Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty

Chapter Twenty



Forgive



Russel

"Go on..." tulak sa 'kin nina Kaz.

I shook my head. Ngayon pa talaga ako nataya sa stupid bet na 'to. Nasa'n na ba kasi si Jake at para siya ang mapagkadiskitahan nitong bored na dalawang babaeng kaibigan namin. Kaibigan ko na sila since college. "Seriously?"

Tumango ang nangingisi ring si Myrrh. "Go," she urged.

I sighed. Fine. Nilapitan ko na iyong isang babaeng staff dito sa island resort ni Tita. We're here for a vacation. Para talaga kay Myrrh dahil nag-break na naman sila ng boyfriend niya. Magbabalikan din naman. Wala nang bago. Nang nag-aya si Kaz sumama nalang din ako and I also want a break. Nakakasakal din sila Mommy at Daddy. Palagi nalang napupuna ang actions ko. Palagi nalang may mali.

Dinala ko na rin ang pinsan kong si Ryder dito. Bilin din ni Tita Elisabeth. Isa pa 'yon hindi pa rin nakaka-move on sa ex-girlfriend niya. Can't they all just chill? Dapat relax lang. Huwag masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. "Hi," lapit ko.

Nilingon naman ako nito. At first she was polite. "Sir, may kailangan po kayo?" Siguradong kilala na ako nito bilang pamangkin ng may-ari nitong island resort.

I gave her my charming smile. "Hi," I looked at her name pin. "Jewel." ngiti-ngiti ko.

Unti-unting kumunot ang noo niya. "Yes, Sir, may kailangan po ba kayo?" nag-iiba na rin ang tono niya.

Woah. Sungit naman nito.

Umiling ako. "Nothing... I just-"

But she was already fast to cut me off. "Kung wala naman po kayong kailangan, excuse, po. May trabaho pa ako." tapos nilampasan ako.

My lips parted. My jaw almost dropping. Nilingon ko sila Myrrh at nakitang tinawanan lang nila ako.

Sinundan ko ng tingin ang babae. I was shocked. Who the hell she thinks she is, huh. Wala pang gumagawa sa akin no'n. In fact, hindi naman talaga ako lumalapit sa mga babae. Sila ang lumalapit sa akin. Tsk.

But I was challenged. And it all started there.

"Hi, Jewel!" masigla kong bati sa kaniya. Early in the morning.

Pero nilampasan niya lang ako.

"Hey, Jewel Anne." sinundan ko siya.

She halted and turned to me. I gave her a big smile. "Paano mo-" Inirapan niya ako at nagpatuloy sa paglayo sa akin.

I got her complete name galing sa files sa office where I just barged in yesterday to get some info about her. At mukhang na realized na rin niya iyon.

I still followed her. She walks fast. I jogged beside her. "Ba't ang sungit mo sa 'kin? I just want to be friends-"

"Marami pong guests dito sa resort n'yo. At sigurado akong marami rin sa kanila ang gustong makipagkaibigan sa inyo. Sige, may trabaho pa ako-"

"Wait," I held her small arm to stop her.

Tumigil naman siya at parang naiinip. "Sir-"

"Russ, you can call me Russ or Russel." I smiled at her.

Sandaling nanatili ang tingin niya sa mukha ko. And then she sighed. "Bago lang po ako dito pero marami na akong narinig tungkol sa inyo." she said.

My forehead creased. "You heard what?"

She looked hesitant to say it. "Na playboy kayo." she said.

Umawang ang labi ko. And then I let out a short chuckle. "Grabe, naniwala ka naman agad?"

Hindi siya agad nakasagot.

"See? Don't be so judgemental, Jewel Anne. I'm not a bad person. Gusto ko lang talagang makipagkaibigan." ngiti ko.

Ilang sandaling nakatingin lang siya sa akin. Tapos unti-unting tumango. My eyes widened a bit. "Are we friends now?" I confirmed.

"Okay," she answered timidly.

I grinned.

I did not expect all of it to happen. When I arrived at the island I met Andrea, anak ng kaibigan ni Tita Elisabeth. At siya talaga ang balak kong pormahan kung hindi lang ako biglang hinamon nina Kaz at Myrrh. Sa sobrang bored siguro ng dalawa. And because it's no biggie for me, too, pumayag ako. The bet was to make the girl staff fall for me. 'Pag nangyari na then it's done. 'Yon lang naman. I wasn't new to this game. There's a reason why they call me a playboy.

"Ano'ng ginagawa n'yo-"

"It's okay. We're already friends, right? I'm just helping my friend." I winked at her as I got the tray from her hold.

She just sighed. At wala na rin nagawa.

I always help her with her chores at the resort. Halos stay in din sila doon sa isla. Minsan lang umuuwi sa bahay talaga nila. One time nang uuwi si Jewel I insist na gusto ko siyang ihatid. "Hindi naman na kailangan. Saka baka hindi na tayo magkasya sa bangka." she said.

Bumaling ako sa bangkang tinutukoy niya na maghahatid sa kanila sa kabilang isla kung saan ang mga bahay nila. "Hindi na ba kasya ang isa pa?" I asked.

"Puwede pa," sabi naman ng bangkero.

I turned to Jewel. She sighed and let me come with her. Wala na naman nagawa. I grinned. Inalalayan ko siya sa pag-akyat at pagpasok niya sa bangka na sasakyan namin. 

"Jewel, apo, may kasama ka," salubong sa amin ng isang lola nang makarating kami sa kanila.

Nagmano si Jewel sa kaniya. "Ah, Lola, si Russel po. Pamangkin siya ni Madam Elisabeth, iyong may-ari ng isla."

Tumingin sa akin iyong lola ni Jewel. "Hi, po," Kinuha ko na rin ang kamay nito para magmano, ginaya ko si Jewel.

"Ganoon ba, sige pumasok muna tayo sa bahay." anito.

Sumunod kami ni Jewel matapos masara ang gate nila na gawa sa kawayan. They were living in a small house. A bahay kubo (?) type.

Pinakain nila ako ng lunch sa kanila. Jewel's grandmother prepared us rice and fried fish. And some veggie soup. "Kumain ka lang ng marami, hijo." Lola Karolina said.

I smiled at her. "Opo, thank you, Lola." She's nice. Hindi ko na naabutan ang grandparents ko. They kind of died early.

Since that palagi na akong sumasama kay Jewel kapag umuuwi siya sa kanila. And Lola Karolina would always welcome me in their house. We became close.

"Nililigawan mo ba itong apo ko, hijo?" Lola Karolina asked one time.

Nabulunan si Jewel sa tabi ko. Mabilis ko siyang inabutan ng tubig. Kinuha niya naman iyon at uminom na siya doon. "Lola," baling niya sa lola niya after drinking the water.

"Nagtatanong lang ako, apo."

"Opo, Lola." I told her. Nagkatinginan kami ni Jewel matapos kong sabihin 'yon. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. I only chuckled a bit and then turned to Lola Karolina. "Itong apo lang po ninyo, e. Ayaw sa 'kin." parang pagsusumbong ko.

"Oh, bakit naman?" She turned to Jewel. Silang dalawa nalang ang magkasama sa buhay. Namatay raw sa panganganak kay Jewel ang Mama niya and her Dad left them... "Apo, ang guwapo naman nitong si Russel? At magalang pa."

Ngumiti ako kay Lola. Naramdaman ko naman ang pagkurot sa akin ni Jewel sa tagiliran ko. I only flinched a bit, nangingiti pa rin.

"Huwag po kayong maniwala diyan, Lola. Hindi naman 'yan seryoso-"

"Who told you that? I'm serious." I said.

And in that moment I think I meant it... Pakiramdam ko hindi nalang iyon tungkol sa walang kuwenta rin naman naming bet ng mga kaibigan ko.

Nagkatinginan kami. She was staring seriously at me.

"Iyon naman pala. Hijo, matanda na ako. Hindi na rin ako magtatagal sa mundo. Kaya gusto ko sana ng tulad mo na mag-aalaga sa nag-iisa kong apo kapag wala na ako-"

"Lola!" Jewel reacted violently to what her grandmother said.

Lola Karolina just laughed. But I became worried, too, from what I heard from her. She's really old... I looked at Jewel na sinasaway ang Lola niyang tumawa lang naman.

"Opo, Lola. Hindi ko po pababayaan si Jewel. I will take care of her." nasabi ko nalang.

Lola Karolina let out a satisfied smile.

"Russel!" reklamo naman ni Jewel.

Tinawanan lang namin siya ni Lola na parang biro lang iyon.

It's not hard to like Jewel. Oo masungit talaga siya sa akin noong una at suplada. But when she slowly opened up to me I saw a gentle girl in her. Malambing din siya kapag gusto niya. Minsan nga lang pero okay na iyon. Basta isang araw naramdaman ko nalang na parang gusto ko nalang siyang alagaan. Lalo at nakita kong lumaki siyang halos wala palang nag-aalaga sa kaniya kung wala ang Lola niya.

Parang pareho din naman kami. Lumaki rin ako na palaging busy sila Mommy at Daddy sa business nila. Wala silang time sa akin. Ang yaya ko lang ang nag-aalaga sa akin. Kaya somehow I know how she feels.

"Russel..." marahan niyang tawag. She was under me. Umalis ako sa ibabaw niya at dinikit siya sa 'kin. I hugged her naked body. "Paano kapag nabuntis ako?" she asked in her usual soft voice. I can feel her worry.

I kissed her forehead. "You won't." I assured her. I was careful. Bata pa siya at alam kong may mga pangarap din siya sa buhay niya. So I'd always pull out before I could even come inside her. Inosente pa rin talaga siya kaya wala pa siyang alam. I had her first. I was her first. And I want to be her only.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagkatinginan kami. Her pretty and innocent eyes was looking at me. I gave her a smile of assurance. I gently caressed her soft cheek. She's really small and soft. I love it. "I love you." I reminded her.

Wala pa akong sinabihan noon. And I don't even know when do you really say those words. But one day nasabi ko nalang sa kaniya. Habang nagsasayaw kami sa ulan sa bakuran nila. Nasabi ko kasi sa kaniya na hindi ko pa nagagawa 'yon. Noong bata kasi ako hindi ako pinapayagan nina Mommy. Kaya noong nasa kanila kami at umulan hinila nalang niya ako palabas ng bahay.

"Mahal din kita, Russel." She let out a beautiful smile.

I can't help but to claim her lips at muli na naman siyang paibabawan...

Nagtagal na ako sa isla. Nakaalis nalang ang mga kaibigan ko and even my cousin, Ryder, ay nanatili pa rin ako doon. Parang hindi ko na maiwan si Jewel. Kaya nagsimula na rin akong magplano para sa amin. I talked to my aunt.

And then things happened... She betrayed me. I thought I was blinded by her innocent facade. She broke my trust. She broke my heart. I was brokenhearted for the very first time.

* * *

"Hindi na ako magtatagal sa mundong ito, apo," anang Lola ni Jewel.

"Lola, huwag po kayong nagsasalita ng ganyan." sabi ko. Alam kong kapag narinig din siya ni Jewel na nagsasabi na naman ng ganiyan ay masasaktan ang apo niya.

Umiling ito. "Ito ang katotohanan, apo. Matanda na ako." she smiled.

I shook my head.

She continued. "Noon ay natatakot pa ako para sa apo ko. Ako nalang ang mayroon siya. Hindi ko alam kung saan siya iiwan. Natatakot ako sa mangyayari sa kaniya lalo at bata pa siya..." She looked at me straight in the eyes. "Apo, nakikita kong seryoso ka naman sa apo ko at mahal mo siya. Sana ay huwag mo siyang pababayaan."

"Lola," my lips parted. Sa huli ay tumango ako.

She smiled.

Pero pinabayaan ko siya. Pinabayaan ko sila ng mga anak namin.

I didn't know she was pregnant. I thought I was always careful but maybe it wasn't enough. Or I didn't tried hard enough. Nagpalipas pa ako sa isla pagkatapos nang gabing iyon when I thought I caught her with another man, cheating on me.

"Now you see what kind of a woman that Jewel really is." Kaz was following me.

I halted and harshly faced her. "Shut up before I lose my patience!"

Natigilan siya at nabigla sa pagsigaw ko sa kaniya.

Muli ko na siyang tinalikuran at lumayo.

I was a playboy. Maybe the reason why I just judged Jewel so easily. Natakot din akong mapaglaruan. Dahil gawain ko kaya ko naisip na gagawin din sa akin. I got the taste of my own medicine.

Nang puntahan ko na si Jewel sa kanila ay wala na siya doon sa bahay nila. I didn't know what to do. Where to start, or where to find her. I regret what I did. Kung talaga ngang pinaglaruan niya ako ay mas matatanggap ko pa pala iyon than losing her like what's happening. Sana pala ay pinatawad ko nalang siya agad at inayos kami para hindi na umabot pa sa ganito. I never wanted anyone like this. Like how I want Jewel in my life...

Years passed and I saw her again. She was an escort. Nagalit ako sa kaniya. What was she doing with her life?

Nakita ko lang iyon na pinagkakaabalahan ng isang kaibigan. I saw Jewel's picture at agad kong inagaw ang hawak niya. "Hey, Russ!" reklamo niya nang nilayo ko sa kaniya ang laptop niya.

We were in my office. He's a business partner and we're having a meeting ngunit kung saang website na pala siya abala.

I did everything to have her. Nasabihan ko pa siya ng masasakit na salita. Pero pinagsisihan din agad nang nakita kong umiiyak siya. But I stopped myself. May galit pa rin ako sa kaniya sa mga choices niya.

Pero kalaunan nalaman ko rin ang totoo niyang dahilan. It's because of our twins... Damn it! May mga anak kami. Primrose was at the hospital then. Mabuti nalang at sinundan ko noon si Jewel pagkatapos ang tagpo sa penthouse ko. I was mad at Kaz for what she did. I don't know if I could ever forgive her.

Lately I've been trying my best to fix us... I want her back. I want her in my life again. I don't want anyone but her. Kaya handa akong patawarin siya sa nagawa niya sa akin noon. I was willing to start again with her. At nalaman ko nga ang tungkol sa kambal. At ang ginawa ni Kaz. I was mad at myself more. I was so stupid to believe the lies. I should've believed Jewel more. I should've trusted her.

Natigilan ako nang may lumabas na babae doon sa hospital room na nakita kong pinasukan ni Jewel. Natigilan din ito at hinarap ako. Nagpakilala akong kaibigan ni Jewel...

"Nasa loob po si ate kasama ang mga anak niya." anito.

Nabigla ako. I didn't know what to react at first. Naisip ko na na iyon ang dahilan kung bakit siya pumasok sa pag-e-escort. Dahil may anak siyang nasa hospital... But as if my world just collapsed on me nang nalaman ko na mga anak namin iyon...

Ang mga anak din pala namin ang kausap niya nang minsang narinig ko siyang nag-I love you sa kausap niya sa phone. Nagselos pa ako noon at kung ano-ano ang inisip. That if ever she has someone now ay aagawin ko siya. I was crazy.

Minsan habang natutulog siya ay pinagmamasdan ko lang siya at tahimik na umiiyak sa tabi niya. Ganoon pa ang ginawa ko sa kaniya noong una. She was pregnant with our twins and she was only eighteen then. She was so young to carry the responsibility alone. Lalo lang talaga akong nagagalit sa sarili ko kapag naiisip ang lahat. Ang payat pa niya lalo kaysa noong huli ko siyang nakita. I can only imagine what she and our kids had been through... Nawawasak palagi ang puso ko kapag naiisip ang mga pinagdaanan ng mag-iina ko. While I was just here living a comfortable life habang nagugutom ang mga anak ko. I just hated myself so much more.

But Jewel and our kids forgave me. They gave me a chance to be with them at makabawi. Kaya simula no'n I promised myself that I will be more responsible. I will be better for my family.

I wasn't anything responsible then. Before my life was all about party and girls. Ni hindi ako tumutulong sa business ng parents ko kahit hinihingi na nina Dad. Ang alam ko lang ay ang magwaldas. Hindi ko nakikita noon ang halaga ng mga bagay na mayroon ako. But when I knew Jewel it's when I realized how lucky I am to live a life I have. Nakapag-aral ako, nakapagtapos. Walang hirap na dinanas gaya ng kay Jewel. Ang Lola niya lang ang kasama niya noon. She was young and was working para sa kanila ng grandmother niya. She had dreams... Kahit nahihirapan ay gusto niya pa rin abutin ang simple lang namang pangarap niya.

At doon ako nagsimulang mangarap din. She inspired me. I started to appreciate the things and the opportunities I have and realized that not everyone had life easy like me. Nang nakita ko ang hirap ni Jewel parang doon ako nagising. I became thankful. I started to have plans for myself... and for her.

Kaya masakit sa akin noong inakala ko talagang pinagtaksilan niya ako. Although it's clear now. And I was wrong. Mahal ko kasi talaga siya kaya ako nasaktan.

And it hurts me to see her this broken. Palagi nalang siyang umiiyak. Ni hindi na siya kumakain. She's mourning heavily. At doble ang sakit na nararamdaman ko lalo at pakiramdam ko wala akong nagawa! Nawalan din naman ako... Kapag iniisip ko ang mga anak ko na walang kalaban-laban... Sana ako nalang.

Nang dumating sila ng mga anak ko sa buhay ko. Mas lalo akong nagkaroon ng dahilan na mas pagbutihan pa. Nagkaroon ako ng direksiyon. They are my savior. Kung wala sila sa buhay ko hindi ko alam kung nasaan pa rin ako hanggang ngayon.

I didn't know how I did it. Pero sa maikling panahon ay naangat ko muli ang company namin. Kahit malaki rin ang nawala sa amin nang nag-pull out si Mr. Cueva, Leonor's Dad. Noong nalaman ko na ipapakasal ako sa anak ng kaibigan ng parents ko sa business agad akong tumanggi. Kahit hindi ko pa alam noon ang tungkol sa mga anak namin at hindi pa nagbabalik sa buhay ko si Jewel. Matagal ko nang tinanggihan 'yon at hindi naman talaga kami nagkalapit ni Leonor kahit minsan. So I don't understand kung bakit pa rin niya pinipilit.

Maybe because I was inspired to live more, to do better, kaya ko napabawi agad ang company. Hindi nalang iyon para sa hirap ng parents ko sa pagpapalago no'n kung 'di dahil sa pamilya ko. I have a family, and I have dreams for them.

Pero parang sa isang iglap ay binawi lang sila sa akin... Wala na ang mga anak ko... Wala na rin si Jewel... She just disappeared. Pakiramdam ko ay mawawalan na naman ulit ako ng direksiyon. Everything's useless now without my family.

Masama kong tiningnan ang pinsan kong si Ryder nang dumating siya at inagaw sa 'kin ang hawak ko na alak. I was just in my condo, drinking. Hindi ko mahanap si Jewel. Para na akong mababaliw.

"Enough!" he shouted. "I already told you alcohol won't solve your problem or anything!"

"Give me that," sinubukan kong bawiin ang alak sa kaniya pero nilayo niya iyon sa 'kin.

"I already took care of everything. Nakita ko na rin ang results. Ni hindi mo na maasikaso dahil nandito ka at nagpapakalasing lang."

Hindi ako nagsalita. It's true. Simula noong nangyari and kidnapping at pag-amin ni Leonor sa nagawa ay agad ko rin inasikaso ang cases. I was so mad at her I almost killed her kung wala lang pumigil sa akin. That woman is fucked in the head! Kailangan din ako ni Jewel at halos hindi ko siya maiwan kaya hindi ko rin hustong mapagtuunan ang kaso.

"Your twins are alive."

Agad akong nag-angat ng tingin kay Ryder nang narinig ang sinabi niya. He was looking at me, too. "What..."

"Hindi sila kasama sa mga bangkay na nakuha sa sumabog na sasakyan. Ibang mga bata iyon na na-kidnap din the same day your kids were taken. Iba ang hinabol natin at iba rin ang kumuha sa mga anak mo. One of the kidnappers became guilty at naawa sa kambal kaya tinakas niya ang mga bata."

My tears fell. Sobrang sakit na ng dibdib ko kahit pa positibo naman ang sinasabi sa akin ni Ryder.

Tumayo ako. "Where are they? I wanna see my kids now!"

Tinapik ako ni Ryder sa balikat. Nanghihina ako. Pero unti-unti rin binalikan ng lakas sa nalaman.

"Let's go." si Ryder.

* * *

"Daddy!" magkasabay na tawag ng mga anak ko as they ran to me.

Sinalubong sila ng mga bisig ko. Mahigpit ko silang niyakap at hinagkan. My unending tears fell. I don't remember crying this much before.

"Daddy..." they both cried in my arms.

My heart ached. It hurt so much.

"Shush..."

My attention were all on my children. Si Ryder na kasama ko ang umasikaso doon. Humingi ng tawad iyong isa sa mga k-um-idnap sa mga anak ko na siya rin nagligtas at nagtakas. "May sakit po kasi ang anak ko, Sir. Kumapit ako sa patalim." he explained.

"He saved us, Daddy." Primrose said. I was carrying her.

Prince also agreed who was beside me and I was also holding him close, takot na mawala ulit sila sa akin.

I didn't talked much to the man. He still tried to kidnap my kids but I was thankful. Kaya pinaasikaso ko sa assistant ko ang kailangan niya para sa anak na may sakit. I am a father, too. Ang importante sa akin ngayon ay ligtas ang mga anak ko at nabalik na sa akin.

"Where's Mama?" Prince asked.

Nabigo ulit ako sa tanong ng anak. I slowly shook my head. "She left... I'm sorry..." I said weakly.

They cried again.

Maagap ko muli silang dinala sa mga bisig ko at niyakap. "I'm sorry. We will find her," I promised.

I never stopped looking for Jewel.

Pero lumipas nalang ang mga taon ay hindi ko pa rin siya nahahanap...

"Daddy, I'll be late!"

"Yes, Primrose, almost done," tinapos ko na ang pagtatali sa buhok niya.

Mas maayos na iyon ngayon. Noong simula kasi ay makalat pa. I didn't know how to do it. I watched videos.

"Thanks, Daddy!" she kissed my cheek at nauna nang lumabas ng kuwarto.

I sighed. I got my keys and followed. Naabutan kong sumasakay na sila ng kapatid niya sa backseat ng kotse ko. Ihahatid ko sila sa school nila like usual and then I'll go to my office to work. "Seatbelts," I reminded them nang nasa loob na rin ako ng sasakyan, sa driver's seat.

"Done, Dad." si Prince.

Nagmaneho na ako paalis ng bahay namin. Years ago I bought a house kung saan na kami nakatira ngayon. My kids are growing up, sometimes I feel like they're growing up so fast, kaya naisip kong baka mas mabuti kung sa isang mas malaking bahay ko na talaga sila itira. We have a pool and a large yard. I didn't sell my old penthouse. Baka puntahan kami ni Jewel doon and I will know.

"My kiss," I reminded them nang pababa na sila sa sasakyan. Lumalaki na talaga sila at hindi na ganoon kalambing gaya noong mas bata pa sila. Especially Prince.

They both gave me a kiss on my cheek at nagpaalam na. "Take care," I told them.

"Take care, Dad!" it was Prince.

"Take care, Daddy. Ingat po sa pag-d-drive." si Primrose naman.

Napangiti ako. They are guarded. Nasa paligid lang ang bodyguards. I can't let what happened years ago happen again.

"Good morning, Sir." my secretary greeted.

"What's my schedule for today?" tanong ko na handa na sa mahabang araw.

I focused myself with work and my kids. But no matter how busy I get I make sure that I'm still a hands on Dad. May responsibility ako sa company at may responsibility din ako sa mga anak ko. And they are my top priority. Kaya nga hatid-sundo ko pa rin sila. Gusto kong aalis ako ng bahay na kasama ang dalawang anak at uuwi kami sa bahay namin na magkasabay din. And I will cook us dinner and I'd help them with their homeworks. Natuto na rin akong magluto. I like cooking their favorite food. Minsan nga lang kapag sobrang pagod na ako ay naiintindihan din naman nilang magkapatid. Which makes me happy, too.

They grew up a smart and good kids. Natakot pa ako noong una na ako nalang ang naiwan sa kanila pero kinaya ko naman. It wasn't as easy kung narito ang Mommy nila but I have to stand alone. I've been both their Mom and Dad for four years now. Wala rin naman akong hindi kakayanin para sa mga anak ko.

I worked the whole day in my office and in meetings I needed to attend. When it was time ay nag-drive na ako patungo sa school ng mga anak ko para masundo sila.

Kinukumusta ko sila at ang school nila habang nasa biyahe kaming tatlo pauwi.

"Thank you, son, you've been a good brother to your sister."

Prince gave me a smile. "Welcome, Dad. It's my responsibility, too."

Napangiti ako. Palagi kong sa kaniya binibilin ang kapatid niya dahil galing pa rin ito sa sakit at babae pa. And my son is a responsible kid.

I gently tapped his head. He finished a glass of milk that I brought for him here in his room before bedtime. Hiwalay na rin sila ng kuwarto ng kambal niya.

Pinuntahan ko rin sa kuwarto nito ang prinsesa ko. Minsan hindi siya agad nakakatulog kaya tinatabihan ko. Minsan din sa kuwarto ko sila ng twin brother niya natutulog.

"You should really start going out. Puro ka na trabaho. Aren't you tired of just jacking off every time?"

I glared at Jake. He just laughed. And then he sighed.

"But seriously, get a woman for yourself and your kids, dude. Nahihirapan ka nang pagsabayan lahat." he said.

I shook my head. "I'm fine. Thanks for your concern." I sarcastically said.

He shook his head, too. He crossed his arms as he was standing in the middle of my office. Ginugulo ako. Hindi siguro siya masyadong abala sa araw na ito kaya dinaanan ako para ako naman ang abalahin. "Man, don't push yourself so much."

I nodded as I was signing some papers on my desk. "I'm good with work and my kids. I can handle." I said.

"Tsk. Ang sabihin mo umaasa ka pa rin na babalikan ka niya. It's been what? Four years, Russ. Hindi pa rin niya kayo binabalikan ng mga anak n'yo. She just left with nothing-"

"I don't need a woman, okay?" I cut him off. "I can take care of myself and my kids alone."

He raised his hands up. "Yeah, sorry. Ako kasi hindi ko kaya na wala ang asawa ko." he said.

I just nodded.

Ang sabi nila mahirap daw hanapin ang taong ayaw din namang magpahanap. Maybe it's true... But I never really stopped looking for her for the past years. I was always worried of her whereabouts. Kung maayos lang ba siya sa kung nasaan man siya. I have questions like why did she just left me. In times where we're both hurting. But I'm more worried of her safety wherever she is. I really did looked for her but maybe I failed to go farther. O siguro naisip ko na rin naman na maaring nasa ibang bansa siya lalo at halos ipalibot ko na ang buong bansa sa pagpapahanap sa kaniya. At siguro hindi lang din ako masyadong nag-focus doon dahil hindi ko rin gaanong maisip ang mga posibilidad. Also knowing now that her father is capable, too, kaya rin lalo akong nahirapang mahanap siya.

Hindi ko alam kung pinaglaruan ba ako ng paningin pero agad kong naitabi ang sasakyan ko nang may nahagip ang mga mata sa daan. Papunta na ako sa school ng mga anak ko para sunduin sila.

Bumaba ako sa kotse ko at nanigas nalang sa kinatatayuan ko. Parang bumagal din ang takbo ng mundo ko. I just saw Jewel... She was smiling habang papasok sila sa isang sasakyan na naka-park doon sa tabi ng daan... With her was a man who was carrying a girl kid in his arms. They looked happy. 

I was hurt. And I know she was just hurt, too. Despite all the many lies I chose to forgive. Just how Jewel forgave me, too, and gave me chances. She already taught me many things. She taught me love, and how to love her. I know I'm not loving her blindly. I chose to forgive because loving also means forgiving. I know that love forgives.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro