Aly
Mabilis ang mga pangyayari hindi ko na nga namalayan na hilahila kami ng iba pang mga nakakatanda papunta sa mga kwarto namin. Wala silang sinabi, hindi ko alam kung ano ang iniisip nila, ano na ang gagawin namin ngayon?
Hindi pamilyar ang lalaki, sino kaya iyon? Teka, kailangan ko pa bang malaman o dapat iba na ang isipin ko? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat isipin ko.
Natatakot ako.
"Aly ayos ka lang ba? " tanong sa akin ni Austin, umiling ako. Pinagmasdan ko ang mukha niya, maputla ito, siguro sobrang natakot din siya. Masyado niya akong inaalala, mukang mas kailangan niya ng tulong.
"Ikaw, ayos ka lang ba? " tanong ko naman, alam kong halata naman na hindi, pero hindi ko rin alam kung bakit naitanong ko ito, gawain naman din ito ng mga tao, commin decency maybe?
"Hindi. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, " mahinang sagot nito.
Hindi ako nagsalita, hindi ko rin naman alam kung ano dapat kong sabibin. Nakita lang namin ang isang patay na lalaki, tapos si Ms. Cora parang nasiraan na ng bait.
Isang malakas na kidlat ang muling nagpakabog ng aking dibdib. Napatingin kaming dalawa sa may bintana, umuulan ng malamakas.
Great.
Isa lang ang ibig sabihin niyan, malas kami. Malas. Sa pagkakaalala ko ganito iyong mga nangyayari sa libro o tv, ang malakas na ula ay isang sign ng panganib.
"Mag charge lang ako ng cellphone at powerbank, " sabi ko. Halatang naguguluhan si Austin sa ginagawa ko.
"Iyan pa ba ang uunahin mo? " tanong niya.
"Oo. Gawin mo na rin, hindi ka ba nanunuod ng tv o nagbabasa man lang ng libro? Baka kailangan natin ito, " sagot ko naman.
Sa totoo lang alam kong iisipin ng iba na mali ito at nasisiraan na ako ng bait. Pero sila ang mali, ang nasisiraan ng bait dito ay si Ms. Cora, parang wala sa ibang matatanda ang nangyari tapos andito kami sa isang malayong lugar. Malakas ang ulan at siguradong hindi kami makakalabas dito.
Ano pa nga bang dapat unahin? Dahil mukang wala pa naman nangyayari sa labas, ang communication ang mahalaga, wala ngang signal dito pero siguro kapag nakatakas na kami dito at makatakbo sa malayo, baka may mahanap na rin kaming signal.
"Hindi mo ba gagawin? " inis na tanong ko sa kanya.
"Oo na, " sagot naman niya.
Mabuti na lang at maraming saksakan dito, ang pinagdadasal ko na lang ay sana huwag namang mawalan ng kuryente, atleast hangga't hindi pa naka-charge ang mga gadgets ko.
Sa una akala ko talaga walang kuryente dito, meron pala. Atleast, para sa aming mga volunteers. Pero natatakot ako na baka mawala ito.
"Ano na kaya ang nangyayari sa labas? " tanong ni Austin.
"Ewan ko. Wala akong balak alamin, " sagot ko naman. Napansin kong may hinahanap siya sa bag niya.
"Ano ba ang hinahanap mo? "
"May flashlight ako dito at emergency kit, " sagit niya.
Nagulat naman ako doon, hindi ko alam na boy scout pala itong kasama ko. Always ready.
"Boy scout ka? " tanong ko.
Umiling naman ito.
"Hindi. Bakit mo naman na tanong? "
"Wala, ready na ready ka eh. "
Sa totoo lang meron din naman akong flashlight na dala at isang maliit na emergecy kit. Hindi na katakataka sa akin iyon dahil palagi ko naman iyong dala.
"Gusto ko lang maging handa palagi, baka malay mo makatulong sa atin. Gaya ngayon, " paliwanag niya.
Tumango ako.
Nang makita na ni Austin ang mga hinahanap niya ay nilapag niya ito sa isang mesa, ganoon din ang ginawa ko. Nagulat pa nga siya dahil sa emergency kit na nilabas ko, tinawag pa akong girl scout.
Natawa naman ako. Mas lalo pa siyang nagulat nang sinabi kong nag-girl scout nga ako. Sigurado akong wala ng makakaalala noon.
Plano na lang ang kulang, kung paano kami makakaalis sa lugar na ito. Ni hindi pa namin alam kung paano kami makakalabas sa kwartong ito na hindi napapahamak paano pa kaya sa mismong labas ng retreat house?
"Ano na ang sunod? " tanong ko.
"Kailangan nating makupagtulungan sa iba pa, " sagot naman ni Austin.
"Ni hindi nga natin alam kung mapagkakatiwalaan sila, " sabi ko naman.
Hindi nakapagsalita si Austin, ibig sabihin sumasang-ayon siya sa sinabi ko. Tama nga naman, sino ba ang dapat pagkatiwalaan?
Ang mga nakakatandang volunteer, sigurado akong hindi sila pwedeng pagkatiwalaan. Ang mga bagong salta kaya dito? Ang mga nanunang kasamahan namin? O ang mga residente ng Sitio Luntian?
Wala nga dapat pagkatiwalaan, pero paano naman kami makakakilos?
"Hindi natin kayang dalawa, " malungkot na sabi ni Austin.
"Alam ko. "
Hindi namin kaya, kahit anong gawin namin. Kahit tumakbo pa kami ng napakabilis o makipaglaban, paano nga ba namin gagawin iyon?
Paano kung silang lahat laban sa aming dalawa? Sa bilang palang talo na kami, hindi pa naman namin kabisado ang buong lugar na ito. May matatakbuhan ba kami sa labas? Siguro naman.
"Siguro nga kailangan natin silang kausapin, " sabi ko naman.
"Paano? " tanong nito.
"Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung dapat ba natin silang pagkatiwalaan ng basta basta na lang. Pero gaya nga ng sabi mo, hindi natin sila kaya. Kung sino mang sila iyon, " paliwanag ko.
Kung alam ko lang sana ang sitwasyon, hindi ako naguguluhan ng ganito. Bakit may patay? Bakit siya pinatay? Bakit parang nabaliw si Ms. Cora? Bakit parang walang pakialam ang ibang nakakatanda kay Ms.Cora?
Wala bang makakasagot ng mga tanong namin? Sana naman, hindi kami ma-trap sa lugar na ito.
Masyado kong pinagsisisihan ang pagpunta ko sa lugar na ito. Umaasa pa ako ng katahimikan, infinite trauma naman yata ang aabutin ko sa lugar na ito.
"Huwag muna tayong lumabas, pakiramdaman natin ang paligid, " sabi ni Austin. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin wala naman talaga akong balak lumabas.
"Okay, " tipid kong sabi.
Lumapit si Austin sa may pinto at nilapit ang tenga niya dito. Napabuntong-hininga ako at ginaya siya.
"May naririnig ka ba? " tanong ni Austin.
"Wala, parang ang tahimik ng lugar, " sagot ko naman.
Tahimik nga talaga. Parang mali, dapat nagkakagulo sila sa mga nangyari, o hindi naman kaya nabingi lang kami?
Ilang minuto pa at may katok kaming narinig, halos mapatalon kaming dalawa dahil dito, nagkatinginan pa kaming dalawa, hindi alam kung dapat ba naming buksan ang pinto.
END OF CHAPTER 10
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro