Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Saknong 3

"Dalhin ang babaeng bayaran na ito sa bahay aliwan!"

Pumasok sa silid ang dalawang guardia civil at hinawakan ang magkabilang braso ko upang hilain paalis. 

"Wait! Let me explain!" Nagpupumiglas ako sa kabig ng mga guardia ngunit walang akong laban sa kanilang lakas at higpit sa pagkakahawak.

"Teka lang, I deserve an explanation! Hoy, bitawan niyo ako!" Buong tapang kong sigaw dahil tutol ako sa desisyon ng Gobernadorcillo na 'yun. Hindi ko akalain dito ako unang mawawalan ng virginity.

"Huwag! Ang sama niyo hoy!" Malapit na kaming makaalis ng silid at sumulyap ako kay Jacinto sa hangaring matutulungan niya ako ngunit nadismaya ako nang wala itong kaemo-emosyong nakatingin sa akin habang hila-hila ng mga guardia.

Nakakainis, wala ba siyang awa? Nakalagpas na kami ng pinto at napagtanto kong silang mag-ama ay walang puso sa mga hamak na kababaihang tulad ko.

"Sandali!"

Nagpintig ang aking tenga at nabuhayan ng pag-asa nang marinig ang boses niya na siyang nagpatigil sa lakad ng dalawang guardia civil. Hinila ulit ako pabalik sa silid ngunit sa pagkakataong ito malugod akong sumunod.

"May kailangan ka pa ba sa babaeng bayaran na iyan?" Usal ng Gobernadorcillo at nagawa pa akong ismiran. Inirapan ko rin siya, wala akong pake kung opisyal man yan o hindi basta alam kong makakaalis din ako rito kaya wala siyang magagawa kung bastusin ko siya.

Tumayo si Jacinto at naglakad malapit sa bintana. Tinanaw niya ang mga taong abalang naglalakad sa mga pamilihan. Humalukipkip ito at tumingala.

"Hindi po ba ama ay naghahanap kayo ng bagong kasambahay? Aking nabalitaan na dati siyang naninilbihan sa isang mayamang pamilya sa bayan nila." 

Napaisip ang Gobernadorcillo at napatango-tango. "Kung sabagay isang taon na tayong sumusumpong subalit walang may ibig mamasukan sa pamilya natin." 

Napangisi ako at marahang napatawa. Malamang walang may gusto kasi malupit kayo at ubod ng kasungitan. Kahit ako ayaw ko rin ngunit mas mabuti ito kaysa sa bahay-aliwan

Tumipak ang Gobernadorcillo at tinuro ang dalawang guardia civil na nakatayo malapit sa pinto. "Ihatid niyo siya sa mansion at ipabatid ang aking bilin kay Conchita ukol sa bagong kasambahay."

Marahas akong hinila ng dalawang guardia civil palabas dito at tinulak pasakay ng kalesa. Agad naman ako natapilok at sumubsob ang mukha ko sa upuan. Marahan kong inangat ang aking sarili at umupo.

Sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kalesa masasabi kong magtatanghaling tapat na.  Pinagmasdan ko ang kapalaligiran at mas naging makatotoohanang nasa 1800s ako dahil sa mga imprastrukturang gawa sa kahoy maliban na lamang sa simbahan.

Natanaw ko rin ang pagkalembang ng kampana ng dalawang lalaki sa tuktok ng simbahan na nagsasabing alas dose na ng tanghali.

Kakaiba rin ang gayak ng mga tao rito. Ang mga kababaihan ay nakasuot ng baro't saya ngunit bilang lamang ang mga nakikita kong may magarang kasuotan at may hawak pang abaniko. Sa kabilang banda, nakasuot ng Kamisa de Chino at salakot ang mga kalalakihan.

Kahit sa ganitong oras, maraming mga kawal at mga guardia civil ang nagkalat at nagbabantay.

Hindi nagtagal, huminto ang kalesa sa tapat ng malaking gate. Binuksan ng isang binatilyo ito at nagbigay galang nang tanggaling ang sombrero nito at nilagay sa dibdib habang nakayuko.

Bumaba ang guardia sa aking kanan at tumindig sa harapan ng binatilyo. "Iniuutos ni Gobernadorcillo Felipe kay Conchita ang bagong kasambahay. Paki-abisuhan na lang."

Tumango ang binatilyo at yumuko ulit. Sinenyasan ako ng guardia na bumaba at tinulak papasok ng gate. Bago sila makaalis, pinandilatan niya ako na parang sinasabing huwag kong tangkaing tumakas. 

Maluwag ang daan na gawa sa lupa at napaliligiran ito ng mga damo at mga mapupulang santan. Sa hindi kalayuan, tanaw na tanaw ang matayog na dalawang palapag na mansion dagdag pa ang terrace nito sa second floor. Gawa sa bato ang unang palapag samantalang kahoy naman sa ikalawa. May pacurve pa na stairs sa entrance bago ang main door.

"Magandang tanghali sa iyo binibini, ang ngalan ko'y Sergio at ako ang kutsero at hardinero ng mga Montemayor." Pagpapakilala ng binatilyo nang hindi tumitingin sa akin habang tinatahak namin ang daan papunta sa mansion. Siguro naiilang siya sa suot ko.

"Ohh I see. Magandang tanghali rin, Ayang nga pala." Tipid ngiti kong tugon dahil wala ako gaanong gana dahil sa pagod at gutom. At least, may mabait na tao na akong nakilala.

"Ow-aysee? Ano ho iyon?" Nagtatakang tanong sa akin ni Sergio. Nakalimutan kong di pala sila nakakaintindi ng Ingles.

"A-ah e-hh sabi ko 'Oh ay seergio' pala pangalan mo. Pwede magtanong."

"Ano iyon, binibini?"

"Sino si Conchita? Masungit ba?"

"Ah si Aling Conchita ang punong kasambahay. Mahigit sampung taon na siyang naninilbihan dito kung kaya't siya na rin ang nangangasiwa ng mga gawain bahay. Hindi naman siya masungit, mahigpit lang."

Nakatatlong katok pa lang siya sa pinto bumungad sa amin ang isang matandang babae. Bagamat may kaunting kulubot sa kaniyang mukha, napaghahalataang malakas siya. 

"Aling Conchita, ipinabibilin po ni Don Felipe ang bagong kasambahay na si Ayang." Pagbibigay galang muli ni Sergio. 

Nawala ang ngiti ko nang makita ang reaction ng matandang babae. Parehas sila ni Gobernadorcillo Felipe na nandidiri noong una niya akong nakita.

Nanginginig kong nilahad ang aking kamay para makipag hand shake. Kinakabahan ako, baka may job interview. Wala pa naman akong experience sa pagiging maid.

Nalilitong tumingin sa kamay ko si Sergio at Aling Conchita tsaka ko narealize na hindi pala uso 'yun dito. Dahan-dahan kong binawi ang aking kamay at ngumiti ulit.

"Sumunod ka sa akin." Nagpaalam na ako kay Sergio at sinundan si Aling Conchita sa loob ng mansion. Lahat na yata ng tao rito masungit maliban kay Sergio.

Nakamamangha ang interior design ng mansion na ito. May chandelier pa at malaking salamin sa sala. Kahit walang electric fan, sobrang sariwa ng hangin dahil malalaki ang bintana na gawa sa kahoy at capiz shells. Halos lahat ng kagamitan dito gawa sa tabla.

Sumilid si Aling Conchita sa isang kwarto at may hinalungkat sa aparador. Inabot niya sa akin ang saya, tapis, pañuelo at pares ng bakya.

"Ikaw ang magiging taga-utos ng pamilya subalit maaari ka ring tumulong sa mga gawaing bahay. Naroon ang palikuran, ika'y manamit nang sa gayon ay kaaya-aya ka namang tignan." 

So bale utusan lang ako? Ay hindi, ipinagkaloob pala sa akin ang napakagandang trabaho na hinahangad ng karamihang mga babae sa generation ko. Ako na ang personal secretary ng pamilyang Montemayor. Uso na pala dito ang maging secretary.

----

Natapos na akong mag-ayos ng sarili at kumain. Naririto ako ngayon sa bakuran at umupo sa ugoy sa ilalim ng punong mangga at inaasam ang magandang tanawin.

Napupuno ang bakuran ng iba't ibang uri ng mga halaman, mapa-bulaklak o mapa-gulay. Marami ring puno ng saging sa isang sulok. Kung ganito lang kasarap mamuhay, dito na ako.

Ayoko munang mag-isip ng kung anu-anong problema lalo na kung patungkol sa mag-ama at ang gitara ko. Pumikit ako at dinama ang sariwang hangin habang umuugoy sa duyan. Napakasarap talaga mamuhay ng ganito.  

"K-kamusta ang iyong unang araw rito sa mansyon, binibini?"

Nagambala ako sa pagkakaroon ng peace of mind nang makita ang nakangiting dalaga sa aking harapan.

"Pasensya na kung nabigla kita, ako nga pala si Marisol. Limang taon na akong naninilbihan dito." kalmadong sambit niya at umupo sa tabi ko. 

"Ako si Ayang." Tugon ko. 

"Tanyag ang mga Montemayor sa pagiging suplado at mapagmataas, bakit mo naisipang manilbihan dito?" 

Sobrang kalmado talaga ng boses niya na parang nakikisabay sa magarang sayaw ng mga matataas na damo sa mahinahong hangin. Hindi ko alam pero napalapit agad ang loob ko sa kaniya kahit ngayon ko lang siya nakausap.

Bumuntong hininga ako at ikwinento sa kaniya ang mga nangyari. Mas mabuti nang may mapagsabihan kaysa mabaliw ako kaiisip.

Taimtim naman siyang nakikinig sa kwento ko. Syempre hindi ko sinama 'yung part na hindi ako taga-rito. 

Nang mabanggit ko ang aking gitara, gulat siyang napalingon sa akin at napatakip ng bibig. 

"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" Mas nanlaki pa ang kaniyang mga mata sa tanong ko at napahawak pa siya sa kaniyang dibdib. Omg, may sakit ba 'to sa puso? 

"Hindi mo ba nalalaman ang batas?"

Nagtataka akong tumingin sa kaniya kung kaya't umupo siya ng maayos at sinenyasan akong lumapit sa kaniya.

"Simula nang mamuno si Don Felipe mahigpit niyang pinagbabawal ang anomang uri ng musika at dinakip ang sinomang lumalabag. Kinuha at tinago rin niya lahat ng mga instrumento sa bayan. May bali-balita pa noon na napaslang ang isang binata dahil nangharana siya. Jusmeyo, kahabagan nawa siya sa kaitaasan."

"H-ha? Bakit bawal?"

Ilang beses akong napakurap sa sinabi niya. Kaya pala ako pinakulong. 'Di bale, dito ako nagtatrabaho kaya mas mapapabilis ang pagkuha ko sa gitara ko. Kailangan ko lang hanapin kung saan tinago.

"Walang nakaaalam kundi ang mga Montemayor."

Natahimik kaming dalawa sa impormasyon na binanggit niya. Ni ako nahihirapan nang iabsorb ang mga nangyayari. Sino kasing tangang magpapasabatas na bawal ang musika? Isang kahibangan iyon. Kung totoo man ito, wala akong nabasa sa history books na may ganito palang nangyari.

Sa labing walong taon kong namamalagi sa mundo, musika lamang ang tanging takbuhan ko kahit masaya o mapapait ang tono. Musika lamang ang tanging alaala ko ng aking mga magulang. Ngunit paano namumuhay ng matiwasay ang bawat tao sa bayan na ito kung walang musika? Paano na ang mga batang walang muwang at hindi nakaranas ng emosyong taglay ng musika?

"Ayang! Pumaroon ka, madali! Tawag ka ni Aling Conchita." Natauhan ako sa sigaw at pagsagi ni Marisol. 

Agad akong tumakbo papunta sa likurang bahagi ng mansion kung saan matatagpuan ang kusina.

"Kanina pa kita hinahanap! Saan ka nagtungo?"

"Sorr- pasensya na po. Nagpahangin lang."

"Tuwing hapon ipinagtitimpla ang señor ngunit masyado kang makupad kaya ako na ang gumawa! Oh siya, ibigay mo na ito."

Kinuha ko ang tasa at pumaroon sa salas kung saan nakaupo si Jacinto at ang kaniyang ama na nagbabasa ng dyaryo. 

Ang kapal ng simoy ng hangin sa mansion ay nahahaluan ng kakaibang amoy ng kapeng barako. Ganito na siguro ang trabaho ng mga secretary, taga-timpla ng mga kape sa boss ng kumpanya.

Inalok ko sa kaniya ang tasa ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagbasa. Kanina pa ako nakatayo sa harapan niya at kunti na lang ibubuhos ko 'tong kape sa kaniya, nakakangawit kaya maghawak tapos inisnob lang. Ilang minuto na akong nakatayo roon at hindi ko na alam gagawin. Mukha na akong tanga.

Pinagmasdan ko ang dyaryo at purong Kastila ang pagkakasulat doon pero di nakalagpas sa aking paningin ang pangalan ni Emilio Aguinaldo sa front page. 

Nacurious ako kaya mas lumapit ako sa dyaryo. Naghanap pa ako ng familiar words at Estados Unidos lang naiintindihan ko.

Ilang sandali nagulat ako sa biglaang pagbaba ng dyaryo hudyat ng pagkabitaw ko sa tasang porselana. Natataranta kong pinulot ang mga bubog hanggang sa hindi ko na ramdam ang pagdaloy ng dugo sa aking mga palad.

First day ko pa lang sa job ko pumalpak na ako. Napapikit na lang ako sa pagkadismaya sa aking sarili. Hindi ko alam kung saan ako pupunta 'pag napalayas ako. Wala pa naman ako masyadong kakilala rito.

Nagulat ako sa isang pares ng magagaspang na kamay na humawak sa likod ng kamay ko at ibinaba ang mga bubog na nakapatong doon.

"Aling Conchita, pakiwalisan ang kalat dito." Malumanay niyang wika.

Hinila niya ako patungo sa kusina at inutusang maghugas ng kamay binadbaran ng asin. Ang tubig ay nakapaloob sa akin ng mas malapit kaysa sa aking sariling balat. Bawat hapdi sa aking palad ay nadagdagan nang bahiran ito ng asin ngunit ito lang ang paraan para maiwasan ang impeksyon.

Sa kabilang banda, inaapuhap niya ang banggera sa gilid ng lababo. Pinaupo niya ako at lumuhod siya sa harapan ko. Hinawakan ang aking mga palad upang suriin. Tinapalan niya ang aking mga sugat ng halamang gamot at inumpisahang pinaikot ang tela sa aking kanang kamay. 

Habang abala siya sa paggagamot, napatingin ako sa maamo niyang mukha at sa kamay niyang malamlam kung kumilos. Sa mga oras na iyon, nakaligtaan ko ang aking masamang kalooban sa kaniya.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagbabalot sa kaliwa kong kamay nang mapatingin siya sa akin. Nanatili kaming ganoon ng ilang mga segundo hanggang maramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. 

Una siyang napaiwas ng tingin at napabitaw habang umiiling. Doon ko na lamang napagtanto na mapusok sa panahong ito ang paghawak kamay ng lalaki at babae maliban na lamang kung magkasintahan sila. Namumula siyang tumayo sa kinauupuan at umalis sa kusina. 

Tulala kong tinapos ang pagbalot ng tela sa aking kamay habang napapangiwi sa sakit. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang magagandang kayumanggi na pares ng mga matang kumikinang sa aninag ng araw.

"Kamusta ang iyong pakiramdam o aking sabihin kamusta ang pakiramdam ng kamay ng ginoong nailapat sa iyo." Panunukso ni Marisol nang lumabas sa pinagtataguan nito sa likod nd pinto.

"Luh, parang tanga. Tumigil ka nga dyan."

"Iyo nang aminin na matitikas ang kamay ng iyong manggagamot."

"Parang timang, Marisol."

Napahaltak kaming dalawa at natigil sa tawanan nang marinig ang sigaw ni Aling Conchita.

"Magsitigil nga kayong dalawa diyan at simulan niyo na ang pag-gatong ng mga nasibak na kahoy!"

Nagsitakbuhan kami ni Marisol habang tumatawa papunta sa labas at nagsimulang paapuyan ang mga ginatong na kahoy. Arroz Valenciana raw ang menu for tonight. Ang sosyal, may food for the day pa sila.

----

Natapos kaming magluto at hinanda ko na ang hapag-kainan. Naiilang pa rin ako kapag malapit sa akin si Jacinto. 

Sa hapag kumakain ang pamilya samantalang kami naman ay dito lamang sa kusina kung saan may mesa at mga upuan. Rinig dito sa likod ang usapang politika ng mag-ama ngunit bilin ni Aling Conchita na magkunwaring walang naririnig at itikom ang bibig dahil buhay ang kapalit sa pagkalat ng mga pampolitikang usapan.

Buong oras ng aming hapunan ay madiin ngunit mahinang pinagsabihan ako ni Aling Conchita na mag-ingat noong nalaman niyang ako ang nakabasag ng tasa dahil baka mapaalis ako sa mansion nang wala sa oras. 

Kahit pinapagalitan niya ako, sa matagal na panahon ngayon ko ulit nadarama ang pag-aalala ng isang ina at ang pangungutya ng isang kapatid. Sa hapag na ito, hindi ko malilimutan ang aking karanasan nang mapuno ang aking mga pagkukulang sa buhay lalo na sa larangan ng pag-ibig.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro