Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven

"Ano ba naman kayong mga bata kayo. Kung kailan may bagyo saka niyo naisipang manguha ng mangga sa manggahan.!"

Panenermon ni Mang Nestor ng makabalik kami sa loob ng beach house. Mabuti nalang at hindi niya nakita yung kababalaghang ginawa namin ni Blaze sa kubo. Naligo kami agad para hindi magkasakit at saka bumalik dito sa sala.

Inilapag ni Manang Joy ang mainit na sabaw sa harap namin ni Blaze na pareho ng nakapaligo at nakabihis. Nakabalot pa rin sa akin ang puting tuwalya dahil nilalamig pa din ako. Malakas pa rin ang ulan at gaya ng sabi ni Mamg Nestor ay may bagyo nga daw.

"Humigop muna kayo ng sabaw hijo. Para mainitan naman kayo.!"

"Thanks !."

Pati ako ay nagpasalamat kay Manang Joy bago ako humigop ng mainit na sabaw.

"Mauuna na kami hija. At walang bantay ang mga baka doon sa balay.,!" Paalam ni Manang Joy.

"Ihahatid ko na po ulit kayo.!"

"Hindi na hijo. Kaya na namin." Pagtanggi ni Mang Nestor sa alok ni Blaze na ihatid sila.

"Siya nga pala, baka hindi kami makapunta dito ni Nestor bukas dahil manganganak na iyong alaga naming baka.! May mga stock na na pagkain diyan sa ref hija. Iluto niyo nalang.!?"

Tumango lang ako sa sinabi ni Manang Joy kahit ang totoo ay wala ang maintindihan dahil bukod sa sobrang lamig ay hindi mawalansa isip ko ang tagpong nangyari kanina. Hindi ko mapigilang hindi mamula.

Nagpaalam na ang mag asawa at kahit na tinanggihan nila ang alok ni Blaze ay nagpumilit pa rin itong ihatid sila sa kanila. Sa huli ay wala ng nagawa ang mag asawa at nagpahatid na kay Blaze. Mabuti na iyon lalo na't medyo madilim na at malakas ang hangin at ulan baka mamaya ay mapano pa ang mag asawa sa daan.

Inubos ko na ang sabaw na inihanda sa akin ni Manang Joy kanina. May isang oras na ang nakararaan at hindi pa nakakabalik si Blaze kaya nagsimula na akong kabahan. Sinilip ko ang binatana at malakas pa din ang hangin at bayo ng ulan. Iniisip ko kung napano na kaya si Blaze at hindi pa nakakabalik. Hindi ako mapakali hanggang sa mapagdesisyunan ko na lumabas. Nag suot ako ng rain coat at saka kinuha ko ang malaking itim na payong sa gilid ng pinto bago ako tuluyang lumabas.

Paglabas na paglabas ko palang ay nanginginig na ako sa sobrang lamig dahil sa pinagsamang lakas ng hangin at ulan. Nakakailang hakbang palang ako ng matanaw ko si Blaze na wala ng dalang payong at basang basa na ito kaya nagmadali akong lumapit sa kanya para payungan siya.

"Ano ka ba naman Blaze, bakit hindi ka nag payong ?."

Pasigaw na saad ko sa kanya dahil hindi niya ako maririnig kapag mahina o normal lang ang pagkakasbi ko, sa lakas ba naman ng ulan ay talagang hindi kami magkakarinigan.

"Nilipad ng hangin, I'm sorry.!"

Hindi na ako sumagot at inalalayan ko na siya papunta sa loob ng beach house. Pinaupo ko muna siya sa isa sa mga upuan sa may dining area.

Dumiretso ako sa taas para kumuha ng tuyong tuwalya pamunas niya. Minamadali ko ang kilos ko dahil baka nilalamig na si Blaze sa baba.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan kong mapalapit ako sa isang lalaki gayong alam ko naman sa sarili ko kung gaano ako kailap sa mga tulad nila. Kaya nga never pa akong nagkaroon ng kasintahan kahit kailan.

Inabot ko kay Blaze ang tuyong tuwalya at nagulat naman ako sa sumunod na nangyari. Tinanggal niya ang basang shirt niya sa harap kaya naman agad akong nag iwas ng tingin.

Bakit ba kasi ang hot tignan ni Blaze kahit na sobrang lamig ng panahon ?. Ugh ! Jackielyn tigilan mo nga iyan.

Napailing nalang ako.

"A-ano .. U-uhmm .. Matutulog na a-ako !?."

Dammit Jackie !? Bakit ka ba nauutal ? Galit na tanong ko sa kanyang sarili. Hindi ko naman mapigilan ang pamumula ng aking mga pisngi lali na ngayon at naalala ko iyong nangyari sa amin sa kubo sa manggahan.

Para akong napaso ng apoy ng hawakan niya ang aking braso. May kung anong kuryenteng dumaloy mula sa aking makinis na balat ng mapadapo ang kamay niya dito.

"T-thanks .!?"

"Y-your w-welcome !?." Kahit na hindi ko alam kung anong pinagpapasalamat niya sa akin. Marahan kong inalis ang braso ko sa kanyang mga kamay at saka naglakad paalis.

Agad kong sinara ang pinto at saka sumandal dito. Pinakiramdaman ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. At grabe para akong naghahabol ng hininga dito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam sa buong buhay ko.

Inlove na ba ako ?

Hindi,

Hindi pa ..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

NAGISING ako mag a-alas diyes na ng umaga. Hindi kasi ako masiyadong nakatulog kagabi kakaisip kay Blaze. Para tuloy akong zombie dahil sa eyebags ko.

Malakas pa rin pala ang ulan.

Bumaba na ako para makakain na ng almusal. Nakaramdam na din kasi ako ng gutom. Naabutan ko doon si Manang Joy na nagluluto ng pananghalian.

"Good Morning po Manang Joy !."

"Mabuti naman at gising kana hija, mag almusal ka na riyan.!?"

"Salamat po, kayo po kumain na po ba ?!." Magalang na tanong ko.

"Tapos na hija, kanina pa. Nga pala si Blaze hindi pa din bumababa hanggang ngayon.!?"

Napakunot naman ako ng noo sa sinabi ni Manang Joy. Ibig sabihin ay hindi pa din ito nakakakain ng almusal. Bakit naman kaya hindi pa ito bumababa ? Imposible namang tulog iyon dahil palaging maaga ang gising noon.

"Puntahan mo nalang siya hija pagkatapos mo dyan .!?"

"Sige po. Ay ! Si Mang Nestor po pala?!. " Tanong ko dahil hindi ko napansin ang asawa nito.

"Naku bumalik sa balay hija, manganganak na ata kasi iyong isa naming baka. !?" Sagot niya habang hinahalo niya ang niluluto niyang sinigang.

"Ahh ganoon po ba ?!."

"Oo hija, kaya baka sa mga susunod na araw ay hindi kami makapunta dito, pero huwag kang mag aalala hija nakapag pamalengke na ako ng mga kakainin niyo. Iluluto nalang. !?"

"Okay lang po Manang, salamat po !?."

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ng almusal. Actually ay wala masiyado akong naintindihan sa sinabi ni Manang Joy okyupado kasi ang utak ko kung ano kayang ginagawa ni Blaze ngayon at hindi pa siya bumababa hanggang ngayon.

Tinulungan ko muna si Manang Joy magluto pag katapos kong kumain. Nag babakasakali kasi akong bababa na ai Blaze pero isang oras nanaman ang nakalipas ay hindi pa rin ito bumababa.

Nagsimula na akong mag alala.

Nagpaalam ako kay Manang Joy na pupuntahan ko muna si Blaze. Habang naglalakad ako ay ramdam na ramdam ko ang lamig ng paligid. Tanghali na pero hindi mo ito mahahalata dahil sa kapal ng mga ulap at lakas ng ulan. Pati ang karagatan ay nag wawala na din. Kailan kaya aalis ang bagyo dito. Wala pang signal hindi ako makapag facebook.

Nang marating ko ang tapat ng pintuan ni Blaze ay nagdadalawang isip pa akong kumatok. Sa huli ay kumatok na din ako ang kaso ay naka ilang katok na ako ay hindi pa rin ito tumutugon. Kaya pinihit ko ang doorknob, mabuti nalang at hindi ito naka-lock.

"Blaze ?."

Tawag ko. Inilibot ko ang paningin ko, napakalinis sa kwarto ni Blaze parang hindi lalaki ang natutulog dito. Kung sabagay ay nagbabakasyon lang naman kami. Nakakahiya naman kung magulo pa ang kwartong tutuluyan namin. Napansin ko namang nakatalukbong pa sa kanya ang kanyang makapal na kumot. Nasarapan siguro ito sa tulog dahil masarap naman talagang matulog ng umuulan.

"Blaze ?!."

No response.

Lumapit nalang ako sa kanya para gisingin nalang siya. Tanghali na kasi at baka nagugutom na ito.

"Blaze ?! Gising na !?."

Tinanggal ko ang pagkakatalukbong niya at laking gulat ko ng makitang nanginginig siya sa sobra at pinagpapawisan ng malamig.

"Omygad Blaze !? Inaapoy ka ng lagnat.!" Nag aalala ng usal ko.

Hindi ko alam kung anong uunahin ko, basta nag aalala ako. Inaapoy siya ng lagnat at hindi ito maganda.

Tinawag ko si Manang Joy para manghingi ng tulong. Seriously, hindi ako marunong mag alaga ng may sakit dahil wala naman akong kasama sa bahay at independent akong tao. Kapag ako naman ang nagkakasakit ay hinahayaan ko nalang ang sarili kong makatulog pagkatapos kong uminom ng gamot, pagkatapos noon kasi ay magiging okay na ako.

"Siguro ay nagpakabasa ito sa ulan."

"Opo. Nilipad daw po kasi noong malakas na hangin iyong payong niya kagabi.!?" Paliwanag ko kay Manang Joy.

"Hala sige, ikukuha ko lang siya ng gamot at ikaw na ang mag painom. Nariyan na din kasi si Nestor sa baba.!?"

Ha ? Pero paano si Blaze ?

"Ipagluluto ko na din siya ng sopas para mainitan ang sikmura niya. Pasensya na hija. Kailangan ko na kasing umuwi. Kailangan ko pang linisan iyong anak ng baka namin.!?" Dugtong pa ng matandang babae.

Ang problema ko ay hindi talaga ako marunong mag alaga ng may sakit.

Itinuro sa akin ni Manang Joy ang lahat ng gagawin ko bago ito tuluyang umalis sa beach house. Actually ay madali lang pala. Mukhang kakayanin ko naman. Natatawa pa nga sa akin si Manang Joy dahil natataranta daw ako na parang ewan. Simpleng lagnat lang naman ang dumapo kay Blaze. Napaghahalataan daw akong sobrang nag aalala. Todo tanggi naman ako pero sadyang traydor ang aking pakiramdam dahil halatang nag bu-blush ako. Sa huli ay tawa ng tawa si Manang Joy at Mang Nestor sa akin.

"T-tubig ..!"

Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang mahinang pag ungol ni Blaze kaya agad akonh lumapit sa kanya.

"T-tubig.!" Ulit niya pa. Agad ko naman siyang binigyan ng tubig. Hinipo ko naman ang kanyang noo. Mainit pa din ito kaya pinunasan ko ito ng basang face towel.

"Kumusta ang pakiramdam mo ? Nagugutom kana na ?!"

"It's c-cold.!?"

Halata namang nilalamig siya. At isa pa, hindi pa rin naman humuhupa ang ulan. Kailan ba kasi aalis iyang bagyo na yan. Ang tagal naman.

Nagpaalam ako sa kanya na kukuha ako ng makakain niya. Pinainit ko nalang iyong sopas na niluto ni Manang Joy kanina.

Nakabalik naman ako agad sa silid niya.

"Kumain ka muna.!"

Tinitigan niya lang ako. Bakas sa mga mata niya na nanghihina ito at walang lakas. Kaya naman umiral nanaman ang pag ka maawain ko at sinubuan ko nalang ito. Actually ay naiilang ako. Lalo na sa tuwing magkalapit kami. Naalala ko kasi iyong nangyari sa amin sa may kubo doon sa manggahan.

"Thanks Jackie.!?" Bigla ay kinilabutan ako dahil feeling ko ay iba ang pag kakabigkas niya sa pangalan ko.

"A-ano .. U-minom k-a na ng g-amot.!?"

Damn Jackie ! Bakit ka ba nauutal.

Naiinis ako sa sarili ko at ilang na ilang na talaga ako. Paano ba naman kasi ay napakalapit namin sa isa't isa. Inabot ko na sa kanya ang isang basong tubig at isang paracetamol. Nang masiguro kong nainom niya na iyon ay lumabas na ako ng kanyang silid.

Grabe !

Napasandal ako sa likod ng pinto niya ng makalabas ako sa kanyang silid. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto niya sa akin pero alam kong iba na talaga ito. At hindi ito maganda. Kahit na hindi ako sigurado sa ganitong pakiramdam ay hindi pa rin ito maari. Masyadong mabilis at ayoko ng iniisip ko.

Ugh ! Ano ba Jackie ! Umayos ka !

Patuloy kong pinapagalitan ang sarili ko habang naglalakad ako papuntang kusina. Nakaramdam na din kasi ako ng pagkagutom sa tingin ko ay ginutom ako ng malagkit na tingin kay Blaze.

Pero may isa pa akong napansin. Parang pamilyar na pamilyar sa akin ang maskuladong amoy ni Blaze. Parang naamoy ko na talaga iyon eh ! Hindi ko lang alam kung kailan at asan.

Blaze ! Blaze ! Blaze !

Maghapong siya ang laman ng isip ko.

*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro