Chapter One
Jackie POV
Papasok na ako sa studio ni manager Chris. Nagtatrabaho ako sa kanya bilang assistant niya. Minamanage niya ang isang modeling company. Kailangan kong magtrabaho ng mabuti para sa sarili ko. Independent kasi akong tao at matagal na akong humiwalay sa mga magulang ko dahil gusto ko namang mabuhay ng malaya. Mayaman naman ang pamilya namin pero wala akong balak pumasok sa negosyo gusto ko lang ng simpleng buhay at ito na ang nakasanayan ko.
Habang naglalakad ako papuntang office ni Manager Chris ay puro mga alaga niyang model ang nakakasalubong ko at isa na doon ang pinaka sikat na si Troy John Suarez o mas kilala bilang TJ Suarez. Crush na crush ko nga si Sir TJ pero may girlfriend na siya at sobrang bait noon dahil madalas dito sa studio.
Isang taon na akong nagtatrabaho dito sa modeling agency ni Manager Chris maraming nagsasabi na bakit hindi daw ako mag pose sa camera at maging model pero wala akong hilig at isa pa mahiyain akong tao. Isa pa mas mabuti ng tahimik ang buhay ko. Naka graduate naman ako ng Fine Arts hilig ko kasi ang pagpipinta. Bukod sa pagtatrabaho ko dito ay napipinta din ako at may sariling flower shop, maliit lang ito at pinsan ko ang laging nagbabantay doon. Workaholic akong tao dahil wala naman akong ibang iniintindi kung di ang buhayin ang sarili ko. Wala naman akong boyfriend ever since dahil wala pa naman akong plano kahit na may mga nanliligaw. Twety-nine na ako at mag thi-thirty years old na pero hanggang ngayon ay virgin pa ako. Hindi ko pa natitikman yung sinasabi ni Aicel na heaven. Aicel is my friend at isa siyang staff dito sa modelling agency na patay na patay sa isang model na si Ervin Alvez. Well gwapo naman yung modelo na iyon pero sadyang malikot lang sa babae. Halos lahat naman kasi ng lalaki sa panahon ngayon ay malikot sa babae kaya ayoko makipag relasyon dahil bihira na ang mga matitinong lalaki sa panahon ngayon. Napapailing nalang ako. Lalo na pag naaalala ko yung dating nanliligaw sa akin na si Japoy isang business man na sa sobrang kamanyakan ay gusto na agad maka home base. Tss mga malilibog nga naman. Ang sarap pag uumpugin!,
Dumiretso na ako sa kwarto kung saan my photo shoot dahil nandoon na daw sina Manager Chris. At pagpasok ko palang ay nahagilap agad ng mata ko si Aicel na kinikilig ng bongga dahil si Ervin Alvez ang nakasalang sa camera at topless pa ito kitang kita ang matipuno niyang katawan. Halos tumulo na ang laway ni Aicel kakatitig sa abs ni Ervin kaya napailing nalang ako at inilapag lahat ng gamit ko sa tabing table na nakita ko.
"Oh, nandyan na pala si Jackie. Siya nalang ipalit natin kay Misty tutal hindi naman ito makakarating."
Nagulat naman ako sa sinabi ni France, isa sa mga photographer at lahat ng staff ay napatingin sa akin even si Manager Chris. Nagtaka naman ako at bakit ko papalitan si Misty. Si Misty ang isa sa mga pinaka sikat na model sa Pilipinas yun nga lang may pagkamatapobre. Nung sumikat na parang baliwala na sa kanya ang studio ni Manager Chris.
"Kalerkey kayo !, Huwag niyong idamay ang assistant ko dito. Maghanap kayo ng ibang model ! Bilis !" Seryosong saad ni Manager Chris, yes isa siyang Dyosa at siya talaga ang dyosa ng buhay ko siya kasi ang laging tumatanggi sa tuwing gusto ng mga photographer na mag model ako. Ayoko naman talagang maging model hindi ko kayang ipakita ang katawan ko sa harap ng camera. Lumapit ako sa kanila.
"Wala si Misty, manager ?"
Tanong ko ng makalapit ako kay manager Chris na hinihilot ang sentido niya.
"Assussual, bwesit na bruhang iyon !, walang utang na loob !"
Inis na sabi ni Manager Chris, tinap ko nalang ang balikat niya at nagpunta ako sa coffee tabke para ipagtimpla siya ng kape. Etong kape lang naman kasi ang makakapag pahinahon sa kanya kapag ganitong malalim ang iniisip niya.
"Magkape ka muna, nagmumukha ka ng manang niyan."
Natawa naman siya sa sinabi ko at kinuha ang kape. Mabait talaga si Manager Chris sobra kaya nga hindi ko maiwan iwan ang studio niya dahil sa kanya.
"Thanks Jackie, youre so galing talagang magtimpla nitey."
See ? Ngumiti din dahil sa kape, sabi niya nga sa akin noon na kape nalang daw ang makakasama niya habang buhay dahil forever alone na daw siya kakaiwan ng mga lalaki niya. Lumapit nanaman si France sa amin para kulitin si Manager Chris.
"Pumayag kana manager, sa ganda ni Jackie siguradong matatalbugan niya si Misty."
Natawa pa lalo ako ng maibuga ni Manager Chris ang kape kay France buti nalang at nakailag si France kung hindi ay naliligo na siya sa kape ngayon.
"Mag disappear ka sa feslak ko France !, naaalibadbaran ako sa'yo"
Binalingan ako ni France at nag puppy eyes pa.
"Jackie, pumayag kana please.."
"Sorry France, pero ayaw ko talaga. Pasensiya na alam ni manager Chris iyon." Tatawa-tawang sabi ko kay France at bakas sa mukha nito ang panghihinayang.
Umalis na siya at nagsimula ng maghanap ng ipapalit kay Misty. Nag ring ang phone ni manager Chris kaya nagpaalam muna siya na sasagutin ang phone niya. Napansin ko namang papalapit sa akin si Aicel na ngingiti ngiti at ng makalapit ay pabirong tinulak niya ako.
"Dapat ako nalang inaya nilang mag model para nahawakan ko man lang yung abs ni papa Ervin."
Malanding sabi ni Aicel habang tumitili pa at humahagikgik.
"Ano ka ba marinig ka ni Sr. Ervin." Saway ko sa kanya.
"Okay lang, nag sex naman na kami. Grabe 'day super yummy niya." Kinikilig na kwento niya.
"Nag sex na pala kayo bakit hindi mo nahawakan yung abs niya.?" Tanong ko.
Sanay na ako na ganito ang pinag uusapan namin ni Aicel, nasanay na ako sa balahura niyang bibig. Puro kalibugan din ang alam ng babaeng ito kaya hanggang ngayon wala pang sumeseryoso sa kanya. Naikwento na nga niya sa akin lahat ng naka sex niya buti nalang at nag pipills ito kung hindi ay baka ilan na ang anak nito at iba iba ang ama.
"E kasi naman ayaw magpahawak. Bira lang bira." Paliwanag niya. "Pero okay lang ang laki naman ng alaga niya kaya gusto ko pa. Hihi."
"Sira-ulo ka talaga." Isaid at saka inayos na ang susunod na kukuhanan. Mukha naman kasing hindi makakapag trabaho ng maayos itong si Aicel sa sobrang busy kay Ervin.
-----------
Naglalakad ako sa hallway ng studio dala dala ang mga picture na ipapakita ko kay Manager Chris kailangan niya pa din kasing i-final ang mga ito sa kanya kung magugustuhan niya yung mga napili ko although alam ko namang tiwala na siya sa mga pinipili ko. Bitbit ko din ang tatlong box ng mga sapatos dahil ipinasuyo sa akin ito ni France kanina. Sinabay ko ng kuhanin dahil magkalapit lang naman ang mga ito. Siguro ay gagamitin ito ng mga models na susunod na sasalang sa photoshoot.
Hindi ko masiyadong makita ang dinaraanan ko kaya hindi ko nakita ang bumangga sa akin. Anak ng tokwa naman oh ! Marami na nga akong dala binangga pa ako. Napasubsob tuloy ako sa sahig kasama ng mga sapatos na dala-dala ko pati yung mga pictures ay nagkalat na. Mabilis akong tumayo para harapin kung sino mang balahura ang bumangga sa akin. At literal akong napanganga ng makita ko ang isang gwapong nilalang sa harapan ko.
Unti-unti niyang tinanggal ang sunglasses niya. Kaya nagtama ang mga mata namin. Parang slow motion ang lahat ng nasa paligid. His eyes, his deep gray eyes that makes me shiver. Ang perpekto niyang ilong at maninipis na labi na parang kay sarap halikan. Nadako ang paningin ko sa matipuno niyang katawan. He has a perfect Greek body. Para siyang si Hercules sa mga Greek Godesses. At ang bango bango niya pa parang amoy baby.
"Are you done checking my perfect figure Miss ?"
Bumalik ang diwa ko sa sinabi niya at agad na umayos ng tayo. Hambog pala itong taong ito at pangisi ngisi pa sa akin.
"Excuse me, I'm not checking you mister." Mataray na sabi ko pero tinawanan niya lang ako.
"Then why are you drooling.?"
Agad kong hinawakan ang gilid ng bibig ko at syete naman nakakahiya may laway nga. Ibig sabihin tumulo talaga yung laway ko ng dahil sa pagpapantasya ko sa kanya. Ang tanga mo naman Jackie. Tinignan ko ulit ang gwapong creature sa harapan ko na nagpipigil pa din ng tawa niya. I just rolled my eyes at pinulot ko na ang mga nagkalat na sapatos at litrato.
"See you around missy.!"
He said. At nilagpasan na niya ako. Tss, what a gentle dog !, hindi man lang ako tinulungan. Gwapo sana tss. Pero syete nakakahiya talaga na nakita niyang naglaway ako. Nakakainis naman bakit ba kasi hindi ko naramdaman iyon.
"Bwesit madapa sana yung lalaking 'yon.!"
Sa sobrang inis ko ay nagmadali na akong bumalik sa photoshoot at inilapag ang mga sapatos sa table nila France. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagka inis sa nangyari kanina.
"Blaze-baby, you're here."
Narinig kong bati ni Manager Chris doon sa lalaking nakabangga sa akin kanina. Dito pala siya dumiretso at mukhang isa sa mga nanloloko kay Manager Chris ito ah.! Nakipag beso beso si Manager Chris doon sa hambog na tinawag niyang Blaze.
"Guys, makinig !." Tawag ni Manager Chris sa atensyon ng lahat. "This is Blaze Chua, my friend. And our new model." Pakilala ni manager Chris doon sa lalaki.
Nakita ko namang lumapit si TJ sa kanila at nakipag kamay doon sa lalaki at tila matagal ng magkakilala ang mga ito. Pati yung ibang mga staff ay hindi na nagulat sa bagong modelo. KAya lumapit ako kay Aicel.
"Day, sino iyon ?!." Tanong ko.
"Bingi ka 'day ? Bagong model nga diba ?." Pambabara niya sa akin. Binatukan ko siya. "Aray ko naman.!" Reklamo niya.
"Umayos ka, sino sabi iyon ?."
Inirapan niya ako at hinimas himas ang parte ng kanyang ulo na binatukan ko.
"Si Sir Blaze iyon, kaibigan ni Sir Troy at Manager Chris kapatid niya si Larra Chua yung sikat na model sa Paris."
Tumango lang ako sa sinabi niya at naupo na ako. Irereview ko pa yung location ng photoshoot next week. Sa Boracay kasi ito gaganapin at mukhang ang ife-feture na model sa magazine ay si Sr. TJ at Blaze. Paano kaya naging kaibigan ni Sr. TJ iyong hambog na iyon ?, sa ugali palang ang layo na.
PATAPOS na lahat ng photoshoot ngayong araw at pagabi na din kaya nagliligpit na ang iba sa mga kalat. Ako naman ay kaunti lang ang niligpit dahil wala naman masiyadong kalat sa table namin. Iniisip ko kung saan na nagpunta yung Blaze na iyon dahil hindi ko na nakita magmula nung umalis siya dito sa kwartong ito.
Papunta ako sa comfort room dahil nakaramdam ako na puputok na ang pantog ko kaya nagmamadali akong umupo sa sink. Success.
"Ahh .."
Napakunot ang noo ko sa narinig kong ungol sa kabilang cubicle, hindi lang isang beses kung di maraming beses nag aalala naman ako dahil parang nasasaktan yung umuungol na iyon kaya dali-dali komg binuksan yung kabilang cubicle at halos malaglag ang panga ko sa tagpong nasaksihan ko.
Si Blaze nakaupo sa sink at wala ng pang ibabang saplot at si Ms. Sally - isa sa mga model - na wala ng saplot sa kanyang katawan habang nakakandong paharap kay Blaze. Omygosh ! They're doing it in public place ? Really ?
"Aahhhhhh !!!,." Hiyaw ko.
"What the fvck"
"Get out.!"
Hindi ko na narinig ang iba pa nilang mga sinabi dahil mabilis akong tumakbo palabas ng comfort room. Gawin ba namang hotel ang CR ?. Napakalandi naman ng Blaze na iyon at nakuha na agad paikutin si Ms. Sally.
"Oh 'day, bakit ka namumutla dyan.?" Tanong sa akin ni Aicel ng makabalik ako. Umiling lang ako at nagpaalam na sa kanya na uuwi na.
Tulala akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko pero bago iyon ay nahagilap ko ang mukha ni Blaze na nakatayo sa tapat ng Itim na Ferrari. Kinindatan niya pa ako ng magtama ang mga mata namin kaya kinilabutan ako. Dali dali akong sumakay sa kotse ko at pinasibad paalis ng parking lot.
Kailangan kong layuan ang malibog na iyon.
********
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro