Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Saknong 9

Sumasakit ang aking ulo at bawat parte ng aking katawan ay sumisigaw ng hangin. Patuloy akong lumalaban hanggang sa maramdaman kong malapit nang sumabog ang aking ulo. Kailangan kong huminga.

Tinaas ko ang aking sarili sa paraang gumagalaw ang aking kamay at paa patungo sa itaas hanggang sa makakita ako ng liwanag. Sinundan ko iyon at umahon sa tubig upang makahinga.

Kahit papaano marunong akong lumangoy. Kalmado lamang ang ilog kaya hindi ako nahirapan. Ang ilog na ito ay napapaligiran ng mga puno na matatagpuan lamang sa gubat.

Lumangoy ako patungo roon at kumapit sa baging upang makaahon paakyat. Hinilamos ko ang aking mukha saka hinawi ang aking buhok.

"Marisol!" Panawagan ko. "Jacinto! Clemente!"

 Naglikha ng ulyaw ang aking mga sigaw na siyang nagpalipad ng mga ibong nananahimik sa mga sanga.

"Aling Conchita! Elena!" Sigaw ko muli ngunit ang lipad lamang ng mga ibon ang natatanggap kong tugon.

Nawawala pa ang aking bakya kaya tiniis ko munang nakapaa habang naglalakad. Tinignan ko ang sugat-sugat kong paa.  Maraming malalaking galos at mga sugat.

Sandali. Hindi ako nakasuot ng saya. Tumingin muli ako sa aking paanan at sa aking damit. Ito ang suot ko noong nagsine kami. Nahimatay ako sa simbahan noong marinig ang melodiya.

"OMG, yes!" 

Kinapa ko ang aking bulsa upang hanapin ang phone ko para makapag-google maps ako kaso wala akong makapa. Hindi na bale, susundan ko na lang itong ilog pabalik. Survival 101.

Ito ang araw na pinakahinihintay ko. Makaalis sa taong 1898.

Umikot-ikot ako at tinaas ang aking kamay upang damhin ang sinag ng araw na tumatagos sa mga puno. Wala na si Don Felipe kaya walang bawal. Makakakanta na ako. Ang saya talaga.

Somethin' in the wind has learned my name 

And it's tellin' me that things are not the same 

In the leaves on the trees and the touch of the breeze 

There's a pleasin' sense of happiness for me 

Maligaya akong lumulundag at pinitik pa ang aking mga daliri. Masaya akong nakilala ko ang mga tao noong 1898, nawa'y huwag na nila akong hanapin at mabuhay sana silang payapa. Kalimutan na nila ako.

There is only one wish on my mind 

When this day is through I hope that I will find 

That tomorrow will be just the same for you and me 

All I need will be mine if you are here

Walang guardia civil, walang Jacinto at walang Clemente. Ito na ang pinakamasayang araw. Makabalik sa panahon na kabilang ako. Nagpapasalamat naman ako sa mga alaalang nagawa ko roon kasama sila ngunit sapat na ito.

I'm on the top of the world lookin' down on creation 

And the only explanation I can find

Is the love that I've found ever since you've been around 

Your love's put me at the top of the world

Nagiging makipot na ang ilog at ito'y humulma sa batis na napupuno ng mga basura. Napakaraming basura tulad ng diapers, plastic straw, cups at iba pa. Marami ring mga malalaking bato kaya kapag piangsama-sama ang mga iyon, nababara ang pinaggagalingan ng tubig. Ibig sabihin malapit na siguro ako sa sibilisasyon. Hindi na bale kung paano ako napunta rito, ang mahalaga nakabalik ako.

Sa sobrang pagkawili ko, hindi ko napansing may tulay akong nalagpasan. Lumingon ako muli sa aking likuran at nakita ko ang sira-sirang tulay. Sandali, ito 'yung tulay patungo sa kubo. 

Bumaba ako sa maliit na bangin at tinahak ang batis. Kumapit muli ako sa baging saka inangat ang sarili ko pataas.

Isa-isa kong tinignan ang mga puno at hindi nga ako nagkakamali. May mga marka ang mga iyon. Sinundan ko ang mga marka. Nakailang liko na ako at nararamdaman ko na ang pagtirik ng araw at pagtulo ng aking pawis. Hindi nga talaga panaginip iyon.

Nakarating na ako at sa hindi inaasahan, maayos na maayos ang kubo. Ang tanging nagbago lamang ay nalagyan ito ng varnish. Ang dating bubong na gawa sa mga dahon ng anahaw ay ngayo'y naging yero. Nagkaroon na rin ng bakod.

Papasok na sana ako ngunit may mga tumakbong mga aso at tinahulan ako.

"Tao po!" Walang sumagot. Nanatili akong sumigaw ng 'tao po.' Gusto kong malaman kung anong nangyari dito sa kubong ito.

Ilang minuto na ang nakalipas at maghahapon na, wala pa ring sumasagot. Kanina pa rin tumatahol ang mga aso. 

Sumilip pa ako sa huling beses ngunit wala talaga akong makita tao sa loob. Nagpasya na akong umalis, ayaw ko naman maabutan ng gabi sa gubat na ito. Balikan ko na lang itong kubo bukas.

Pinagpatuloy ko ang aking lakad at sinubukan alalahanin ang daan papunta sa sentro sa panahon noon. 

'Di nagtagal, dumarami na ang mga bahay na aking nadadatnan, pati rin mga sari-sari stores. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa kalagayan kong paika-ika at sa aking damit na maputik. Medyo natuyo naman ng kaunti subalit hindi ako kaaya-aya tignan.

May mga batang nagpapatintero sa kalsada ngunit napapatigil sa pagtakbo nang dumaan ako. Gayon din ang mga naglalaro ng mobile legends sa gilid. Binilisan ko pa ang aking lakad at hindi na sila pinansin.

Nang makarating ako sa kalsada pumara ako ng taxi upang makabalik na ako sa aking apartment. 

Ang oras natin ngayon ay bente singko minuto makalipas ang alas singko ng hapon. Araw ng Martes, ikawalo ng Abril.


Balik sa mga balita: Dalawang linggo nang pinaghahanap ngayon ang isang disiotso anyos na dalaga matapos itong manuod ng sinehan kasama ang kaniyang mga kaibagan. Nananawagan ang mga kaibigan sa sinomang makakatulong sa kanilang paghahanap kay Adelia Castillo. 


Umigting ang aking tainga nang marinig ang aking pangalan sa radyo ng taxi. Pinakiusapan ko pa si Manong driver na lakasan iyon. 

Kuwento ng kaibigang si Veronica, huling ugnayan nila ay ang pagpaalam daw ng kaniyang kaibigan para lamang gumamit ng banyo. Unattended din daw umano ang kaniyang cellphone.


Hindi naman nag-alala ang magkakaibigan nang hindi na nila matagpuan ang dalaga dahil akala nila ay umuwi na ito. Pero kinaumagahan, nabigla ang magkakaibigan na wala siya sa kaniyang bahay.


Naireport na ito sa pulis at iniimbestigahan na nila ang insidente. 


Ito si Kiko Gamora, reporting.


Napasalampak ako sa aking kinauupuan at tulalang nakatingin sa bintana ng taxi. Nang malapit na kaming makarating sa tapat ng apartment agad nanlaki ang mga mata ko, wala pala akong perang dala. Shocks, wala rin sa akin susi ng apartment ko.

"Ay Manong sa Poblacion na lang po pala malapit sa gasolinahan." Kumawala ng malaking buntong hininga ang driver saka niliko ang sasakyan.

Taga-Poblacion si Veronica at mangungutang muna ako ng pera. Wala akong phone kaya hindi ako sigurado kung nandoon siya sa bahay nila.

Lumulubog na ang araw at mas lalong tumindi ang traffic. Dumungaw ako sa kalsada at aking napansin na ganitong-ganito ang bayang kinaroroonan ni Don Felipe. Ang pinagkaiba lamang ay ang karagdagang imprastruktura gawa sa bato, pati na ang kalsada. Sa tagal na pamamalagi ko sa taong 1898, naninibago ako.

Ilang minuto pa ang nagdaan, umabot ang metro sa tatlong daang piso. Sana nagjeep na lang ako pero nakakahiya magpakita sa mga tao sa gantong kalagayan. Putikan, walang sapatos, basa at gulo-gulong buhok. Baka nga iniisip ng driver, hindi ko siya mababayaran.

"Manong diyan na po sa gilid. Sandali lang ho, kunin ko po pera ko." Paalam ko at binuksan ang pinto ng taxi.

"Abala naman ng oras. Oh siya bilisan mo." Inis na sabi niya.

Tinakbo ko ang kalsada at kinalabog ang pinto nina Veronica. "Veronica! Buksan mo ito, madali!"

Nakailang katok pa lang ako, binuksan na niya at gulat na sinunggaban ako ng yakap.

"Sandali, hindi pa tuyo ang damit ko. Pautang 350."

"Gurl, after mong mawala 'yan ang unang sasabihin mo sa akin?" Hindi makapaniwalang sambit niya.

"Pakidalian, naghihintay ang kutser--driver."

Pumasok ulit siya sa loob at kinuha ang kaniyang pitaka. "Here," abot niya ng pera. 

Mabilis kong kinuha iyon at tinakbo ulit ang kalsada. Naroon pa rin ang driver, inip na inip. Binigay ko na sa kaniya ang bayad at humarurot ito paalis kaya bumalik ulit ako sa bahay nila Veronica.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at hinila sa loob ng bahay. Inalalayan niya ako papunta sa banyo. "Gurl, where have you been? Bakit ganiyan ka? Hindi ka na namin mahanap sa sinehan at sa buong SM. Akala na namin nakidnap ka na. Unattended ka pa."

"Nauna na akong umuwi kasi natatae na ako, tapos lowbat phone ko kaya hindi ko na kayo nasabihan. Tapos, gumala kami ng childhood friend ko at hindi na nakapagcharge dahil sa pagkawili ko sa lugar. Nagswimming kami kaya nabasa ako uhm tapos naubusan na kami ng damit, pati siya kaya umuwi na ako. Nabasa rin pitaka ko. Hehe." 

"Okay understood, pero inform us agad next time. Pahiram ko na damit ko, maligo ka na."

----

Kinabukasan matapos magalmusal, naligo na ako at nanghiram ng square pants at shirt. Pati sa palikuran, naninibago ako. Parang ang tagal kong hindi nakakita ng toilet gawa sa ceramics at shower. Pati rin sa tiles, nakakapanibago.

Habang nagbibihis, napansin kong mas nasanay ang aking katawan sa mahahaba na saya kung saan natatakpan ang talampakan ko. Humarap ako sa salamin at nagsuklay. Dahan-dahan kong hinawakan ang gilid ng aking mukha. Ngayon ko lamang napansin na may malaki akong sugat doon. Parang nahiwa iyon ng kung anong matulis na bagay ngunit hindi gaano malalim.

"Adelia, ininform na namin ang pulis na nahanap ka na, pati na rin sina Rachel. Ebarg ka talaga, pinag-alala mo kami." Usal niya habang kinakalikot ang phone niya.

"Paumanhin. Hindi ko rin ibig mawala nang hindi nag-aabiso." Pinusod ko na ang aking buhok at inayos ang sarili bago humarap sa kaniya. Nakataas na ang kaniyang kilay at siningkitan ako.

"Wtf, deym ang deep naman ng pag-Tagalog mo. Two weeks ka lang nawala, ganyan ka na."

"Walang salitang deep. Sadyang hindi mo lang alam kaya mo tinatatawag na 'deep.' Kung sa panahon noon, ang salitang 'char' ay magmumukhang deep sa kanila. Subalit sa atin, hindi. Naiintindihan mo ba?" Paliwanag ko.

"Lol basta deep pa rin for me. Nag-iba ka na nga eh." Busangot niya.

"Siya nga pala bago ako umalis, pautang ulit."

Sa pagkakataong ito, mas lalo siyang bumusangot at inabot sa akin ang 500. 

"Geh bye, ingat ka. Bayaran mo 'yan asap." Tumango ako sa kaniya saka sumakay ulit ng taxi pauwi ng apartment. Masyadong akong napagod kaya tinatamad ako magjeep.

----

Ngayon ko lamang naalala na may duplicate na susi ang landlady ko. Dalawang buwan na akong hindi nagbabayad at nahihiya na akong magpakita sa kaniya pero ito lang ang paraan para makapasok ulit sa apartment.

"Ito duplicate. Remind lang kita ha na two months ka nang hindi pa nakakabayad bale 6000 iyon. Dumating na rin ang water and electric bill nasa pinto mo ang receipt pero I will be patient." Ngiti niya sa akin at binigay ang susi, "Ito lang ang source of income ko, remind ko lang ha."

"Opo," nahihiyang ngiti ko pabalik. 

Umakyat na ako sa ikalawang palapag at binuksan ang aking pinto. Ganoon pa rin ang ayos ng aking gamit. Walang nagbago ngunit tinubuan na ng iba't ibang kulay ng amag ang aking kalderong may tirang kanin. Inipis na rin ang iba kong mga pagkain.

Sa isang sulok ng sala, nakasandal ang aking gitara at naalala ko lahat ng mga dinanas ko. Natatakot na tuloy akong tugtugin 'yan. Kinuha ko ang aking gitara at inangat. Sa aking mesa, nakalapag naman ang papel na nabasa ko noon kalakip ng gitara.

Isang awit ngunit nag papabalik ng libo-libong alaala at isang himig na kayang pabalikin ang oras nating dalawa. Hindi ka lilisanin hanggang matapos ang huni ng tubig. -doble barra


Binalik ko sa case ang gitara kasama ng papel at lumabas ulit sa aking apartment. Nahihibang na talaga ako.

Nilakad ko ang canto at sumakay ng jeep. Ako'y nakapagpasya na, ibabalik ko itong gitara na ito at ipapambili ng iba. Lahat ng mga bagay ay babalik na sa dating kaayusan at ako'y mamumuhay ng payapa.

Bumaba ako sa paradahan ng jeep at nilakad ang daan papunta sa tindahan ng mga gitara. Kaunti lamang ang mga taong naglalakad sa bangketa kaya hindi ako nahirapang makisiksikan tulad ng dati.

Ilang sandali, nakita ko na ulit ang salaming pinto ng tindahan. Walang pakunda-kundadang tinulak ko iyon ngunit napatigil ulit sa samyo ng musikang nakatago sa bawat instrumento rito sa tindahan.

"Adelia." Bati ni Manong na naka-Barong Tagalog pa rin.

Mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya at malakas na hinamapas ang mesa hudyat ng paggitla ng ilang mga mamimili. Alam kong may kinalaman siya sa pagtime travel ko. Nakasisiguro ako. "Manong, bakit at paano?"

Sumulyap siya sa paligid saka tumingin ulit sa akin at ngumiti. Ang nakakakilabot na ngiti na dati ko nang nakita.

"Hindi pa ito ang tamang panahon at hindi pa tapos ang iyong gawain. Hindi ka rin makakabalik sa kasalukuyang panahon kung hindi sa gitarang iyan matutugtog ang melodiya. Magkikita ulit tayo, maghintay ka."

Sa isang pitik niya, nagsitigil lahat ng mga tao rito sa kaniyang tindahan at kaming dalawa lamang ang nakakagalaw. Agad akong nakaramdam ng kaba at mabilis na nangatal ang aking tuhod. 

Pumitik siya muli at doon nagsigalawan ang mga instrumento na parang may sariling buhay. Sampung mga nota pa lamang ang aking naririnig mula sa piano, violin, harp, flute, drums at trumpet, alam kong ito na ang melodiyang makapagpapabalik ulit sa akin sa nakaraan.

"Huwag!" Impit na sigaw ko kay Manong na ngayo'y nasisiyahan sa mga nangyayari. Tinakpan ko ang dalawa kong tainga at umupo sa sahig habang umuugoy paroo't parito. Ginawa ko ang lahat upang hindi marinig muli ang melodiya ngunit huli na nang magdilim ang aking paligid.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro