Chapter One
Chapter One
Hinahanap
"Iniwan mo nalang talaga kami doon sa isla, ha!" salubong sa akin ni Sanna.
Guilty naman ako. "Sorry, nawala na sa isip ko..."
"Ha! Kaming tatlo nalang ang nakabalik sa hotel room natin!" tinaasan ako ng kilay ni Wilma at malisyosang ngumiti.
Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi.
"Sarap ba?" nakangisi akong tinaas-babaan ng mga kilay ni Sanna.
Nagbuntong-hininga ako.
"Nakita ka namin kasama 'yong hottie. Puntahan sana kita pero pinigilan ako nina Sanna." ani Doris.
Tumango ako. "Ayos lang..."
"Siyempre ayos lang!" tumawa si Sanna na sinundan pa ni Wilma. Napapailing na napatawa na rin ng bahagya si Doris.
Napailing nalang din ako sa mga kaibigan.
"Bakit umuwi ka agad? Nag-usap ba kayo noong lalaking sinamahan mo?" tanong ni Sanna.
Umiling ako.
"Ano?!" halos bayolente niyang reaksiyon.
My forehead creased a bit. "Bakit? Hindi naman na siguro kailangan? May mga ganoon naman... one night stand..." sabi ko.
Nakatingin silang tatlo sa akin. Hapon at galing ako sa High School dito sa lugar namin kung saan ako nagtuturo. I am a public school teacher. Pagkatapos ng panghuling klase ay nakipagkita na ako sa mga kaibigan dito sa noon pang paborito na naming kainan ng snacks.
"Umasa pa naman kami na baka makahanap ka na roon ng jowa."
"Ano?"
Sanna shook her head.
Si Wilma naman ang nagsalita. "Gusto ka rin naman naming maging masaya, Lou..." anang kaibigan ko.
Tumango si Doris na isa rin public school teacher sa elementary naman. "May mga nareto na rin kami sa 'yo noon..." she sighed.
Nagbuntong-hininga rin ako. "Baka hindi talaga para sa akin ang pakikipag-relasyon..." sabi ko. Sumuko na yata ako. Tatanda nalang siguro talaga akong dalaga.
Laki ako sa Lola at masiyado siyang conservative. Nag-focus lang ako noon sa pag-aaral and graduated with awards. Passed the board exam and became a teacher. Alam kong proud sa akin ang Lola bago siya namayapa. Deserve niya rin iyon para sa pagpapalaki at pagpapaaral sa akin kaya pinagbutihan ko rin talaga. I got busy with my studies and then work after. Tapos kay Lola noong nagkasakit siya ay ako ang nag-alaga sa kaniya. Lumaki ako na kaming dalawa lang ang magkasama sa bahay na iniwan niya rin sa akin.
"Wala naman kasing kuwenta 'yong mga nireto natin sa kaniya noon." umirap si Sanna.
Sumang-ayon naman ang dalawa pa naming kaibigan. Iyong pinakilala kasi ni Sanna sa akin noon na second cousin ng asawa niya ay gusto lang pala akong imbitahan sa networking. Naghanda pa ako noon dahil akala ko mag-d-date kami. Iyong pinakilala naman sa akin ni Doris na kamag-anak niyang nagtatrabaho sa Maynila at minsang nagbakasyon dito sa probinsiya ay may asawa't anak na pala. Muntikan pa akong naging kabit buti nakita namin agad sa social media dahil may pagdududa si Sanna sa lalaki kaya ini-stalk namin. At iyong huli na pinakilala naman sa akin ni Wilma na katrabaho ng asawa niya sa Bacolod ay gay pala. Ewan ko. Siguro sa bilyong tao sa mundo wala talagang para sa akin...
"Masaya naman ako." I assured them with a smile.
"Siya, tara na at magluluto pa ako ng hapunan sa bahay." kinuha na ni Sanna ang bag niya. Galing din siyang trabaho na teller sa isang bangko rito. Si Wilma naman ay may flower shop.
Sumunod na rin kami sa kaniya. Tumayo na kami sa mesa namin at nagkaniya kaniyang uwi. Si Sanna at Doris ay sinundo ng mga asawa nila. Sumakay naman kami ni Wilma ng tricycle. Hindi rin kami magkakapitbahay.
"Huwag mo nang alalahanin na baka may iba pang nakakita sa 'yo doon sa isla. Ano ba naman kasi ang pakialam nila." bilin pa ni Sanna bago kami tuluyang naghiwa-hiwalay.
Nag-alala pa rin ako. Naging pabaya yata ako masiyado. Paano kung may mga estudiyante pala akong nakakita sa akin doon sa ganoong ayos. Hindi magandang halimbawa. "Hindi ka naman makikilala at nakalugay ang buhok mo noong gabing 'yon." dagdag ni Wilma.
Minsan ko nga lang binaba ng ganoon ang mahaba kong buhok na palagi lang malinis na nakapusod.
Nang nakarating ako sa bahay ay kumilos na rin ako para ipaghanda ang sarili ko ng hapunan ko rin. Tahimik ang isang palapag na bahay at mag-isa lang din akong nakatira rito. Tahimik lang din akong kumain pagkatapos. Medyo malungkot... Na-m-miss ko ang Lola. Siya lang ang kasama ko ritong lumaki sa bahay. Sakto lang ang laki ng bahay namin na bahay pa nila noon ni Lolo. Nanay si Lola ng Mama ko. Noong ipanganak ako ay iniwan na rin ako kay Lola at ito na nga ang nagpalaki sa akin.
Humiga ako sa kama at hindi pa agad nakatulog sa pag-iisip. Kinuha ko ang isang unan sa tabi ko at niyakap. Dati siguro hindi ko pa naisip dahil naging abala ako sa pag-aaral, pagtatrabaho, kay Lola. Pero ngayon pinipigilan ko naman pero nakaramdam na rin ako ng konting inggit sa mga kaibigan ko, sa pamilya nila. Nandoon ako noong kinasal sila, noong nagbuntis, nagkaanak, nagkaroon na ng sariling mga pamilya. Gusto ko rin sana ng ganoon para sa sarili ko... Kahit pa sinasabi ko nalang na ayos lang naman ako na ganito.
* * *
"Nagkita na ba kayo?" Nakasalubong ko ang isang kapitbahay habang namamalengke.
"Ha? Sino?" nagtaka naman ako.
"Iyong kaibigan ng pamangkin ni Madam Elisabeth, si Sir Jake."
"Jake?" kumunot ang noo ko.
Tumingin ako sa kausap. Ang alam ko ay nagtatrabaho ito sa Villa Martinez... Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano..." Kumabog din ang dibdib ko.
"Hinahanap ka niya kasi. Nakita ko kayong magkasama noong gabi kaya nang natanong niya ako kinabukasan-"
"Ano?!" Nanlalaki ang mga mata ko. "Tinuro mo ba sa kaniya ang bahay ko?"
Agad sumakit ang ulo ko nang makitang tumango siya. "Akala ko magkakilala kayo..."
Tumango na lamang ako. Mabilis ko nang tinapos ang pamimili at sumakay na ng tricycle pauwi. Inisip ko kung bakit pa ako hinahanap ng lalaking iyon. Siya rin ang taong pumasok sa isip ko.
Nagbayad na ako ng pamasahe at bumaba na rin. Natigilan nga lang ako nang naabutan ang pamilyar na lalaki roon sa tapat ng gate ng bahay ko! Halos mapaatras ako. Bumaling din siya sa 'kin at sandali yata akong nawalan ng hininga.
"Hey," nakangiti siyang lumapit sa kinatatayuan ko.
"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" nakaramdam ng takot na salubong ko sa kaniya.
His lips parted for words. "Uh, I was... I was looking for you..." he sighed.
"Bakit?" kinunotan ko siya ng noo.
Bahagya rin nalukot ang noo niya na parang tinatanong din niya ang sarili kung bakit nga ba siya narito ngayon sa harapan ko. "I..." parang hindi niya alam ang sasabihin.
Naghintay ako sa sasabihin niya. Nakatingin kami sa isa't isa doon sa tapat ng bahay ko.
"Kailangan mo 'kong panagutan." mukhang seryoso niyang sinabi.
Umawang ang labi ko. Nangiti siya sa reaksiyon ko 'tapos ay tumawa. Baliw yata ang lalaking 'to.
"I was just kidding." bawi niyang nangingiti. He shook his head.
Alam ko nang guwapo siya nang makilala ko noong gabing iyon. Pero mas lalo lang yatang nadepina ang kaguwapuhan niya ngayong may araw at mas maliwanag. I shook my head. Napatingin ako sa paligid at tahimik naman. Nasa loob ng mga bahay nila ang mga kapitbahay ko.
"Let me help you." Kinuha niya sa 'kin ang mga dala ko galing palengke.
"T-Tuloy ka muna..." Binuksan ko na ang gate.
May ngiti sa mga labi niyang sumunod sa aking pumasok sa bakuran ko. Ano'ng nangyayari, Lourdes? Bahagya rin akong naguluhan sa sarili ko at sa biglaang nangyayari. Pinapasok ko nalang muna siya sa loob ng bahay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro