Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Last Chapter

Diary
October 6, 2021 | 6:00 AM

--

Hi, Diary!

Kumusta ka na? Halos ilang buwan din kitang hindi nasukahan.

Napakaraming nangyari sa buhay ko, gusto mo i-kwento ko ang buod sa 'yo?

Hindi ko inaasahan ang pag-chat ni Froilan sa GC namin para ayain kami na sumali sa GC nila. At sa buong myembro n'on ay ako lang ang bukod tanging sumali at naengganyong makibahagi dahil wala naman sigurong mawawala, at nakakatuwang tama ako, mas lalo pa ngang sumobra ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon sa buong buhay ko.

Minsan, ang buhay ay susubukin ka, para ipunta ka sa isang sitwasyon na kung saan alam mong ko-kumpletuhin ang kulang sa buhay mo na hindi mo napapansin at alam.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit gayon na lang ang paguugaling pinapakita ni Froi kay Ate Ara, totoo nga na nawalan sila ng anak, dahil na rin sa kawalang alam ni Ate Ara na nagdadalang tao na pala siya. Napuno ng galit ang puso ni Froi pero nitong mga nagdaang mga araw ay batid kong nagbabago na siya pero kahit kailan ay hindi naging tama ang sisihin niya si ate sa isang pangyayaring hindi niya naman sinasadya. Pansin din naming ang madalas nilang pagkekwentuhan at pagbisita sa puntod ng kanilang anak, na si Ligaya.

Si Mazu naman ay siya nga pa lang kapitbahay ni Ate Ara na dating may gusto sa kaniya ngunit tinigil daw nito ang panliligaw sa hindi malamang kadahilanan.

Si Rigid at Cater naman ay nabigyan na ng pagkakataon na ilabas ang tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa. Si Estes at Penelope rin na parehas pala ang pagtingin. Si Yin naman ay nasisiyahan pa rin sa buhay single niya, kahit na umamin na sa kaniya si Cazy.

Naalala ko noon ang bagay na tinalakay namin tungkol sa mga paborito naming kulay, lahat nang sinabi nila roon ay napatunayan kong may koneksyon talaga sa buhay nila. Grabe! Hindi ko inaasahan na ang pinakamaliit na detalye pala sa buhay natin ay ang bagay na mas malaki ang naging epekto sa atin.

Mas lalong sumaya ang buhay ko nang pagtagpuan kami ng landas ng ate ko...

Diary, akala ko noon si Ate Ara na ’yon pero nagkamali ako, ang ate ko pala ay si Ate Kerry...

Nakakagulat, hindi ba? Maski ako ay nawindang sa aking nalaman pero si mama na mismo ang nagpatunay na siya nga ito. Ang nakita ko sa litrato ay ang mukha ni Ate Kerry at galing iyon sa bukas niyang bag, wala akong balak mangialam ngunit nakita ko ang isang pamilyar na bimpo na katulad ng sa nanay ko at doon pa lang ay alam ko na.

Nakakaiyak pa lang isipin na minsan ang ibibigay sa ’yong pagsubok ng buhay ay iyong pinakahindi mo pa inaasahan, bagay na hindi pumasok sa isip mo na maaaring mangyari pala, bagay na hindi mo alam kung kailan tatama sa ’yo o kung kailan gugulatin ang buo mong pagkatao.

Katulad nang pagdating sa buhay ko ng isang samahan na hindi ko inaasahan na pahahalagahan at mamahalin ko kaagad sa madaling panahon lamang.

Iyon ang Robynhood.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro