Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Saknong 4

Sa pagdating ng kalaliman ng gabi, lahat ng mga tao ay panandaliang nakalilimot habang tinatahak ang daan tungo sa kawalan ng ulirat ng mga panaginip at mga bangungot. Lahat maliban sa akin. 

Kinuha ko ang maitim na talukbong sa aparador at pinatong sa aking balikat. Ang makapal na tela nito ang siyang tanging naghihiwalay sa pagitan ng aking balat at ginaw ng gabi. Isa lamang ang paraan upang makatakas sa bangungot na ito.

Sinindihan ko ang gasera at maingat na binuksan ang pinto ng aking kwarto. Hindi na ako nagsuot ng bakya para hindi gaano maingay.

Bawat hakbang ko ay naglilikha ng pag-awit ng mga kahoy sa sahig. Ang kanilang pagkasabay-sabay ay parang isang acapella ng lilom ng baritono na nagiging masiglang tala ng soprano sa aking pagakyat ng hagdan. 

Ito ang angkop na lugar upang makisali at makibabad sa musikang minsan nang naroroon kasama ang kaluluwa ng mga instrumentong nagtatago sa sulok ng mansion.

Umalis ang pamilya kanina matapos maghapunan kaya't napagdesisyunan kong hanapin ang gitara ko. Inunat ko ang aking kamay sa hawakan ng pinto ng unang kwartong at walang pakunda-kundadang pinasok ito.

Nilibot ko ang gasera ngunit pawang mga banggera lang ito ng mga libro. Naglakad pa ako upang suriing mabuti ang silid. Baka may secret doorway sa mga shelves. 

Nilapag ko ang gasera sa lamesa at doon ko napansin ang dalawang tapyas na batong nakapatong roon. Pinagmasdan ko ito at dahan-dahang sinayaw ang aking mga daliri sa ibabaw nito. Iaangat ko na sana nang may nagsalita mula sa pinto.

"Ano ang iyong pakay?"

Dagok akong napaharap sa kaniya at napahawak sa dibdib. Akala ko umalis na sila. "Hindi ba kayo umalis?"

Deretso niya lang akong tinignan at inulit ang kaniyang tanong pero sa pangalawang ulit, madiin at demanding na ito.

"Ahy hehe hinahanap ko 'yung cr, ay este palikuran."

"Nasa ibaba ang palikuran. Ano ang iyong pakay rito?" Ayaw niya talagang maniwala. Napahawak ako sa aking saya at nag-isip ng librong classical na paborito ko.

"U-uhm hinahanap ko 'yung ano, 'yung R-romeo and Juliet na libro. Oo 'yun. Teka 'diba umalis kayo kanina?" Hindi siya umimik sa tanong ko. 

Hala, baka multo itong kaharap ko. Nanlaki ang aking mga mata sa kaisipang iyon lalo na't mukhang haunted house itong mansion kapag naging visiting site ito sa panahon ko.

"Omg, multo!" Kumaripas ako ng takbo na parang speed of light at sinagi pa si Jacinto dahil nakaharang siya sa pinto. 

Binayo ng aking mga paa ang sahig habang nakahawak ang namamasa kong kamay sa aking saya. Rinig na rinig ko rin ang ulyaw ng aking mga hakbang papunta sa aking kwarto.

Kabado akong napasandal sa pinto at hinahabol ang aking mga hininga. Ito na siguro ang pagod na hinihintay ko kanina pa. Ang pagod na nangangailangan ng magandang tulog. 

Unti-unting bumibigat ang aking katawan at talukip ng aking mga mata na siyang umaakit sa aking pagkaantok. Bumabagal na rin ang tulin ng pintig ng aking puso hudyat ng pagtawag ng aking kama.

----

Nagdaan ang ilang mga araw, karaniwang kagawian pa rin ang inaatupag sa mansion bilang isang kasambahay. 

Nagiging abala na rin si Jacinto at si Don Felipe sa mga pampolitikal na mga bagay ngunit sa tuwing makakaharapan ko siya ay naiilang ako. Minarapat kong hindi na rin banggitin ang nangyari noong gabing pinaghinalaan ko siyang multo dahil sa palagay ko hindi multo ang nakita ko kasi nagawa ko pa siyang isagi.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin malibot ang ikalawang palapag dahil maraming mga balakid at mga iniuutos.

----

Madaling araw pa lang gumising ako ng maaga upang samahan si Marisol na bumili ng Pan de Sal dahil kasalukuyang nakikimisa ang pamilya. 

Ang lamig ng umaga ay sadyang mapanlinlang dahil bahagyang tumataas pa lang ang araw at ang taas nito ay palaging mas malamig. Kumapit si Marisol sa aking braso at humalukipkip pa sa akin. 

Marami nang mga tindera ang nagtatayo ng kani-kanilang kuwadra upang mailadlad ang kanilang mga paninda.

Pagkarating namin sa panadero, sumalubong sa amin ang init ng lugar. Ang init nito ay hindi parang tinutusta sa impyerno kundi parang kusina sa pagluluto sa hurno.

"Good morning, ladies! How many are you going to buy?" 

"Magandang umaga, Mang Raul. Yaong dati na po naming binibili."

Sandaling natigil ang utak ko. Mas kuminang ang aking mga mata nang 'di ko inaasahan sa maligayang bati ng tindero.

"Wait, nag-eenglish po kayo? Ikaw, Marisol, paano mo siya naiintindihan? So nanaginip lang ako?" Taas kilay na tumingin sa akin si Marisol at pinisil ang aking kamay. 

"Paumanhin? Mang Raul pagpasensyahan niyo na po ang kaibagan kong si Ayang. Marahil ay nababaliw na siya dahil matagal na niyang hindi nakakausap ang kaniyang ginoo. Hindi ba Ayang?"

"Ano? Shut up ka nga muna Marisol. Teka lang, Mang Raul paano po kayo nakakapagsalita ng Ingles?"

"Maraming mga taga-Estados Unidos ang dumadagsa para bumili ng my special pan de sal kaya natuto ako ng a little bit of English. Ikaw, paano ka nakapagsasalita ng Ingles?"

"Ay uhm, 'yung tiyahin ko po may asawang Amerikano k-kaya nasanay ako sa English."

Napakurba ng letrang O ang bibig ni Mang Raul at nag-umpisang maglagay ng pandesa sa aming takuyan. Ngayon ko lang naalala na sa taon na ito magsisimula ang pananakop ng mga Amerikano. Kaya siguro naiintindihan ni Marisol dahil parati gumagamit ng Ingles si Mang Raul.

"Teynkyu, Mang Raul!" Kaway ni Marisol. Nagpasalamat na rin ako at ngumiti.

"You're welcome, mga binibini!" Medyo natatawa ako dahil kung nasa henerasyon namin si Mang Raul tiyak na mapagkakamalan itong conyo.

Mas nagiging karaniwan sa mga tao na gumagalaw sa oras na sikat ang araw ngunit hindi ko alam kung ito ang dapat. Ang kumot ng gabi ay parang proteksyon sa akin lalo na sa aking pagkatao samantalang ang ilaw ng araw ay nakakatakot kung saan maraming nakikita, hubo't hubad at libre sa lahat.

"Alam mo ba Marisol, pangarap ko noong bata ako makapangasawa ng dayuhan."

"Ganoon ba? Ayaw mo na ba kay Ginoong Jacinto?" Panunukso ni Marisol.

"Luh, sadyang gusto ko lang ng anak na may lahi para maganda at gwapo." Sa sinabi kong iyon bumusangot siya. "Bakit?"

"Hindi ko ibig sa mga dayuhan pagkat inaangkin nila ang sa atin." 

Agree naman ako sa sinabi niya pero iba ang panahon nila sa panahong kinabibilangan ko. Puro Ganoon ang aming usapan hanggang sa makarating na kami sa mansion.

"Siya nga pala Ayang hindi raw makakauwi ang señor at ang don. Ibig kitang isama sa aking pagliliwaliw mamayang gabi kung iyong nais. Nakapagpaalam na ako kay Aling Conchita."

"Liwaliw mamayang gabi? Ikaw ha, nagpaparty ka pala. Saan ba?"

"P-parti? Hindi ko muna maaaring sabihin sapagka't hindi ka na magugulat."

"Ay wala wala, dami mo alam. Pasurprise surprise ka pa diyan." 

----

Naglinis lang kami buong maghapon at nagchikahan. Minsan sa paglilinis, nakasusumpong ako ng kalma sa aking utak at puso habang dinaramdam ang dausdos ng mga kagamitan at ang tunog ng walis sa kahoy na sahig.

Maya't maya nagpaalam si Aling Conchita at umuwi sa kanilang tahanan dahil nagkasakit ang anak niya kaya kami muna ni Marisol ang namamahala sa bahay.

Nang matapos ang lahat ng mga gawain, humiga ako sa kama at napatitig sa kisame. Namimiss ko na ang mga kaibigan ko at ang pagiging musikera. Tamang part-time sa mga restobar, kasal at mga lamay. Tamang reject lang din sa akin sa mga auditions.

Nababatid kong mapapatagal ang pamamalagi ko rito sa dami ng balakid upang makuha ang gitara ko ngunit matatag ang paniniwala ko sa katagang 'Habang may buhay, may pag-asa.' Masyado nang sikat ang katagang iyan ngunit makabuluhan at pinanghahawakan ko ito.

"Ayang, handa ka na ba?" nasasabik na tanong ni Marisol.

"Oo, magbihis lang ako saglit." 

Sinuot ko na ang kulay asul na tapis ko at nagdala ng balabal dahil mahamog ngayong gabi. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at inayos-ayos ang buhok ko. Inipit ko ito sa high ponytail kasi baka sa party or sa bar kami pumunta.

"Kakaiba ang estilo ng iyong pagtali ngunit aking nagustuhan kaya gagayahin na lang kita."

Hindi pa kami nakakalayo sa mansion, tanaw na tanaw ang mga guardia civil na nagbabantay. Dumoble ang bilang nila kumpara sa umaga kaya medyo nangangamba akong makulong ulit.

"Uy Marisol, hindi ba tayo huhuliin?"

"Hindi, dadaan tayo sa batis. Walang nagmamasid roon." Sambit niya na parang di nababahala sa rami ng mga guardia. Sanay na siguro siya, tutal taga rito siya.

Sa sahig ng kagubat ay namamalagi ang mga punong maraming pinagdaanan mapabagyo o mapasunog. Sa aking palagay, ang mga panahong pinagdaanan nito ay malulupit buhat ng mga kulubot sa puno, gayunpaman ay mas maganda silang tignan. 

'Di nagtagal natanaw na namin ang batis. Sinundan namin ang agos nito at katulad ng mga puno, ang batis ay nagtataglay ng kalakasan na sumasalamin sa pinagdaanan ng kagubatan. Mapapansing ito ay dumadaloy ng may kumpiyansa sa ilalim ng liwanang mula sa buwan.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad oh."

"Malapit na tayo, naroon na ang tulay" Grabe ang definition niya ng malapit, mga tatlong kilometro pa yun eh.

Ilang minuto na ang nakalipas at sa wakas nakatawid na kami sa hanging bridge. Sumandal ako sa tabing puno nang huminto siya upang ilabas mula sa kaniyang bayong ang lampara. Sinindahan niya ito at nagpatuloy.

Doon ko na lamang napansin na may mga ekis na markang nakaukit sa mga puno patungo sa pinupuntahan namin. Nakailang liko na kami nang biglang humarap sa akin si Marisol at hinawakan ang aking balikat.

"Naririnig mo ba iyon, Ayang?"

Tumingala ako at nagpalibot-libot ng tingin upang alertong mapakinggan ang paligid. Nang marinig iyon, sabay sumilay sa aming mga labi ang ngiting nangungulila sa matagal nang hinahanap-hanap ng kaluluwa namin.

Natutuwang tumakbo kami ni Marisol papunta roon kung saan malaya na kaming makakapagpahiwatig ng emosyon sa kakaibang paraan.

----

Bago mapuno ang hangin ng mga nota, ang bawat tao ay isang isla. Kapag pinagsama-sama ang mga ito, nararamdaman nilang lahat ang parehong daloy ng tubig at doon nagiging mas kalugod-lugod ang pakikihalubilo.

Pinupuno ng musika ang kubo tulad ng mga alon na pumupuno sa mga butas ng buhangin sa karagatan. Ang tunog mula sa mga instrumentong nagmamadaling pumaloob sa paligid at sa bawat tao dito sa silid. 

May mga ilan na tumutugon sa kumpas ng musika, ang iba naman ay patuloy sa pakikipag-usap. Ang isang buhay na buhay na tempo ay maaaring magpaangat sa kanila, magpataas ng kaluluwa o makapagpasayaw sa kanila habang ang isang mabagal na tempo ay maaaring makapagpahinga sa kalooban. 

Kakalabitin ko na sana si Marisol ngunit wala na siya sa aking tabi. Nilibot ko ang aking paningin sa mababa ngunit maluwang na kubo at naroroon siya sa gitna ng mga tao habang umiindak sa mga tugtuging pangbayan.

Hinayaan ko na lang muna siyang magsaya roon at pumwesto ako malapit sa bintana kung saan makikita ang kumikinang na mga bituin at bilugan na buwan.

"Sinong pang ibig tumugtug ngayong gabi?"

Naghiyawan ang mga tao sa lalaking nagsalita sa harap. Sabi na nga ba party pupuntahan namin ngunit ito na ang hinihintay kong pagkakataon upang punan ang aking pagnanasa sa musika.

Kabado akong pumunta sa harapan at nahihiyang tinuro ang gitarang nakasandal sa gilid.

"Mga kababayan, may isang binibining nais tumugtog ngayon!" Muling naghiyawan ulit ang mga tao. Hindi sila gaano karami tulad ng mga nakikita sa night clubs ngunit sapat na sila upang magkasya dito sa kubo.

"Ano ang iyong tutugtugin binibini?"

"214 po by rivermaya" Medyo natahimik ang mga manonood ngunit hinayaan ko na. Hindi rin lang kilala dito ang kantang iyon.

Ang gitarang iyon ay isang ordinaryong, kayumanggi, kahoy at acoustic. Ito na ang aking pinakahinihintay. Sa tuwing nabibiyayaan ako ng pagkakataong tumugtog, hinahayaan ko ang gitarang umawit sa akin at ako ang amo nito.

Am I real?

Do the words I speak before you make feel

That the love I've got for you will see no ending?

Well if you look into my eyes then you should know

Ang matamis na koro ng acoustic na gitara ay nagsalita ng isang wikang pangmusika hindi lang sa aking kaluluwa kundi sa lahat ng taong nakaririnig nito. 

The world would die and everything may lie

Still you shouldn't cry

'Cause time may pass

But longer than it'll last

I'll be by your side

Kasabay ng paggalaw ng bawat bagting sa gitara ay ang pag-aaya ng mga kalalakihan sa mga kababaihan upang sumayaw sa mabagal na melodiya. 

Take my hand

And gently close your eyes so you could understand

That there's no greater love tonight than what I've for you

Well if you feel the same way for me then let go

Mula sa pagkalabit ng mga bagting, natutugon nito ang kalidad na matagal-tagal ko nang inaasam. Pinakawalan ko ang aking sarili sa tunog ng gitara at ito ang depinasyon ko ng kalangitan.

'Cause time may pass

And everything won't last

I'll be by your side

Forever by your side

'Forever by yourside.' Kung habang buhay man akong mananatili rito at hindi na makakaalis, hinihiling kong kasangga ang musika hanggang sa mamatay.

Nakarinig ako ng malakas palakpakan mula sa manonood kasabay ng kanilang mga papuri. Nagumiti na lang ako nagpasalamat bago bumalik sa aking pwesto malapit sa bintana.

Sa mundong aking kinagisnan, pahirapan abutin ang pangarap bilang musician ngunit sa panahong ito, hindi ko ramdam ang kompetisyon kundi malaya kong naipahayag ang aking sarili.

"Ayang! Napakahusay mong tumugtog."

"Salamat. Uhm ano pala ito? Paano nagkaganto? Hindi ba tayo mapapatay ni Don Felipe neto?"

"Huwag kang mag-alala, nandito na ang nagtayo ng samahang ito. Doon makikita mo. Tutugtog yata siya ngayong gabi." Turo ni Marisol sa entablado. 

Tumingin naman ako sa isang binatilyong nasa harapan na nakasuot ng salakot at ang kaniyang Kamisa de Chino.

Lumingon ito sa harapan ng mga madla at tinanggal ang salakot upang yumuko. Tumindig ito muli at ngumiti ng abot tainga. Sa liwanag na nagmumula sa maraming mga gasera sa bahay kubo ay mas naaninag ko na ang itsura nito

Ang kaniyang kayumangging mga mata na dati'y walang kaemo-emosyon ay ngayo'y ubod ng sigla. Ang tindig na dati kong kinatatakutan ay ngayo'y napalitan ng malulumanay na pagkilos habang nakapwesto siya sa harap ng piano at nagsimulang itugtog ang 'Romeo and Juliet - Op 64 - Act 2 (Folk dance).'

Ang mga nakahilerang mga piraso ng itim at puti ay nangniningning na para bang ito ang mga bituin sa isang nagagalak na gabi. Maliwanag, maganda at nakagagaan sa kalooban. 

Ang tunog na nililikha nito ay pumukaw sa aking kaluluwa. Ito ang napakagandang istrukturang nakatayo sa harapan ng entablado ngunit mas pinaganda ito ng manunugtog.

Sumabay ang pintig ng puso ko sa indayog ng musikang lumalabas mula sa instrumentong pawang puti at itim. Tulad ng matinding damdamin ng kaniyang binubuhos sa piyesa ay ang pagkawala lahat ng aking diwa maliban sa musika.


https://youtu.be/rAHM2j0b0no

https://youtu.be/wc70t-unACU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro