Chapter Three
Chapter Three
Boyfriend
"Ano?!" Sanna reacted.
Sinabi ko na sa kanila na pinuntahan ako ni Jake sa bahay.
"Pinatulog mo pa sa bahay mo?" si Doris. "Lou, hindi mo pa rin kilala 'yong tao. Paano kung..."
"Paano kung psychopath pala iyon? Hindi ka nag-iingat, Lou!" napasapo si Sanna sa ulo niya.
I sighed. Alam kong nag-aalala lang sila. "Hindi naman... Mabait nga si Jake." pagtatanggol ko naman. "Ipapakilala ko rin kayo sa kaniya." I told them.
"Hayaan n'yo na si Lou. Matanda na siya at alam na niya ang ginagawa niya. Hindi naman siguro niya patutuluyin 'yong tao kung hindi siya komportable."
Tumango ako kay Wilma.
Nagbuntong-hininga nalang si Sanna at naupo na muli sa tabi ko. "So, nagkantutan kayo ulit?" Sanna asked.
Nanlaki ang mga mata ako at sinaway siya. "Ang vulgar mo!"
Inirapan niya lang naman ako. "Ano? Sex? Pareho lang naman 'yon, in-english lang." aniya pa.
Nagbuntong-hininga nalang ako.
"Gumamit ba ng proteksiyon?"
Umiling ako kay Sanna. "Nag-p-pills naman ako-"
"Kahit na!" Natigilan ako. "Lou, iwas dapat sa sakit! Paano kung may sakit siya?!"
Umiling ako. Mukhang healthy naman si Jake... "Wala naman siguro-"
"Haynako!" mukhang stressed na sa akin si Sanna.
Tinukso naman ako nina Wilma.
"Nako, Lola, ang landi na po ngayon ng apo n'yo." tumawa si Doris na kunwari kausap ang lola ko.
Naisip ko nga rin si Lola. Sigurado hindi 'yon sang-ayon na may pinatulog akong lalaki sa bahay... Napatayo ako nang marinig na may tao sa labas. "May inaasahan ka pa na ibang bisita?" tanong ni Sanna.
"Hindi ako sigurado pero baka si Jake..."
"Sus! Kaya naman pala may paglugay na ngayon ng buhok!" tukso ni Wilma na pabiro rin hinila ang mahaba kong buhok.
Napatawa lang naman ako bahagya sa tukso ng kaibigan. "Nakalugay naman talaga ang buhok ko kapag nasa bahay lang ako, ah."
"Sige na, pagbuksan mo na 'yon." paalala sa akin ni Sanna.
Iniwan ko muna ang mga kaibigan doon sa sala ng bahay ko. Lumabas ako at pinagbuksan ng gate ang tao sa labas. I automatically smiled when I saw Jake. He has a smile for me, too. Pinatuloy ko siya agad. Ang bilis naman yata niya. May dala na siyang duffel bag. Parang kumuha lang siya ng damit.
"Jake, mga kaibigan ko. Si Sanna, Doris at Wilma." pakilala ko.
Halos mag-unahan sa pag-abot ng mga kamay nila ang mga kaibigan ko sa dumating.
"Jake Montañez," pakilala rin ni Jake sa sarili at may guwapong ngiti sa mga labi.
Nakangiti rin ako.
"Paupuin natin!" si Sanna na nilahad ang sofa kay Jake.
"Akin na," kinuha ko naman kay Jake ang dala niyang bag para ilagay sa kuwarto.
Nang makabalik ako sa sala ay parang in-interview na ng mga kaibigan ko si Jake na maayos din na sumasagot sa mga kaibigan ko. Kung ano-ano ang tinatanong nila. Kung saan ito galing o kung ano ang trabaho.
"Ay! Ang yaman mo pala! May-ari ng airline?!" namangha si Sanna.
Jake chuckled. He shook his head. "I'm not. My parents are."
"Ganoon pa rin iyon!" si Wilma.
"Tama na 'yan. Jake, meryenda ka muna."
"Kumakain ka ba ng turon?" tukoy ko sa nasa kamay na niya.
He nodded. Pero nakatingin siya sa pagkain na parang hindi iyon pamilyar sa kaniya. "Tastes good," aniya nang nakagatan na iyon.
Napangiti ako. Napabaling ako sa mga kaibigan at nakita ang panunukso sa mga mata at mga ngisi nila. Napailing nalang ako. Inabutan ko rin si Jake ng juice.
"Hinahanap na ako sa bahay, dumating na ang asawa ko." tumayo na si Wilma makaraan.
Sumunod na rin nagpaalam sina Doris at Sanna. Napatayo rin ako para ihatid ang mga kaibigan. "Mag-enjoy lang kayo nitong kaibigan namin, Jake." tumawa pa si Sanna.
"Sige na," tulak ko naman sa kanila.
"Ay?! Ito na nga, aalis na!" muli pang tumawa si Sanna na sinabayan ng dalawa. Mga baliw.
Sinarado ko na ang gate nang nakaalis sila. Bumalik ako sa loob ng bahay at kami nalang dalawa ni Jake ang naiwan doon. Kumakain pa rin siya at mukhang nasarapan sa turon na ginawa ko.
"Your friends are nice." he said with a smile.
Ngumiti rin ako at naupo muli sa tabi niya sa sofa. "Hindi ka ba hahanapin ng mga kaibigan mo?"
Umiling siya, abala pa rin sa pagkain.
Tumango ako. Nagpaalam din naman siya sa mga ito.
Sa bahay ulit siya kumain ng dinner. We just watched TV again. Nang inantok ay nagpaalam na rin matutulog. Kalagitnaan ng gabi nang lumabas ako sa kuwarto ko para uminom ng tubig sa kusina. Naabutan ako ni Jake doon. Galing din siya sa kuwarto niya. Nagkatinginan kami. Nilapag ko nalang ang basong ininuman doon. Inilang hakbang niya lang ang pagitan namin. Pagkatapos agad nang nagdikit ang mga katawan namin...
"Ah! Ah!" I gripped on his hair as he was moving his hips in and out in between my thighs.
Nakatukod ang isang kamay ko sa tabi ng lababo kung saan niya ako inangat at inupo doon. My legs fell on his sides. He continued with his hard and fast thrusts. I can feel his large dick stretching my vagina. Mahigpit akong kumapit sa kaniya. At parang sandaling nabulag nang naabot ang tuktok.
He also came after me and shot his load inside. Pareho kaming hiningal.
Nagkatinginan kami and he claimed my lips again.
We fucked again inside my room. At nakatulog na ng magkatabi pagkatapos ng lahat.
The next day I woke up on my bed with Jake beside me. Pikit pa ang mga mata niya at natutulog pa. Sanay akong gumising nang maaga. It was also a monday at kailangan ko pang pumasok. Maingat akong kumawala sa braso at mga binti niya at umalis sa kama. I wore his shirt and went out of the room.
Dumiretso ako sa kusina para magluto ng agahan. Tulog pa rin si Jake nang nakabalik ako sa kuwarto. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Tapos na akong nagbihis nang nagpasyang gisingin na siya. "Jake," nilapitan ko siya sa kama.
"Hmm," hinila niya ako at niyakap.
Bahagya naman akong napatawa sa ginawa niya. "Magugusot ang uniform ko."
His eyes opened and he looked at me. I gave him a smile. "Good morning." I greeted. "Hinihintay na ako ng mga estudiyante ko."
He nodded at medyo inaantok pang bumangon sa kama.
We had breakfast together. "Maiiwan kang mag-isa rito sa bahay..." sabi ko.
"I'll wait for you." aniya.
Tumango ako at tinapos na ang pagkain. Gusto pa niya akong ihatid pero sinabihan kong magpahinga nalang siya at hindi rin naman malayo 'yong eskwelahan.
"Are you sure?"
I nodded and gave him a smile. "Sige na," I just kissed his cheek at tumalikod na rin ako para sumakay sa tricycle na naghihintay.
* * *
"Good morning, Ma'am." binati ako ng mga nadaanang students.
"Good morning,"
Tumuloy na ako sa classroom. Pinalabas ko rin ang students para sa flag ceremony. After that the classes started. Sinimulan ko ang unang klase sa araw na iyon.
"Did you eat the mushroom?" a student tried to give an example sentence.
I am an English teacher. Bahagya akong napahilot sa sintido ko. Alam kong walang malisya iyon. Pero iba talaga ang naiisip ko sa mushroom. Umayos ka, Lourdes!
Sinubukan ko nalang mag-focus sa buong araw na mga klase ko sa mga bata.
When I arrived home naabutan ko si Jake sa kusina. He was trying to cook us dinner. "Ano'ng ginagawa mo?"
He turned to me. He smiled apologetically. "I'm sorry, I was just trying to..." he sighed.
Ngumiti ako. Halatang hindi siya marunong sa kusina. "Ako na,"
"Sorry, I tried cooking but failed. Alam kong pagod ka pa from teaching your students."
"It's okay." I assured him.
"We also need to go to the grocery," he said.
I nodded. "Sige, bukas dadaan ako pagkatapos sa eskwela."
"Samahan na kita." maagap niyang sinabi.
I looked at him. Hindi pa siguro siya nakakalibot dito sa amin. Tumango ako. "Okay. Uuwi muna ako rito bukas tapos punta na tayong Hypermarket." sabi ko.
Tumango na siya at ngumiti.
So it happened the next day. Nagbihis lang ako sandali 'tapos umalis na muna kami ng bahay. Sumakay kami ng tricycle patungong SM para mag-grocery. Halos hindi pa kami magkasya sa sinakyan dahil ang laki ni Jake. Buti maliit lang din ako.
Naunahan niya ako sa pagbayad sa tricycle. Walang sukli 'yong driver na inabutan ba naman niya ng bagong one thousand! "Just keep the change." he said.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "Hindi na," binawi ko sa tricycle driver and isang libo. "Ito," inabutan ko ito ng tamang pasahe.
"Halika na," hinila ko na si Jake papasok sa entrance ng Hypermarket.
Kumuha kami ng cart. Iyong malaki pa ang kinuha niya. Tinulak niya na rin iyon at sumunod nalang ako sa kaniya. Kumuha na rin ako ng mga bibilhin at nilagay doon. May listahan ako ng mga kailangan. Mahirap kapag wala at kung ano-ano lang ang nabibili ko. Habang si Jake ay kung ano-ano lang talaga ang pinapasok sa cart namin.
Natigilan ako at tumingin sa kaniya na parang wala lang na naglalagay ng mga snacks sa cart. Kumukuha siya ng mga tsokokate, cookies o biscuits, mga matatamis na palaman, candies at kung ano-ano pa. Parang may bata akong kasama habang nag-g-grocery. "Aanhin mo 'yan?" hindi ko napigilan. Kunot ang noo ko.
He turned to me and smiled. He's really a boy next door type. "Kakainin?"
"Lahat 'yan?" turo ko sa loob ng cart na halos napupuno na niya sa mga kinukuha niya.
He nodded, still smiling like a kid.
"Puro matatamis. Masira ngipin mo." sabi ko.
"I'll drink lots of water." he just said.
Mukhang mahilig siya sa matamis. Hinayaan ko nalang.
"Ano?" napatingin din ako sa tiningnan niya. Instant noodles 'yon.
"I want to try," aniya.
Tumingin ako sa kaniya. "Hindi ka pa nakakakain nito?"
He shook his head. I chuckled. He really looked like a kid right now inside this grocery. "Itong pancit canton nalang," ako na ang kumuha. Kumuha nalang din ako ng noodle soup para ma-try na niya.
Naunahan na naman niya ako sa pag-abot ng bayad sa cashier. Binigay niya ang nilabas na card.
"Jake-"
"Ako na. I'm sleeping and eating in your house. Please?"
I sighed.
Pagkatapos namin sa cashier at paalis na sa Hypermarket nang nakasalubong ang isang grupo ng mga estudiyante. Naka-uniform pa ang mga ito. "Ma'am!" bati nila nang nakita ako.
"Hindi pa kayo umuuwi? Gabi na."
Lumipat ang tingin nila sa kasama ko. "Boyfriend mo, Ma'am?"
Sasagot na sana ako nang dinugtungan ng isang student 'yon. "Paano na si Sir Bernard?" tukso pa ng mga bata.
My lips parted and just smilingly shook my head. Napatingin ako kay Jake na naabutan kong medyo seryoso rin nakatingin sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro