Chapter Seventeen
Chapter Seventeen
Marriage
"Sanna,"
"Oh, Lou, kumusta?" sagot ng kaibigan ko mula sa kabilang linya.
"Ayos lang..."
"Bakit tunog matamlay ka?"
"Hindi naman, uh, ikaw kumusta?"
"Okay lang kami rito. Ikaw? Ikaw itong malayo. Kumusta si baby Karlo? At napatawag ka?"
"Nangungumusta lang." I sighed. "Sanna..."
"Oh?"
"Si Jake..."
"Bakit? Ano'ng nangyari?"
"Wala naman... Magdadalawang taon na kasi si Karlo... Hindi pa rin niya ako inaayang magpakasal. Hindi rin namin napag-uusapan..."
"Lou..." she sighed. "Kung hindi niya ino-open, ikaw ang gumawa? Wala kasing nangyayari madalas kapag naghihintay ka lang. Baka rin naghihintayan lang pala kayo."
I sighed. Kinumusta ko nalang muna ang iba pa naming kaibigan. Pagkatapos saka ako nagpaalam at nagpasalamat kay Sanna.
"Si Wilhelmina buntis na ulit!" balita pa sa akin ni Sanna na tinutukoy ang kaibigan naming si Wilma.
"Hala! Tawagan ko siya mamaya."
"Oo, tawagan mo. Masaya 'yon. Alam mo naman hirap magbuntis 'yon kaya medyo matagal nasundan si John."
Oo nga naman. "Si Doris?"
"Malapit na ang anniversary nila ng asawa niya. Kaya naghahanda si Dorissa."
"Kayo ng asawa mo?" I know she can hear the slight teasing in my voice. Siguro hanggang pagtanda lagi nang aawayin ni Sanna ang asawa niya na sanay na rin sa ugali niya.
"Ito! Active pa rin naman ang sex life!" nasundan ito ng tawa niya.
"Ewan ko sa 'yo, Rosanna!" napapailing nalang ako.
Nag-usap pa kami hanggang sa tuluyan ko nang binaba ang tawag.
It was Jake's birthday. Binalak ko sanang maghanda kahit konti sa bahay lang namin. Nga lang nagsabi ang Mommy ni Jake na mag-c-celebrate sa hotel. Magkakaroon ng isang malaking party. Naiintindihan ko iyon. Si Jake na ang pinakanamamahala sa company nila. Parang i-celebrate na rin ang success ng kompanya. And everyone will be invited, their family friends, business partners, etc.
"Happy birthday!" bati ko sa kaniya na nakangiti habang inaayos ang necktie niya.
Humawak si Jake sa baywang ko. "Thank you, love." nilapit pa niya ang mukha sa akin para mahalikan ako sa labi.
Ngumiti lang ako.
It was indeed a big birthday celebration. There's a lot of guests. Ilan lang ang mga kilala kong naroon. The rest hindi na. Pinakilala rin naman ako ni Jake... Pero mukhang hindi naman interesado sa akin ang mga ito. Although may ilan pa rin namang may totoong ngiti at bati para sa akin. Hindi ako halos umalis sa tabi ni Jake kung hindi lang ako kailangan ni Karlo.
"I'll just go to our son." paalam ko sa kaniya.
Jake removed his hold on my waist. Umalis na ako at pinuntahan ang anak namin. Karlo was with Jake's grandfather. Naroon din ang yaya. Pero hinahanap talaga ako ng anak ko. Hindi pa rin ako nakakabalik sa pagtatrabaho dahil maliit pa siya. Kaya sanay siyang palagi kaming magkasama sa condo.
"Ma'am,"
"Akin na," kinuha ko si Karlo sa bantay niya. I saw him yawning. Inaantok na. "Lolo, i-aakyat ko po muna si Karlo sa suite." paalam ko.
Ngumiti at tumango naman ang matandang naka-wheelchair.
I carried Karlo to the hotel room we rented. Hindi pa naman late. Halos kakatapos lang din mag-dinner sa party. Maaga lang talaga matulog ang anak ko. Sinamahan ko pa siya and made sure na okay na siya roon bago ko binilin sa yaya.
Bumaba akong muli at bumalik sa party ni Jake. I saw him talking to his business partners. Dahan dahan nalang ang paglapit ko at ayaw ko sanang maka-istorbo.
"What a plain and boring housewife."
Halos matigilan ako sa mga paghakbang nang may narinig na bulungan.
"She's not Jake's wife! They're not married!"
Nasundan iyon ng tawanan.
"Ladies!" May narinig akong sumaway sa kanila.
Hindi ako lumingon at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa tabi ni Jake.
"Hija,"
Nakasalubong ko pa ang Mommy ni Ryder. "Tita," We gave each other a cheek-to-cheek kiss.
"How are you?"
I smiled. "Okay naman po. Kayo po?"
We talked for a bit before she let me go. She's really nice.
Natuwa nga ako na naroon din sa party sina Myrrh at Kaz. Sila lang kasi halos ang kakilala ko na malapit kay Jake. Ilang tao lang talaga ang nakakausap ko rito... Kapag may mga ganitong event pakiramdam ko talaga hindi ako belong... Magkaiba talaga kami ni Jake ng mundong kinalakhan. There are also things he enjoy that I don't. But I'm really trying to fit in... Kahit minsan mahirap. Lalo at ang mga tao sa paligid ko ay pinapamukha sa akin na hindi nga ako nababagay sa mundo niya.
"Lou,"
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit kay Jake nang may tumawag sa akin. Nakita ko ang Mommy niya. Huminto ako.
"Follow me," aniya.
Sumunod nalang ako.
Napadpad kami sa taas kung saan kita pa rin ang baba at ang mga tao. Kita ko rin si Jake. May lumapit sa kaniyang dalawang tao. Si Criselda Go iyon at ang ama nito na malapit din sa pamilya nina Jake at sa negosyo na rin.
"Look at them, hindi ba't bagay sila sa isa't isa?"
Nilingon ko ang Mommy ni Jake sa tabi ko. Nakatingin siya sa baba kaya sinundan ko nalang din ang tinitingnan niya. It was Jake and Criselda Go who was beside him now. Pareho silang nakangiti at kausap ang mga businessmen na kaharap.
"Ang mga babaeng tulad ni Criselda ang nababagay kay Jake. Tagapagmana ng mga Go. May alam sa negosyo. Maganda rin ang pangalan niya sa publiko." tumingin ito sa akin. "Hindi ang isang gaya mong..." I saw disgust in her. "teacher? Hindi ka na nga rin pala nagtuturo o nagtatrabaho ngayon. Umaasa ka nalang sa anak ko."
"Kung iinsultuhin n'yo lang po ako kaya n'yo 'ko pinatawag dito ay maiwan ko na po kayo-"
But she held my arm tightly before I could even walk out. Halos mapadaing ako sa hawak niya. She would insult me every chance she get. Kapag nakatalikod si Jake ay puro lang masasamang salita ang naririnig ko galing sa Mommy niya. "You only want his money you gold digging bitch!" mariin niyang sabi sa akin. "Magkano ang kailangan mo para layuan mo na ang anak ko? I will give it to you basta magpakalayo ka na!-"
I bravely looked at her. Kahit ilang taon na ay gusto pa rin niyang maghiwalay kami ng anak niya. Kahit pa may apo na siya sa akin. "Ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na hindi pera ang habol ko sa anak ninyo. I love your son! Mahal ko ang ama ng anak ko-"
"We will support you and Karlo! Hiwalayan mo lang ang anak ko-"
"Naiisip n'yo po ba ang apo n'yo sa mga sinasabi n'yo ngayon?-"
"Yes! Kung gusto mo nga puwede mo pang iwan sa amin ang bata-"
"Hinding-hindi ko iiwan ang anak ko-"
"Then just leave Jake! Look around you. You don't belong here. Ano pa ba ang hinihintay mo? Hindi mo ba naisip kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa pinapakasalan ng anak ko?" ngumisi siya. "Kung wala lang ang apo ko matagal ka nang iniwan ng anak ko!"
Hindi ako nakapagsalita. Namuo na rin ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko itong bumuhos. Natamaan ako sa sinabi niya. Dahil minsan naiisip kong baka ganoon nga. That Jake's only staying for Karlo.
"So leave him! At magkasundo nalang kayo sa bata-" patuloy ng Mommy ni Jake na natigil nang may tumawag sa kaniya. Nabitiwan na rin niya ang braso ko.
"Hon," nagpakita ang Daddy ni Jake. Tiningnan din ako nito. "What's happening?"
Jake's Mom smiled at his Dad. Lumapit na rin ito sa asawa. "Nothing, hon, Lou and I are just talking."
"Lou?" bumaling sa akin ang Dad ni Jake.
Masama ang tingin sa akin ng Mommy niya.
"O-Opo," nagpaalam na rin akong babalik na sa baba.
Pababa ay si Criselda Go naman ang nakasalubong ko. Natigilan din siya. Nagkikita na kami sa mga events na sinasama ako ni Jake pero hindi pa talaga kami nagkakausap.
"Lou, right?"
Tumango ako. "Excuse me," I don't want to be rude pero gusto ko sanang mag-restroom na muna at hindi ko na mapigilan ang luha ko mula sa nangyari kanina sa amin ng Mommy ni Jake.
"Wait," pigil niya. She gave me a small smile. Tiningnan niya rin ang kamay ko, ang daliri ko, na para bang may hinanap siya roon. "He's not yet proposing?" she asked.
Unti-unti akong umiling.
"I don't think he'll ever ask you for marriage..."
Hindi ko inasahan ang diretso niyang sinabi.
"Jake deserve someone better. At hindi lang ang isang kagaya mo. Naiintindihan mo naman siguro ang sinasabi ko?" she looked serious. "I'm sorry, Lou-"
Pero hindi ko na siya pinatapos dahil halos tumakbo na ako palayo roon. Instead na bumalik sa kay Jake ay dumiretso nalang ako sa hotel suite. Doon ako umiyak sa tabi ng anak ko. Hanggang hindi ko namalayang nakatulog na pala ako roon...
Buong buhay ko wala pang nagparamdam sa akin na maliit ako. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng panliliit sa sarili ko. I felt so small.
"Babe," boses iyon ni Jake na ginigising ako. Ngiti niya ang unang bumungad sa 'kin nang nagmulat ako ng mga mata. "Let's go home? Or you wanna stay here for the night?"
Nasa hotel suite pa rin kami at natutulog pa rin si Karlo sa tabi ko. "Ang party mo?" bumangon ako.
"It's done. Nakauwi na ang mga bisita."
"Sorry,"
"Shush, it's okay." he assured me.
I looked at him. Paano nga kung dahil lang kay Karlo... May ngiti sa mga labi niya habang nakatingin din sa akin. I don't know if I should still believe it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro