Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven

Chapter Seven



Getting married



Nanatili si Russel sa tabi naming mag-iina hanggang nakalabas na si Primrose sa hospital. Inuwi niya rin kami sa condo niya. Hindi na ako tumutol dahil mas kumportable doon para sa mga anak ko kaysa sa dati naming tirahan. Binalik ko na rin kay Russel ang pera niya. At siya ang gumawa ng paraan para maalis ako doon sa saan ako pinasok ni Tati sa pag-e-escort...

Pumasok na rin ako sa sasakyan habang nilalagay ni Russel ang mga anak niya sa backseat. Kita kong parehong natutuwa ang dalawang bata kaya napapangiti na rin ako. Pumasok na rin si Russel sa driver's seat pagkatapos. "Daan muna tayo sa grocery?" tanong niya na tinanguan ko naman. Nagmaneho na siya patungo sa mall.

Nilingon ko ang mga anak ko sa likod. Nagkukuwentuhan ang magkapatid at sinasali ang ama nila. Ang dami nilang tanong na sinasagot namang lahat ni Russel. Hinayaan ko lang sila. Hanggang nag-p-park na si Russel ng kotse niya. Parehong excited ang dalawang bata na bumaba ng sasakyan. Binuhat ni Russel si Primrose at nilagyan din ng mask. Galing lang kami sa hospital. Pero halos nag-extend din kami doon dahil gustong makasigurado talaga ni Russel sa kalagayan at kalusugan ng anak niya. At malakas na rin naman si Primrose kahit papano. Sobrang daldal na nga rin ulit.

Buhat lang ni Russel si Primrose at hawak sa isang kamay naman si Prince. Ako naman ang nagtutulak sa cart namin. Nagsimula akong maglagay ng mga kailangan doon. Mukhang wala namang alam si Russel sa pag-g-grocery. Ang dami rin tinuturo ng dalawang bata na tinutugunan naman ni Russel. Ini-spoil niya. Hinayaan ko nalang muna dahil ngayon lang din ito nararanasan ng mga anak ko. Ngayon ko lang din sila nakita na ganito kasaya. Iba nga talaga ang epekto sa bata kapag buo ang pamilya niya.

"Chocolates, Daddy." Nagtuturo rin si Primrose ng mga gusto niya habang nanatiling buhat ni Russel.

Kinuha ni Russel ang tinuro ng anak niya at nilagay sa cart. Si Prince naman ay nagtatakbo sa loob ng grocery at kung ano-ano ang nilalagay sa cart namin. "Prince, baka hindi mo rin kainin ang mga 'to-"

Pinigilan ako ni Russel. Bumaling ako sa kaniya. "Hayaan mo na." aniya.

Nagbuntong-hininga nalang ako. Basta dapat hindi palaging ganito. Ayaw kong nagsasayang sila ng pagkain. Hindi dahil may pambili na ay bibili na rin ng sobra-sobra.

Pagkatapos ay nag-ikot pa kami sa malaking mall. Tuwang-tuwa ang mga bata na pumasok silang mag-aama sa isang toy store. Nakasunod lang naman ako sa kanila. Kung ano-ano naman ang tinuturo.

Binaba ni Russel si Primrose at bahagyang lumuhod sa tabi ng anak habang tinitingnan nila ang isang laruan. May lumapit na rin na mga staff ng store sa kanila. Si Prince ay nasa tabi rin ng ama na binigay ang malaking laruan sa isang staff para ma-check iyon.

Umikot pa kami pagkatapos nilang bumili ng mga laruan. Binilhan din ni Russel ng gamit ang mga anak niya, mga damit at sapatos. May nakasunod na rin sa aming staff ng mall. Ang dami na talaga naming napamili.

"Halika, Prince, subukan mo muna baka hindi sakto." pinasukat ko sa kaniya ang mga damit. Si Russel kasi panay lang ang kuha talaga.

Ganoon din kay Primrose. Tumulong na rin ako kay Russel sa pagpili. Nakaupo si Primrose doon habang nakaluhod sa harap niya si Russel at sinusukatan siya ng mga sapatos. Lumapit na ako at mukhang hindi rin alam ni Russel kung paano ikakabit 'yong sandals sa paa ng anak niya. Si Prince nalang ang inasikaso niya. Nakita kong mukhang matching pa iyong sapatos na binibili nilang mag-ama.

"Jusko," nasabi ko nalang nang nakita ang binayaran ni Russel. Magkano na ang nagastos niya sa araw lang na ito.

"How about you? Wala ka pang binibili para sa sarili mo." puna ni Russel sa akin.

Umiling ako. "Ayos lang ako. May mga masusuot pa naman ako. Russel, ang laki na ng ginagastos mo-"

"Just let me, okay? Bumabawi lang ako." aniya.

Nagbuntong-hininga ako at tumango. Natapos din sila sa pag-s-shopping. Nang nakarating naman kami sa condo ni Russel ay agad nag-iikot ang dalawang bata. Sinamahan naman sila ni Russel.

"Hindi mainit dito, Mama!" natutuwang sabi ni Prince.

Bahagya akong ngumiti sa anak ko. Nagkatinginan kami ni Russel. "Naiinitan sila doon sa dati naming tirahan. Maliit kasi." sabi ko.

Tumalon si Prince sa kama at sumunod naman na umakyat doon si Primrose. Magkatabi kaming nakatayo ni Russel habang pinagmamasdan ang mga anak.

"I want to see where you lived..." aniya.

Bumaling ako sa kaniya. Nanatili ang tingin niya sa mga anak na natutuwa sa malambot at malaking kama doon. Nang tumingin din siya sa akin ay tumango ako. May kukunin pa rin ako doong ilang gamit namin sa dati naming maliit na tirahang mag-iina.

"Magluluto lang ako," paalam ko.

Tumango si Russel at nilapitan ang mga anak. Lumabas na ako sa kuwarto at pumunta sa kusina.

Tinawag ko lang sila nang handa na ang pagkain at masaya kaming sabay na kumaing apat sa dining table. Hindi ko maikakaila na masaya rin ako para sa mga anak ko.

Kumuha rin si Russel ng yaya kahit sinabi kong kaya ko namang alagaan ang mga anak namin. "Para may maiwan sa kanila kapag may pupuntahan tayo." rason niya.

Tama naman siya dahil aalis nga kami ngayon para puntahan 'yong dati naming bahay ng kambal para kunin ang ilan lang naman naming gamit doon.

Naglalaro sila nang iwan namin at binilin muna sa dalawang bantay.

"Dito na," sabi ko kay Russel. Tinabi niya ang kotse niya.

Nahirapan pa ang sasakyan niyang pumasok dahil masikip ang daan at ang daming mga batang naglalaro sa daanan. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin nang lumabas kami ni Russel sa sasakyan niya. Mabilis ko nalang siyang hinila patungo sa dating tirahan.

"They grew up here..." aniya.

Bumaling ako sa kaniya. Nasa paligid ng maliit na tirahan namin noon ng mga anak niya ang tingin niya. Bigla nalang may tumulong luha mula sa mata niya. Mabilis niya rin 'yong pinalis. Nilapitan ko siya. "Russel..."

"Damn it." mariin niyang mura. "Ano pang hirap ang naranasan ng mga anak ko..." mukha siyang galit sa sarili at labis ang pagsisisi.

Hindi na ako nagsalita. Nakikita kong nasasaktan na siya at mas lalo siyang masasaktan kapag sinabi ko pa sa kaniya ang mga pinagdaanan namin ng mga bata.

Mabilis ko nalang inimpake ang mga naiwan pa naming mag-iina na damit at ilang gamit doon. "Halika na, Russel." aya ko na sa kaniya nang matapos ako.

May nakita siya doong drawings ng mga anak niya. Kinuha niya ang mga iyon. Bumaling siya sa akin. "I'm sorry..." muli na naman niyang hingi ng tawad.

Umiling ako. Lumapit siya sa kintatayuan ko. Nakatingin kami sa isa't isa. "Thank you... Kinaya mong alagaan at palakihin mag-isa ang mga anak natin..." nasasaktang aniya.

"Russel..."

Unti-unti niyang nilapit ang mukha sa akin at marahan akong hinalikan sa mga labi. Napapikit ako. "Thank you... I'm sorry..." aniya sa mga labi ko. Sandali niyang pinagdikit ang mga noo namin pagkatapos ng halik.

Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami pabalik sa kotse niya.

Lumakas ang kabog sa dibdib ko nang nadatnan naming naroon sa condo ni Russel ang mga magulang niya nang makauwi kami. Bumaba ang tingin ng Mama niya sa magkahawak na mga kamay namin ni Russel. Unti-unti akong bumitaw.

"Mom," mukhang hindi rin iyon inasahan ni Russel.

Seryoso ang Mama niyang nakatingin sa amin. "Ilang linggo ka nang hindi pumapasok sa opisina." anito na bumaling kay Russel.

"I'm working through my laptop-"

"Malalaman nalang namin ng Dad mo na may binabahay ka na pala rito sa condo mo." lumipat ang tingin nito sa akin.

Yumuko ako.

"Mom, I already told you and Dad about my-"

"Ang mga bata... Hindi natin tatakbuhan ang responsibilidad. Hindi ko lang inasahang binabahay mo na pala, Ivan Russel-"

"Mom, what are you doing here? I told you and Dad to wait. Hindi ko pa nahahanda ang mga anak ko-"

Sabay kaming bumaling nang narinig ang boses ng kambal. Nakita ko si Primrose na buhat ng siguro ay Tatay ni Russel. Agad tumakbo sa amin si Prince nang nakita kami.

"Mama! Daddy!"

Sinalo siya ni Russel at binuhat. "Nandito po sila Lolo at Lola." masayang pagpapaalam sa amin ng anak ko.

Nasulyapan ko ang bahagyang pagngiti ng Mama ni Russel habang nakatingin sa anak ko. Ganoon din ang Dad ni Russel na mukhang natutuwa sa mga apo. Hindi naman din kasi nila maikakaila na kadugo nila ang mga anak ko.

"Nandiyan na pala kayo." may ngiti pang sabi ng Dad ni Russel.

"Dad-"

"I'm sorry, son. Hindi na namin nahintay ng Mommy mo. I got excited to see my grandchildren." anang may edad nang lalaki na kamukha rin ni Russel.

Sinubukan kong batiin ang Mommy at Daddy ni Russel. Walang reaksiyon iyong Mama niya at tumango naman sa akin ang ama niya at binati rin ako pabalik.

"M-Magluluto lang ako," paalam ko.

Tumango si Russel at iniwan ko na muna sila doon.

Pormal ang Papa ni Russel pero mukha naman itong mabait. Ang Mama niya ay nakakatakot...

"M-Ma'am," bahagya pa akong nagulat nang nakita ang Mama ni Russel na pumasok sa kusina habang naghahanda ako doon ng lulutuin.

Seryoso at mukhang istrikta ang tingin nito sa akin. Napayuko ako. Muli lang nag-angat ng tingin nang nagsalita ito.

"Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa. We will provide for your children. Iyon lang. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng anak ko." seryosong sinabi nito.

"My son is getting married." dagdag na sinabi ng mama ni Russel habang deretsong nakatingin sa akin ang seryoso nitong mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro