Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: Decision

Austin

Mabilis kong hinila ang kamay ni Aly, hindi pwedeng mawala siya sa paningin ko.

"Austin, saan tayo pupunta?! " tanong niya sa akin, nagtago kami sa isang kwarto. Naupapo siya sa isa kama, naririnig pa rin namin ang sigawan nila. Tinulak ko ang isang kabinet papunta sa pinto hindi na siguro kami mapapasok dito, sa ngayon.

"Hindi nila tayo hahayaang makaalis dito ng buhay, Austin. Mamamatay tayo sa lugar na ito, " sabi naman ni Aly, nanginginig ito dahil sa sobrang takot.

Mabilis ang pangyayari, bigla na lang dumating si kuya Nesty at pinatay ang lalaki. Ni hindi nga kami nagkilala man lang, kung sabagay hindi naman talaga mahaga iyon, lalo na sitwasyon namin pero siguro iyon din ang dahilan kung bakit siya napahamak.

"Kumusta na kaya ang iba? Siguro dapat natin silang hanapin o kaya naman ipagpatuloy natin hanapin ang daan papunta sa gubat, sigurado ako na may daan doon at least kapag nalagpasan na natin ang nga puno, " sabi naman ni Aly.

Tama siya. Dapat makaalis na kami o kaya naman kahit isa lang sa amin ang makaalis para makahingi ng tulong man lang.

Isang sigaw ang narinig nami mula labas, hindi ko alam kung kanini nanggaling iyon, umaasa na lang ako na sana hindi iyon nanggaling sa mga kasamahan namin.

"Masyado silang marami, " mahinang sabi ni Aly.
Gusto ko man pagaanin ang loob niya ay hindi ko rin alam kung paano. Maging ako ay hindi rin sigurado kung makakaalis kami dito, ayoko lang sabihin iyon sa harap niya.

"Makakatakas pa kaya tayo? " tanong nito sa akin.

"Oo naman, " sagot ko sa kanya.

Pilit itong ngumiti sa akin. Halata man ang takot sa mga mata niya ay kitang-kita ko na gusto niyang maging matatag at matapang.

"Hindi tayo makakatulong sa kanila kung magtatago lang tayo, siguro naman hindi magkakasama baka hiwa-hiwalay sila, " sabi naman niya na mukang determinado na siyang lumabas.

Kaya ayaw kong ialis ang tingin sa kanya, bigla-bigla kasi siyang nag-iisip ng mga bagay na ikapapahamak niya.

"Kailangan muna natin magplano, " sabi ko naman sa kanya. Kumunot ang noo nito na tila ba hindi pabor sa suhestyon ko.

"Austin, wala naman magagawa ang plano natin. Lalo na at hindi natin alam kung sino-sino ang makikita natin pagbukas ng pinto, " sabi niya at aaminin kong may punto siya.

Nagsimula siyang halughigin ang buong kwarto, mas malaki ito kaysa sa aming kwarto, walang mga gamit at maraming alikabok kaya sigurado ako na walang gumagamit nito.

"Kailangan nating bumalik sa kwarto ko, hindi ako sigurado kung napasok na nila ang lugar na iyon pero kailangan nating subukan, " seryosong sabi niya habang patuloy pa rin sa paghalughog ng mga buong kwarto.

"Ano bang ginagawa mo at bakit gusto mong bumalik sa kwarto mo? " tanong ko sa kanya.

"Basta. Naghahanap ako ng pwedeng panlaban sa kanila kabit pang hampas man lang, " sagot niya.

Tinulungan ko na lang siya sa paghahanap tutal kailangan ko rin naman iyon. Ilang minuto rin ang lumipas ay napaupo na lang kami sa sahig, hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa pagsandal niya sa balikat ko.

"Wala naman tayong mahanap, walang laman ang kwartong ito at hindi magandang weapon ang vase, " sabi niya na tila nawawalan na ng pag-asa.

"Kahoy. Maraming kahoy dito Aly, pwede natin iyon magamit, " suhestyon ko naman.
"Alam ko iyon pero masyado silang malalaki, mahirap sirain, mahirap dalhin, " sabi naman niya sa akin.

"Ako ang bahala, " sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang hindi naman ako sigurado kung may magagawa ba ako, kung kaya ko bang sirain ang mga kahoy na ito gaya ng iniisip ko. Sa totoo lang gusto ko lang talaga magpakitang gilas kay Alyssa.

Pinapanuod lang ako ni Aly habang pilit kong pinagsisipa ang mga kahoy at sa totoo lang wala talagang nangyayari na kahit ano.

"Wala namang nangyayari eh, " pilit na ngumiti si Aly sa akin.

"Wala nga pero kailangan kong pilitin, " sabi ko naman sa kanya.

Gusto ko sana batuhin ang kamang gawa sa kahoy na ito pero baka marinig kami, ang kailangan ko lang ay makakuha ng kahit isang haba na kahoy para naman may panlaban kami pero mukang naayon pa rin sa kanila at hindi sa amin ang tadhana.

"Tingin ko magpahinga ka na muna, wala namang nangyayari eh. Napapagod ka lang at isa pa mas kailangan mo ng lakas, paano na lang kung tatakbo tayo sa gubat, " sabi niya. Wala na akong nagawa kung hindi maupo sa tabi niya, hindi ko gustong nag-aalala siya sa akin.

------------

Siguro ilang oras na din ang lumipas at wala namang nangyari, wala rin kaming narinig na sigaw o gulo sa labas. Tumila na rin ang ulan, tamang-tama para sa pagtakas namin. Nakatulog na sa tabi ko si Aly, hinayaan ko muna siyang magpahinga ng konti habang ako naman ay sinusubukan uli na siraan ang kamang kahoy.

Ilang minuto pa ng pagsisipa at hihila ay  a
Nasira ko na rin ang isang sa ilalim ng kamang kahoy, malapad ito, siguro naman ay pwede na itong panghampas kahit papaano.

Nang magising si Aly ay sumikat na ang araw, nakita ko sa mukha nito ang saya dahil lang sa pagpapakita ni haring araw.

Matapos kong maipakita sa kanya ang mga kahoy na nasira ko ay dali-dali siyang nagdesisyong lumabas. Hindi ko na siya napigilan, mukang mas sumigla siya matapos makatulog.

Pagkalabas namin ay saktong pagdaan ng mga taong hindi namin gustong makita. Kapag minamalas ka nga naman.
Dalawa sila, sina Ms. Sanya at Kuya Tonyo. Hindi maganda ito, hindi namin sila kakayanin. Mabilis sumugod ang isa, natumba naman ako dahil sa gulat.

"Austin! " narinig kong tawag ni Aly sa akin. Hindi ko na siya nasagot dahil simulan na akong pagsusuntukin ni kuya Tonyo. Narinig kong sumigaw si Aly pero hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya.

Pilit akong lumaban, kailangan kong matulungan si Aly. Masyadong malaki at malakas si kuya Tonyo. Pero pilit pa rin akong lumalaban. Gumanti ako ng suntok, hindi ito gaanong kalakas kaya siguro wala naging epekto sa kanya.

Hindi rin ako makatayo dahil parang dinadaganan ako nito. Isang kalabog ang aming narinig parehas kaming napatingin sa pinanggagalingan ng tunog dahil doon nagkaroon ako ng pagkakataong makatayo at mahampas siya sa ulo. Dali-dali kong hinanap si Aly at naabutan ko siyang nakaupo sa isang gilid.

Pinagmamasdan niya ang isang katawan na nasa ibaba. Si Ms. Sanya, mukang nahulog siya. Gustuhin ko mang malaman kung ano ang nangyari ay hindi ko na ginawa pa. Masasayang lang ang oras namin.

"Halika na, " pag-anyaya ko sa kanya. Tumango lang ito bilang tugon. Tinulungan ko siyang tumayo, ramdam ko ang panginginig ng katawan niya, napansin ko rin ang mga pasa sa may braso niya.

"Ayos ka lang? " tanong ko tumango lang ito bilang sagot.

Dahil sa mga nangyari mabilis ang paglalakad namin, wala na kaming nakita na iba pa hanggang sa makarating na kami sa kwarto namin. At ang mas nakakagulat pa ay mukang wala ring nakapasok dito.

Nilock namin ang pinto at hinarangan gamit ang isa sa mga kabinet. Napahiga naman si Aly at napabuntong hininga.

"Tinulak ko siya, " mahinang sabi niya.

"Ayos lang iyon, hindi ba wala naman tayong choice kung hindi lumaban, " sabi ko

"Tama ka. Dapat wala na tayong katakutan, " sabi naman ni Aly.

Napabuntong hininga ako dapat talaga makaalis na kami dito.

END OF CHAPTER 18

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro