Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

Chapter Six



Flowers



"Ano'ng problema, Lou? Kumusta kayo ni Jake?" Wilma asked.

I visited her flower shop. Wala pang customer at kami at ang isang babaeng assistant niya lang ang nandoon. Napatakip ako sa mukha gamit ang mga pald. Nakatukod ang mga siko ko sa mesa roon. Tinanggal ko ang pagtatakip sa mukha ko at tumingin sa kaibigan.

She was looking at me worriedly. "Bakit, Lou?"

"Wilma," I sighed. "Natatakot ako..." pag-amin ko.

"Ha? Bakit? Lou, linawin mo. Ano? May nangyari ba? May sinabi o ginawa ba sa 'yo si Jake, ano?"

I sighed again and leaned my back on the seat. "Natatakot ako sa nararamdaman ko..."

Sandali kaming natigil nang dumating si Sanna. Suot pa niya ang uniform niya sa bangko. "Ano'ng nangyayari?"

Tumingin sa akin si Wilma. "Tinawagan ko na. Siya ang pinakamagaling mag-advice sa atin." tukoy niya kay Sanna.

"Naman!" Sanna was looking proud. "Ano ba ang atin?"

"Natatakot daw siya sa nararamdaman niya..."

Mula kay Wilma ay bumaling sa 'kin si Sanna. Umupo siya sa tapat ko. "Bakit? Mahal mo na?"

I shook my head. "Paano..." bahagyang lukot ang noo ko. "Paano ba malalaman kung... mahal ko na nga?" I asked her.

Sanna sighed. "Iba-iba naman kasi 'yan... Hmm, sige base nalang sa amin ng asawa ko."

Wilma reacted beside us, nanukso pa kay Sanna. Inirapan lang siya ng kaibigan namin. Si Sanna kasi at ang asawa nito ay madalas mag-away. Pero hindi naman seryosong away talaga. Si Sanna lang palaging inaaway asawa niya. Pero nagbabati rin naman agad. Ewan ba namin sa kanilang mag-asawa. "So, ayun nga." Sanna resumed. "Noong naghiwalay kami noon doon ka pa lang talaga na-realized na mahal ko na pala. Sa dami ng naging lalaki ko noon sa kaniya talaga ako bumagsak. Noong una hindi ko rin alam. Naguluhan din ako. Pero noong nagkahiwalay kami doon ko napatunayan na iba siya. Na mahal ko talaga siya. Siya ang pinili ko at kami nga ang mag-asawa ngayon. Dahil noong mga panahon na magkalayo pa kami doon pumasok sa 'kin na iba pala kapag nandiyan siya... May iba, e. Parang mas masaya ako kapag nandiyan siya. Parang buo ako kapag magkasama kami. Hindi ko na pala kaya na wala siya sa buhay ko."

"'Sus!" panunukso na naman ni Wilma.

Hinampas lang siya ni Sanna.

"Pinarinig mo na ba 'yan sa asawa mo? Naku! Kikiligin 'yon!" sabay tawa pa ni Wilma.

Inirapan lang siya muli ni Sanna at muling tumuon sa akin. "Ang sabi ng ilan pinanganak daw tayong mag-isa at mamamatay din na mag-isa. Kaya, kaya rin natin mabuhay sa mundong ito nang mag-isa. Siguro applicable sa ilan, pero hindi sa lahat." umiling siya. "Sabi pa nga nila no man is an island. Kaya posible na ang isang tao ay hindi kakayaning magpatuloy sa buhay sa mundong ito kapag wala ang isa pang tao na 'yon sa tabi niya. Love is like the air we breath? We cannot live without it. Kasi ang isang tao na 'yon na nahanap natin ay siya'ng bumubuo rin sa atin. Na kapag wala ito ay parang may kulang na. It just wouldn't be the same again." opinion ni Sanna.

"Taray!" side comment na naman ni Wilma na bahagya pang may pagpalakpak.

Hindi na siya pinansin ni Sanna.

"Kaya, Lou, kung..." she stopped there. "May nagbago na ba?" she asked.

I nodded. Alam kong may nagbago na nga sa akin. Ramdam ko iyon. "Parang... Parang may napunan na kulang sa akin noong dumating si Jake..." pag-amin ko.

Sanna smiled softly at me. Hindi iyon tulad ng madalas niyang mga makukulit na ngisi. Kahit naman parang hindi mo makakausap ng matino si Sanna dahil madalas siyang mapagbiro, kapag kailangan mo siya and the situation calls for it seryoso rin naman siyang kausap at maaasahan. Ngumiti rin ako sa kaniya. "Salamat,"

She held my hand and assured me.

"Normal lang maguluhan, Lou. Love can also be really confusing. Hindi naman natin agad-agad na narerealized ang feelings natin. Minsan kailangan pa nating may marinig? Gaya ngayon nandito ka at nakikinig sa amin ni Sanna na mga kaibigan mo." Wilma gave me a smile, too. Hinawakan niya rin ang isa ko pang kamay na nakapatong din sa mesa. "Okay lang 'yan." she assured me with a nod.

"Nagdadalaga ka na!" si Sanna na bahagya nang tumawa. "Para sa 'kin, if he can make you really happy and he made a change in your life, then it must be love. Kahit sa mga simple o pinakamaliliit na bagay ay napapasaya ka niya then it is really love. Love comes from the simplest things? Kung hindi pag-ibig, ano pa ba?" she let out a sigh.

"Comfort, maybe? But Love is also comforting?" ngiti ni Wilma.

"Nasaan na si Jake?" Sanna asked after awhile.

"Nasa Maynila pa," I answered.

"Babalik din 'yon." she said. "Uwi na muna tayo at pagluluto ko pa ng paborito niyang ulam ang magaling kong mister."

"'Sus!" ngisi na naman ni Wilma kay Sanna.

Sanna just made a face. Tumawa lang si Wilma. She turned to me. "Kausapin mo. Mag-usap kayo pagbalik niya. Communication, Lou." payo niya.

Unti-unti akong tumango pero nababagabag pa rin. Kung mahal ko na nga si Jake, kahit parang medyo naging mabilis. Pero may ganoon naman 'di ba, mga whirlwind romance ba tawag. Inisip ko si Jake. Paano kung hindi naman pala pareho ang nararamdaman namin? I sighed.

"Sige na, uwi na ako." paalam na ni Sanna. "Umuwi ka na rin, Lou." bilin niya.

Tumango ako at nagpaalam na kami kay Wilma na magsasara na rin ng shop niya.

The next day may pasok ulit ako sa eskwelahan. Nagkasabay pa kami ni Sir Guinto at pumasok sa faculty room. "Good morning, Sir." I politely greeted him. Magka-edad lang siguro kami o mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Halos sabay lang din kaming nakapagturo rito. At tulad ko ay single rin at wala pang asawa. Madalas kong nakakasabay o nakakasalubong ang Mama niya sa simbahan.

"Good morning." he smiled.

"May... nabanggit pala sa akin ang mga bata..."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. I shook my head with a small smile on my lips. "Hindi ko talaga alam kung bakit tinutukso tayo ng mga estudiyante natin, Sir." umiling nalang ako.

Bahagya siyang tumikhim. "May boyfriend ka na raw?"

Bahagya akong natigilan. 'Tapos ay umiling. "Wala, Sir." I smiled politely at him.

"Mabuti naman... Kung ganoon puwede pa ba akong manligaw?" he just suddenly asked.

Nawala ang ngiti ko. "Sir?"

Nagbuntong-hininga siya. "Dati pa kitang gusto, Ma'am Cañete... Nalaman iyon ng ilang estudiyante natin kaya nagsimula silang tuksuhin na tayo..."

I was looking at him. Medyo pinagpawisan siya. Matangkad si Sir Bernard at moreno. Mabait naman siya bilang kapwa guro at guro sa mga estudiyante. Ngayong kaharap niya ako ay parang kinakabahan siya and as if it took him a lot of push para masabi na niya ngayon sa akin ang nararamdaman niya...

"Sir..." I didn't know what to say...

"Nahihiya kasi ako sa 'yo... Wala akong sapat na lakas ng loob," sinubukan niyang ngumiti pero nangiwi rin sa sarili. "Ang mga estudiyante lang ang nagtutulak sa akin, at heto nga umaamin na ako sa 'yo n-ngayon..." he stuttered.

Kinailangan na naming pumunta sa mga klase namin. Naisip ko kung bakit ngayon lang siya umamin sa akin. Bakit hindi pa noon na naghihintay lang din ako ng lalapit sa akin. Kung ano na ang naisip ko noon. Na baka hindi naman talaga ako attractive kasi walang nanliligaw sa akin. Natanong ko na rin ang sarili kung ano ang kulang o wala sa akin. Kasi bakit wala talaga, 'di ba? Tapos nandiyan lang pala si Sir Bernard na nakakasalubong ko lang madalas sa eskuwelahan na may lihim na palang pagtingin sa akin.

Medyo natagalan si Jake sa pagbalik kumpara noong una. Hinayaan ko lang. Naghintay lang ako.

One day I received a bouquet of flowers from Sir Bernard. Tinanggap ko iyon at nag-abala na siya. "Thank you, Sir..."

He gave me a kind smile. I did not yet confirm na puwede na niya akong ligawan. I thought about it. Bernard is serious, I can tell. He politely asked me if he can court me. Maayos naman siyang tao at may stable na trabaho. May future rin naman ako sa kaniya. Hindi na masama kung bibigyan ko siya ng chance...

Unlike Jake... na hindi ko sigurado kung may patutunguhan ba kami. Dahil mukhang temporary nga lang naman ang kung ano'ng mayroon kami ngayon. Magsasawa rin siya. At sa mga susunod ay baka hindi na niya ako balikan... Walang assurance.

I did not expect to see him leaning a bit against his expensive car as he waited for me outside the school, though. Umayos siya ng tayo when he saw me at sinalubong ako. Pinagtitinginan siya ng mga estudiyante, ng mga taong naroon. He was smiling but his smile faded when he saw the flowers I was holding.

"Jake..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro