Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

Chapter Two



Galit



"Jewel..."

Paglabas ko pa lang sa kuwarto ay siya na ang bumungad sa akin. Nakakaawa ang itsura niya. Agad siyang napatayo mula sa luma naming upuan sa sala nang makita ako. Umaga pa at kakagising ko pa lang. Nilampasan ko lang siya at hinanap si Lola.

"Jewel, galit ka pa rin ba sa 'kin? Sorry... Please, pakinggan mo muna ako..." pagsusumamo niya na sinundan ako sa kusina.

"Umalis si Lola, mamamalengke raw siya." pagpapaalam niya sa akin.

Nagbuntong-hininga ako at nagsimulang magsalin ng mainit pa naman na tsokolate. Naupo ako at nagkunwari na lang na wala siya doon. Umupo rin siya kaharap ko. Nakapagitna ang lamesa sa amin. Hindi ko na naiwasang mag-angat ng tingin sa kaniya.

Nagkatinginan kami. Kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya na pakinggan ko. Napansin ko rin na nangingitim ang palibot o ilalim ng mga mata niya dulot siguro ng hindi pagtulog ng maayos. Nakatingin lang ako sa kaniya at halos walang emosyon ang mukha.

"Baby..." nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko na nakapatong sa mesa pero mabilis ko rin 'yon nilayo sa kaniya.

Binaling ko nalang ang atensyon sa hawak na mug.

"I admit, at first it was just a stupid bet. Hindi ko rin naman sineryoso. Pero noong nakilala na kita, everything changed. Wala naman talaga akong pakialam sa bet na 'yon. Hindi ko na nga 'yon naisip."

Hindi ako nagsalita.

Bumuga siya ng hininga na para bang frustrated na siya o nahihirapan. "When I told you I love you, I mean it. Mahal talaga kita. Mahal na mahal kita, Jewel. Kaya nga nandito ako ngayon para humingi sa 'yo ng tawad. Please, baby, give me another chance..."

Hindi pa rin ako nagsalita.

Umikot siya palapit sa akin. Lumuhod nalang siya basta sa tabi ng inuupuan ko. Hindi naman agad ako nakagalaw sa upuan ko. Bumaling ako sa kaniya at nakitang namumuo at nangingislap na ang luha sa mga niya.

Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko inasahan iyon. Hindi ko pa siya nakikitang umiyak. "Yes, kaya kita nilapitan noong una dahil sa tulak ng mga kaibigan ko. Pero matagal na 'yon. Nakalimutan ko na nga. Believe me, please. I love you so much... Give me another chance..." may pumatak na luha sa pisngi niya na mabilis din niyang pinalis.

"Russel..." marahan kong tawag.

"Please, baby... A-Ano'ng gusto mong gawin ko para maging okay na tayo ulit?" may tumulo muling luha mula sa mata niya at nanginig na rin ang boses niya.

"Russel," suminghap ako. Hindi ko na rin napigilan at napaluha na rin ako.

Maagap siyang umahon mula sa pagkakaluhod doon at dinaluhan ako. Tumulong siya sa pagpupunas ko sa mga luha ko. "I love you... I love you..." paulit-ulit niyang sinabi habang yakap-yakap ako na umiiyak.

"I'm sorry, baby... I love you." bulong niya sa 'kin.

At parang naalo naman ako at kumalma na bago nakabalik si Lola galing palengke. Nagluto siya para sa almusal namin at tinulungan ko siya. "Pinainom mo ba ng kahit mainit? Sobrang agang dumating niyan dito kanina. Madilim pa. Naghihintay lang sa 'yo na magising ka."

Umiling ako kay Lola. Nasa sala muna si Russel habang naghahanda kami.

"Jewel, apo, ano ba ang pinag-awayan ninyo? Ganiyan talaga sa isang relasyon. Minsan hindi maiiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan."

Tumango ako kay Lola. "Opo... Magiging okay din po kami..."

Tumango si Lola at ngumiti.

Sumalo sa amin si Russel sa almusal. Tahimik pa rin ako habang panay naman ang kuwentuhan nila ni Lola.

"Jewel, patulugin mo muna itong si Russel sa kuwarto mo. Masama ang pakiramdam niya."

"Ayos lang po, Lola-"

"Sige na," muli akong tinawag ni Lola para igiya si Russel sa kuwarto ko. Dalawa lang ang kuwarto namin dito sa bahay. Ang kay Lola at iyong akin.

"Opo," nagpatiuna na ako.

Sumunod naman si Russel. Nang balingan ko siya ay nakita kong mukhang hindi nga mabuti ang pakiramdam niya base sa ayos at itsura niya. Hindi ko napigilan ang sarili na lapitan siya at kapain ang noo at leeg. Agad akong nag-alala nang maramdamang mainit nga siya. "May lagnat ka. Ano ba'ng pinaggagawa mo?"

"Sorry, maybe it's just lack of sleep."

"Ano?" hinawakan ko na ang kamay nya at giniya siya paupo doon sa maliit kong kama. "Bakit mo pinapabayaan ang sarili mo." medyo nagalit ko nang sita sa kaniya. Dalawang araw na rin mula noong iwan ko siya sa Villa at hindi na ako pumapasok sa trabaho ko doon. Alam kong nakakahiya kay madame at hindi dapat nadadamay ang trabaho ko pero masakit din iyong nalaman ko...

"I'm sorry..."

Nagbuntong-hininga ako at inayos na siya doon sa kama. "Magpahinga ka muna. Bibili lang ako ng gamot-"

"Don't leave me." hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi kita iiwan. Ibibili lang kita ng gamot para makainom ka bago pa lumala 'yan."

Unti-unti siyang tumango at pinakawalan na ako.

Nagpaalam ako kay Lola na bibili lang ng gamot ni Russel. Pumunta ako sa malapit na botika. Nang makabalik ako sa bahay ay dumiretso na ako sa kuwarto ko matapos makakuha ng isang basong tubig sa kusina.

"Russel," tawag ko. Nagmulat naman siya ng mga mata. Tinulungan ko siyang bumangon. "Inom ka muna ng gamot."

Kinuha ko ang baso ng tubig sa kaniya pagkatapos siyang uminom doon. Tinabi ko iyon pagkatapos. Inalalayan ko siyang humiga muli at kinumutan. Hinawakan niya ang kamay ko. "Dito ka lang." sabi niya.

Tumango ako at umupo doon sa gilid ng kama. Hawak ng isang kamay niya ang isa ko rin kamay. Ang libre ko namang kamay ay inabot ang noo at leeg niya para muling kapain. Pabalik-balik din siya dito. Mabilis niya akong sinundan noong iniwan ko siya sa Villa. Naalala kong umulan noong isang araw. Nagpabasa siguro siya at doon nakuha ang lagnat niya. Nagbuntong-hininga ako. Marahan kong sinuklay suklay ng mga daliri ko ang buhok niya. Nakapikit ang mga mata niya hanggang nakita kong tuluyan na siyang nahila ng antok at pagod niya.

Maingat kong iniwan ang tabi niya para hindi siya magising.

"Kumusta? May lagnat nga siya?" si Lola na sinalubong ako pagkapasok ko sa kusina.

Tumango ako. "Opo, Lola, ipagluluto ko nga po siya ngayon ng lugaw." sabi ko na nagsimulang maghanda doon para sa lulutuin.

Tumango si Lola at nagpaalam na magpapahinga na muna.

Saktong natapos ako sa pagluluto at naghintay lang ng ilang sandali at pinalamig na rin iyon ng konti bago ako nagsalin para kay Russel. Binalikan ko siya sa kuwarto at mukhang nagpapahinga na talaga siya sa pagtulog niya. Tiningnan ko ang oras at maaga pa naman. Tinabi ko nalang muna doon ang pagkain at muling naupo sa tabi niya.

Nakaramdam din ako ng pagod. Unti-unti akong nahiga doon sa tabi niya at hindi ko namalayang nakatulog na rin ako. Ilang araw na rin kasi akong umiiyak dahil sa nangyari sa amin. Nagalit ako sa kaniya pero dahil sa ginagawa niya ngayon ay hindi ko na magawang tuluyan at patuloy pang magalit sa kaniya sa nalaman ko. Naramdaman ko rin naman na sincere siya sa akin.

Nagising ako na nasa loob na ng mainit niyang yakap. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sinalubong niya rin ang tingin ko. Ngumiti siya ng tipid. "Thank you for taking care of me." aniya.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Muli kong kinapa ng palad ko ang noo at leeg niya. Hindi naman na siya mainit talaga gaya kanina.

"Okay na ako." Niyakap pa niya ako at naramdaman ko ang halik niya sa tuktok ng ulo ko. "I'm really sorry... Bati na ba tayo?" marahan niyang tanong.

Unti-unti ay niyakap ko na rin siya pabalik. Humigpit ang yakap niya sa akin.

Naging maayos din ulit kami.

Nakabalik na rin ako sa trabaho ko sa Villa Martinez. Buti nga hindi naman ako natanggal. Gusto kong makabalik sa pag-aaral. Hindi pa ako nakakatapos ng kahit High School. Si Lola lang kasi ang mayroon ako. At hindi na niya kayang magtrabaho. Ayaw ko na rin. Matanda na siya para maging kasambahay pa sa iba o labandera. Kaya huminto muna ako at nagtrabaho. Nag-ipon muna ako para makabalik sa pag-aaral.

Naramdaman ko ang mga halik sa akin ni Russel sa batok ko. Nakapuwesto siya sa likuran ko habang sabay kaming naliligo dito sa bathroom ng villa niya. Hinarap ko siya. Sinalubong niya ng mapupusok na halik ang mga labi ko...

Buhat niya ako na parang isang bride na dinala sa kama. Pareho pang basa ang mga buhok namin sa pagligo at hindi pa maayos na napupunasan ang mga katawan. Hiniga niya ako sa kama. "Thank you for giving me another chance."

Nakatingin ako sa kaniya. Sa mga mata niya. Tumango ako at muli niyang sinakop ang mga labi ko. Tumugon naman ako.

Pareho na kaming hubad mula pa sa pagligo. Bumaba ang mga halik niya sa panga, leeg at dibdib ko... Nagsimula nang lumalim ang paghinga ko. Napasuklay at sabunot ako sa buhok niya nang maramdaman ang bibig niya sa dibdib ko. "Russel..." paungol kong tawag sa pangalan niya.

At nang bumaba pa siya sa pagitan ng mga hita ko ay tuluyan na akong nawala sa sensasyon...

Pumuwesto siya at sunod ko siyang naramdaman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako nasasanay. Kakaiba pa rin at alam kong siya lang ang makakapagparamdam sa akin ng ganito...

"Russel!" malakas kong tawag sa pangalan niya nang maabot ko ang tuktok.

Naramdaman ko rin ang pagpapakawala niya sa loob ko... Simula noong naging maayos kaming muli pakiramdam ko hindi na siya nag-iingat kapag may nangyayari sa amin...

* * *

"Jewel,"

Tumango ako kay Sha. Kaibigan ko siya at kababata. Sila ni Tisoy. Nga lang wala na si Tisoy dito at napag-alaman naming sumama na siya sa nagpakilalang totoo niyang magulang. Noon na namin alam na may amnesia siya. Masaya rin kaming nakabalik na siya sa totoo niyang pamilya. Napagsabihan pa niya ako noon tungkol sa pagsama-sama ko kay Russel. Akala ko nga noon nagseselos siya, e. Pero assuming lang pala ako. Noon kasi ay may crush na ako sa kaniya. Pero itong kay Russel ay iba sa pagkakagusto kong iyon. Iyong kay Tisoy ay masasabi kong paghanga lamang. Dahil itong kay Russel ay iba. Sobra.

Kinuha ko na ang tray ng mga pagkain at ihahatid iyon sa villa ng isang customer. Oras ng trabaho ko at nasa mansyon din ngayon si Russel at mag-uusap sila ng tiyahin niya... Alam kong tungkol iyon sa tuluyan na niyang pananatili rito sa isla at pagtatrabaho sa kay Madam Elisabeth. Nasabi sa akin ni Russel. Para hindi na raw siya babalik sa Manila at hindi na kami mawawalay sa isa't isa. Ang alam ko ay tumutulong siya sa negosyo rin ng pamilya niya sa Maynila. Kaya nakakaramdam din ako ng guilt na iiwan niya iyon dahil sa akin...

Kumatok ako sa pinto nang makarating doon. Bahagya pa akong nagulat nang makitang si Kaz iyon. Nandito pa pala siya. "Come in," aniya at nilakihan pa ang bukas ng pintuan.

Pumasok naman ako at nilapag ang in-order niya sa mesa doon.

"I want to apologize for what happened... And I am happy to see na okay na ulit kayo ni Russel." ngumiti siya sa akin.

Tipid lang naman ang ngiti ko. Hindi pa rin magaan ang loob ko sa kaniya. Nagpaalam na rin ako at malapit na sa pinto nang tinawag niya ako.

"I'm really sorry. Sana maging magkaibigan din tayo. Russel and I are friends. Simula noong nag-aaral pa lang kami magkaibigan na kami. Kaya hindi maiiwasang magtatagpo at magtatagpo pa rin ang mga landas natin. Kaya sana bigyan mo rin ako ng isa pang chance."

Unti-unti akong tumango sa kaniya. Ngumiti siya. "Great! Well, if you don't mind puwede mo ba akong saluhan sa pagkain? Madami rin itong in-order ko. You know it's sad to eat alone." sabi niya.

Pinagbigyan ko na. Ayaw ko rin naman maging rude sa kaniya. Tingin ko ay mabuti rin naman siya... Hindi naman siguro  sila magiging magkaibigan ni Russel kung masama siya. "Pero itong juice lang. Busog pa kasi ako." sabi ko sa kaniya.

Tumang naman siya at ngumiti. "Sure!"

Kinuha ko ang isang baso ng juice at unti-unting dinala sa bibig ko para mainuman. Nakatingin lang sa akin si Kaz. Sa basong hawak ko. Tinitingnan niya ang pag-inom ko.

Kinakausap niya ako habang kumakain siya. Nagtatanong lang siya tungkol sa trabaho ko. Mga simpleng bagay. Hinintay ko nalang muna na matapos siyang kumain. Inubos ko nalang 'yong juice.

Iyon ang mga huling tagpong naalala ko bago ako nagising na nakahiga na ako sa kama at may tao na sa ibabaw ko na humahalik sa leeg ko. Hindi ko maramdaman na si Russel iyon. Tinulak ko ito kahit medyo nahihilo pa ako at nanghihina...

Ang sunod na nangyari ay bumukas ang pinto ng villa at nakita ko ang galit na si Russel. Nagpasalamat ako sa pagdating niya. Takot na takot ako at pakiramdam ko wala akong laban. Mabilis niyang hinila paalis sa pagkakadagan sa akin iyong lalaki na hindi ko kilala. Sinuntok niya iyon at pakiramdam ko hindi na siya matatapos. "Russel!" pinigilan ko siya dahil baka makapatay siya!

Bugbog at wala nang laban iyong lalaki nang binitiwan niya. Bumaling siya sa akin sa galit na mga mata. Pero pakiramdam ko galit din siya sa akin at masasaktan niya rin ako. "R-Russel," natakot ako sa galit na nakikita ko sa kaniya. Hindi ko pa siya kailanman nakita na ganoon. Palagi lang siyang marahan at malambing sa akin.

Bumaling siya sa akin sa galit na mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro