Epilogue
Epilogue
Love
Jewel
Sumunod pa ang mga kasinungalingan.
Lalo iyong pagsabi ko kay Russel ng kasinungalingan tungkol kay Lila. Alam kong maling-mali ako doon. Natanggalan ko pa rin siya ng karapatan sa anak namin. At pinagsisihan ko na iyon.
Kaya naiintindihan ko ngayon kung hindi ito magiging madali para sa akin. Alam kong hindi rin naging madali para sa mga anak ko. Hindi rin ito madali para kay Russel.
"Where are you going?" he asked nang naabutan niya akong nakabihis at mukha ngang may pupuntahan.
"Uh, bibisitahin ko lang ang libingan ni Lola,"
He nodded. "Puwede kitang samahan?" he asked.
Hindi ko pa iyon inasahan pagkatapos ng nangyari sa huli naming pag-uusap. Napangiti ako at tumango. Magpapaalam na rin sana ako sa kaniya pero hindi ko siya mahanap kanina. Abala siya sa mga anak namin.
"Ang mga bata,"
"Iwan muna natin sila kanila Mommy at Dad." sabi niya.
Tumango ako at napanatag na.
Iniwan nga muna namin ang mga bata sa Lolo at Lola nila.
Tahimik kami ni Russel hanggang makatawid sakay ng bangka. Hindi pa kami nakakapag-usap ulit simula kagabi. Tumingin ako sa paligid. Dito sa lugar na ito ako lumaki. I smiled a bit with the memories. Dito sa buhanging tinatapakan ko ngayon madalas kaming maglaro nina Tisoy at Sha noon.
"Dumaan muna tayo sa bahay?"
He nodded.
Iyon nga ang ginawa namin. Pinuntahan muna namin iyong dati naming bahay dito. Kung saan ako pinalaki ni Lola Karolina. Parang siya na rin ang naging ina ko dahil maaga talagang pumanaw si Mama.
"What's your plan with this house?" I heard Russel asking behind me.
I turned to him. "Hindi ko pa alam... Pero ayaw ko rin ibenta. I grew up here." Tumingin muli ako sa paligid ng bahay. Maliit lang ang bahay pero may malapad na bakuran.
"If you want puwede natin gawing bahay bakasyunan," Russel suggested.
I smiled at him. Kahit medyo seryoso pa rin siya. Tumango ako. Puwede iyon at malapit lang din ito sa dagat sa likod. May kalayuan din ang mga kapitbahay.
Sinarado ko na uli iyon at ni-locked. Tinulungan din ako ni Russel sa pag-s-secure ng bahay. Pagkatapos ay tumuloy na kami sa sementeryo. May dinaanan lang kami para makabili ng bulaklak at kandila.
"Lola..." I whispered when we were already there.
Nilapag ni Russel ang bulaklak na dala namin doon at sinindihan ko naman ang kandila.
"Alam ko, Lola, masaya ka ngayon na makitang magkasama pa rin kami ni Russel..." Sinulyapan ko si Russel sa tabi ko na tahimik lang na nakatingin sa puntod ni Lola.
Tahimik na rin ako nang ilang sandali.
"I should've been there..."
Bumaling ako kay Russel nang nagsalita siya. He turned to me, too, and we looked into each other's eyes. "You were mourning. You just lost your grandmother. You were pregnant with our twins. You needed me and I was not there..." He looked away, remembering the past.
I sighed. "Tapos na iyon, Russel... Napag-usapan na rin natin noon. Nothing will happen kung paulit-ulit pa rin nating babalikan ang mga masakit nating nakaraan. Nangyari na. Ang mahalaga ay ang ngayon..."
Tumingin siya muli sa akin at tumango. Binigyan ko siya ng isang magaang ngiti.
Bumalik din kami sa Villa Martinez pagkatapos. At naging abala muli sa mga bata. Lalo sa gabi ng birthday ng tiyahin ni Russel. Tapos ko nang natulungan magbibis at mag-ayos si Primrose. Si Lila naman ngayon ang inasikaso ko. Si Russel naman ay abala rin kay Prince.
Nasa isa sa mga kuwarto na kami ngayon sa mansiyon dito sa isla. Dito rin gaganapin ang party.
"Ako na rito. Sige magbihis ka na." kinuha sa akin ni Russel ang suklay ni Lila.
He's ready. Ang guwapo niya sa suit niya ngayong gabi. Kahit ano naman ang suot niya he'd always look dashing especially in my eyes.
Tumango na ako sa kaniya. Nakasuot pa rin kasi ako ng robe. Although I was already done with my hair and makeup. Nagbihis na rin ako ng evening gown ko.
"Marunong ka na niyan?" nakangiti kong puna sa ginawa niya sa buhok ni Lila. He braided our daughter's hair and finished it with a ribbon.
He looked at me. "Yeah... I watched videos. I needed to learn this for Primrose." aniya.
Tumango ako. "You did a great job. Ang suwerte ng mga anak natin dahil ikaw ang Daddy nila. Salamat, Russel."
He only nodded and carried Lila out of our room. Sumunod na rin ako sa mag-aama ko.
The party was grand. Madame Elisabeth Martinez was looking more elegant tonight. She really looked younger than her real age. Hindi na talaga siya nakapag-asawa pa at nagkaroon ng sariling pamilya. She's already happy and contented with her life. May mga babae o tao lang siguro na hindi talaga para sa pag-aasawa o pagpapamilya.
Naroon na rin si Ryder at ang pamilya niya. Naging abala sa mga bisita. I can see that Madam Elsa was enjoying her party as it continues. Nasa isang table na kami nang maiwan ng mga bata para makipaglaro sa mga kapwa rin nila bata doon sa party. Hinayaan nalang muna namin and making sure na hindi sila nalalayo sa mga mata namin. Tapos na rin silang kumain ng dinner.
"Kumain ka pa," nilagyan ni Russel sa tabi ko ng pagkain pa ang plato ko.
I looked at him. I can't help but smile. Abala rin kasi ako kanina sa pagpapakain kay Lila kaya hindi pa ako nakakakain talaga. "Thank you," I told him.
He just nodded.
Nag-uusap na rin sila ni Ryder at ng mga ama nila. Kami naman ng asawa ni Ryder ay nasasali na rin sa usapan ng mga biyenan namin sa mesa.
Sinayaw ni Ryder at Russel ang Tita nila. Nakangiti akong pinapanood iyon. Hindi na talaga nawawala ang ngiti ni Tita Elisabeth sa gabing ito. Hanggang sumunod din na nagsayaw doon ang mga parents nila at iba pang guests.
Bumalik si Ryder sa table namin at niyaya ang asawa niyang magsayaw. His wife giggled a bit before they went to dance. Napangiti rin ako sa kanila. And when I turned in front of me I saw Russel. Naglahad siya ng kamay sa akin. Unti-unti ko iyong tinanggap at tumayo na mula sa pagkakaupo doon. He lead me to the middle. Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at ang kamay naman niya sa gilid ng baywang ko. I was watching him. Hindi ko na inalis ang mga mata ko sa kaniya. We danced to the slow music.
"I love you." I told him.
Hindi ko alam kung maniniwala na ba siya. I can't blame him if he has doubts in me. Kasalanan ko rin naman. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko at pangakong gagawin ko araw-araw simula ngayon.
He was watching me.
"I... I thought... it would be good for Lila... i-iyong kay Trevor..."
Nanatili siyang nakatingin sa akin. I continued. "Magulo pa ang isipan ko noon... I'm so sorry, Russel..."
He nodded. Parang may namuong pag-asa sa dibdib ko sa pagtango niya at sa nakikita kong emosyon sa mga mata niya.
"If I'll ask you to marry me now..."
"Yes!"
Pero nahiya rin ako sa agarang sagot. Napalingon rin sa amin ang ibang nagsasayawan sa tabi namin. I bit my lower lip at napayuko nalang. I heard Russel chuckling. I looked up at him and glared at him. He shook his head. Pero napangiti rin ako nang nakitang mukhang masaya siya.
"You will agree to marry me because?" nagtaas siya ng kilay.
"B-Because," parang bigla ako na-pressure sumagot. "Because I love you, Russel..." I said looking into his eyes. Napailing ako habang inaalala ang lahat ng mga naramdaman ko simula noon. "Ibang-iba ang pakiramdam ko kapag kasama kita at kapag hindi." It's true. Iba noong kami lang ng kambal at noong nakasama na namin siya. Mas masaya ako noong nandiyan na siya. Mas at peace at mas safe ang pakiramdam ko. At noong nagpunta akong States at nahiwalay na naman kami, galit lang ako at guilty, sinisi ko siya. Pero 'yong pangungulila ko sa kaniya narito lang. I just refused to acknowledge it before. Dahil sa ibang mga nararamdaman ko.
"You want to be with me, hmm?"
I nodded.
Napatakip nalang ako sa bibig ko nang may nilabas siyang isang maliit na velvet box mula sa bulsa niya at unti-unting lumuhod sa harapan ko.
Ramdam kong natigil na rin ang mga tao sa paligid namin and was already watching us. Tears pooled in my eyes.
Russel opened the box and showed it to me. It was a beautiful and an elegant ring. I remember the ring. Ito rin iyong singsing na binalik ko sa kaniya noon. And he's proposing again. I swear this time hinding-hindi ko na talaga ibabalik sa kaniya. Kahit na anong mangyari. Hindi ko na siya sasaktan pang muli... I'm afraid that the next time I'd hurt him wala na talaga akong babalikan...
"Yes..." my tears fell.
Tumayo na si Russel at sinuot muli iyon sa daliri ko. Tapos niyakap niya ako. I hugged him, too. People around us clapped their hands. Napangiti ako. Inangat ko ang kamay at tiningnan ang singsing sa daliri ko. It's the same ring I know ngunit nakita kong may nadagdag na mga maliliit na bato sa paligid ng malaking bato sa gitna ng singsing.
"I love you." Russel whispered in my ear.
"No more lies,"
"No more lies." I assured him.
No more lies. I will only love him this time.
***
That night after the party, tumabi ang mga bata sa Lolo at Lola nila sa pagtulog. Giving me and Russel some privacy. Nagkatinginan kami nang nakapasok na sa kuwarto. "Can you unzip my gown?" marahan kong tanong sa kaniya. He nodded at tumalikod na ako. Naramdaman ko siya sa likod ko na binaba ang zipper ng suot ko.
Pagkatapos ay hinayaan ko lang 'yon malaglag sa sahig. Tapos humarap na ako sa kaniya. I wasnt wearing a bra because the gown has a padding. I was only left with my lace underwear in front of him.
He stared at my naked body. Naramdaman ko ang pag-iinit ng paligid namin. He went closer to me and then held my cheek. I was just looking at him. He gave me a soft kiss. Napapikit ako. He kissed me again. Until our kisses became deep.
I helped him unbutton his dress shirt and then I unbuckled his belt. I helped him get naked. I was still in may lace panties when we fell on the bed...
After making love we did a catch up as we cuddled. I told him about how I studied just at home dahil buntis rin ako noon kay Lila. "I thought you wanted to become a teacher?" he asked. I felt him kissing my forehead kaya napangiti ako. He was hugging my naked body.
Umiling ako. "Okay lang. Inisip ko kasi noon that I can be good in dealing with kids. Pero ayos na rin kasi matutulungan ko si Papa sa business niya." I took up a course related to business noong nasa America pa ako.
He hugged my body tighter. Napapikit na ako.
The next day I woke up with an aching body. We had a rough night. We surely missed each other.
I smiled automatically when I saw Russel entering our room with him was a bed table with breakfast on it. May ngiti rin siya para sa 'kin at lumapit na sa kama kung nasaan ako. "breakfast," he said.
Nilapag na niya doon sa harapan ko ang bed table at tumabi na rin siya sa akin. May narinig kaming mga boses at parehong napalingon sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang mga anak namin. I greeted our children with a smile and a good morning.
"Good morning, Mama! Daddy!" sumampa sa kama sina Primrose.
Dumiretso naman sa gitna namin ni Russel si Lila. Nasasanay na rin si Lila sa Daddy niya. Close na nga rin sila.
And we had a good and peaceful breakfast with our kids.
This is my happiness. My healing.
The preparation for our wedding started. Doon na rin kami sa isla nagpakasal. Doon din naman talaga kami nagsimula ni Russel. It was an intimate wedding. Si Papa ang naghatid sa akin kay Russel sa altar nang araw na iyon. Naroon ang pamilya at ilang mga kaibigan namin ni Russel. Masaya ang araw na iyon para sa lahat, lalo para sa amin ni Russel. It was our special day. Finally.
I promise I'll treasure you, girl. You're all that I've needed completing my world. You're my love, my life, my beginning. You are the piece I've been missing. We can hear the song It's You by Sezairi Sezali as I make my way to my groom. Russel was patiently waiting for me. He was still handsome despite the tears. Napangiti lang ako. I'm happy that I am here now. I am happy to finally marry him.
***
Dahil busy pa si Russel sa companies, he's now helping me with our company, too, at medyo ma-l-late ng uwi ay ako na ang sumundo sa mga bata sa school nila. Dismiss na rin ang klase nila nang dumating ako doon. Saktong palabas na sina Prince at Primrose sa classroom nila. Agad din nila akong nakita.
"Mama!" halos tumakbo si Primrose palapit sa akin.
Napangiti nalang ako. The last time she seemed to be so mature with the way she acted and with her words. I'm just happy that she's now acting more like her age. Bata pa rin ang anak ko. Naging ganoon lang siya noon dahil din sa mga nangyari sa amin.
I was still wearing my corporate attire dahil galing din ako sa trabaho. Dinaanan ko ang mga bata sa school para sabay na kaming umuwi. Usually kami ni Russel ang susumusundo sa kanila. Una akong sinusundo ni Russel tapos sabay na kaming pupunta sa mga bata. Minsan lang talaga ay nangyayari ang ganito lalo at mas lumaki na ang responsibilidad ni Russel. Si Trevor naman ay bumalik sa America at aasikasuhin ang business naman ni Papa doon. Sha remained my executive assistant.
"Ma'am," binati ako ng ngiti ni teacher Alice.
I greeted her, too.
"Pasensya na po kayo noong family day. Ito kasing si Primrose," nahihiyang anang guro.
I nodded at her and assured her that it was fine. Nagpaalam na rin kami ng mga bata sa kaniya.
When we arrived home ay agad na akong naghanda para sa dinner. Nakauwi rin naman si Russel sa oras ng pagkain. He was obviously tired from work. Kaya ginagawa ko rin ang lahat ng makakaya ko para makatulong sa kaniya sa trabaho namin sa company. But he smiled when he saw us. He said na kami ng mga bata ang pahinga niya.
Isang araw nawawala si Lila. Nilabas siya ng yaya niya sa may park lang dito sa loob ng village. Nalingat sandali ang bantay at nawawala na raw ang anak ko. I was so scared. Parang nagbalik sa akin iyong nangyari noon sa kambal. Hindi ko kakayanin.
"We'll find our daughter, okay? Everything will be fine." Russel assured me as he cupped my face with his palm.
I nodded. I trust him. Alam ko rin na sinusubukan lang kami. I already learned from my lesson. I won't do it again. Mag-asawa na kami ngayon ni Russel. We are together on this, and in anything.
He kissed my forehead.
"Where's Prince and Primrose?" he asked.
"Nandito lang ang mga bata," si Manang Letty na nag-utos na akyatin sa kuwarto ang kambal.
Nagpatawag na rin si Russel ng mga awtoridad. My husband will do everything. Alam kong pareho lang kami na natatakot dahil na rin sa napagdaanan na namin noon. I held his hand tight. Nagkatinginan kami. I also want to assure him.
"Ma'am, Sir!" nagmamadaling lumapit sa amin ang kasambahay na nautusan ni Manang Letty. "Si Lila po nasa taas lang pala kasama ang ate at kuya niya." anito.
Umawang ang labi ko.
"Mama, Dad," bumaba nga sina Prince na hawak sa magkabilang kamay nito ang nakababata nilang kapatid.
Para akong nakahinga na nang maluwag. Medyo naluha pa rin ako nang nakita ang mga anak na buo. Agad kaming lumapit ni Russel sa mga anak namin.
"Lila," nanghina pa rin ako.
"Mama!" she smiled adorably.
"We were just upstairs playing," Primrose said.
"Nadaanan namin kanina si Lila sa park kaya bumaba muna kami sa car to get her and bring her home. She also wants to go home na because we're already here." Prince explained.
Nadaanan nga siguro nila ang kapatid nila galing eskwela na sinundo sila ng driver dahil busy din kami pareho ni Russel. Agad lang napauwi nang tinawagan kami at sinabihang nawawala ang anak namin.
"Yaya did not saw us kasi nakatalikod siya and busy calling someone on her phone." Primrose added.
Russel carried Lila.
Pinagalitan naman ni Manang Letty ang yaya ni Lila.
I sighed. "Next time magpaalam pa rin kayo sa yaya ng kapatid n'yo para hindi siya magulat na wala na sa tabi niya si Lila." I told the twins. Natakot din ang yaya ni Lila nang inakalang wala na ang batang binabantayan niya.
Safe rin naman itong village.
"Yes, Mama." Prince said.
Tumango rin si Primrose.
Nagkatinginan kami ni Russel. Inaya niya muna ang mga bata sa family room habang maghahanda naman ako ng snacks para sa amin.
***
Iba-iba kung paano nagsisimula ang isang pag-ibig. Our story started with the bet Russel had with his friends. I wonder if he would ever notice me kung hindi siya tinulak ng mga kaibigan niya? I asked him once and his answer was yes lalapitan pa rin daw niya ako. I only rolled my eyes that time and he laughed, hugging and kissing me after. Sabi nga nila everything really happens for a reason.
"Oh my," I whispered when I saw the same result on the third test I used. Positive.
I went out of my office bathroom where Shazsa was waiting for me outside. I looked at her and showed her the results.
She smiled. "Congratulations! Ilang anak ba ang balak ninyong anakin?" she laughed a bit, shaking her head.
Napailing din ako. Okay na ako sa kambal at kay Lila. Nga lang pangarap ng asawa ko na makita at maalagaan niya rin daw ako habang nagbubuntis. Looking back palagi kaming magkahiwalay kapag buntis ako sa anak namin. And I want to give him this time. He deserves it for being an amazing husband and Dad. At ako na siguro ang pinkamasuwerteng asawa. Because I married Ivan Russel Martinez. Wala na akong masabi sa pagiging ama niya at asawa sa akin.
I smiled peacefully.
So for our wedding anniversary ay iyon na ang regalo ko sa kaniya. He actually surprised me. Katulong pa niya ang mga bata sa hinanda sa bahay lang din namin. At siya naman ang nasurpresa ko when I told him that I was already pregnant with our fourth child. He was so happy.
At sa pagkakataong ito ay sa aming dalawa kahit ako ang buntis ay parang siya pa yata ang nakakaranas ng mga sintomas. But he said it's alright because I was having a peaceful pregnancy.
"Russel," I would wake him up in the middle of the night dahil nagugutom din ako. Or it's because of my cravings.
And he would always wake up and cook for me. Alagang-alaga niya talaga ako.
***
"We're going to the mall today to buy your baby sibling his things." si Russel na inaayos sa likod ng sasakyan ang mga anak namin. Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa driver's seat. I was seated on the shotgun seat. Inalalayan din ako ni Russel papasok dito sa sasakyan.
Malaki na rin ang tiyan ko. At si Russel na halos ang gumagawa ng trabaho sa kompanya. Pero mukhang nasanay na rin siya sa trabaho. His weekends would always be spend with our family gaya ngayon na pupunta nga kaming mall para mamili pa ng dagdag na gamit para kay baby. We already knew the gender. It's a boy! At masaya si Prince dahil magkakaroon na rin ng kapatid na lalaki. Natuwa rin ang dalawang babae namin at lahat kami ay excited.
Nang makarating sa mall ay nagpaalam si Prince sa amin ng Daddy niya na may bibilhin na libro sa bookstore kaya humiwalay muna sa amin. May nakasunod din na bodyguard sa anak ko. May trauma pa rin yata ako sa nangyaring pag-kidnap sa mga anak ko noon. Kahit pa matagal na rin iyon. At parang isa nalang masamang panaginip...
Si Primrose din ay may titingnan daw na gusto niyang bag na hinayaan na rin namin at may bantay naman. Russel and I were left with Lila. Hawak ng Daddy niya ang kamay niya habang nag-s-shopping kami.
"This is cute!" nilapitan ni Lila ang isang crib.
Nagkatinginan kami ni Russel at ngumiti nalang sa isa't isa. She wanted that crib for her baby brother. We checked it and decided na iyon na ang kukunin.
We shopped for more things. Pagkatapos ay sa labas na rin kami nag-dinner na pamilya. We had a nice day that ended nicely, too. Sobrang kontento na ako sa buhay na mayroon ako. At alam kong ganoon din si Russel. And I am loving him more each passing day.
I learned from the journey I had with him. I learned from him. I learned from the love he has for me. And he told me the same thing. We taught each other how to love. At bawat araw ngayon mas minamahal na namin nang maayos ang isa't isa. Kasama ang mga anak namin.
Months had passed and it was time for me to give birth. Russel was with me all the time. And I was assured by his presence. I gave birth to a healthy baby boy and we named him after his Daddy. Russel and I were both happy for another blessing. Ganoon din ang mga anak namin at ang pamilya namin. At ilan pang mga taong masaya rin para sa amin ni Russel. Mga taong nakasaksi sa kung paano kami nagsimulang dalawa hanggang sa kung nasaan na kami ngayon na masaya.
Totoo nga siguro ang sabi nila na kung kayo ay kayo talaga... No matter what will happen.
Author's note: This is the end of my Villa Martinez Series 2: Love After the Lies. As you can see I'm trying to make my stories better by trying to self-edit. At hanggang dito lang po talaga ang nakayanan ko. Thank you for reading my stories! Thank you for appreciating my story and my characters. Jewel may not be very likeable, haha. I just tried to make her as realistic as possible. Because I myself sometimes can be indecisive and unreasonable, too. Only driven by my emotions. But it's not yet late for a change and to have a personal goal to be better for yourself and others. Just continue to live and learn life.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro