Chapter Thirteen
Chapter Thirteen
Buhay
"Jewel,"
Natigilan ako sa pagpasok sa sasakyan at nag-angat ng tingin sa tumawag. My eyes widened and my heartbeat became fast. Hindi ko agad naalis ang tingin sa lalaking nasa harapan ko.
Four years.
"Jewel, love, I've been looking for you-" Sinubukan niyang lumapit pa pero umatras ako. Kita ko ang sakit sa mga mata niya nang nakita ang ginawa ko. Natigilan din siya.
"Hey," nasa tabi ko na rin si Trevor na kakatapos lang ilagay sa backseat si Lila.
Nagpalipat ang tingin sa amin ni Russel. I looked away. "Tara na, Trev." at mabilis na akong pumasok sa shotgun seat.
Maagap din na umikot si Trevor patungo sa driver's seat. Our car was locked. Kumakatok si Russel sa sasakyan namin pero pumikit lang ako hanggang sa tuluyan kaming nakaalis. Saka ko lang binuksan ang mga mata ko.
My phone rang and I answered it. It was Papa. Naiwan pa siya sa States at nauna na kaming bumalik dito sa Pilipinas. I wasn't sure if I was ready. Pero may mga negosyo rin na naiwan si Papa dito sa bansa na ako rin ang magmamana. "Papa," I answered his call.
Nangumusta siya. Kahapon lang din kami dumating at lumabas lang ngayon dahil may gustong kainin si Lila, my almost four years old daughter. Doon nga kami galing sa isang shop na nagbebenta ng sweets. Ang hilig talaga sa matamis ng batang ito. Nilingon ko siya sa backseat at nginitian. She smiled cutely at me, too.
"Okay lang po, 'Pa. Si Lila hinahanap ka na agad." sabi ko. Nasanay kasi ang anak ko na lumaki siyang kasama namin ang Lolo niya.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Papa mula sa kabilang linya. "I already miss her, too."
"Kaya nga po, 'Pa, sumunod na agad kayo rito." sabi ko.
Nag-usap pa kami at nabanggit niya na rin ang tungkol sa negosyo. Aasikasuhin ko na rin iyon. Nang ibaba ko ang tawag ay agad nagbalik sa akin ang nangyari kanina lang.
It was Russel. Ilang taon man ang lumipas ay makikilala ko siya. Wala naman gaanong pagbabago sa kaniya. Mukhang naging mas seryoso nga lang siya ngayong tingnan. Four years ago I left and hide. Ang gusto ko lang noon ay ang makalayo. But I can't run forever. There are things that I need to face. The last four years changed me. Hindi na ako iyong dating Jewel na walang pinag-aralan. I am now Jewel Anne de la Vega, the only daughter of a wealthy businessman and investor.
Nakapag-asawa rin noon si Papa. Pero maaga rin itong pumanaw dahil sa sakit na cancer. Hindi rin sila nagkaroon ng anak. Ngayon ay sabi niya masaya nalang siya at kuntento sa amin ni Lila. Siya rin ang nagpangalan sa anak ko.
"Are you okay?" sulyap sa akin ni Trevor mula sa pagmamaneho.
I nodded and smiled to assure him. He knows about my past. And he accepted everything about me. Few months ago kakasagot ko lang sa kaniya. Matagal din siyang nanligaw sa akin. Noong sinagot ko siya ay sinabi kong ang anak ko pa rin ang priority ko. At naintindihan naman niya. He's even helping me in raising my daughter. Wala na akong nakitang dahilan nang nagtagal para hindi pa siya bigyan ng pagkakataon. He's a good man. Sobrang buti niya sa amin ng anak ko.
Si Trevor ang pinagkakatiwalaan ni Papa sa businesses niya. Nakasama rin namin siya sa States. Although he would go home here para asikasuhin nga ang business ni Papa. And Papa really likes him for me.
* * *
"Sha," bati ko. Siya na ang naging assistant ko simula noon.
May doubts pa rin ako sa paghahawak ng businesses ni Papa but I have her and Trevor. And Papa, too. They're helping me. Si Trevor noon pa ako tinuturuan sa pagpapatakbo ng business namin. I am really thankful for him. Matagal na siyang pinagkakatiwalaan ni Papa.
"Ito na ang magiging opisina mo." Ngumiti siya sa akin habang nakatayo doon. She's wearing formal clothes at may mga hawak na ilang folders.
I was also wearing a corporate attire. We were already inside my office the next day. Handa na ako para sa araw na iyon. Si Lila ay naiwan muna sa yaya niya sa bahay. Kailangan naming magtrabaho pareho ni Trevor.
"Pupunta tayo sa company building ng Martinez real estate... para sa meeting..." Tinitingnan ni Sha ang reaksiyon ko.
Alam ko na iyon. Nabasa ko na rin. Dati pang may connection si Papa sa pamilya ni Russel. Ang liit nga naman ng mundo. My father is also into real estate. At ilan pang negosyo. I nodded. "Okay. Ngayon na ba tayo aalis?"
Tumango si Sha. Siya lang ang kasama ko dahil may ibang kailangang asikasuhin si Trevor. I will be fine. Matagal na rin iyong nangyari... Na kinalimutan ko na. Ayaw ko na sanang magkaroon pa ng koneksiyon sa kaniya. Maayos na ang buhay ko ngayon. Kung hindi lang dahil sa business.
"Let's go." sabi ko.
Pinagbuksan ako ng bodyguard ng pinto ng sasakyan. Pumasok na ako doon kasunod si Sha at nagsimula na rin ang driver magmaneho patungo sa pupuntahan namin.
When we arrived my heart was starting to beat erratically inside my chest. But I calmed myself. This is nothing. It's business.
Nang nakapasok kami sa malaking conference room ay naroon na rin ang lahat. Agad din nagsimula ang meeting. Ramdam ko ang hindi na naalis na tingin sa akin ni Russel. Pero hindi ko siya binabalingan. Nag-focus lang ako sa presentation sa harapan.
Nang natapos ay ngumiti ako at nakipagkamayan doon. Isa-isang nag-alisan ang mga tao at sinabihan ko na rin si Sha na aalis na kami. Pero may mga humarang pa sa akin para kumustahin si Papa.
"Jewel,"
Narinig ko ang tawag ni Russel nang halos kami nalang ang naroon. Tumango ako sa sarili at unti-unti siyang hinarap. Sabi ko nga hindi ko habang buhay na matatakbuhan ito. Darating talaga itong araw na magkikita kami... At mag-uusap. Umalis pa rin ako nang walang paalam noon. I just hope he's good dahil maayos na rin ako ngayon. Pagkatapos naming mag-usap ay gusto kong maging civil nalang kami sa isa't isa.
Sinalubong ako ng mga mata mata niyang puno ng pait at kalungkutan. Ngunit may nasisilayan din akong kaunting tuwa doon. Taas-noo ko siyang hinarap. I always remind myself na ibang tao na ako ngayon. And what we had in the past will stay in past. Hanggang doon nalang.
"Yes, Mr. Martinez?" I said.
Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Malakas ang pintig sa dibdib ko at parang gustong manghina ng mga tuhod ko but I held myself firm. I am not the same weak Jewel anymore. Dapat hindi na ako nagpapaapekto sa kahit na ano. Mag-uusap nalang kami. Pagkatapos, tapos na.
"I've been looking for you... We've been waiting for you..."
May iba akong naramdaman sa huling sinabi niya. Pinanatili kong pormal lang ang ayos sa harapan niya. Magsasalita na sana ako nang muli pa siyang nagsalita na kinatigil din ng mundo ko...
"Miss na miss ka na namin ng mga anak natin." he said.
"W-What..." I didn't know how to react. Tama ba ako ng narinig?
"Prince and Primrose-"
"Ano'ng sinasabi mo?! Matagal na silang..." hindi ko matuloy.
He shook his head. "I found them when you left," sabi pa niya. "Puwede natin silang puntahan ngayon para makita mo. At para makita ka na rin nila-"
Mariin ang pag-iling ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya... I was shocked. Mabilis ko siyang iniwan doon at umalis. Humabol sa akin si Sha hanggang makapasok sa naghintay na sasakyan. I immediately instructed the driver na umalis na kami.
My hands were trembling.
"Jewel-"
Mabilis akong bumaling kay Sha sa tabi ko. "Did you heard what he said?"
Unti-unti siyang tumango.
Suminghap ako. "Nababaliw na ba siya-"
"Totoo ang sinabi niya, Jewel."
Agad akong napabaling muli kay Sha. "What?" lumalakas lalo ang pintig sa dibdib ko na sumasakit na iyon.
Sandali siyang yumuko at nang muling nag-angat ng tingin sa akin ay lalo akong kinabahan. "Buhay ang mga anak mo-"
"Anong kalokohan ba 'yang sinasabi mo, Shazsa?!"
She shook her head. Tears shined in her eyes. Nanginig na rin ang mga labi ko at nagbabadyang bumuhos ang mga luha.
"Sinubukan kong sabihin sa 'yo noong nasa America pa tayo. Pero ayaw mong makarinig ng kahit ano. Naging abala ka na rin noon sa pag-aaral mo... At kay Lila. Ayaw mo nang balikan pa ang naiwan mo dito sa Pilipinas..." she explained.
Nahirapan akong huminga.
My bottom lip quivered and big tears rolled down my cheeks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro