Chapter Eleven
Chapter Eleven
Kissing
"Hello, Lou?" sinagot ni Sanna ang tawag ko.
Nanatili pa rin ako sa couch. Sinabi ko na rin sa kaniya na buntis ako. And she was happy for me. Masaya rin ako para sa sarili ko. I am really happy. Magiging Nanay na rin ako tulad ng mga kaibigan ko sa probinsya.
"Masaya ako para sa 'yo, Lou! Alam na rin ba nina Wilma at Doris?"
"Tatawagan ko na rin sila ngayon para ipaalam."
"Sige! Si Jake?"
"N-Nandito lang," Hindi pa rin nakakabalik si Jake simula kanina.
"Masaya ako para sa inyong dalawa! Congrats!"
Nang tinapos ko ang tawag kay Sanna ay tinawagan ko naman sunod ang dalawa naming kaibigan. They were also happy for me at nagsimula pang payuhan ako tungkol sa pagbubuntis. Kailangan ko nga iyon. After all this is my first time.
Nakatulog nalang ako nang gabing iyon ay hindi pa rin nakabalik si Jake. Kahit kinabukasan ay wala pa rin siya sa condo ko. Bumangon nalang ako, siniguradong kumain ng breakfast, at naghanda na para sa pagpasok sa trabaho.
Hindi rin ako nasundo ni Jake pagkatapos ng trabaho ko. Sinubukan ko na rin siyang i-text at tawagan. Pero wala akong narinig sa kaniya hanggang lumipas na ang ilang araw. Nagsimula na akong masaktan sa ginawa niya. Ayaw ba niya sa baby namin? Iiwan na ba niya ako ngayon at hindi ako sasamahan sa pagdadala ko sa anak namin?
Ganito rin ba ang nangyari kay Mama noon? Hindi rin ba siya pinanagutan ng Papa ko? But unlike her I will not abandon my child. Ni hindi ko iyon naisip. I will be here for my baby. Lalo at mukhang ako lang ang maasahan niya.
Isang araw nakita ko nalang si Jake sa labas ng company building namin nang natapos na ang trabaho ko at pauwi na rin. Lalagpasan ko nalang sana siya at papara na ng masasakyang taxi nang hawakan niya ako sa siko ko para pigilan.
Masama ko siyang tiningnan. Ilang araw siyang walang paramdam sa akin at kahit ganoon nag-alala pa rin ako sa kaniya. Mahal ko nga itong lalaking 'to at sinaktan niya lang ako sa bigla nalang niyang pag-iwan sa akin. "Bitiwan mo 'ko, Jake!"
"Babe, I'm sorry. Let's talk, please, nabigla lang ako-"
May humintong kotse sa gilid namin at lumabas si Joel. "Bitiwan mo siya, pare."
Jake removed his hold on my arm to face Joel. He stood taller than my officemate. Agad akong pumagitna sa kanila. Sa hitsura ni Jake ay parang manununtok siya agad. "Jake, enough." pigil ko sa kaniya. Bumaling din ako kay Joel. "Joel, please, problema namin ito,"
Joel looked at me. Nakahawak ako kay Jake para pigilan ito. He looked at my hands holding Jake. He shook his head a bit and turned his back at us. I sighed at bumaling na kay Jake.
Jake held my hand and pulled me to his car. Pina-upo niya ako sa shotgun seat at sinuutan ng seatbelt.
Tahimik kami habang nagmamaneho siya pauwi sa condo ko. Nang makarating at makapasok sa unit ay hinarap namin ang isa't isa.
Nagalit din ako sa kaniya. "Ano? Pagkatapos ng ilang araw na hindi mo pagpapakita sa 'kin, ni hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko, nandito ka na ngayon? Bumalik ka na ba? Kumusta, Jake? Nakapag-isip ka na ba, ha? Okay ka na? Ako, okay lang ba ako? Ako itong buntis sa ating dalawa!" Hindi ko napigilang bahagyang maging sarkastiko sa kaniya. Ni hindi niya ako pinatulog nang maayos ng ilang araw.
He was looking at me. There was guilt in his eyes. He let me finish amd then he hugged me... "I'm sorry..." his voice broke.
Sinubukan ko siyang itulak pero humigpit ang yakap niya sa 'kin. "Forgive me... I was shocked, I didn't know what to do. I don't know... I got scared. Hindi ko alam kung handa na ba ako, tayo, kung handa na ba tayo. What if I'll fail? Paano kung hindi ako maging mabuting Dad sa baby natin? I'm really sorry..."
Natahimik kami. Nanatili ang yakap niya sa akin.
"I told my parents about our baby. Nagalit si Mommy, pinapili niya ako between them and you... I chose you." siniksik niya ang mukha sa leeg ko.
Unti-unting umangat ang mga kamay ko at niyakap na rin siya pabalik. Doon siya umiyak... Hinigpitan ko na rin ang yakap ko sa kaniya. "Shush, Jake. Everything will be alright..." I tried to assure him.
* * *
"Have you been to the Doctor?"
Umiling ako kay Jake. "Hindi pa,"
"Let's set an appointment."
I nodded.
Balik si Jake sa paghahatid sundo sa akin sa trabaho ko. Mag-isa siya madalas sa condo ko habang nasa work ako. Parang gaya lang nang nasa probinsya kami. His parents or his Mom took his cards and condo back. Wala halos natira kay Jake bukod sa isang kotse niya na Lolo niya ang nagbigay. "Lolo is sick right now," he sighed.
Naawa naman ako at nilapitan ko pa siya. I rubbed his back with one hand and I hugged him, trying to comfort him. Sinasabihan ko nalang siya na magiging maayos din ang lahat...
Jake was smiling as we heard our baby's heartbeat. Medyo naluha rin ako ng konti. Binaba niya ang mukha sa akin and kissed me softly on my lips. Napapikit din ako sandali sa pagdama ng halik niya.
The woman Doctor smiled at us. May mga binilin siya na attentive rin naman namin pinakinggan ni Jake. Pagkatapos manggaling sa doktor ay dumaan naman muna kami para bumili ng vitamins ko at nag-grocery na rin ng gatas ko at ilan pang mga pagkain na healthy para sa amin ni baby.
Pagkatapos umuwi na rin kami ni Jake. Naging maayos naman...
Isang gabi umuwi si Jake sa condo na lasing. Kanina ko pa siya hinihintay. Nagpaalam naman siya na lalabas kasama ang mga kaibigan niya. Nabasa ko ang text niya kanina nang nasa trabaho pa ako. Hindi na rin niya ako nasundo. Kaya nag-taxi nalang ako pauwi.
"Salamat," I thanked Jake's friend na naghatid sa kaniya sa akin. "Ikaw si Russel?" sana tama ang pagkakaalala ko.
He nodded and gave me a short smile. Mukha siyang seryoso pero okay naman. I thanked him again at sinara ko na ang pinto ng unit. Nakaalalay ako kay Jake hanggang nahiga ko siya sa kama.
"I can't believe you Mom and Dad..." Jake was murmuring. His eyes were closed. "Natiis talaga nila ako, really, huh..."
Kumuha na ako ng pamunas. Hinubad ko ang damit niya para mapalitan at para mas komportable ang tulog niya. Jake is kind of a spoiled child... Ni hindi pa nga siya nagtatrabaho kahit sa company nila. He's given everything. Kaya ngayon ay ganito at hindi siya sanay na natitiis siya ng parents niya.
The next day I woke up early para makapagluto na ng breakfast namin. Pagkatapos naghanda na rin ako para sa pagpasok ko sa trabaho. Gumising na rin si Jake at agad akong nakita ng mga mata niya. He sat on our bed. Napahawak siya sa ulo niya. Nilapitan ko siya at pinainom ng gamot para sa hangover. "Kain na tayo." hinawakan ko siya sa braso niya at dinala sa maliit namin na lamesa.
"Huwag mo na akong ihatid ngayon. Magpahinga ka nalang dito para mawala ang hangover mo." bilin ko sa kaniya habang nilalagyan siya ng kanin sa plato niya.
Tumango siya at kinuha na ang kutsara at tinidor. We started eating. Pagkatapos ay umalis na rin ako. I kissed him goodbye bago ako tuluyang umalis.
I saw Pocholo eating a sandwich nang napabaling ako sa cubicle niya. Naglaway ako at parang gusto ko rin kumain no'n. Pero kumain na rin ako ng lunch kanina. At medyo nagtitipid na rin ako ngayon. Mukhang mahal pa naman 'yong kinakain niya at mukhang hindi galing lang sa cafeteria rito. Mahilig din bumili ng pagkain niya sa labas si Pocholo. He's kind of spoiling himself with food. Parang nagpapataba rin kasi siya ngayon at payo yata ng doktor niya.
Nasulyapan ako ni Dina kaya napatingin na rin siya kay Pocholo. Binalik ko nalang ang tingin sa computer ko.
"Cho," tawag ni Dina kay Pocholo.
"Ay, naglilihi ang buntis!" Narinig ko si Pocholo na palapit sa cubicle ko. "Ito, girl, may isa pa sa 'yo na."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nahiya naman ako. Sinubukan kong umiling pero nilapit na niya sa 'kin 'yon at naamoy ko na rin ang masarap na pagkain. Natakam na talaga ako. "Salamat, Pocholo..."
"'Sus! Sige lang, girl! Masarap 'yan 'tsaka healthy para sa inyo ni baby." saglit niyang hinawakan ang tiyan ko. "Basta Ninang ako, ha!" sabi pa niya.
I smilingly nodded at him.
"Ako rin!" lumapit din si Dina sa cubicle ko at nilapagan ako ng isang bottled fruit juice.
Nag-angat ako ng tingin kay Dina at iiling pa sana. May baon naman akong tubig.
"Sige na, sa 'yo na rin 'yan. Pasensya na 'yan lang. Para may panulak ka." she smiled.
I'm blessed to have people like them in my workplace. Ngumiti rin ako kay Dina. "Salamat. Oo, kukunin ko kayong mga Ninong at Ninang."
Bahagya pang napapalakpak si Cholo. Nakangiti naman si Dina.
Tinatawagan ko si Jake pero hindi niya sinasagot. Gabing-gabi na kasi at hindi pa rin siya nakakauwi. Nag-aalala na ako. Siguro ay nag-p-party na naman siya... Hindi ko naman masabihan kasi alam kong nahihirapan din siya ngayon na hindi pa rin siya kinakausap ng parents niya... Agad kong tinungo ang pinto nang narinig ko iyon. Si Russel muli ang naghatid kay Jake sa tirahan namin.
"Salamat, Russ." sabi ko sa kaniya.
He offered to help me put Jake on the bed. Pinatuloy ko siya at tinulungan niya ako. Napabuntong-hininga ako pagkatapos namin mahiga si Jake.
"Are you okay?"
Bumaling ako kay Russel. Tumango ako. "Oo, salamat talaga, Russ, ha."
He nodded. "No worries. Kung may kailangan kayo you can contact me." he said and handed me his calling card.
Tiningnan ko iyon. Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya at ngumiti. "Thank you." I kept his number para kahit siya nalang ang matawagan ko kapag hindi ko ma-contact si Jake.
Tumango siya at nagpaalam na rin. I closed our door matapos makaalis ni Russel. Binalingan ko naman si Jake para asikasuhin.
* * *
"Lou," lumapit si Dina sa cubicle ko. "Ayaw ko sanang manghimasok... Pero nakita mo na ba 'to?" she looked like she's really worried.
"Ano 'yon, Dina?"
Pinakita niya sa 'kin ang screen ng phone niya. Kinuha ko iyon. Kumunot pa ang noo ko. I read the headline. It was about a model named Criselda Go in an exclusive club kissing her rumored boyfriend... Nanghina ang mga kamay kong hawak ang cellphone ni Dina.
"Lou," she held me.
Tumingin ako kay Dina. "A-Ayos lang ako, Dina..." I tried to assure her. "Mag... Mag-uusap kami ni Jake mamaya..."
Dina was still looking at me. Worry was written all over her face.
Tumango ako sa kaibigan at sumubok na ngumiti pero nanginig lang ang labi ko. Dina hugged me trying to give me comfort.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro