Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seventeen

Chapter Seventeen



Slap



Ako naman ang dumalaw sa mga anak ko sa bahay nila... Siguro mas kumportable si Primrose kung dito kami. Alam na rin ni Russel na pupunta ako. Wala siya doon. He's working kahit weekend.

"Mama," sinalubong kami ni Prince at kinuha pa niya ang kapatid niya sa akin.

Agad akong napangiti. Sinama ko na si Lila sa akin. Para makasama niya rin ang mga kapatid niya. Lila giggled nang panggigilan siya ng kuya niya. "You're so cute." Prince kissed his sister's cheek. Binuhat pa niya ang kapatid niya.

"Oh, careful," hindi nawala ang ngiti ko. Natutuwang nakikita ang mga anak na ganoon.

"Ma'am," binati rin ako ng kasambahay.

"Magandang umaga po." I greeted them politely.

Ang kilala at naalala ko lang ay ang dalawang yaya na noon ng kambal. May nadagdag nang isang matandang kasambahay at ilan pa.

"Tawagin mo nalang akong Manang Letty." nakangiting anang kasambahay sa akin.

Ngumiti ako. "Jewel nalang din po."

"Sige, maghahanda muna kami ng pananghalian. Dito na kayo manananghilian, hindi ba?"

Tumango ako. "Salamat po."

Ngumiti lang sa akin ang matandang kasamabay at nagtungo na sila sa kusina.

"Si Primrose?" tanong ko sa naiwang mas batang kasambahay.

"Nasa kuwarto pa po niya. Pero pababa na rin iyon. Kakatapos lang din kasi maligo." ngumiti ito.

Nagpasalamat ako at bumaling na kanila Prince. Nilalaro nito si Lila doon sa malapad na living room ng bahay. Nilibot ko ang tingin sa paligid. It was really a huge house. Mas malaki iyong mansiyon ni Papa na tinitirhan namin ngayon but this is also large and nice.

Napatingin ako sa malaking family portrait na naroon sa dingding ng living room. Napansin ko na rin ito noong nakaraang unang beses na nakatapak na rin ako dito. Pero ngayon ko lang napagtuunan. Dati pa naming picture na apat iyon. Kuha actually iyon noong nag-p-prenup photoshoot kami noon ni Russel para sana sa kasal namin...

Nagbaba ako ng tingin.

Narinig ko si Primrose na bumababa ng hagdan. Agad ko siyang sinalubong ng ngiti. Kamukha talaga sila ng kambal niya ni Russel. Ang puti at ang ganda ng anak ko. Ang tangkad niya na rin gaya ni Prince. At nagdadalaga na kung manamit. Napansin ko rin na mukhang mahilig siya sa jewelries. Palagi siyang may suot na hikaw o kuwintas at mga pulseras. Ang elegante niyang bata. Naisip ko ngang bibigyan ko rin siya ng alahas.

Tumingin din siya sa tiningnan ko kanina. "Papalitan na rin namin 'yan." bumaling siya sa akin.

Unti-unting nawala ang ngiti ko.

"Luma na 'yan. Dapat nang palitan. Sinabi ko na kay Daddy. Ang dami naming pictures na magaganda kaysa diyan."

Muli akong napatingin sa portrait naming apat. Pareho kaming apat na nakaputi sa larawan. Twinning ang suot naming dresses noon ni Primrose habang pareho rin puting polo ang suot nina Prince at Russel...

"Wala ang Daddy n'yo... Uh, nagtatrabaho siya kahit weekends?"

"Emergency meeting." she said. "He spends most of his time with us."

Tumango ako.

Ngumiti ako sa anak ko. "You like jewelries?"

"Hmm," napahawak siya sa suot na kuwintas sa kaniyang leeg. "Lola Lani gave this to me."

Naalala ko ang mga magulang ni Russel sa pagbanggit ng anak ko.

"Mahilig sa alahas si Lola. Pareho kami." she smiled a little.

"How's... your grandparents?" I asked.

"Okay naman ang Lolo at Lola."

Tumango ako at ngumiti sa anak ko. Napatingin na rin siya kay Lila na nilalaro ni Prince.

Nag-angat ng tingin sa kaniya si Lila. "Ate..." mahinang tawag ng anak ko sa ate niya.

"Dad!" sinalubong lang naman ni Primrose si Russel.

Nabigla pa ako at hindi iyon inasahan. Akala ko mamaya pa siya uuwi...

Nagtagpo ang mga mata namin. Umiwas ako at pinuntahan si Lila. Ramdam kong sumunod sa akin ang tingin ni Russel, at kay Lila na hawak ko na. Bumilis ang pintig sa dibdib ko.

"Nakauwi ka na pala," nagpakita si Manang Letty sa sala. "tamang-tama at handa na ang pangtanghalian. Kumain na muna kayong pamilya." nakangiti ito.

Nauna na ang mga bata sa dining area. Kasama si Lila na kumawala sa akin at sumama sa kuya niya. Tiningnan ko lang sila.

"She looks like you,"

Bumaling ako kay Russel. Nagkatinginan kami. Si Lila ang tinutukoy niya.

Tumango ako at bahagyang napalunok.

"Kumain muna tayo." he said at nagpatiuna nang sumunod sa mga bata.

Sumunod na rin ako sa mag-aama...

Sinusubuan ko si Lila habang kumakain kaming lima doon sa hapag. Tahimik ako habang nag-uusap naman ang kambal at ang Daddy nila. Nasulyapan kong nakatingin sa amin ni Lila si Russel.

"Malapit na ang family day namin sa school, Daddy." Primrose reminded her father.

"Yes," Bumaling sa akin si Russel at nagkatinginan kami. "Makakapunta ka ba?" he asked me.

Tumango ako. "Of course."

Bumaling lang si Primrose sa pagkain niya habang si Prince naman ay abala muli kay Lila sa tabi ko. Natutuwa rin talaga siya sa nakababatang kapatid. Napangiti nalang ako.

* * *

"Puwede mo siyang patulugin muna sa kuwarto ni Primrose." sabi ni Russel nang nakitang inaantok na si Lila. Ang antuking bata talaga. Lalo kapag busog.

Tumango ako. "Kahit sa guestroom nalang."

Russel nodded at nagtawag ng kasambahay para samahan ako. Inakyat ko na muna si Lila.

"Primrose... Your mother was badly hurt when we thought we lost you and your brother."

Iyon ang narinig ko nang makabalik mula sa pagpapatulog kay Lila. Pinabantayan ko lang muna sa isang kasambahay na naiwan doon kasama ang anak ko.

Bumagal ang mga hakbang ko at hindi muna lumabas doon at nagpakita.

Russel was talking to our daughter. "And be good to your sister. She's just a baby."

"But I hate her, Dad!" reklamo ni Primrose sa ama.

"She's your Mom, Primrose. You can't hate her forever."

"But..." Narinig kong umiyak nalang si Primrose.

Nang tuluyan kong nasilip ay nakita kong kinandong na siya ni Russel at pinatahan. She will always be her Daddy's little girl.

Tumulo rin ang luha ko.

* * *

"Noong pinuntahan ako ni Shazsa sa penthouse mo noon... Noon ko rin nalaman sa kaniya ang tungkol kay Papa at hinahanap ako ng ama ko..." I told Russel when we got the chance to talk again that day.

Ang kambal ay abala sa kusinang tumulong kanila Manang Letty gumawa ng snacks. Nasa guestroom pa rin si Lila pero mamaya magigising na rin iyon.

"Nag... desisyon ako noon na... sumama kay Papa at lumayo... Gusto ko lang makalayo noon... Makalimot..." sa ibang bagay ako nakatingin at hindi sa kaniya.

"I understand..."

Bumaling ako sa kaniya. Tears shined in my eyes. Nakita ko ang pag-aalala niya habang nakatingin sa akin. I shook my head.

"I'm sorry... " nasabi ko rin sa kaniya.

The truth is I was guilty... I didn't know what to do...

* * *

"Trev," iniwas ko ang sarili ko sa kaniya.

Trevor was looking at me. "Jewel... Bakit ayaw mong halikan kita? You're my girlfriend."

Bumaling ako kay Lila na natutulog sa kama ko. "Trevor, nandito ang anak ko."

"She's asleep." he said.

Tiningnan ko siya. Iba ang tono niya.

Umiling ako. "Trevor-"

He looked away. "Alam ko naman na hindi ko pa rin siya napapalitan diyan sa puso mo."

Umawang ang labi ko. "Trev, what are you saying-"

Hinarap niya ako. "Alam ko naman, Jewel. Pero umasa pa rin ako. But you know what? Ang hirap. Sinagot mo nga ako pero hindi pa rin naman kita maramdaman. Hindi ko alam kung binigyan mo ba talaga ako ng chance."

"Trev..."

Umiling siya at lumabas ng kuwarto.

* * *

"Bakit mo ba sinagot si Sir Trevor?" Shazsa asked.

Nakatayo ako doon sa loob ng opisina ko at nakatingin sa mga gusali sa labas. "Dahil malapit sila ni Lila sa isa't isa... At pinagkakatiwalaan din siya ni Papa..."

"Iyon lang?"

Lumingon ako sa kaibigan. Tinanggal ko rin ang mga braso sa pagkakahalukipkip. "Mabait si Trevor,"

Sha shook her head. "Seriously, Jewel Anne?"

I sighed.

"Ano'ng gagawin mo ngayon?" she asked.

I shook my head.

"I think he's dating someone..."

Nagkatinginan kami. Alam kong si Russel ang tinutukoy niya. She sighed.

"Nakita kong may babae siyang pinasakay sa kotse niya noong nadaanan at nakita ko sila sa tabi ng daan,"

I looked away. I didn't say anything.

"Ayusin mo na 'to habang maaga pa, Jewel. Si Lila..."

Tumingin muli ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin. She shook her head and then sighed.

"Kung bakit kasi hindi mo pa sinabi kay Russel na anak naman talaga niya si Lila."

* * *

Ngayon ang family day nina Primrose. Binihisan ko si Lila at isasama ko rin siya sa school ng mga kapatid niya. Ang sabi ni Russel ay susunduin nalang niya kami. Nang tinawag ng kasambahay at sinabing nasa baba na sila Russel at ang mga bata ay mabilis ko na rin kinuha si Lila sa kama at bumaba na rin kami.

Binati ko ng ngiti si Russel na nauwi rin sa pagkagat ng pang-ibabang labi. Parang ang awkward kasi. "G-Good morning," nautal ko pang bati.

"Good morning." he smiled a bit and looked at Lila in my arms.

Kumalabog agad ang puso ko. Naalala ko iyong pinag-usapan namin ni Sha noong isang araw sa opisina ko.

Binati rin ni Russel si Papa na naroon nang sunduin niya kami. Ang kambal ay magalang din na bumati at lumapit sa Lolo nila.

"Tara na, Dad." aya ni Primrose.

Tumango si Russel sa anak at lumabas na rin kami sa sasakyang naghihintay sa amin sa labas. Pumasok na kami doon. Si Russel ang magmamaneho sa sasakyan at sa front seat ako naupo. Ang mga bata ay nasa likod at ang yaya ni Lila na pinasama ko na rin para may tumulong sa akin sa anak ko.

Nang dumating kami sa school ng kambal ay napuno iyon ng mga pamilya. Napangiti ako at giniya na rin kami ng kambal patungo sa teacher nila.

"Dad, picture po muna kayo ni Teacher Alice!" hinila ni Primrose si Russel at pinatabi sa nahihiyang guro.

"Nako, Primrose," nahihiya talaga ito.

"Sige na, teacher!" natutuwang anang anak ko habang tinataas ang phone para ma-picture-an ang mga ito.

Tipid na ngumiti si Russel sa camera habang nakatayo sila doon na magkatabi ng bata at magandang guro. Habang nakatayo lang din ako doon at nakatingin. I looked away nang nagkatinginan ang dalawa matapos ang picture. The beautiful teacher smiled modestly with her cheeks obviously blushing.

"Salamat nga pala ulit noong isang araw, Mr. Martinez." Narinig kong anang guro.

"Bakit? Ano po'ng nangyari, Teacher Alice? Dad?" singit ni Primrose sa usapan. "Nag-date na ba kayo?" tukso nito sa ama at sa teacher niya.

Muli akong napatingin sa kanila sa narinig.

"Hala, hindi, Primrose!" mabilis na tanggi ng namumulang guro.

Russel was smiling as he shook his head. "Hinatid ko lang ang Teacher Alice n'yo sa bahay nila." he explained.

Tumango ang guro at sumang-ayon sa sinabi ni Russel. "Oo, nadaanan lang ako noon ng Daddy n'yo habang naghihintay ako ng masasakyang taxi. May humintong kotse sa harapan ko at siya pala. Mabuti nga at nagmagandang loo kayo, Mr. Martinez. Matagal na rin kasi akong nakatayo lang doon at mukhang wala talagang nadaang masasakyan."

Sounds familiar. Napaisip ako at naalala 'yong nabanggit sa akin ni Sha.

"Ah, sige dito po kayo," giniya kami ng guro. Napatingin din ito sa akin at parang natigilan.

"Ms. Alice, this is Prince and Primrose's Mom," pinakilala rin ako ni Russel.

Tipid akong ngumiti sa guro. "Jewel de la Vega."

"A-Ay, Alice po, Ma'am. Ako ang teacher ng kambal." medyo nailang siya.

I simply nodded.

Nagsisimula na ang program at masayang-masaya ang kambal habang sumasali sila sa mga laro kasama ang Daddy nila. Napapangiti ako at kinukunan sila ng pictures.

"You want to join us?" lumapit sa akin si Russel at nagtanong.

"Uh, sige, sige," binigay ko muna si Lila sa yaya niya.

"Dad!" tumakbo palapit sa amin si Primrose.

"Sasamahan tayo ng Mommy n'yo." si Russel.

Ngumiti ako sa anak ko pero nawala rin nang nakitang mukhang ayaw nito at humalukipkip sa harapan namin ni Russel.

"Bakit pa, Dad? Sanay naman na kami na palaging tayong tatlo lang ni Prince sa mga ganito. We don't need her participation-"

"Primrose," saway ni Russel sa anak.

Padabog kaming tinalikuran ng anak namin.

Nagkatinginan kami ni Russel. He offered me his hand. Tinanggap ko iyon at hinawakan niya ang kamay ko. Giniya niya ako sa mga bata.

Sumali kaming apat sa mga palaro at nanalo rin. Pero hindi rin iyon nagtagal dahil ngsabi si Primrose na ayaw na niya.

Sinundan ko ang anak ko na uminom doon ng tubig. Nilapitan ko siya. Binaba niya ang tumbler niya at tiningnan ako.

"Primrose,"

"What?"

I sighed. "Galit ka pa rin ba sa 'kin, anak?" my lip quivered. Pakiramdam ko ang layo-layo na niya sa akin.

"Kung ikaw ako na iniwan ng Mama niya at bumalik lang pagkatapos ng mahabang mga taon matutuwa ka ba?"

"P-Primrose..."

"Alam mo, Mama, noong una naniwala pa ako, e. Umasa pa ako kasi I trust Dad. Nakita ko namang hindi tumitigil si Daddy sa paghahanap sa 'yo. Until one day as if I realized na baka ayaw mo na nga talagang bumalik sa amin. Kasi ang tagal na, e. Ang tagal ka na naming hinihintay."

Tumulo ang luha ko. Maagap kong pinunasan ang pisngi at sinubukan siyang abutin pero umiwas siya. "Primrose, anak,"

"You don't know how painful it was to continue living each day without my mother. Nasanay ako, e, na nandiyan ka palagi. Pagkatapos noong nakabalik kami galing sa nangyaring kidnapping wala ka na. You were the first person I wanted to hug. Who I wanted to comfort me. Pero wala ka. You were missing for the last four years of my life." Namuo na rin ang luha sa mga mata niya.

"And I only have Dad, kami ni Prince. Pero okay na. Hindi naman nagkulang sa 'min si Daddy. He's an amazing Dad sa amin ni Prince. At nasanay na rin ako na wala ka. Kaya bakit ka pa bumalik? You know when you came back parang binalik mo lang sa 'kin 'yong mga sakit na naramdaman ko dati noong wala pang araw na hindi kita hinahanap. Sana hindi ka nalang bumalik."

Nanlaki ang mga mata ko. "Primrose-"

"And si Dad. What are you doing? Pinapaasa mo ba siya na alam naman nating lahat na may iba ka nang pamilya. I know my Dad. Alam kong mahal na mahal ka niya. I was there. I saw him crying because he's sad and he misses you... Tapos babalik ka lang pala na parang kinalimutan mo na kami."

"Primrose-" subok ko pero muli niya lang din akong pinutol.

Tumulo muli ang luha ko na pinunasan ko rin. Ang sakit, sakit ng dibdib ko.

"Layuan mo nalang ang Daddy ko. He deserves so much more. He can be with Teacher Alice." she said.

"G-Gusto mo ba ang teacher mo para sa Daddy mo?"

"Yes! Because I want my Dad to be happy, too. Unfair naman siguro na ikaw lang ang masaya sa bago mong pamilya."

"Primrose, hindi-"

"Ano pa ba ang ginagawa mo dito? Doon ka na sa lalaki mo at sa anak n'yo! Hindi ka na namin kailangan!-"

I slapped her.

Pero agad din akong natauhan at pinagsisihan ang nagawa.

Bumuhos ang mga luha ng anak ko. Nanlalaki ang mga mata ko at sinubukan muli siyang lapitan pa at hawakan pero umatras lang siya. She cried more when she saw Russel coming our way.

"What's happening here-"

"Daddy! Daddy, she slapped me." si Primrose na hawak ang pisngi at umiyak kay Russel.

Umiling ako. "Hindi ko sinasadya..."

Nakitaan ko ng galit si Russel nang tingnan niya ako. "What did you do to my daughter?" he asked in controlled voice.

I gulped. "Hindi ko sinasadya, Russel, sobra na kasi ang mga sinasabi niya-"

"She's just a kid! She's your daughter! And you hurt her? Ni pitik hindi nakaranas sa 'kin ang mga anak ko. Pinagbigyan kita, Jewel. Kahit pa nga alam kong nahihirapan ang mga anak ko. Mas inuna pa kita because you are their mother! Pero ano 'to? Sinasaktan mo ang anak ko-"

"Russel..." I can only shook my head.

Nilayo niya sa akin si Primrose at tinalikuran nila ako. I know he's mad. Hindi ko naman sinasadya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro