Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Saknong 10

Naalimpungatan ako sa kakaibang tinig na aking naririnig sa malaking espasyo. Ang koro ng simbahan ay naiiba kumpara sa ibang mga kumakanta ng mga kantang wala sa hymnario. Ang kanilang tinig ay halos katulad ng mga anghel, mga matataas na nota na sumisilaw sa mga ulap at umaawit sa Dios.

Dahan-dahan akong tumayo rito sa masikip na pasilyo at sumilip sa kaganapan sa baba. Naroroon nakapila sa pinakaharap ang grupo ng mga mangaawit na nakasuot ng puti habang may hawak na himnario.

Maraming mga tao rito sa kasalukuyang misa. Sa pinakaharap, nakaupo sina Don Miguel at ang kambal. Katabi naman nila ang pamilya Esperanza. 

Ang ilan ay natutulog na, mga bata'y nagbubulungan, mga matatanda'y nagchichismisan at kakaunti lang ang nakiki-awit.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at gumapang patungo sa malaking pinto ng simbahan. Nagpatuloy pa rin ang awitin at sa aking palagay walang nakakapansin sa akin dito sa likod.

Nakarating na ako sa pinto at tumayo ng kaunti upang itulak ang hawakan ng pinto ngunit sa aking gulat, naunahan ako.

Bumukas ang malaking pinto ng simbahan hudyat ng pagtingin ng lahat ng mga tao sa simbahan. Tumindig mula sa pambungad ang matabang, kalbong lalaki na nakasuot ng mahabang itim ng kasuotan na pang padre. 

"¿Cómo te atreves a escapar de las enseñanzas de Dios? (Sino ka upang tumakas sa mga salitang handog ng Dios?)" Galit na sigaw ng padre.

"Aray! Hoy bawal 'to!" Kinaladkad niya mula sa pinto papunta sa gitnang bahagi ng simbahan saka tinulak paupo kasama ang mga nakikimisa. Nilakihan pa niya ako ng mata.

Iniwasan ako ng aking mga katabi at umusog palayo sa akin. Ang ibang mga dalaga nama'y paminsan-minsang sumusulyap sa akin at marahan na tumatawa. Nakakahiya.

Naglakad na papunta sa harap ang padre at sinimulan ang kaniyang panenermon. 

"Recuerda que la iglesia es más alta que el gobierno. El miembro del coro canta libremente.(Iyong tandaan na mas mataas ang simbahan kaysa sa pamahalaan. Malayang nakakaawit ang miyembro ng koro)." Panimula ng padre at sumulyap sa pwesto nila Don Miguel.

"Rezo por las almas de las mujeres desesperadas que se han escapado antes. Por eso, todos tienen una doble contribución. La próxima vez no huyas, pero la donación será el triple.(Pinagdadasal ko ang kaluluwa ng hampaslupang babaeng ibig tumakas kanina. Dahil diyan, doble ang abuloy na dapat ibigay ng lahat. Sa susunod huwag na kayong tumakas kundi magiging triple ang abuloy)." Sermon pa niya at matalim akong tinignan. Maging ang mga matatandang tao rito sa kapisanan ay nakasimangot na tumingin sa akin. Bahala na, wala na akong pake. Hindi ko naman maintindihan binubusalos ng padreng 'yan.

Mahigit dalawang oras natapos ang misa, lumabas ako agad sa simbahan upang makaiwas sa kung anu-anong chismis. Sa katunayan, ako nga ang pinaka-unang lumabas. Naubos ang pera ko dahil sa abuloy na 'yan, nakakainis. Hinintay ko sina Don Felipe upang makisakay sa kalesa pabalik sa mansion.

"Oh, Ayang dalawang araw kang hindi bumalik sa mansion. Saan ka nagtungo?" Bungad ni Sergio.

"Nandiyan na si Ayang?" Tanong ni Marisol nang makalabas sa loob ng kalesa. "Hala, anong nangyari sa iyong mukha?" Turo niya sa malaking daplis sa gilid niyon. Ni ako nga hindi ko rin alam saan ko 'yan nakuha.

"Bumalik lang ako sa bahay namin. Kinakailangan nila ako sa oras na yaon kaya hindi na ako nakapagpaalam. 'Yung sugat uhm nahulog ako sa bangin." Pagdadahilan ko.

Napatango naman silang dalawa ngunit mabilis na sumakay sa kalesa nang parating na sina Don. Nakasibangot na sumakay si Don Felipe, kasunod ng kambal na nakahalukipkip.

"Bwisit talaga ang padre na 'yun. Ako'y nayayamot ngunit wala akong magawa dahil mas mataas ang simbahan. Susmaryosep!" Ulyaw ni Don Felipe rito sa loob ng kalesa.

"Hoy Ayang." Mas lalo akong yumuko dahil panigurado ang na ang susunod niyang sesermonin ngunit ako'y nagulat. Bagkus na pagalitan, pinuri pa niya ako. "Sapat lamang na dalawang araw kang hindi bumalik basta ipagpatuloy mong bwisitin ang putang padre na 'yun upang mamatay na," Halakhak ni Don.

"Ayang, hindi mo sinabi sa akin na ayaw mo pala sa padre. Sinama mo sana ako sa iyong paggapang." Pagtawa ni Clemente subalit nawala iyon nang sunggaban siya ng hampas ni Don sa braso.

"Huwag ka nang gumawa ng kalokohan na makakadawit sa aking pangalan. Bakit hindi mo tularan si Jacinto na masunurin. Sa susunod niyong leksyon Ayang, pakituruan si Clemente ng mga mabubuting asal." Ulyaw niya.

"Makasama ko lang siya papito, matututo na ako ng maraming mga bagay." Tugon niya. Hindi ko alam ang dapat pang sabihin sa mga winika nila kaya tumango na lang ako.

----

"...apple, orange, grapes." Bigkas ko habang nagtatala naman sina Jacinto at Clemente sa kanilang mga kwaderno. 

"My favorite fruit is apple, what is yours?" Dahan-dahan kong sinabi upang maintindihan nila. Napatingin sa kisame si Clemente at nag-isip. Si Jacinto naman ay nakahawak sa kaniyang baba.

"M-my favorite fruit is melon." Wika ni Clemente ngunit mali ang kaniyang pagbigkas. 

"Tama naman ang pangungusap mo pero mali ang pamamaraan ng iyong pagbigkas. Kapag Filipino, 'mel-on' ang pagbigkas pero sa Ingles dapat ay 'me-lon' gets?"

"Gets." panggagaya ni Clemente sa aking tono.

Tumikhim si Jacinto kaya nabaling ang aming tingin sa kaniya, "My favorite fruit is pineapple." Sagot niya nang may kumpiyansa.

"Alam niyo ba, mayroong kant--tula tungkol sa pinya at mansanas." Bawal kumanta kaya itutula ko na lang. Tumindig sila sa kanilang kinauupuan at nakinig sa akin.

"Ipitik niyo muna ang inyong mga kamay sa gantong ritmo at kumpas. Tapos kapag sinabi kong 'pen' kailangan niyong itaas ang kuwerdas (quilt; gamit panulat mula sa balahibo ng manok) sa kanang kamay, then kapag may sinabi akong prutas itaas niyo ng ganito ang kaliwang kamay. Pagdudugtungin niyo naman ang dalawang iyon kapag nag 'ugh' ako. Sige game." Paliwanag ko sa kanila. Sinundan naman nila iyon at napatango.

"I have a pen, I have an apple. Ugh apple pen. I have a pen, I have pineapple. Ugh pineapple pen. Apple pen, pineapple pen. Ugh pen pineapple apple pen." Salaysay ko sa kanila. Nawiwili naman sila kaya inulit-ulit nila iyon.

"Bakit walang melon sa tula? Maganda sana kung may melon pen." Suhestiyon ni Clemente

"Edi lagyan mo ng melon pen." At doon, inulit niya ang kanta pero pinalitan niya ng melon ang pineapple. 

"Mas maganda nga kung may melon sa halip na pineapple." Ani ni Clemente at napataas naman ang kilay ni Jacinto.

"Tama na iyang walang kabuluhan na tula. Nais ko kayong anyayahan bukas kung iyong mamarapatin." Hindi niya kami hinintay na sumagot at tinuloy ang kaniyang sasabihin, "Sinasama ako ni Elena sa lawiswis kawayan ngunit hindi ko ibig pumunta roon nang siya lamang ang kasama. Iniimbitahan ko kayong dalawa kasama sina Marisol at Sergio."

What? Ayoko nga magthird wheel. Baka sirain lang namin date nila, "No. Ayaw ko." 

Sumulyap pa ako kay Clemente at pinanlakihan siya ng mata saka umiling ngunit sa aking pagkadismaya magiliw siyang um-oo.

"Gayon ba? Ipinagpaalam ko na kayo kay ama. Nais mo bang ipahiya muli ang iyong sarili sa kaniya sa pagsabi mong hindi ka sasama?" Wika niya at dumekwatro pa. 

Napatapik-tapik ang aking daliri sa mesa. Wala namang kawalan kung sasama ako hindi ba? Tsaka kasama ko naman sina Marisol. "Pag-iisipan ko."

"Aking ipagpapalagay na pumapayag ka na." Deretsong sabi niya saka umalis. Namumuro na itong magkambal sa akin. Ako ang guro, wala pa akong sinabing dismissal ay umaalis na sila.

----

Kasalukuyan naming ginagawa itong mga gulay para sa hapunan. Pinitas lang namin ang mga iyon sa bakuran. Napakasagana talaga ng pamilyang ito.

"Aling Conchita, kwento naman kayo ng buhay pag-ibig niyo. Paano naman po kayo nagkakilala ng iyong maginoo?" Pag-uusisa ni Marisol kay Aling Conchita habang hinihiwa ang sayote.

"Jusmiyo kayong mga bata kayo." Inis na wika ni Aling Conchita habang nakangiti.

"Sige na po. Gagawin naming leksyon ang anomang pinagdaanan niyo." Paki-usap ni Marisol na may halong asar.

"Oh siya siya. Iniwan niya ako." Sabay kaming napatanong ni Marisol ng 'bakit' kaya napabuntong hininga si Aling Conchita at tinuloy ang kwento, "Simple lang ang kasagutan diyan, kastila siya at hindi kami mayaman. Mahigit apatnapu't taon na mula nang ako'y lisanin niya." 

"Ang saklap naman po niyan. Leksyon, huwag mag-aasawa ng dayuhan." Pangungutya ni Marisol.

"Leksyon, huwag na tayong umibig upang maiwasan ang sakit." Sagot ko.

Kinuha ni Aling Conchita ang mga nahiwa na gulay saka sinimulan ang pagluluto. Uminom muna siya ng tubig bago humarap muli sa amin, "Ayang, kaakibat ng pag-ibig ang sakit."

Niligpit ko na rin ang mga kubyertos. "Opo subalit kung mas matimbang ang sakit dapat nang itigil."

"Paano mo masasabi iyan, kung hindi mo susubukan?"

"Tama, Aling Conchita. Bakit hindi mo subukan na?" Ani ni Marisol.

"Susmeyo ka Marisol. Hindi ngayon, masyado pa kayong bata." Hampas ni Aling Conchita sa braso ni Marisol. Puro usapang pag-ibig ang pawang lumilipad sa kusinang ito habang nagluluto. 

Nang matapos ang pagluluto, hinain na namin ang mga pagkain at hinanda ang kubyertos sa hapag kung saan naghihintay sina Don Felipe, Jacinto at Clemente.

"Napakasarap naman ng samyo ng inyong nilutong sayote." Pamumuri ni Clemente habang nag-aktong nilalanghap ang ulam.

"Ganoon po Señor kapag umiibig." Sabat pa ni Marisol na ngayo'y nagbubuhos ng tubig sa kanilang mga baso.

"Umiibig na ang Ayang?" Asar pa ni Clemente. Napakassuming talaga ng lalaking ito. Wala ngang binanggit na pangalan si Marisol.

Pare-parehas kaming dagok na lumingon sa malakas na pagdabog ng kutsara at tinidor sa kinaroroonan ni Jacinto. Napayuko si Clemente, samantalang napatingin sa taas si Don Felipe at nagtitimpi. Hinila ako ni Marisol pabalik sa kusina at bumulong ng paumanhin.

"Nakakaasar, grabe ka." Bulong ko pabalik ngunit nginitian niya lang ako.

"Sumama tayo bukas sa lawiswis kawayan, Ayang."

"Sige na nga. Gusto ko rin gumala." Nagtawanan kaming dalawa at buong magdamag na plinano ang mga magagandang gawin bukas bago kumain ng hapunan. Pati ako nasasabik na tuloy. Pugad daw iyon ng pag-ibig at kaligayahan.

----

Bahagya akong nagising sa mga naririnig kong bulungan sa aking bintana. Mas lalo akong tumaklob sa aking kumot sa sobrang lamig subalit nagpatuloy pa rin ang bulungan. Kinusot ko ang aking mga mata at sumilip sa maliit na butas ng aking bintana.

"Huwag mong galitin si ama. Huwag ngayon."

"Naisip mo ba na dapat itigil natin ito?"

"Hindi, subalit hindi ngayon ang tamang oras."

"Sabihin mo sa akin Clemente, kailan?"

"Hindi ko alam. Malaking tsansa na makulong tayo neto. Pagplanuhan muna nating mabuti."

Panandaliang tumahik ang mga nagsasalita kaya kinuha ko iyon bilang oportunidad na buksan ng kaunti ang aking bintana. Dalawang binata ang nag-uusap habang nagpapala, binabalik ang nahukay na lupa sa malaking butas upang maging patag ito. 

Omygosh, may nilibing ba na naman sa bakuran? Binuksan ko pa ng kaunti ang aking bintana upang makitang mabuti ang ginagawa ng kambal. Ilang minuto ang nakalipas, natapos ang kanilang pagpapala at tahimik na bumalik sa mansion. Hindi ko na nakita pa ang nilibing. 

Sinara ko na rin ang aking bintana at muling nagpadalaw sa antok. 

----

Ang sinag ng araw tumTgos mula sa bitak ng aking bintana na tumatama sa aking mata. Nanatiling madilim ang aking paningin habang binubura ang mga nagaatubiling panaginip. Mga saloobin at pangitain na dumating at nagdaan sa pagtulog, ay pilit kong inaalala lalo na ang pinakauhing alaala kagabi.

Umupo ako at kinaladkad ang aking mga paa palayo sa kama. Inunat ko ang aking kamay sa itaas ng aking ulo at humikab. Nagtungo ako sa kusina upang maghilamos at tumulong na rin sa pagluluto.

Nang matapos kaming magalmusal, hinanda namin ni Marisol ang mga prutas na dadalhin sa lawiswis kawayan tulad ng melon, mansanas, pinya, dalanghita, saging at buko.

Ang lahat ng inanyayahan ni Jacinto ay abalang nag-aayos ng sarili, kasama na ako. Simpleng dilaw na baro't saya ang aking sinuot at magkabilang tinirintas ang aking buhok pagilid saka pinusod. Naglagay pa ako ng bandana para cool. Hindi ko iyon masyadong nilapit sa aking noo upang makita pa rin ang aking tinirintas.

Lumabas na ako ng aking silid at ang huling gagawin na lang ay ang maghintay. Hintaying matapos si Jacinto at hintaying dumating si Elena.

"Ayang, napakaganda naman ng iyong ginawa sa iyong buhok, maaari mo bang gawin iyon sa akin?" Pakiusap ni Marisol at tinuro pa ang kaniyang buhok. Umupo siya sa aking harapan at inabot sa akin ang ipit na gawa sa kahoy na mukhang kabibe.

Pinarte ko ang kaniyang buhok at inikot-ikot ang magkabilang buhok niya sa gilid, pababa. Pinagdugtong ko iyon at pinusod. Simple lang ang ginawa ko sa kaniya upang mas mamukod tangi ang kaniyang kagandahan. 

Nasasabik na tumakbo si Marisol sa malaking salamin at kinapa-kapa ang kaniyang buhok. "Ang ganda."

"Kasing ganda mo binibini." Sabat ni Clemente na kanina pa nakatitig sa mga buhok namin. Napayuko si Marisol at nahihiyang umupo sa aking tabi. 

'Di kalaunan nakarinig kami ng katok mula sa pinto. Binuksan ni Aling Conchita ang pangunahing pinto at magiliw na pumasok sa loob ng mansion si Elena.

"Ako'y nasasabik. Jacinto, handa ka na ba?" Bungad niya. Narito kami nina Marisol at Clemente na nakaupo sa sala habang hinihintay si Jacinto. "Nasaan siya?"

"Naghahanda pa magandang binibini. Kung iyon nanaisin, ako'y magpapanggap muna bilang iyong Jacinto at tayo'y maglalambingan buong araw." Paanyaya ni Clemente at lumuhod sa tapat ni Elena habang nakalahad ang kamay.

"Kahit kayo'y magkamukha, malaki ang inyong pinagkaiba. Pasensya na ngunit si Jacinto na lang." Pagtanggi ni Elena kay Clemente at winasik pa ang kaniyang pamaymay.

Nagpatuloy ang bangayan nilang dalawa ar sa wakas bumaba na si Jacinto sa hagdan. Nagbigay galang siya kay Elena sa pamamagitan ng pagyuko. "Handa na kami."

"Paumanhin? K-kami?" Gulat na usal ni Elena at nilagay ang kaniyang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib.

"Hayo na mga maririkit na binibini." Tumayo si Clemente sa kaniyang kinauupuan at pinagbukas kami ng pinto. Si Elena nama'y naestatwa roon kaya hinila namin siya ni Marisol palabas. Sumulyap ako sa aking likod at nakita ko si Jacinto na masayang naglalakad.

Inalalayan ni Sergio si Marisol, si Jacinto naman kay Elena at wala akong ibang pagpipilian kundi ang maalalayan ni Clemente.

Nilahad ni Clemente ang kaniyang kamay sa aking harapan at ngumiti sa akin. Nginitian ko rin naman siya ng kay tamis saka kinuha ang kaniyang kamay. Lingid sa kaniyang kaalaman, mahigpit kong pinisil ang palad niya at piniko ng kaunti ang kaniyang daliri, sapat na upang mapaluhod siya. 'Yan ang dapat niyang makuha sa panlalandi ng maraming babae.

Sumampat na ako at iniwan ko siyang nangingiwi sa sakit. 

"Ayos ka lang ba Ginoong Clemente?" Pag-aalala ni Elena.

"Maayos na maayos. Ganito talaga kapag nahawakan ng babaeng kahanga-hanga." At doon nagsimulang mag-asaran na naman lahat ng mga nakasakay rito sa kalesa maliban kay Jacinto na hindi nawiwili sa mga nangyayari.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro