Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 31

Warning: This chapter contains unwelcome sexual advances, a form of sexual harassment. This may bring discomfort for some readers, so please be advised. Prioritize one's state of mind all the time. Thank you.

JASIA immediately went to the hospital when he received a call from Arator and Isabella. Nagkaroon sila ng meeting dahil nabago ang schedule ng susunod nilang performance kaya hindi siya nakapunta kaninang umaga. Nagpahatid siya sa kaniyang sekretarya dahil pinahiram niya kanina ang sasakyan sa pinsan.

Nang makarating, nagtungo kaagad siya sa third floor kung saan naroroon ang kuwarto ni Imris. Kakatok na sana siya nang mapansing nakaawang ang pinto. Nakarinig siya ng tawa mula sa loob kaya sumilip muna siya.

Isabella and Xibel were having a conversation.

"Leave an update. I'm tired of waiting."

"Try ko lang."

A small smile formed acrossed her lips. It was nice to see her cousin talking with someone. They seemed to be comfortable with each other as well. The gap between them was closer than she was with Xibel. And they could perfectly looked at each other without any concern.

Unsettled, there was a part of her torn with that thought. Maybe she was jealous. For four years, she kept on reaching out to Isabella, but she never opened up to her. She never became at ease like how she was now. Xibel, on the other hand, she was happy seeing him opening up to people, but somehow, there was a tiny wish inside her, whispering that he could look at her like that too.

She cleared her throat. What was she thinking? That didn't sound like her.

Kumatok na siya sa pinto bago ito tinulak pabukas.

Napunta naman ang atensyon ng dalawa sa kaniya.

"Jasia, you finally came." Napatayo si Xibel.

"Ang tagal mo, Jas. Grabe para na akong mamamatay sa pakikipag-usap. Ito rin kasing kasama ko mas malala pa sa akin kaya wala ring silbi." TInuro nito si Xibel habang napapailing.

Xibel glared at her in return.

Napatawa naman siya. Naglakad siya patungo sa kama ni Imris at tiningnan ang kalagayan nito. Mahimbing itong natutulog.

"How is she?"

"May Dengue daw sabi ng doktor." Tumayo si Isabella sa pagkakaupo. "Nandito ka na naman, alis na muna ako. Gusto kong umuwi."

"Aren't you going to stay here?" tanong niya.

Umiling ito. "And besides, I feel like writing today." Ngumisi ito kay Xibel. "I guess I will heed your advice, my lord." Yumuko pa ito at ginaya ang mga alagad ng lalaki kung paano siya tawagin.

Sinulyapan niya si Xibel na umiling lang at napahalukipkip. He looked done. "Then, leave. Your face annoys me."

Pinasok nito ang dalawang kamay sa bulsa ng hood at saka naglakad na paalis. Naiwan silang dalawa ni Xibel sa loob. Nagpunta ang lalaki sa inuupuan ni Isabella kanina at ito ang pumalit.

Siya naman ay nasa kabilang bahagi ng kama.

"Are you okay?" tanong niya sa lalaki. Maraming tao sa ospital kaya malabong hindi ito nagkaroon ng atake.

Tumango naman ito. Pinagmasdan niya ang mukha nitong nakasimangot at hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Ngayon niya lang napansin na nagagawa na niyang makita ang kaliwang kilay nito at ang matang kulay ginto. Although some still remained, the withered petals faded around his eyes, making her witness how he once looked as a saint. His eyes of sea and gold were truly unearthly; it was a treasure she could only stare at.

Napansin nito ang kaniyang mga titig kaya lalong kumunot ang noo nito. "What?"

"The flowers from your face seems to be fading."

Napakurap naman ito ng ilang beses at umiwas ng tingin kaya nalito siya. Why wasn't he happy that his curse is slowly perishing?

"You . . ." Gamit ang likod ng palad, tinakpan nito ang bibig na para bang nahihiya sa kaniya. "How far did you read the story?"

"Ah, tumigil na ako matapos kong mabasa ang nangyari sa 'yo." She tilted her head as she thought of the novel. "Hindi ko nga in-expect na magiging villain ka, e. The story started about you and Celestialiana, after all, kaya nagulat ako na ikaw pala magiging kalaban."

The first ten chapters revolved around the two as if they were the leads of the novel. But the story started to take its turn when it reached chapter fifteen.

"Don't read any further."

"Huh? Bakit?"

"Just don't read it."

Napakamot naman siya sa kaniyang pisngi dahil sa nakakatakang reaksyon ni Xibel. Hindi pa rin siya nito nililingon. Namumula ang tainga ito pati na ang kamay. What was wrong with him? Naiinitan ba siya sa kuwarto, e, ang lakas nga ng aircon dito.

"Mama . . ."

Nabaling ang kaniyang tingin kay Imris nang marinig itong magsalita.

"Imris, you're awake." Hinaplos niya ang pisngi nito. She still looked pale, and anytime, would close her eyes again.

Napatayo naman si Xibel at dali-daling lumapit kay Imris. Inalis niya ang kamay sa pisngi ng bata upang 'di sila magkatagpi ng lalaki.

"How are you, my child?"

"I'm sleepy," mahina nitong sabi. "I'm starving too."

"Then, I'll buy some," saad niya. Mamaya pang tanghali ang rounds ng pagkain dito sa hospital kaya bibilhan niya na lang muna si Imris ng pagkain at mga prutas.

Iniwan niya ang mag-ama at lumabas muna para bumili. Pagkabalik niya, naabutan niya ang dalawa na nag-uusap. Or more like, it was only Imris that kept on talking. Nakaupo ito sa kama habang ang ama naman ay abalang i-braid ang buhok ng anak.

She smiled at the cute scenery. It was the first time she saw Xibel so focused.

"Mama, you're back!" bati ni Imris sa kaniya pagkapasok niya.

Nilagay niya ang mga pinamili sa ibabaw ng drawer. Kumuha siya ng isang apple at binigay kay Imris.

"All done." Xibel crossed his arms in triumph to his masterpiece. Proud na proud ang mukha nitong nakatingin sa buhok ni Imris.

"Thank you, Papa. I love you!" Tatayo na sana ito sa kama para yumakap ngunit pinigilan ito ng lalaki. Nilapat nito ang kamay sa ulo at tinulak paupo.

"Rest."

"Okay!" sagot naman nito at kinagat ang mansanas. Tumalikod ito sa kaniya at pinakita ang buhok. "What do you think, Mama?"

"It looks good on you." Hinawakan niya ang dulo ng braid. Mahina siyang natawa dahil napakapulido talaga ng pagkakagawa, halatang binigyan talaga ng effort ng lalaki.

Balak niya sanang asarin si Xibel ngunit napunta ang tingin niya sa leeg ni Imris. May peklat na nakaungkat. Itinaas niya ang buhok upang maaninag ito nang maayos.

Kaagad siyang napabitiw at dali-daling napaatras. Hindi niya namalayan ang drawer na nasa likuran niya kaya nabangga niya ito dahilan upang mahulog ang kaniyang mga pinamili.

"Woman, are you okay?" Napatingin ang mag-ama sa kaniya.

"Y-yeah." Mabilis siyang tumango at tarantang kinuha ang mga nalaglag na prutas. Hindi nawala sa kaniyang isipan ang nakita.

The birthmark behind her neck looked exactly the same from the child she had been searching.

NAKANGITING naglalakad si Isabella pababa ng ospital. Hindi niya maipaliwanag kung bakit magaan ang kaniyang pakiramdam. Dahil siguro kay Xibel. Sa dami ng mga hindi kapani-paniwalang bagay na nalaman niya ngayong linggo, pakiramdam niya'y marami pa siyang hindi nalalaman tungkol sa mundo.

This had somehow inspired her mind to write.

Right. She still had an unfinish story. Kung tama ang pagkakaalala niya, isang taon na siyang hindi nakakapag-update. No wonder Xibel kept on bugging her earlier.

Sa lahat ng story niya, ito lang namang The Reincarnated Actress ang natagalan. May apat siyang naunang istorya at lahat iyon ay natapos niya sa loob lamang ng dalawang taon. Kung tama ang pagkakaalala niya, labingtatlong taon siya nang magsimulang magsulat.

She hummed as she reached the first floor. Dumaan siya sa isang makipot na pasilyo kung saan iilang tao lang ang dumadaan. Nasasabik na siyang umuwi para magsulat ulit. Although she was still unsure on what to do with Xibel at the end, she already had a thought in mind. She just needed to be brave enough to do with it.

If she could.

"Hays, buwisit. Ngayon pa talaga na may ginagawa ako."

Napatigil si Isabella sa paglalakad nang makarinig ng pamilyar na boses. Napunta ang kaniyang tingin sa lalaking naglalakad salungat sa kaniyang direksyon. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng makilala kung sino ito.

Ang buhok nitong sobrang itim at makapal. . . hindi siya puwedeng magkamali.

Nais niyang tumalikod at tumakbo paalis ngunit huli na nang mapatingin din sa kaniya ang lalaki. Nakikiusap siyang sana'y hindi na siya maalala nito subalit ngumisi ito, nangangahulugang kabisado pa rin nito ang kaniyang mukha.

"Isabella. Long time no see!"

Mabilis na nanginig ang kaniyang kalamnan nang marinig ang pangalan mula sa bibig ng lalaki. Lumapit ito sa kaniya na animo'y isa silang malapit na magkaibigan na matagal nang hindi nagkita.

Shit. Why did he have to appear now.

"Hey, kumusta ka na?"

Napaatras siya dahil sa lapit nito sa kaniya.

"It's been what? Four years? Whoa! You've changed," komento nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. And if she could describe the disgust she felt towards his gaze, it wouldn't be enough for this man to understand.

"You used to wear dresses before. I really like when you wear one." Nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa kaniyang katawan.

Napakuyom ang kaniyang nanginginig na kamay.

"Hey, Isabella--"

"Move away," bulong niya.

Nilagpasan niya ang lalaki ngunit hinila nito ang kaniyang braso. Parang kinuryente siya sa gulat. Bumalik sa isipan niya ang nangyari no'ng araw na iyon dahilan para marahas itong winaksi.

"Don't fucking touch me!" asik niya.

"Whoa!" Napataas ang dalawa nitong kamay. "Why are you sa agitated? Para namang wala tayong pinagsamahan."

"Pinagsamahan?" Gritting her teeth, she glared at him. "Don't act like we ended good. Baka nakakalimutan mo na kung anong ginawa mo sa akin?"

Napataas ang dalawa nitong kilay na nasundan kaagad ng tawa. "You mean that day? Bakit parang kasalanan ko pa, e, ginusto natin iyong dalawa?"

Hindi siya nakasagot. Nabato siya sa kinatatayuan nang muli itong maglakad papalapit sa kaniya.

"Pumayag ka no'n, Isabella. Ginawa natin 'yon pareho--"

"Manahimik ka! Pinilit mo ako!"

"Ang tagal na no'n. Hindi mo pa rin ba 'yon nakakalimutan?" natatawa nitong saad. "Kung sabagay nasa akin pa nga ang . . ."

Sinadya nitong hindi tinapos ang sasabihin at iniwang nagtatanong ang kaniyang mga mata. Nabalot ng takot ang kaniyang puso nang mawari kung ano ang pinapahiwatig nito. Nanuyo ang kaniyang lalamunin at umakyat sa kaniyang mga mata ang mga tubig na nagbabadya nang tumulo.

This asshole.

"You really look beautiful that day, Isabella. I'm not lying when I say I enjoyed it so much." Gumuhit ang mapaglaro nitong ngiti. Minsan na rin siyang nahulog sa mga ngiti nito. At iyon ang pinakamalalang desisyon na nagawa niya sa tanang buhay niya. Tinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi. "You seem not to be over it yet. Wanna do it again? I'll make you sound the same way--"

"Piece of shit!" Umalingangaw sa pasilyo ang tunog ng kaniyang mabigat na palad. Napaatras ang lalaki sa lakas ng kaniyang sampal.

Ginawa niya itong oportunidad para tumakbo palayo sa lalaki. Nang tuluyan siyang makalabas at makapasok sa kotse, doon na bumigay ang mga luha niyang kanina niya pa pinipigilan.

Pinaharurot niya ang sasakyan pauwi sa kanila. Hindi na niya inisip kung tama ba ang pagkakaparka niya at dali-daling pumasok sa loob. Mabigat ang mga paa niyang nagtungo sa shower room, hinubad ang kaniyang damit at sinabuyan ang parteng hinawakan ni Drake. Kumakapit sa kaniyang mukha ang palad nito.

Nandidiri siya.

Binabalik nito ang kaniyang utak sa araw na nawala sa kaniya ang lahat.

Why did it have to happen now when she felt like writing?

Nanginginig ang kaniyang mga kamay na nilakasan pa ang shower. Naupo siya sahig. Ang kaniyang hagulgol ay natabunan na sa mga agresibong patak ng tubig. Niyakap niya ang sarili upang sanay pakalmahin subalit umupaw lang ng pagkadisgusto ang namayani sa puso  niya.

Nais niyang masuka sa kaniyang sarili.

"Madumi ka." Bumaon na ang mga kuko sa kaniyang braso subalit hindi niya maramdaman ang sakit. Lalo lang bumigat ang kaniyang pakiramdam.

Ang kaniyang katawan na labis niyang iningatan ay nakuha lang ng walang kuwentang lalaking iyon. Kasalanan niya kung bakit pumayag siya. Kasalanan niya kung bakit hinayaan niya ito. Kasalanan niya kung bakit nahulog siya sa lalaking iyon na walang ibang habol kundi ang makuha siya.

She shoved her face on her palms as she regretted that day.

I shouldn't have agreed in the first place.

If only she knew, she would not have agreed. She shouldn't have lost herself. The youth she yearned to enjoy would have been spent at its end if only she didn't give herself that day.

And here she thought she got better, but she just had fooled herself.

Isabella was still stuck on the day she turned sixteen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro