Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

Simula

↭Sloanne's Point of View↭

Nagmamadali akong naglakad palayo mula sa food park na kinaroroonan ko kanina. May napansin kasi akong ilang nakaitim na mga lalaking nasa may kadilimang sulok at kapwa mga armado. Hindi sa pag aassume pero 102% sure ako na ako ang ipinunta nila and that's bullshit!

Hindi ako nagmamadaling umalis dahil takot ako sa kanila. That's fucking impossible! Kung hindi lang ako sinabihan ni Hiro noon na wag na wag akong makikipagbakbakan in public ay kanina ko pang pinatay ang mga iyon.

"Shit!" Naibulaslas ko nalang.

Bigla nalang kasing bumuhos ang napakalakas na ulan! Hindi ko inabalang tumakbo o sumilong. Para saan pa? Ulan lang naman ito. Hindi naman ito asido. Hindi naman malalapnos ang balat ko dahil sa ulan na ito. Hindi naman ako mamamatay kung mababasa ako ng ulan.

Nang makarating ako sa isang iskinitang may kadiliman at wala gaanong taong nagdaraan ay tumigil na ako sa paglalakad. Dead end na dito.

Narinig ko ang mabibilis na yabag ng mga paa at pagtilamsik ng mga naipong tubig sa kalsada. Alam kong papalapit na sila sa akin ngunit nanatili lang akong nakatalikod sa kanila.

"Wala ka ng matatakbuhan! Hahaha!" Dinig kong sabi ng isa.

Walang emosyon akong humarap sa kanila. Lima lamang sila at lahat sila ay malalaki ang mga katawan. But seriously? I think they are all weak. Sorry to say but their body build is nothing if they are all weak. I can easily kill them in a second.

"At sinong nagsabi sa iyong tumatakbo ako? Ako? Tatakbo sa laban? Imposible naman ata iyon." Walang emosyong sabi ko sabay bato ng dalawang dagger.

Saktong tumama iyon sa noo ng dalawang lalaki kaya bumulagta ang mga ito sa sahig ng wala nang buhay.

Two down three to go...

Bago pa makareact sa pagkagulat yung tatlo ay agad ko na silang sinugod. Sinipa ko yung isa kaya bahagya itong napaatras. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis na pinaulanan ng mga atake ang dalawa pang lalake.

Hindi man lang nila nagawang iwasan ang mga pinapakawalan kong mga atake kaya hapong hapo silang bumagsak sa basang sahig. Puro kasi vital parts nila ang pinatatamaan ko kaya siguradong manghihina talaga sila ng sobra.

Tss. Sabi na nga ba't puro laki lang ng katawan ang mga ito. Wala namang binatbat.

Natigilan naman ako nang maramdaman kong may malamig na metal na nakatarak sa braso ko. Dahan dahan kong ibinaba ang tingin ko sa braso ko only to found out na may nakatarak doong dagger. Patuloy din sa pagragasa ang dugo mula doon.

Nang lingunin ko ang taong may gawa non ay nakita ko ang lalaking sinipa ko kanina. Nakangisi siya na parang isang demonyo.

"I'll kill you, Fybs."

Marahas siyang hinugot ang pagkakatarak ng dagger sa braso ko at akmang isasaksak ito sa leeg ko nang biglang...

*BANG!*

Napapikit ako nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril.

"Fuck!" Naramdaman kong may humawak sa dalawang balikat ko. "Babe, are you okay?! What happened to you?! Why did you allowed that bastard to stabbed you?!"

Napamulat ako dahil sa nakakairitang boses na iyon. Bakas ang pag aalala sa tono ng pananalita niya at pati na rin sa mukha niya. Kung umakto siya akala mo kasintahan ko siya. Tss.

*-.-*

Pabalang kong hinawi ang mga kamay niya sa balikat ko saka siya sinamaan ng tingin bago siya tinalikuran.

Bago ako tuluyang makatalikod ay nakita ko ang hayop na lalaking sumaksak sa braso ko na nakabulagta sa sahig. May tama ng bala sa kanyang sintido. Ang dugo niya ay humahalo sa tubig na dulot ng malakas na pag ulan.

Nang hawakan ko ang braso ko ay doon lang ako nakaramdam ng matinding sakit at kirot.

*>>_<<*

Shit!

Sana pala hindi ko nalang hinawakan para hindi ko naramdaman yung sakit! Letche!

"Babe!"

Mas binilisan ko ang paglalakad ko nang maramdaman ko ang pagsunod niya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ko para pigilan ang pagdurugo.

Nahinto ako sa paglalakad nang harangan niya ang daan ko.

"I'll take you at the hospital, Babe. Lets go." Sabi niya at akmang hahawakan ang braso ko nang itaas ko ang kaliwang kamay ko para pigilan siya.

"Don't you dare." May diin sa bawat salitang banta ko.

He pouted. "Babe naman, eh. You're bleeding kaya! Paano kung maubusan ka ng dugo?"

And for the nth time sinamaan ko siya ng tingin bago ko siya nilagpasan. Badtrip talaga yung gagong iyon. Akala niya nakakatuwa siya? Gago siya! Sarap niya kayang ibaon ng buhay! Grr!

Mayamaya lang ay kasabay ko na siyang maglakad. Hindi naman siya nagsasalita kaya inisip ko nalang na isa lamang siyang hangin. Isang masamang hangin to be exact.

Para kaming tanga dito. Halos trenta minutos na kaming naglalakad ng sabay dito sa daan. And for Pete's sake! Malakas pa rin ang ulan! Para kaming mga basang sisiw dito.

Nang makarating sa bus station ay agad akong naupo sa waiting shed. Ganon din naman ang ginawa niya.

"Babe, hindi ka man lang ba magpapasalamat? I saved you." Napapabuntong hiningang tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Parang hangin lang ang sinabi niya na dumaan sa tenga ko. Nakatulala lang ako sa mga sasakyang nagdadaan.

"Babe..."

Mariin akong napapikit nang marinig ang itinawag niya sa akin. Ang makulit na pagtawag tawag niya sa akin ng Babe na yan ay nakakapang init ng ulo ko! Kumukulo ang mga dugo ko sa katawan! Letche talaga siya! Nakakainis!

Dahil sa pa-Babe Babe niya ay paulit ulit akong nasasaktan. Paulit ulit kong naaalala si Hiro though he is always on my mind kahit nandito man ang lalaking ito o wala. I always remember him. I can't live a day without thinking about Hiro.

"Babe, matagal na rin wala si Hiro. Wala nang nagpoprotekta sayo.. I'm here, Babe. I can be his alter. Actually, kaya ko pa siyang higitan, Babe. Please tanggapin mo na ako sa grupo mo, sa Phoenix. Hayaan mo akong punan ang pwesto niya sa buhay mo."

*PAK!*

Lumagapak ang pisngi niya sa lakas ng sampal ko. Anong kagaguhan ang pinagsasabi niya?! Matagal ng wala si Hiro?! Fuck! One month palang siyang wala! Paano niya nasabing matagal na iyon?! Gago talaga itong hayop na ito!

Papalitan niya si Hiro?! Kaya niyang higitan si Hiro?! Gusto niyang kunin ang pwesto ni Hiro sa buhay ko?! Ha! Ganon ba talaga siya kagago?! Never niyang mapapalitan si Hiro! Never niyang nahigitan at mahihigitan si Hiro! At higit sa lahat never niyang mapupunang ang pwesto ni Hiro sa buhay ko! Never! Never! Never! At isa pang malutong na malutong na NEVER!!

Hiro is my best friend while he is just a trash! He's nothing but a shitty trash!

"Babe-"

Pabalang kong dinakot ang kwelyo niya at pabalang ko siyang itinulak sa bakal na poste ng waiting shed habang hawak pa rin ang kanyang kwelyo.

"Damn you! I'm gonna kill you once you say that again! You're not welcome in my group! You can't be a Phoenix! You can't replace him in my life so back off bastard!"

Walang anu ano'y kinuha ko ang dagger na iniregalo sa akin ni Bryan noong debut ko at agad iyong itinarak sa kaliwang bahagi ng tiyan niya.

"Ahh!" Daing niya.

Napahawak pa siya sa dalawang balikat ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"B-Babe.."

"Stay away from me, moron." Matigas na banta ko.

Marahas kong binunot ang dagger sa pagkakatarak sa kanya dahilan para mapadaing siya.

Sakto naman at may humintong itim na Audi R8 sa harapan namin. Agad akong sumakay doon.

"Are you okay, master?" Tanong niya habang mabilis na minamaneho ang sasakyan.

Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa hawak kong dagger na meron pang dugo. Tumutulo tulo pa nga ito.

Naiinis ako. Hindi ba talaga ako tatantanan ng mga walang kwentang tao?

Lahat nalang ba talaga ng dugong babahid sa talim nitong dagger na ito ay puro mga walang kwenta? Dati si Maribitch tapos ngayon naman yung hayop na lalaking iyon! Kailan ba nila ako tatantanan?!

Mabuti sana kung sila ang pumatay kay Ceszia, eh! Kaso hindi! Oo si Maribitch ang pumatay kay Hiro pero hahayaan ko na muna siya—sa ngayon. Hahayaan ko siyang magpakasasa sa buhay niya dahil sa araw na mabuhay sa akin ang galit at pagkauhaw sa paghihiganti sa ginawa niya kay Hiro ay sisiguraduhin kong hihilingin niyang hindi na sana siya nabuhay pa sa mundong ito.

Ceszia's killer is my priority for now. Her killer, probably her death is the starting point of everything. Because of her death, Hiro seek for revenge that lead him to death.

Kaya sisiguraduhin kong magbabayad ng malaki ang sino mang pumatay kay Ceszia. Kinuha niya ang buhay ng kapatid ng matalik kong kaibigan kaya buhay din niya ang magiging kapalit. Buhay ang kinuha kaya buhay din ang aking sisingilin. Kukunin ko ang lahat lahat sa kanya. Lahat ng mahalaga at pinakaiingat ingatan niya ay kukunin ko.

Nang maramdaman ko ang pagtigil ng kotse ay agad akong bumaba. Lahat ng butler, guards at maids ay bumabati sa akin kahit na bakas sa mga mukha nila ang pinaghalong pagtataka at pag aalala.

Sinong hindi? Makita mo ba naman yung amo mo na parang basang sisiw, may dugo sa braso at may hawak hawak na dagger na may tumutulo tulo pang mga dugo tignan natin kung hindi matulad sa kanila ang reaction mo.

"Aigoo! What happened to you?!" Salubong ni Grandma sa akin.

"I'm tired, Grandma." Walang emosyong saad ko at marahang inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa akin saka umakyat sa taas.

↭↭

"You'll leaving, again? Where are you going, Sloanne?" Tanong ni Grandma.

Kakatapos ko lang maligo at magpalit ng damit bago ako bumaba. Naabutan ko si Grandma sa sala kasama ni Grandpa. They're having coffee while chatting.

"I'm leaving." Emotionless kong saad.

"Sloanne." Grandpa warn.

Inosente ko lang siyang tinapunan ng tingin.

"Your grandma told me that you got involved in a fight, again?" Hindi ako sumagot. "You're arm is bleeding. Come here, I'll med it. Maria!" Tinawag niya na ang maid.

Para namang bago lang sa kanila ang pagkakasangkot ko sa gulo. Bakit ba hindi nalang sila masanay? Alam naman naming parepareho na one of these days ay maging buhay ko na ang pagsabak sa madudugong labanan. At aware sila doon. Aware na aware dahil sila pa mismo ang magiging dahilan non. Sila at ang bagong responsibilidad na ipapataw nila sa akin.

"No, thanks, grandpa. I'm in hurry."

At tuluyan na akong nagmartsa paalis ng mansion. Narinig kong tinatawag nila ako at pinapigilan pa ako sa mga butler at guards pero isang masamang tingin ko lang sa mga ito ay nagbibigay daan na agad sila.

They are all afraid to me. Dati na rin kasi akong pinapigilan ng mga grandparents ko at sinunod naman nila kaya yung iba ay napatay ko at yung iba naman ay na comma ngayon sa ospital..

Pagkalabas ko ng gate ay may tumigil ulit na kotse sa harapan ko. Agad akong umikot papunta sa driver seat. Gaya ng inaasahan ay kusa itong bumukas kahit na walang kahit na sino sa loob—well except nalang kay Blaine.

Si Blaine ay isang technology, high tech computer to be exact. Siya ang nagsisilbing control sa ilang kotse ko kaya kahit na walang nagd-drive ng kotse ko ay nakakapunta ito sa kinaroroonan ko. Siya din ang nagsisilbing messenger/reporter ko. She can transform into anything na may access siya. Minsan din ay para siyang kaluluwang sumasanib nalang sa kung ano anong bagay para lang makapagbigay ng message or report sa akin. Hindi siya tao but I treat her like one.

"Welcome, master." Blaine said in a robotic tone.

Sinara ko na ang pintuan saka mariing tinapakan ang gasulina.

Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa pupuntahan ko. Isa itong kulay puting mansion. I use to call it as my HQ.

"Park the car and connect to Blaire."

"Yes, master." Dinig kong sagot niya bago ako bumaba ng sasakyan.






A/N: Finally! The book two of Luther Academy: School Of Gangsters is finally here! I'm hoping that you'll going to support this just like how you support the first book. I will going to do the best that I can to make this story be worth reading for and also to meet your expectations. I won't promise anything because I believe that promises are meant to be broken and I don't want that to happened. I don't want you guys to be disappointed. So, again, here's the Vindicta (Revenge Of The Luther Queen), enjoy reading! Love yah all! Muah!😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro