Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Saknong 21

Ang nakakaduwal na amoy ng lason mula sa katawan ni Don Felipe na kumukumot sa ere ng silid na ito ay nakakasakal na samyo. Bahagyang naningkit ang aking mga talukap at napatakip ng ilong.

"Sorry Don Felipe, sumalangit ka nawa," mahinang sambit ko at nilagpasan siya.

Mula sa kaniyang aparador, kumuha ako ng pantalon, sinturon, manggas at talukbong saka sinuot iyon upang magmukhang lalaki. Masyadong malaki ang kaniyang pantalon at sumasayad ito sa lupa kaya tinupi ko iyon upang sumakto sa aking talampakan. Maging ang kaniyang manggas ay malaki.

Binulsa ko na rin ang balisong. Ito ang pinakahuling bilin ni Jacinto bago masagawa ang plano.

Bago lumabas sa silid, sinulyapan ko muli si Don. Mga bagting ng lubid ng mga eksena ng kamatayan niya ay nanghihila sa aking mga paa palabas ng silid patungo sa bakuran kung saan kami magtatagpo nina Marisol at Sergio.

Kumawala ako ng malakas na buntong hininga na hindi ko namalayang kanina ko pa pinanghahawakan.

Hindi nakatutulong ang malakas na hangin na sumasampal sa akin sa pagtatanggal sa aking kaisipan tungkol sa mga napatay ko. Higit sa lahat, ang hangin ng haciendang Montemayor ang saksi ng buong pangyayari sa pagkitil ko sa buhay ng dalawang tao at kahit anomang gawin kong pagtakas, lagi akong lalamunin ng pagkakasala dala ng hangin.

Nanunuyo ang aking lalamunan at kung minsan ay nahihilo ako. Hindi ko inaasahang makakagawa ako ng mga ganito alang-alang sa aking gitara.

Malagim ang gabi sa likod na bahagi ng mansion. Nararamdaman ko ang marahang paggalaw ng mga kaanib ng samahan. Ang bawat pagkalikot at kuslot ng mga armas ay nararamdaman at naririnig ng aking balat kahit gaano man sila kalayo dahil sa katahimikan ng lugar.

Sa mas kailaliman ng gubat sinalubong ako nina Marisol at Sergio na may takip sa kanilang mga mukha. Nakasuot ng panlalaki si Marisol at ang buhok ay natatakpan ng kaniyang salakot. Inabutan ako ni Marisol ng tela panakpan sa mukha ko.

Tumango silang dalawa sa akin at aming tinahak ang daan papunta sa tanggapan ng Gobernadorcillo. Sa mga oras na ito, sinususian na dapat ng kambal ang mga kandado.

Mahamog ang daan na may kaakibat ng maliliit na tubig kaya parang umaambon. Isabay na ang  malakas na hangin kasalungat sa aming direksyon.

Mas lalo akong kumapit sa aking talukbong habang nakikisabay sa lakad nila. Pawang puti lamang ang aming nakikita sa malayo kaya naging maingat na lamang kami dahil baka makasalubong kami ng mga kawal.

Sandali kaming natigil nang makarinig ng mga sunod-sunod na alulong ng mga aso, "Magpatuloy tayo," ani ni Sergio.

Pinagpatuloy na namin ang aming lakad ngunit sa ngayon, mas lalo akong humawak sa balisong sa aking bulsa. Nanlalamig ang aking kamay at nanginginig na nakahawak sa malamig na metal ng balisong.

Bawat hakbang ay lumalakas ang aking kumpiyansa laban sa hangin. Mga kalamnan (muscles) sa aking katawan na nagtatrabaho ng mas higit pa lalo na sa aking hita. Sariwang sinasalubong ito ng aking balat na siyang naghuhulma ng bandila sa aking damit at balahibo.

Nakarating kami sa halamanan sa likurang bahagi ng tanggapan ng Gobernadorcillo. At mula roon natatanaw namin ang mga kasamahan na nakasukbit ang pana at palaso habang hinihintay ang kambal sa pagkilos.

Tumingin ako sa malaking orasan ng simbahan. Pasado alas dos na ng madaling araw. 

Sa hindi kalayuan, natatanaw ang mga kawal at guardia civil na natutulog habang nakatayo palibot ng tanggapan. May ilan naman na inaantok na umiinom ng kape sa malamig na araw na ito. May mga ilan naman na nakasandal na sa kanilang mga upuan, natutulog.

Ilang minuto ang nakalipas, mas lalo akong naging alerto nang marinig ang usapan ng dalawang kawal na naka-upo sa gilid ng tanggapan.

"Ya he terminado de despotricar. Hay aquellos que escucho dentro de los pasos (Tapos na akong rumonda. May mga naririnig ako sa loob na mga hakbang).

"No nos engañes más. Solo imagina eso. Mejor aún, tienes café (Huwag mo na kaming lokohin. Guni-guni mo lang iyan. Mabuti pa, magkape ka na lang).

"Es verdad. ¿Parece que estoy bromeando? (Nagsasabi ako ng katotohanan. Mukha ba akong nagbibiro?)"

"Te ves tan estupido (Mukha kang tanga)."

Natahimik ang kawal at uminom na lamang ng kape habang nakatitig sa malayo. Walang mga kawal sa likuran ng tanggapan at pawang itong dalawang kawal sa gilid, mga kawal sa harapan at mga guardia civil sa kalsada ang makikita. Itong dalawa lamang ang gising.

Ilang minutong nakalipas ng paghihintay, may bandilang puti na wumawagayway sa isang bintana.

Eksaktong pagkapasok ng bandilang iyon ay ang walang palyang pagpana sa lalamunan ng dalawang kawal. Tumulo ang dugo mula sa kanilang nanginginig na bibig at walang lumabas na salita. Sinundan pa iyon ng pagpana deretso sa kanilang puso.

Agad akong tumingin sa kalsada at sa kabutihang palad, walang nakapansin. Sa malaking orasan ng simbahan, sinasabing mag-aalas tres na. Ayon sa plano, dapat mailabas ang mga instrumento bago mag alas kwatro. At sa alas kwatro, gaganapin ang atake, lulusob na ang samahan.

Mula sa bintana, ang pinakaunang instrumento na nilabas ay ang plauta (flute). May nakita akong kasamahan na dahan-dahang tumungo roon at kinuha ang plauta. Inabot niya iyon sa isa pang kasamahan malapit sa pwesto ko. Kinuha naman ng iba iyon na parang naglilikha ng alon.

Sumunod ang iba pang instrumento tulad ng kubing (jaw harp), rondalla, kalimba, kulintang (gongs), kudyapi (harp), tongali (nose flute), gambal (drums), luntang (xylophone)  at iba pang maliliit na instrumento. Ang mga malalaki raw ay idadaan sa pinto matapos ang pag-atake mamaya.

Mahigit sampung instrumento na ang nilabas nang may narinig kaming tinig sa loob ng tanggapan. 

"Mga rebelde! Rebelde! Rebelde! Rebelde!" 

Nagsimulang magtungo ang mga guardia civil sa tanggapan, maging ang mga kawal sa harapan ay nagising. Natigil ang pag-aabot ng instrumento at mabilis na nagtungo sa kinaroroonan namin ang mga samahan na nag-aabot.

Ilang mga bulabog ang naririnig sa loob at mga sigawan. Sumulyap ako sa mga kasama na malapit sa aking pwesto. Nakahanda na ang kanilang mga palaso, kutsilyo at itak.

Mula sa munting bintana dumungaw ulit ang bandila at doon lumusob ang mga kasama dala-dala ang kanilang mga armas. 

Sa kalagitnaan ng putukan at patayan, sumulyap ako kay Marisol sa aking gilid. 

"Psst, 'di ko alam gumamit ng balisong. Palit tayo oh," pakiusap ko kay Marisol.

Tumango siya at binigay sa akin ang itak niya, kapalit ng aking balisong. Tumango siya muli at nag-umpisang tumakbo papunta sa kaguluhan.

Sa aklasang ito, mayroong mga piring sa aming puso at utak. Tanging takot lamang ang aking nararamdaman sa likod ng mga piring na iyon. Gusto kong gumapang sa halamanan na ito at hindi na makisali. Gusto ko ring pumasok na sa loob ng tanggapan upang kunin na ang aking gitara at maglaho sa panahong ito.

Hindi ko maiwasang maalala si Aling Conchita na pinatay dahil sa pagkanta ko at iyon ang naging dahilan ng pagtayo ko sa aking kinatataguan. Hindi lang para sa kaniya ang paglalabanan ko kundi para sa mga inapi at para sa aking gitara.

Sa paligid na ito, mas nasusugpo at nalalamangan ng samahan ang mga kawal at guardia civil. Habang pakunti ng pakunti ang mga kawal, ginawa ko iyong oportunidad upang pumasok sa loob ng tanggapan ng Gobernadorcillo.

Maingat akong gumapang sa damuhan at sumandal sa pader hanggang sa makarating ako sa pinakaharap. Sobrang gulo na ng nangyayari ngayon, mga katawan na nagkakalatan sa lupa, mga pana at balang lumilipad sa ere at ang sinomang matamaan ay mamamatay. Sumalangit nawa kaluluwa ng mga ito.

Malapit na ako sa pinto nang may malakas na pwersa ng pana ang dumaan sa akin sa likuran. Hindi ako natamaan, samakatuwid agad akong umikot at tinaga ng itak ang kawal na nagtatangkang saksakin ako.

Nagbigay ako ng thumbs up kung sinomang nagpana niyon. Natumba ang kawal na iyon at pinagpatuloy ko ang pagpasok sa tanggapan. 

Patuloy kong tinataga ng itak ang sinomang masalubong ko sa pasilyo. Kung bibilangin nasa limang kawal na ang nataga ko. Ginaya ko ang paraan kung paano magsibak si Sergio.

Inalala ko kung saan banda ang silid kung saan nagbigayan sila ng instrumento sa bintana. Nakailang ikot na ako sa pasilyo at mas lalong lumakas ang ingay na nagmumula sa labas.

Mas lalo ring dumami ang putukan sa labas. Isang senyales na dumagsa ang karagdagang kawal at guardia civil. Nawa'y magtagumpay pa ang ibang pangkat na nakikilaban sa bilangguan, mansion at rito sa sentro.

Isa-isa kong binuksan ang mga silid sa likurang bahagi ng tanggapan ngunit walang senyales na naroroon sina Jacinto at Clemente. Paano kung nauna na silang tumakas? Paano kung nailabas na lahat ng instrumento? Paano kung naabutan sila ng mga kawal at napatay?

Nanlaki ang aking mga mata sa kaisipang iyon at mabilis na hinalughog lahat ng silid dito. Isang silid lamang ang hindi ko mabuksan dahil nakakandado iyon kaya imposibleng nandoon sila.

Unti-unti ko nang naririnig ang mga yabag ng pagpasok sa tanggapang ito. Ilang sandali, biglang nagpaulan ng mga putok ng bala rito hudyat ng pagtagos ng mga iyon sa kahoy na pader.

Agad akong pumasok sa isang silid at nagtago sa isa sa mga aparador habang mahigpit na nakahawak sa aking itak. 

Nanatili ako sa aparador na iyon ng ilang oras hanggang sa kaunti ang putukan na naririnig ko. Hindi ko na kayang ilagay pa sa panganib ang aking buhay dahil ito na ang pagkakataong hinihintay ko. Malapit ko nang makuha ang gitara ko kaya dapat hindi ako maaaring mamatay.

Ang umupo mag-isa sa aparador na ito ay isang parusa para sa akin. Kumukubli ako sa takot habang hinihintay ang paghupa ng mga bala. Hindi ko alam kung saan mahahanap sina Marisol, Sergio at ang kambal. Hindi ko pa rin nahahanap ang gitara ko.

Sinandal ko ang ulo ko roon at naghintay pa ng ilang oras hanggang wala na akong marinig na ingay sa tanggapan na ito.

----

Sumisilip mula sa kauntang awang ng aparador na ito ang katiting na liwanag mula sa sinag ng araw.

Marahan kong binuksan ang aparador at binaba ang aking paa saka naglakad palabas ng silid. Kumurba ako at tinaas ang pantalon upang silipin ang aking sugat. Bakit ang dami kong natatamong sugat at pasa sa panahong ito, nakakainis.

Hindi ko gaano marinig ang sumisigaw sa labas ng tanggapan na ito dahil masyadong malayo ngunit tiyak akong wala nang tao rito. Sumilip ako sa isang bintana, naroon ang Heneral na nakasakay sa kabayo habang kinikilatis ang mga bangkay.

Tumalikod ako roon at nag-umpisang hanapin ang silid ng mga instrumento, tiyak akong marami pang instrumento ang 'di nakalabas dahil sa kawal na biglang sumigaw.

Hahakbang na sana ako nang bigla akong natapilok buhat ng isang katawang nakalatag sa sahig, "Shit."

Kahit nahihirapan, sinubukan kong tumayo at kumapit sa pader habang naglalakad. Hinigpitan ko pa ang hawak ko sa aking itak at mariing pinakinggan ang sumisigaw ngunit hindi ko pa rin maintindihan dahil nakaespanyol iyon.

Hindi ko na alam kung saan ako pwedeng pumunta.

Umigting sa aking tainga ang saglitang pagtunog ng piyano ng mga notang 'do,' 're,' at 'mi' na gumapang sa bawat butas ng tanggapang ito patungo sa akin. Mabagal ang tiyempo na iyon at halatang nag-iingat.

"Clemente!" Sigaw ko ngunit sapat lamang ang lakas ng aking boses upang hindi makarating sa labas, "Jacinto!"

Nadadagan pa ang mga nota na iyon, isang oktaba pababa. Nagsabay ang pagtugtog ng magkasalungat na mataas at mababang nota. Mga notang malulungkot at mabagal na tila naghahanap ng makakasama.

Mabilis kong sinundan ang pinaggagalingan ng tunog nang makarating ako sa tapat ng nakakandadong pinto. Inangat ko ang aking itak at malakas na hinampas doon hudyat ng pagkasira ng kandado.

Sing-bilis ng kidlat na binuksan ko ang pinto ngunit tumambad lamang sa aking paningin ang mga banggerang naglalaman ng mga maliliit na statuwa at pigura, libro at mga larawan ng mga tanawin.

"Clemente, Jacinto! Magsalita kayo!"

Mas lalong lumakas ang naririnig kong mga nota at umabot na sa 'fa,' 'sol,' 'la,' 'ti,' at 'do.' Hinalunggat ko ang mga banggera habang tinatapon ang mga kagamitang nakaladlad doon. 

'Di kalaunan, nakakita ako ng pinto sa likod ng isang banggera.

Buong pwersa kong tinulak ang banggerang iyon at inangat muli ang aking itak saka sinira ang tatlong kandado. Tinulak ko ang pinto ngunit ayaw pa rin magbukas kaya bumwelo ako sa malayo at sinangga ang aking braso laban sa malapad na kahoy ng pinto.

"C-clemente," Napaawang na lamang ang aking bibig sa nasaksihan ko ngayon, "J-jacinto."

Ang kanilang mga kama'y nakahawak sa sa mahabang lubid na nagpapatiwakal sa kanilang leeg na siyang nakatali sa itaas. Bahagya silang nakapikit at mga paa'y nakaapak sa piyano.

Mabilis akong kumuha ng upuan at sumampat doon saka hiniwa ang tali. Naglikha ng pinaghalo-halong nota mula sa piyano ang kanilang mga katawan na nakadagan doon.

Tinanggal ko ang mga tali sa kanilang leeg at inalalayan paupo. Sinandal ko sila roon at sinuri ang kanilang mukha kung may sinyales man ng mabuting kalagayan. Humihinga pa naman sila. Nilock pala sila rito.

"Magiging okay rin kayo. Huwag niyo akong kalimutan ha," Pamamaalam ko sa kanila nang tumingin ako sa paligid upang halungkatin ang aking gitara. 

Marami pang mga instrumentong nagkakalatan sa paligid ngunit hindi ko makita ang gitara ko. Kakaiba ang disenyo niyon na siyang nagpapaiba sa anomang uri ng mga gitara. 

Ilang minuto na akong naghahalungkat ngunit wala pa rin. Sinusuri ko rin ang kalagayan ng kambal paminsan-minsan. Nakapikit pa rin sila habang nakasandal.

Nasaan na nga ba 'yun? Wala namang inabot na gitara ang kambal sa bintana kanina. 

Sandali akong napaisip at doon ko na lamang naalala ang usapan nina Don Miguel at Don Felipe sa plaza noong nakaraan na gabi. Shocks so nakay Don Felipe gitara ko. 

Sa sobrang pag-iisip ukol sa aking gitara, bigla akong nagitla sa nagsalita sa aking likuran. Bago pa man ako lumingon, mayroong malamig at matulis na bagay akong naramdaman sa aking batok.

"May hinahanap ka ba Ayang?"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro