Chapter 7
Chapter 7
Hindi Tayo Pwede
It's almost the same every day. We would swim either in the sea or the pool, we've also done island hopping. Nasubukan na rin namin ang iba't ibang activities pa rito sa resort.
Naubos na yata namin ang mga amenities ng island. Kaya naman kinagabihan, we had dinner and then we just listened to some music sang by a band in the island's bar. May floating bar din and we've also tried that. Maganda rin iyon and I loved the cocktail drinks Keegan ordered for me. Hindi nga rin pala gaanong umiinom talaga ng alcoholic drinks si Keegan. He just drink sometimes and in moderation. Ganoon din naman ako. At cocktails nga lang din ang iniinom ko.
Babae iyong vocalist nila and they were singing a familiar tagalog song that I think I've already heard somewhere before.
"Pilit nating iniwasan, ganitong mga tanungan. At kahit 'di sigurado tinuloy natin ang ating ugnayan." The vocalist sang the first intro of the song.
Tumango-tango naman ako at sa una ay na-appreciate ko pa lang ang magandang boses ng bokalista. Until I realized it that the lyrics were somehow getting into me...
Tapos na kaming kumain at pumunta muna si Keegan sa restroom pagkatapos lang din magbayad sa kinain namin. And yes, libre na naman niya. Nahihiya na nga rin ako. Ayaw ko rin naman sana na magpalibre na lang sa kaniya palagi. But he likes treating me with food. And he said that it's okay and it's just food. Kaya hinayaan ko na lang muna siya. And of course I also don't forget to say thank you to him.
"Hindi tayo pwede. Pinagtagpo pero 'di tinadhana. Hindi na posible ang mga puso'y huwag nating pahirapan..."
Napangiti na lang ako na hindi rin umabot sa mga mata ko sa pakikinig sa lyrics ng kanta. I don't know why but I can feel something within me just by listening to it that it's weird. Or maybe it's not, and I'm just denying it right now until moment later...
Bumaling at nag-angat ako ng tingin kay Keegan nang makita kong nakabalik na siya. Sinalubong ko rin siya ng ngiti.
"Do you want desserts?" He asked me.
Napangiti na lang naman ako. I feel like he's really spoiling me. Especially with food. Umiling ako. "Hmm, maybe some drinks na lang. Cocktail?" I said.
And he nodded. "All right." sagot niya sa akin pagkatapos ay nag-order na muli siya sa may bar.
Binalik ko ang tingin ko sa kumakanta sa harapan. She kept on singing the chorus of the song now. "Hindi tayo pwede dahil una pa lang alam naman nating mayroong hangganan. At kahit ipilit, hanggang dito na lang. Dito na lang... Hindi tayo pwede. Pinagtagpo pero 'di tinadhana. Hindi na posible ang mga puso'y huwag nating pahirapan... Hindi tayo pwede... Hindi tayo pwede..."
And then I was suddenly put in a foul mood. I don't know why... I just didn't feel all right after that... Nakabalik na si Keegan at agad ko nalang nilagok ang cocktail drink ko.
"Woah... Slowly..." Halos sawayin naman ako ni Keegan nang makita ang ginawa ko.
And I just smiled to him. "Sorry, na-excite lang ako." I reasoned.
Umiling si Keegan bahagya at umupo na rin doon sa tabi ko sa mesa namin.
At nagtagal ang tingin ko sa kaniya. At habang tinitingnan ko siya. I suddenly hate my life...
I hate that I even met Nathan in the first place. Okay lang siya noong una. At hindi lang dahil sa nag-cheat siya sa akin o dahil sa best friend ko pa. I just hate him now... I hate that he's my fiancé. I hate that my parents support our relationship so much. At wala rin tuloy akong mapagsabihan sa nararamdaman ko ngayon...
Pagkatapos ay naisip ko si Keegan. Can I tell him about Nathan? I think I should tell him now...
"People are now dancing. Would you like to dance, too?" Bumaling at ngumiti sa akin si Keegan nang mapansin iyon.
Tumingin ako sa mga tao sa loob ng resto-bar na nagsimulang nagsasayawan na nga rin ang iba at ngayon ko lang halos napansin na pinalitan na rin pala ang tugtog dahil sa iniisip ko kanina.
Ngumiti ako kay Keegan at tumango. Naglahad pa siya ng kamay sa harapan ko at nakangiti ko nalang na tinanggap iyon. And then we went in the middle together with the other island guests who were also already dancing there. May space din kasi sa loob ng resto-bar kung saan pwedeng-pwedeng magsayawan ang mga tao. At nakakagaan din ng mood kaya medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko while I also try to dance there with Keegan. Nakangiti pa ako sa kaniya at ganoon din naman siya sa akin.
We were smiling and having fun...
"I have something to tell you, Keegan." I said in the middle of dancing.
Hindi pa naman ganoon kalakas talaga ang tugtog and you can just dance with it with your partner. Hindi pa ganoon kaingay kaya pwede pa ring makapag-usap na hindi pa kailangan na magsigawan o talagang magbulungan sa mga tainga ng isa't isa para lang magkarinigan kayo ng kasama mo.
Nakatingin din sa akin si Keegan. "What is it?" He asked me.
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at hindi pa ako agad nakapagsalita hanggang sa naunahan pa niya ako na may sumunod din na sinabi. "I have something to tell you, too." He said.
"Hmm?"
Nagkatinginan lang kaming dalawa.
Nakatingin lang kami sa isa't isa at naghihintay sa mga sasabihin namin.
Hanggang sa halos makalimutan pa namin ang gustong sabihin at nilagay na ni Keegan ang noo niya sa noo ko. Sandali rin naman akong napapikit at dinama na lang muna ang mga noo naming magkadikit, our bodies close to each other, his hands holding mine and holding me in place, and the beating of my heart...
"I have a fiancé..." I said.
"I'm married." aniya naman.
At halos magkasabay pa naming sinabi ang mga katotohanang ito...
Napaangat ako ng tingin kay Keegan. Bahagya rin siyang napaatras at nagkatinginan muli kami sa mga mata ng isa't isa. Umiling ako bahagya... While he also shook his head a little... "I'm sorry..." He said.
Author's note: Hello! Part 2 and the rest of the chapters can only be read in Patreon/Facebook group. You can pledge $3 on Patreon and read this story including my other exclusive stories and chapters there on my creator page in Patreon Rej Martinez. To join Facebook group kindly message me on my Facebook account Rej Martinez as well. You can join with a membership fee of ₱150/month. You can also message my Facebook page Rej Martinez's Stories. Please know that writers especially like myself who have become a Full-Time Author also have to earn money for a living. Thank you very much for your understanding, love and support to Rej Martinez's stories!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro