Chapter Fifteen
Chapter Fifteen
Best
"I got my condo back!" balita sa akin ni Jake. "Puwede na tayong lumipat doon para mas malaki at mas kumportable. Aayusin na rin natin doon ang room para kay baby. I'm thinking of turning one guestroom into our baby's room."
Tumango ako at ngumiti kay Jake. He has plans now. Unti-unti at nakakatuwa. "Sige, Jake."
He kissed my forehead.
So we moved to his condo. Nakapunta na rin ako rito noon. I felt my cheeks heated when I saw his sofa on the living room and remembered what we did in there. Medyo mahilig din kami sa sofa...
"We also have Manang here," pinakilala sa akin ni Jake ang isang may edad na babae. Ngumiti ito sa akin at ngumiti rin ako pabalik. "Kinuha ko siya sa bahay para may kasama ka rito sa condo natin kapag wala ako at nasa trabaho. She will also take care of you." sabi ni Jake.
Tumango ako.
Kaya kapag wala nga si Jake ay kami ni Manang ang magkasama. Halos ito rin pala ang nagpalaki kay Jake. Alaga na pala talaga nito si Jake kaya natutuwa rin ako makipag-usap dito dahil nadadagdagan ang mga nalaman ko kay Jake. Lalo noong bata pa siya. Mabuti at may mga dala rin na album si Manang.
"Iyan si Jake noong one year old pa siya." sabay turo niya sa isang picture ni Jake na bata pa man ay guwapong guwapo na. Mestiso rin talaga ito.
I chuckled when I saw a photo of Jake who looks like he was crying or about to cry. Ang cute! I can imagine how our baby would look like! Mana sa Daddy niya.
"Ito noong grade school siya."
Magkatabi kami ni Manang sa sofa sa living room. I was amazed to see Jake's old pictures. Nakangiti o nakatawa ang batang si Jake sa mga larawan. Ang kulit na talaga niya tingnan kahit noon pa.
"Nagbibinata na siya rito," tinuro naman ni Manang ang litrato ni Jake na malaki pa rin ang ngisi sa picture. He was wearing a school uniform.
Meron din doon na naka-panlakad na damit lang siya o nakapambahay at nakaupo lang sa isang sofa at may yakap na malaking brown na aso. "Aso 'yan ni Jake noong bata pa siya. Umiyak din siya noong namatay ang alaga niya." ani Manang.
Nalungkot din ako para kay Jake noon. Hindi pa ako nakapag-alaga ng aso pero alam kong masakit iyon para sa mga pet owners.
Meron din doon na naka-jersey si Jake. "Nag-b-basketball din siya noong high school at kolehiyo." ani Manang.
Jake studied in Ateneo de Manila University. Hindi ako nahilig sa panonood ng sports. Siguro kung nahilig ako napanood ko rin siya noon sa UAAP? Kung hindi kami nagkita ni Jake sa Villa Martinez... Hindi na siguro magtatagpo ang landas namin... He's been here in Manila almost all his life. Dito siya lumaki at nakapagtapos. Habang doon naman ako sa probinsya lang namin at nagtuturo doon.
I finished my education course in Philippine Normal University in Negros. Hindi ko naisip noon na mag-aral sa ibang lugar o sa Maynila. At ayaw ko rin iwan ang Lola. Kaya malabo talaga. Buti nalang at nagkita kami ni Jake sa isla... Totoo kaya talaga ang destiny? Alangan naman coincidence lang ang lahat ng bagay. They would always say that everything happens for a reason... Then people meet for a reason, too.
Jake rushed me again to the hospital when it was time for me to give birth. He never leave my side. He was with me as I was in labor until I gave birth to a healthy baby boy... Napaluha ako at ganoon din si Jake. He kissed my forehead, "Thank you, Lou. Thank you so much. I love you." he said.
"I love you, too..." nasambit ko kahit nanghina na sa pagod sa panganganak.
Nilagay ang anak ko sa dibdib ko. Pinagmasdam namin ito ni Jake. Parehong may ngiti sa mga labi namin...
"Careful," nakaalalay si Jake sa amin ni baby nang paupuin niya kami sa kama na ng kuwarto namin.
I was carrying our child in my arms. Halos ayaw ko pa bitawan pero kailangan ko rin magpahinga at kakapanganak ko pa lang. Nag-leave rin si Jake sa trabaho niya para mas maalagaan niya raw kami ni baby.
Si Jake ang nagpupuyat sa baby namin. Pareho kaming first time parents kaya nagtanong ako sa mga kaibigan ko at sinaulo ang mga bilin nila sa pag-aalalaga ng bata. Sinabi ko rin iyon kay Jake at kahit noong una ay natakot pa siyang buhatin ang baby namin dahil baka raw hindi niya alam ay natuto pa rin siya para rin sa akin. Dahil kailangan ko nga rin ng pahinga.
"Karlo..." I whispered his name as I was breastfeeding him.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang anak. "Ang pogi mo rin gaya ng Daddy mo." ngiti ko.
Nakabawi na rin ako ng lakas. It wasn't easy lalo at first time parents. Pero nagtulungan kami ni Jake. We have each other's back sa pag-aalaga sa baby namin. At nakakatuwa rin talaga si Karlo. Hindi rin naman niya kami masiyadong pinapahirapan ng Dad niya. Hindi siya ganoon kaiyakin at panay lang ang tulog basta busog naman siya at hindi puno o basa ang diaper.
I find joy in taking care of him. Bumalik na rin si Jake sa work niya at kailangan niyang magtrabaho. Nandiyan din naman si Manang para tulungan ako.
Parang ang bilis lumaki ni Karlo. Kaya I always take pictures and videos of him. Gagawan ko rin siya ng album na gaya ng sa Daddy niya. I became an excited Mom! Hindi siya palaging baby kaya sinusulit ko talaga.
"Wala pa rin si Jake?"
Umiling ako kay Manang. "Wala pa," tumingin muli ako sa oras at late na pero hindi pa rin nakakauwi si Jake. Wala na rin siyang replies sa text messages ko. Tiningnan ko ang mga nakahanda sa mesa. It was our anniversary... And I cooked all his favorite. Balak ko rin surpresahin siya pagdating niya ngayon...
"Baka pauwi na rin iyon, Lou." ani Manang sa akin.
Sinamahan pa ako nitong hintayin si Jake pero nang naghikab ay sinabihan ko na rin na mauna nang magpahinga. Natutulog na rin si Karlo sa kuwarto. Nakatulugan ko na rin ang paghihintay.
Nagising ako nang narinig ang doorbell. Tinungo ko ang pinto at pinagbuksan. Bumungad sa akin si Jake na lasing. Si Russel muli ang naghatid sa kaniya. "Salamat, Russ. Ano'ng nangyari?" I can't help but ask dahil wala namang nabanggit sa akin si Jake na lalabas siya kasama ang mga kaibigan. And we already agreed na magpapaalam din siya sa akin. Hindi ko naman siya pagbabawalan. Para lang hindi rin ako nag-aalala.
"Nagkita nalang kami sa club. He was with his employees. He's already drunk kaya inuwi ko na." ani Russel.
Wala siyang sinabi sa akin.
"Salamat, Russ."
Nagising na rin si Manang at tinulungan ako nitong ipasok namin si Jake sa kuwarto. Nakaalis na rin si Russel.
"Ako na po ang bahala rito, Manang. Bumalik na po kayo sa pagpapahinga n'yo. Salamat."
Tumango sa akin si Manang at lumabas na ng kuwarto namin ni Jake. Habang inaasikaso ko si Jake naalala ko iyong mga panahon na ganito rin siya noon. Umuuwi sa akin nang lasing.
* * *
Nagliligpit kami ni Manang kinabukasan sa mga hinanda kong lumamig na mula pa kagabi. Naabutan iyon ni Jake. Saglit ko lang siyang tiningnan at binalik muli ang tingin sa ginagawa. I saw his lips parted. Lumapit din siya.
"Love..." tawag niya.
Tinalikuran ko siya at tinungo ang sink. Naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.
"Love, I'm sorry... I know I promised you... Pero umuwi pa rin ako nang lasing kagabi..." mukha siyang problemado.
"Ayos lang." halos malamig kong sabi. "Hindi maiiwasan."
"I'm really sorry. I got promoted in the company kaya hindi ko na natanggihan nang niyaya ako kagabi sa opisina... Hinila na nila ako para raw mag-celebrate..."
"Hindi mo man lang naisipan na tawagan ako?"
"I was about to, but my phone got low battery." he sighed. "I'm really sorry, babe... I think I was overwhelmed, too, dahil kinausap na rin ako ni Mommy. Okay na kami, love. We already talked."
"Good for you." Nilagay ko sa ref ang mga pagkain na puwede pa. Panay ang buntot niya sa 'kin sa kusina.
"Love naman..." aniya.
"Ang dami mong niluto kagabi? Para ba sa promotion ko?" he asked gently.
Hindi niya pa nasabi sa akin ang tungkol sa promotion niya.
"No, it was our first anniversary yesterday."
Hindi siya agad nakapagsalita. "W-Wow! One year na pala tayo..."
Nang natapos sa ginawa ay iniwan ko na siya roon at tinungo si Karlo. Sumunod naman siya. Kinuha ko si Karlo sa crib niya. He just woke up, too. I prepared his bath. Hindi ko na pinansin si Jake.
"Let me help, love..." marahang tawag ni Jake.
"Huwag na. Kaya ko na." malamig kong tugon.
I heard him sighing.
Inabala ko lang ang sarili ko kay Karlo buong araw. Hindi ko na kinausap si Jake. Pumasok na rin siya sa trabaho at tingin ko nga na-late na siya. Hindi ko siya pinansin kahit noong nagpaalam na siya na papasok sa trabaho at hinalikan kami ni Karlo. Masama rin ang loob ko.
When he came home that night may dala na siyang malaking bouquet ng mga bulaklak. May regalo rin siya para sa akin. Natutulog na no'n si Karlo kaya hindi ko na siya naiwasan. Tinanggap ko nalang ang mga dala at bigay niya.
"Yayain sana kitang mag-dinner tayo sa labas. Kaya lang si Karlo," aniya.
Tumango ako. "Okay lang."
"Baby..." he sighed, na para bang nahihirapan siya. "I'm really so sorry. Huwag ka nang magtampo..." dinala niya ako sa loob ng mga bisig niya at niyakap.
Napabuntong-hininga ako sa yakap niya. "You forgot," tunog nagtatampo iyon.
I felt him kissing my temple. "I won't forget next time. Sorry I got so busy lately with work. I'm earning Mom's trust with the company. Gusto ko kayong bigyan pa ng mas comfortable na buhay ni Karlo."
Inintindi ko nalang. Alam ko at nakikita ko rin naman na pinagbubutihan talaga ni Jake sa trabaho niya para sa amin ni Karlo. Tiningnan ko ang bracelet na bigay niya sa akin ngayon na nakasuot na rin sa palapulsuhan ko. It's a gold Cartier.
"Mom and Dad wants us to come to our house o kahit dito sa condo natin. They want to see Karlo."
I nodded. Hindi ko naman ipagkakait ang anak ko sa grandparents niya.
We've decided na rito nalang sa condo since dinner at para hindi na namin ibiyahe pa si Karlo. Busy rin ang parents ni Jake during the day kaya ngayon lang sila may panahong makita na ang apo nila.
Tinulungan ako ni Manang sa pagluluto at paghahanda ng hapunan para rin sa pagdating ng parents ni Jake. Nagbihis din ako at nag-ayos. Inasikaso ko rin si Karlo. Dumating na rin si Jake at halos kasunod lang niya ang parents niya.
"Good evening, po." I greeted his parents politely.
Binati rin ako ng Dad ni Jake but his Mom's attention was all on the baby I was carrying. Kinuha rin sa akin ni Jake si Karlo para ilapit at ipakita sa Mommy niya.
"Oh my," bahagyang napatakip sa bibig ang Mommy ni Jake. "What's his name?"
Jake smiled. "We named him Karlo."
"Oh, Karlo... May I?" kinuha nito ang anak ko mula kay Jake. She was looking at the baby like she was so amazed.
Alam ko. Hindi rin naman talaga nila matatanggi na kadugo nila ang anak ko. Mas nagiging kamukha ni Karlo ang Daddy niya.
Lumapit din ang Daddy ni Jake sa asawa nito. The couple both looked at Karlo in Jake's Mom's arms. Mukhang natuwa sila sa apo nila.
Inakbayan ako ni Jake. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumingin din siya sa akin. He gave me a smile. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik at binaba niya ang ulo niya para saglit akong mahalikan sa mga labi.
Nang ibalik ko ang tingin sa parents niya ay nakita ko ang seryosong tingin sa amin ng Mommy niya. Napayuko ako. Alam ko namang hindi ako nito gusto para sa nag-iisa niyang anak.
Pero hanggang ngayon ba talaga? I already gave birth to her grandchild. At maayos naman kami ni Jake. It's not as if I'm causing her son harm. Mahal ko ang anak niya at sana huwag na siyang mag-isip ng masama sa akin.
"Handa na ang dinner, Mom, Dad." Jake said to his parents.
Tumuloy na rin kami sa dining. Kinuha muna ni Manang si Karlo.
"How's the food, Mom?" Jake asked his mother.
"Good," tumango-tango ito.
Jake smiled. "Lou cooked everything."
Hindi nagsalita ang Mom ni Jake at nanatili lang ang atensiyon sa pagkain. Ngumiti naman sa akin ang Dad niya. "Magaling ka palang magluto, hija." puri nito.
Napangiti na rin ako. "S-Salamat po."
Tumango ang nakangiti pa rin na Dad ni Jake at nagpatuloy sa pagkain.
"Are you also working right now?" biglang nagtanong ang Mommy ni Jake.
Umawang ang labi ko. "H-Hindi po, pero babalik ako sa trabaho kapag medyo malaki na si Karlo." Nagkatinginan kami ni Jake.
Istriktang tumango ang Mommy ni Jake. Hindi siya sa akin nakatingin kung 'di sa pagkain. "Ano ba ang trabaho mo?"
"I was a public high school teacher, Ma'am, uh, nagtatrabaho ako sa isang publishing company nang lumipat ako rito sa Manila. Editor, po..."
"Nasabi nga sa amin ni Jake na sa isla raw ni Elisabeth kayo nagkakilala..." she looked up at me. I was nervous. Hinawakan ni Jake ang kamay ko sa ilalim ng mesa para pakalmahin ako. "Why did you leave your first job? Ano ba ang buhay mo roon sa probinsya?"
Saglit akong tumingin kay Jake. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko. "Maayos naman po... Uh, may bahay po ako roon na iniwan sa akin ng namayapa ko nang Lola."
Tumango ito. "Where are your parents?"
Umiling ako. "Ang Lola ko lang po ang nagpalaki sa 'kin, ina po siya ng Mama ko. Hindi ko na po sila nakasama pareho ng Papa ko."
"So you moved here for my son?"
Si Jake ang sumagot. "Yes, Mom, nakita kasi ni Lou na nahirapan na rin ako sa pabalik balik from Manila papunta sa kaniya."
Magsasalita na sana ang Mommy ni Jake pero naunahan ito ng Dad ni Jake. Napatawa ito at tumingin sa anak. He has this teasing smile for his son at bahagya pang umangat ang kilay. "Kaya pala." he smilingly shook his head. "Hinahanap ka namin ng Mommy mo hindi ka namin agad makita. Kung hindi pa birthday ng Mommy mo or any important event hindi ka pa namin mapapauwi."
Jake smirked at his Dad.
Nakita ko ang pag-iling ng Mommy niya at pagbuntong hininga.
"Malapit na ang anniversary ng company, Jake." his Mom reminded after a while.
Jake nodded. "Yes, Mom, I'll bring Lou with me."
Hindi ito tumutol sa sinabi ng anak at hindi rin tumango.
Jake's parents checked on Karlo again bago umalis ang mga ito. Nag-usap pa sandali si Jake at ang Daddy niya at nilapitan din ako ng Mommy niya. "Be in your best. Ayaw mo naman siguro kaming ipahiya. It's a big party." tukoy nito sa nabanggit na anibersaryo kanina sa hapag.
Marahan akong tumango.
Tinalikuran ako nito at nakitang natapos na rin ang asawa at anak sa pag-uusap ng mga ito. Nagpaalam na sila at tuluyang nakaalis matapos ang pagbisita nang gabing iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro