Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Saknong 5


Lubaybay ang mga balikat subalit ang aking mga mata'y madalas sumusuri ng mga taong naglalakad sa bangketa. Sana ganito na lang ako maglakad araw-araw. Malaya at masaya. 

Inangat ko ang bilao ng pansit at ipinakita sa mga kawal upang iparating na pinapadala iyon ni Don Felipe. Tumango silang apat at pinadaan ako. 

Ito na ang pangalawang beses na pagpunta ko sa tanggapan ng Gobernadorcillo kung saan nakagawa ako ng kahihiyan at kung anu-ano pinagsisigaw ko noon. Kumatok ako ng tatlong beses at malayang pumasok. Feel na feel ko talagang maging 'personal secretary.'

Ngumiti ako ng may kumpiyansa sa mag-amang abalang nagsusulat ngunit hindi man lang ako sinulyapan. Hinayaan ko na lang ang pagiging masungit nila. Hindi maaaring masira good mood ko. 

Nang ilapag ko ang bilao ng pansit sa lamesa, umangat ang ulo ni Jacinto. Binigyan ko siya ng pinakamasigla kong ngiti at kumaway pa sa kaniya. Sana naman ibalik na niya gitara ko sa akin dahil mukhang hindi siya sang-ayon sa batas ng ama niya.

Nang matapos tumugtug ang piyanista, tumayo ito at ngumiti ng kay tamis. Ngayon ko lamang nakita ang dalawang biloy (dimples) sa gilid ng kaniyang masisiglang labi. Mas gwapo siya pag nakangiti. Naghiyawan ang madla at naging mahiwaga ang mga sumunod na nangyari. Parehas kami ng nararamdaman. Parehong masaya sa parehong oras, nararamdaman ang parehong emosyon.

Maraming mga katanungan sa utak ko kagaya ng kaniyang ugali ngayon, batas ukol sa musika at itong lugar na ito ngunit lahat ng ito ay nasagot nang maganunsyo siya.

"Mga kababayan! Lalaki, babae, bata o matanda, kahit pa man mahigpit na pinagbabawal ng aking ama ang musika naging matatag ang ating samahan. Nawa'y maging ehemplo ito sa lahat na maging matatag at matibay laban sa mga malulupit na Kastila! Balang araw, maaatim din natin ang kalayaang nais nating makamit. Magdiwang!"

Sumulyap ako kay Marisol upang magtanong ngunit pinangunahan niya ako sa tango niya na para bang sinasabi na tama lahat ng iniisip ko.

Kalmado tumingin sa akin si Jacinto habang prenteng nakasandal sa kahoy na upuan. Hindi halatang palubaybay ang pag-upo niya, sadyang masyadong makisig ang pangangatawan niya na parang istrikto itong tignan. Bagamat ganoon, aking napansin na kakaiba ang expresyon ng mukha niya ngayon na animo'y malapit na siyang ngumiti. 

Natigil ang aking pagkaway nang may isang Amerikanong pumasok dito sa tanggapan at may inabot na puting sobre sa Gobernadorcillo. Ang dayuhang ito ay hindi man lang ngumiti o nagbigay galang sa opisyal at walang pakunda-kundadang umalis.

Nakatutok ako sa hawak na sobre ni Don Felipe habang binubuksan niya ito ngunit agad ding napatigil nang mapansin akong nanonood. Tumaas ang kaniyang kilay at bakas sa kaniyang mukha na hindi niya nagugustuhan ang pagiging chismosa ko.

Busangot akong tumalikod pero binagalan ko ang mga hakbang ko dahil curious ako sa sobreng 'yon. Kaunti na lang ang layo ko sa pinto kaya mas binagalan ko pa lakad ko.

"T-to all...Jacinto, anak, naiintindihan mo ba itong liham?"

"T-to all Spanish offic...ama hindi ho ako nag-aral ng Ingles."

Hindi ko na mapigilan ang lakas ng aking tawa nang marinig na hirap na hirap sila sa English. 'Di ko naman sila tinatawanan dahil 'di nila naiintindihan ang lenguahe. Natutuwa lang ako sa accent nila 'pag nagsasalita, masyadong cute ang pagiging trying hard nilang mag-ama.

Agad akong napatahimik nang marinig ang lakas ng pagtama ng libro sa pinto malapit sa akin. Mabilis akong humarap at magagalit na sana pero naunahan ako.

"Punyeta! Anong tinatawa mo diyan! Namumuro na ako sayo. Hindi mo pa nakitaan ang sarili mo ng galang sa aming may matataas na posisyo-"

"Nakakaintindi po ako ng Ingles Don Felipe."

Nawalan siya ng mga salita sa aking malumanay na puna habang nakatitig ang kaniyang mga matang naniningas ng galit sa akin. Samantalang, napangisi na lamang ako sa aking sarili. Walang nangahas na gumalaw sa aming tatlo.

Halata naman na masyadong mapride ang Don kaya hindi niya matanggap na mas may alam ako kaysa sa kaniya. Lumapit ako at kinuha ang sobre kay Jacinto. Binasa ko muna ang kabuuan nito bago isalin sa Filipino.

Havana, Cuba

February 5, 1898

To all Spanish officials,

There are some phases of this Cuban problem, which may appear to me, to require special consideration. The problem is much more racial and social, than political, and should be dealt accordingly.

The Spanish population is, as rule, corrupt and merciless in their relations to the Government. For three years they have practically outlawed, by the Spaniards, their families outraged and murdered, their houses destroyed, and find themselves at the end of that time.The suffering and starvation among the poor of the Island is most distressing.

My policy with them would be to let them disarm, and when disarmed, we should employ desire to engage themselves, as a constabulary force for the country, organized and controlled by the U. S. Officers.

If you think the views I have expressed of sufficient importance, you will please lay them before the President.

Very truly yours,

Mr. Thomas Butlen

Hindi na ako gaano nagulat sa nabasa ko dahil ito ang nakatakdang mangyayari. Gayon din ang Nakikiusap ang U.S. sa magandang paraan ngunit hindi pumayag ang mga Spaniards kaya magkakagyera sa Cuba. Ganoon na rin ang mangyayari dito sa Pilipinas. 

Hindi na rin nagulat ang Gobernadorcillo marahil ay nalalaman niyang magkakaroon ng gyera. Marahan kong nilapag ang liham sa mesa. Nanatili pa rin akong nakatayo roon at naghihintay ng 'salamat' o 'pasensya' o kaya naman salapi. Ang hirap kaya itranslate 'yun, dapat may talent fee.

Bumalik na sa pinagkakaabalahan si Don Felipe at si Jacinto. So ganoon na lang 'yon? Matapos kong itranslate ang letter, wala man lang akong sahod? Hindi ko pa nga nakuha sahod ko bilang katulong.

Nakapamewang akong tumikhim pero hindi man lang sila lumingon. Nanggigigil na ako sa dalawang 'to. Nakakasira ng mood.

Padabog akong naglakad paalis ng tanggapan. Kahit huwag na siyang manghingi ng sorry basta pasalamatan naman niya ako or bayaran. Attitude talaga siya at masyadong mataas ang pride. Halata namang hindi niya matanggap imperfections niya. Feeling superior kaasar.

"Ayang, iyong turuan ang anak ko ng Ingles simula mamayang hapon. Dodoblehin ko ang iyong sahod at hindi kita sisingilin sa iyong cedula."

"'Yon naman pala eh." Nakangisi akong humarap at lumapit kay Don Felipe. Naglevel up na ang trabaho ko. From personal secretary to personal professor. Ngayong napapalapit na ako, mas mapapadali ang pagkuha ng gitara.

Malugod kong kinuha ang supot ng mga salapi sa kamay ni Don Felipe at nagpasalamat. Bago ko maisara ang pinto tumingin ako kay Jacinto na ngayo'y nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin. 

"Gulat ka noh? Matatas dila ko, kala mo ha. Never underestimate my powers char. See you in class." Kumaway ako sa kaniya at nagflying kiss. Ang kanina'y inis ay napalitan muli ng saya. Sa wakas makakapagshopping na ako dito.

----

"Magandang hapon po, pwede ko po bang subukan ang damit na iyon." Tinuro ko ang magarbong damit na pang Maria Clara sa tindera. Kahit papaano gusto kong maranasan maging mukhang mayaman sa panahon na ito upang maraming pribilehiyo.

Napatulala na lang ako nang lumapit sa akin ang tindera. Hindi ko masasabing klasikal ang ganda niya ngunit ang mapupungay ang kaniyang malalaking asul na mga mata. Dagdag pa ang matangos niyang ilong.

"Eso es caro (Mamahalin iyan). Paumanhin, hindi ka pala tunay na Kastila. Mamahalin ang traje de mestiza na iyan." Iwinasik niya ang kaniyang pamaypay at hindi ako gaano pinagtuunan ng pansin habang inaayos ang mga damit na nakaladlad.

"Magkano?" 

Muli siyang humarap sa akin at sinuri ang kasuotan ko. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Sa pagkakataong ito, hindi na ako nagagandahan sa kaniya. Sa likod ng mga asul na mata na iyon ay ang bulok nitong ugali.

"Higit pa sa iyong makakaya."

Napaismid ako sa sinabi niya at napakagat ng labi. Hinawakan ko ng mahigpit ang supot ng mga salapi.

"Ano kamo?" Binuksan ko ang supot at hinagis sa kaniya ang sandamakmak na salapi. "Pwes, higit pa iyan sa iyong makakaya. Ibigay mo sa akin ang traja de mestiza."

Taas noo kong sinambit iyon na parang si Donya Victorina mula sa Noli Me Tangere. May mga sumipol na mga kalalakihan sa likuran ko ngunit hindi ko na iyon pinansin at kinuha ang magarbong damit sa babae.

----

Matapos ang ilang minutong paghihintay sa kwartong pinuntahan ko noon, sa wakas ay nakita ko siyang nakatayo sa pambungad ng pinto habang nakapamulsa at walang emosyong tumingin sa akin. Ngumiti ako ng may pagkalaki-laki at kumaway sa kaniya.

"Hey Jacinto, hindi mo ba babatiin ang iyong maestra?" Mapanuksong ngisi ko sa kaniya at dumekwatro sa kinauupuan ko.

Nagpakawala siya ng buntong hininga at tumingin sa taas ngunit 'di kalaunan, tinanggal din niya ang kaniyang sombrero at nilagay sa dibdib saka yumuko. "Magandang hapon maestra."

Marahan akong natawa ngunit pinigilan ko. Tinapik ko ang upuan at sinenyasan siyang tumabi sa akin. Umupo siya roon at taimtim na tinignan ang mga sinusulat ko sa kwadernong binili ko kanina. 

"Ok, so magsisimula tayo sa alpabeto. Kapag natuto ka na ng mga salita dapat sa Ingles mo na ako kausapin, okay?" Ngiti ko at nagthumbs up.

Nalilito siyang tumingin sa akin kaya kinuha ko ang kamay niya at nilabas ang kaniyang hinalalaki para maging thumbs up.

"'Yan ang tinatawag na thumbs up. Kapag sang ayon ka sa sinabi ng isang tao, gawin mo 'yan, okay? Sabihin mo rin okay."

"O-okey." Ilang na tugon niya at umiwas ng tingin. Doon ko na lamang napansin na hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya. Binitawan ko ito agad at nagpatuloy sa pagsulat.

"G-gayahin mo na lang itong s-sinulat ko."

"Bakit pangalan ko ang nakasulat dito? Hindi ba alpabeto ang pag-aaralan natin?"

Nanlaki ang aking mga mata ngunit napapikit rin agad sa katangahan ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at nasulat ko 'yun. Kakaisip ko siguro sa piano performance niya.

"A-ah kailangan kasi alam mo ibigkas ang bawat letra sa pangalan mo sa Ingles. 'Yan ang gagamitin kong halimbawa mamaya hehe."

Nanaig ang pagka-ilang namin sa isa't isa. Heto na naman isang kapangasahan na nagawa ko. Tinuruan ko lang naman siyang magthumbs up eh. Inumpisahan ko na ang pagtalakay sa alpabeto at mga panghalip. Mabilis naman siyang matuto kaya wala pang dalawang oras ay natapos na kami.

Bumaba na ako upang tumulong sa kusina. Adobo raw ang ulam ngayon. Pagod kong sinalubong sina Marisol at Aling Conchita. Binalitaan niya ako na makakapunta lamang kami sa night out/party namin kapag wala raw ang pamilya.

"Tapos na kami magluto, ihanda na lang natin ang lamesa. Kamusta nga pala sa pagtuturo ng iyong ginoo?" Mausisa na tanong ni Marisol

"Sakto lang. Mabilis siyang matuto pero nakakapagod magpaliwanag."

"Mabuti naman, halika may ipapakita ako sayo." Hindi na ako nakaangal nang mabilis niya akong hinila papunta sa bakuran.

"Nakikita mo baga yaong matipunong ginoo banda roon?" turo ni Marisol sa lalaking nakatalikod sa amin.

Isa lang naman ang lalaking nakikita ko sa bakuran. Nakaputing manggas ito at naka itim na pantalon.

"Sino? 'Yang ginoong nagsisibak ng kahoy?" tanong ko.

Napapikit siya at napakagat ng labi habang nakangiti ng matamis. 

"Siya nga. Napakahusay magsibak! Nawa'y ako'y pagpalain at mabigyan ng pagkakataon na kaniyang masibak."

Napatakip ako ng bibig sa kapusukang sinabi ni Marisol. Ganito pala manlandi ang mga babae noon. Akala ko mga conservative sila at hindi marunong humarot. 

"Ano? Umiibig ka kay Sergio?"

"Hinaan mo 'yang boses mo. Oo, mahigit tatlong taon na siyang nanliligaw sa akin." 

Napanganga ako sa impormasyong nakuha ko sa kaniya. Grabe, sana all. Ang tatag naman nila, three years. Kung sabagay naiintindihan ko si Marisol dahil mabait, masipag, matipuno at may kagwapuhan si Sergio. 

"Grabe ang haba ng hair mo, nawa'y lahat ganiyan." sambit ko habang inggit sa jowa niya. Sumilay ang kunot sa noo niya ngunit nawala rin lang. Sanay na siguro siya sa pag English ko.

"Huwag kang mag-alala. Mayroon ka naman matipunong manggagamot at estudyante." Haynako eto na naman, shiniship niya ulit ako kay Jacinto. Ang kasungitan ng lalaking iyon ay malaking turn off kaya't nakakakilabot talaga pag-iniisip kong magjowa kami.

"Ilihim lang natin ito, ikaw lang at ang aking mga magulang lamang ang nakakaalam. Hayo na, maghanda na tayo ng hapunan."

----

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at hindi pa rin maalis sa isipan ko ang lovelife ni Marisol. Sana all talaga.

"Kamusta ho ang anak niyo Aling Conchita?" Tanong ni Marisol.

"Malubha pa rin ang kalagayan niya ngunit mas mabuti na ito ngayon awa't tulong ng Dios." Nakahinga naman kami ng maluwag doon dahil napansin naming pagod at puyat si Aling Conchita tuwing bumabalik siya rito sa mansion.

Maya't maya nakarinig kami mga katok mula sa pangunahing pinto. Tinapos ko agad ang natitirang kanin nang utusan ako ni Don Felipe na buksan ito, maging si Jacinto ay hindi pa tapos kumain.

Ang malaking pinto ay kulay abo at napaghahalataang maraming taon na itong nanatili dahil sa mga batik-batik nito. Mayroong dalawang magarbong metal na hawakan ng pinto sa gitna. Ipinalibot ko ang aking mga daliri sa malamig na metal at pinihit ito.

"Ama, pinapatawag niyo raw ho ako?" 

Nanlaki ang aking mga mata at napaawang ang aking bibig sa nakangiting binatilyong kamukha ni Jacinto na nakatayo sa harapan ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Jacinto at sa binatilyo.Parehang parehas sila sa lahat ng pisikal na aspeto maliban na lamang sa ugali. Magkamukha talaga sila. Maging sa kayumangging mata at sa pagiging moreno ay magkaparehas sila.

Papasok na sana ang binata nang mapansin niya ako sa gilid ng pinto. Sandali siyang nagulat ngunit napalitan ng ngiting pagkapilyo. Ngumisi ito habang naglalakad palapit sa akin. Unti-unti niyang nilapit ang kaniyang mukha hanggang sa ilang pulgada na lamang ang aming pagitan. Tumagilid ito at bumulong sa kaliwang tainga ko.

"Mahusay ka palang mag-gitara. Higit pa roon, ang tapang mo noong bumibili ka ng damit. Gusto ko sa mga babaeng ganiyan."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro