Kabanata 32
IF he could curse all the languages in the world, Nevar would have gone to hell. Kanina niya pa sinisipatan ang nurse na gumagamot sa kaniyang sugat sa braso. Nilagyan na ng injection at tinatahi na ngayon subalit nararamdaman pa rin niya ang sakit. What the hell was this service?
"Sir, huwag po kayong malikot," saad ng nurse.
"It hurts!" He grimaced. Umusog siya hanggang sa umabot na siya sa dulo ng kama.
Dumaan na naman sa isipan niya ang nangyari kaninang umaga. Pumunta siya sa bahay ng asawa ni Jasia dahil nais niyang makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang asawa nito. Bukod sa hindi siya makapaniwalang may kinakasama na ang babae at higit sa lahat may anak na, hindi man lang siya nakatanggap ng kahit katiting na clue na may sarili na pala itong pamilya.
After he and Jasia broke up, he thought that she remained single. Limang taon na silang hiwalay at nang malaman niyang apat na taon na ang anak nito, hindi siya makapaniwalang madali lang siyang napalitan ng babae. He didn't even get to touch her in three years they were together.
He was agitated with that thought that he rushed toward his home. Only to find out that the said make-up artist was a creepy witch.
Namamalikmata lang ba siya? O may kapangyarihan talaga ang lalaki?
"But is that even possible?" he blurted in disbelief.
"Possible ang alin po, sir?" tanong naman ng nurse.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Huwag kang tsismosa."
Kung bakit ba kasi ganoon ang nangyari. Ang akala niya pa nama'y kaya niya itong patahimikin kaagad subalit isa pala itong demonyo. Alam kaya iyon ni Jasia? Malaki na nga nag problema niya, dumagdag pa ito.
Malapit na ang simula ng election campaign ngunit hindi niya pa nakukuha pabalik si Jasia. Hinintay niya ang mga araw na ito subalit pumasok naman ang hindi niya inaasahang asawa nito kaya lalo siyang namomroblema. Kailangan niyang makuha ang suporta ng Delavin family, ang nagmamay-ari sa isa sa mga pinakamayamang advertisement company sa bansa.
They were big fans of Jasia, so getting back with her would help him advertise his campaign and save his spot as the next mayor.
Kapag nangyari iyon, ipagkakatiwala na rin ng kaniyang ama ang kanilang law firm.
"Tapos na po, sir."
Tumayo naman siya kaagad. Hinanap ng kaniyang mga mata an pinsan na si Drake. Nandito lang iyon kanina pero biglang nawala.
Lumabas na siya sa emergency room. Saktong paglabas niya ay ang pagdating din ni Drake. Salubong ang mga kilay nitong hinihilot ang namumulang pisngi.
"What happened to you?"
"Nakasalubong ko ex ko. Hindi pa yata nakaka-move on sa akin." Napapailing nitong sabi.
Napailing din siya. "S'yempre bata pa 'yon, kaya 'di ka malimutan."
"What? Bata pa rin kaya ako no'n. I was nineteen though." natatawa nitong sabi.
"You had sex with a minor, idiot." Sinilid niya sa bulsa ang dalawang kamay at iniba ang usapan. "Anyway, I don't care about you and your ex. Baka nakakalimutan mong naiinis pa rin ako sa 'yo. Kasalanan mo kung bakit 'di ko nalamang may pamilya na si Jasia."
"Sa hindi ko rin alam, e." Ngumuso ito. Drake had been good with using computers. And he had been his right hand in terms of spreading news he wanted the public to believe. Bukod doon, magaling din itong mangalikot sa mga pribadong buhay ng mga tao kaya nagtataka siya kung bakit hindi man lang nito natunugan ang pamilya ni Jasia.
The woman may had hid them well.
"So, anong plano mo?"
Nilingon niya si Drake na hinihilot pa rin ang pisngi. His eyes squinted when he realized something.
"Your ex . . . Isn't she Jasia's cousin?"
Tumango ito.
"Do you still have the video?"
"Oh, about that . . ." He brushed his hair and grinned. "Of course."
Ngumisi rin siya pabalik.
He would get Jasia back no matter what.
"You seem to be enjoying your conversation."
Napaigtad si Nevar nang biglang may boses na nagsalita sa kaniyang likuran. Kaagad niyang nilingon ito.
Isang lalaking may pulang buhok ang nakangiti sa kaniya nang matamis. Ang chinchilla sa balikat nito ay nakatingin din sa kaniya.
"Where did he come from?" bulong ni Drake.
"Sino ka?" tanong niya naman sa lalaki, kabado sa isipan na narinig nito ang kanilang usapan.
"I'm Rasheed." Inilahad nito ang kamay. "And I've got some businesses with your ex-girlfriend's husband."
Tiningnan niya ang kamay nito. "What do you mean?"
"Let's just say, I want him down too." Binaba nito ang kamay na hindi niya tinanggap. "Want me to help you out?"
Lalo lang siyang nalito. Why would a person suddenly appear at this moment?
"What do you mean?" He scoffed. "That guy is a crazy witch. What can you do about him?"
Isang maliit na tawa ang tumakas sa bibig nito. "That's exactly why you need my help. I know Xibel more than you do." Lumapit ito sa kaniya at bahagyang yumukod upang titigan siya. Ang kulay abo nitong mga mata ay naghahasik ng hindi niya maipaliwanag na ekspresyon. "I know what he is."
KANINA pa sinusulyapan ni Xibel si Jasia nang mapansin ang pag-iiba ng mood nito. Matapos itong muntik nang matumba kanina, nawala na bigla ang ngiti nito at napalitan ng pagtataka. Kahit nga siguro'y tititigan niya ito ngayon ay paniguradong ito siya nito mapapansin dahil nakatunganga ito sa kawalan.
Inayos niya muna ang natutulog na si Imris bago napagpasiyahang kausapin ang babae.
He cleared his throat. "Woman, somebody came to the house earlier."
"Huh? Sino?" Nilingon naman siya nito na animo'y naputol niya ang daloy ng inisip nito.
"I don't know him, but he seems to know you. He looks like someone yearning to have you."
"What?" Kumunot ang noo nito.Ilang saglit ay napabuntonghininga. "Is he blond?"
He nodded.
Napakamot naman si Jasia sa kaniyang pisngi. "That was my ex, Nevar. Matagal na kaming hiwalay niyan pero bigla na lang nagparamdam ulit."
"What is an ex?" His mind was filled with curiosity.
"Ex-boyfriend. Former lover, kumbaga," paliwanag niya naman. "Twenty pa lang ako no'n nang makilala ko si Nevar. Three years din kami pero nahuli ko siyang may iba kaya ayon, hiniwalayan ko siya."
"You were cheated?"
"Yup."
"I see." Binalik niya ang tingin kay Imris. Hindi mawari ng kaniyang isipan kung paano, ang isang kagaya ni Jasia, ay naloloko. She was sincere, and confident, and had a heart to be patient and understand anyone. Why would that man let go of this precious jewel?
But then he recalled what attitude the man offered him, making him realize he was a good-for-nothing. He didn't deserve to have a life with Jasia.
"Wala naman siyang ginawa sa 'yo?" tanong nito.
"Except for his mockery and in hurting my follower, all is well." He had him taste his power, so even if he was foolish, he wasn't that foolish to come back and challenged him again.
Tumunog naman ang cell phone ni Jasia kaya kinuha niya ito sa kaniyang purse. Nagpaalam ito sa kaniyang lumabas.
Saktong pagsara ng pinto ay ang paglabas naman ng system upang bigyan siya ng update.
[Character Restoration progress: 48%]
Binalin niya ang atenyon kay Imris habang hinahaplos ang buhok nito. Tansiya niya'y iilang araw na lang siyang mananatili sa dimensiyong ito. At tuluyan na niyang hindi masisilayan ang batang natutulog ngayon sa kama.
Biglang humikbi si Imris kaya marahan niya itong ginising. She must be having a nightmare.
"Papa." Naluluha ang mga mata nito. Bumangon ito sa kamay at sumiksik sa kaniyang leeg.
Nagulat siya sa higpit ng yakap nito. Hinaplos niya ang likuran nito upang pakalmahin. "Did your dream scare you?"
"I dream about you Papa. You are in a river and Imris can't reach you." Tuluyang tumulo ang mga luha sa mga mata habang patuloy na sinusumbong ang panaginip nito. "Papa is on the other side. There's no bridge, so Imris can't come with Papa."
Bahagya naman siyang natawa, isang tawang may halong mabigat na emosyon. He patted the back of her head and whispered. "It's not real. Hush and forget it. Papa is here. I'm here, Imris."
"It wasn't real?"
"Of course not." Humiwalay siya sa yakap at pinahid ang mga luha nito. "How do you think I have crossed that river if there's was no bridge? It's absurd."
"But you can fly." She pouted.
"And do you think I will not bring you over?"
Napaisip naman ito. Ilang saglit ay napasinghot. "You're right. You always bring Imris when you fly."
"Right. So don't think about that and sleep." Ginulo niya ang buhok nito.
Napangiti naman to sa kaniyang ginawa. Tinaas nito ang isang kamay habang ang hinlilit ay nakaturo sa kaniya.
He tilted his head. "What are you doing?"
"Promise me, Papa. You won't leave Imris."
Bumagsak ang balikat niya. Naiwan ang kaniyang mga matang nakatitig sa kamay nito dahil sa mga binitiwang salita. The moment the system appeared, his time in the real dimension had already been put to a limit. But of course, he couldn't say that to Imris or else he would hurt her.
Mabigat ang puso niyang tinanggap ang kamay nito. "I w-won't."
He looked away when he saw how her face beamed. That innocent face who never doubted his word left his heart devastated.
He didn't deserve her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro