigil ang pagbuhos ng kanyang mga luha habang bumubulong ng malakas sa sarili.

"Sana..."

"Sana..."

"Isa lang itong masamang panaginip."

"Uy! bes turn mo na! tulaley ka na lang ba diyan sa harap ng balon. Nagagalit na yong mga nasa likod natin," bulyaw ni Rita.

Napapatitig na lang si Lyza sa kaibigan at dahan-dahan humalik sa pisngi nito ang mga luha galing sa kanyang mga mata. At buong hinagpis niyang hinagkan ang kaibigan ng mahigpit.

"Bes? may problema ba?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro