Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nineteen

Chapter Nineteen



Lie



"I am glad that you are back." pauna ng Mommy ni Russel. She sighed. "I only wanted nothing but the best for my son. You see, Ivan Russel is our only child. Pinagtulungan namin ng asawa ko ang company para sa anak namin... At akala ko noon makakabuti sa kaniya ang ipakasal sa isang babaeng makakatulong sa company namin." She shook her head.

Tahimik lang ako at nakinig sa Mommy ni Russel. Hinayaan ko lang muna siya.

"Nang dumating kayo sa buhay ng anak ko nakita kong lalo siyang naging responsable. He wasn't really as responsible as he is right now. Noon ay puro lang siya paglalaro. Hinayaan namin ng asawa ko at inisip na bata pa naman siya. At may plano na rin naman kami para sa future niya. Pero mali pala. When he thought he lost the twins and you... doon ko nakita na nag-iba na nga ang anak ko. He learned and I think he learned the hard way... Akala ko noon gusto ko lang makita ang anak ko na successful. Pero mas gusto ko pala na makita siyang successful and at the same time happy with his life. I realized that his happiness is what's best for him."

She let out a sigh again. "Right now ang gusto ko lang talaga ay maging masaya rin ang anak ko. And you... his family is his happiness. He's already successful. Pero alam kong mas mag-s-succeed siya sa buhay na ito if he's happy, too."

"Magiging maayos din po kami..." nasabi ko.

Nagkatinginan kami ng Mama ni Russel. She let out a small smile. "Matanda na ako, hija. Gusto ko nalang mag-alaga ng mga apo ko. Siguro the greatest lesson this life taught me is that our happiness is what really matters the most in the end. Hindi rin talaga natin madadala sa ating mga libingan ang kayamanan natin sa huli." She laughed a bit at her last sentence.

I think we're okay now.

* * *

"Where are we going, Mama?" Primrose asked again.

Ngumiti ako sa kaniya and tucked some loose strands of her shiny hair behind her ear. "Sa Villa Martinez, anak. Doon kami nagkakilala ng Daddy mo." I smiled.

"Oh! Tell me more about how you and Daddy met, Mama," interested na aniya. Lumapit pa lalo sa akin.

Naglalagay ako ng mga damit sa luggage na dadalhin namin sa isla. We will stay there for Madam Elisabeth's birthday and few more days. Hindi rin kami puwedeng sobrang magtagal dahil kailangan si Russel sa company niya.

"Nagtatrabaho lang ako sa Villa noon. Ang Daddy mo naman ay pamangkin ng may-ari, ang Lola Elsa ninyo, at nagbabakasiyon lang doon nang nagkakilala kami." kuwento ko sa kaniya.

"Wow... And that's how you fell in love with each other?" she asked.

Nangingiti akong bahagyang napailing. "Hmm, oo... Noong una medyo ayaw ko pa sa Daddy n'yo. Your Dad was a playboy." I whispered the last words.

"Oh my..."

Bahagya akong napatawa sa reaksiyon ng anak.

"But, Mama... Bakit hindi pa natin kasama noon si Daddy..."

Bumaling ako sa anak at tinapos ang ginagawa. I sat on the bed at tumabi sa kaniya doon. I held her hand. "Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkaka-unawaan noon..." At naulit ang hindi pagkaka-unawaang iyon because of lack of communication. Na ayaw ko na sanang maulit pa. Kaya gusto ko sana na mas mag-usap na kami ni Russel ngayon. Alam kong galit siya o may pagtatampo pa rin sa akin. Abala pa kasi kami ngayon sa mga bata. At abala rin siya sa company niya. Hindi naman talaga niya ako iniiwasan. We'll just find time to talk. "Lumayo ako noon... At hindi iyon maganda." I sighed. "I want you to learn from me, anak. Kapag may problema no matter how hurtful it may get try to talk it out first. Ayaw kong magpadalos-dalos ka rin gaya ko..." I gave her a small smile.

She nodded her head. "I've read or heard from somewhere that communication is the key..."

I smiled more at what my daughter said. I kissed her forehead at sinabihang i-check niya ulit ang mga gamit niya at baka may maiwan siyang kailangan niya. Ilang araw din kami doon sa Villa Martinez.

* * *

"Yay!" si Lila nang nakita ang magandang lugar na pinuntahan namin.

Bumaling ako sa anak at ngumiti sa reaksiyon niya. Nagkatinginan din kami ni Russel na buhat ang anak namin. Binaling niya ang tingin kay Lila. I sighed.

Dinala kami ng staff sa malaking Villa na nakahanda na para sa pamilya namin. Doon sana kami patutuluyin ni Madam Elisabeth sa mansiyon niya rito sa isla pero mas pinili ni Russel na dito nalang kami at mas malapit sa dagat para sa mga bata. Nasa tuktok pa kasi ng mataas na lupa ng islang ito ang mansiyon.

I missed this place.

This is where everything started...

Dahil maaga pa naman ay hinayaan muna namin ni Russel ang mga bata na maligo sa dagat dahil hindi na makapaghintay pa ang mga ito. May pool din dito sa Villa pero mukhang mas gusto nga nila ang dagat. Sinamahan ni Russel ang mga anak namin habang sumama naman muna ako kanila Madam Elisabeth at Mama ni Russel at isa pang ginang na ina naman ng pinsan ni Russel na si Ryder. Niyaya ako ng mga ito sa malapit na restaurant.

"Bukas pa ang dating nina Ryder." anang Mama ni Ryder na sumimsim sa straw ng juice nito.

Sa susunod na araw pa rin ang birthday ng Madam. Napaaga lang din kami ng dating ni Russel at ng mga bata rito sa isla.

Nag-usap sila ng Mama ni Russel na nasa tabi ko. Bumaling ako kay Madam Elisabeth na nasa harapan ko. Ngumiti siya sa akin na maagap ko rin binalik.

"How are you, hija?"

"I'm fine, Madame. Kayo, po?"

Nailing siya. "Tita Elisabeth o Elsa nalang. You are Russel's wife." she smiled at me again.

Noon pa ay alam ko nang mabait siya. Mabuti siya kahit sa mga empleyado niya rito sa resort.

"Hindi pa po..." medyo nahiya rin ako at naalalang hindi pa namin napag-uusapan ni Russel... 

"Russel, that boy," she smilingly shook her head. "Ikaw iyong girlfriend niya rito sa isla noon, hindi ba? I thought naglalaro pa rin siya. Ganoon naman iyong batang 'yon noon. Ang dami ko rin staff dito noon sa resort na umaalis nalang dahil nasaktan raw niya o pinaasa, ewan ko ba. Kahit guests ay may nasasabi. Napaka talaga."

"But when he went to me that day and asked for my help... Ang sabi niya gusto niya raw sanang tulungan ako rito sa resort. He had plans. And that was all because of you." Muli siyang ngumiti sa akin. "Alam ko na noon na nagseryoso na nga talaga ang pamangkin ko."

Sumali na rin ang dalawa pang babae at bahagyang nagtawanan habang topic namin si Russel at nasali pa si Ryder. And both mothers are happy sa kung nasaan na ngayon ang mga anak nila.

* * *

"Russel..." unti-unti akong umupo sa tabi niya sa buhangin.

Kaharap namin ang dagat at rinig ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Gabi na o magmamadaling araw. Nagising lang ako at wala na siya sa villa namin. Katabi kasi namin siya ng mga bata na natulog sa malaking kama. Hinanap ko siya at natagpuan rito hindi malayo sa pansamantala naming tinutuluyan dito sa isla.

Bumaling ako sa kaniya. He was silent and was just looking in front of us. Kami lang halos ang tao doon at nagpapahinga na ang ibang guests ng resort. "Hindi ka ba makatulog?" I asked him.

"Ano'ng gusto mong mangyari?" he asked, still looking in front. Habang ako ay nakatingin sa kaniya.

I let out a small sigh. "What do you mean, Russel?"

"Gusto mo bang makipagbalikan sa akin..."

My lips parted. And then I slowly nodded. "At hindi lang dahil sa mga anak natin, Russel..." I said. I want to make it clear to him.

Tumango-tango siya. Hindi pa rin nakalingon sa akin. "I chose to understand... I know you'd been through a lot... Although it hurts... so much. Fuck," napamura siya. "I'm sorry..." He turned to me. Tears was shining in his eyes. Agad din nagsimulang mamuo ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniyang nasasaktan sa harap ko. "But I was hurt, too. Sobrang sakit. I don't want you leaving when worst will happen again... Damn, Jewel, hindi naman ako kung ano at tao lang din ako. I know I made mistakes pero huwag mo naman akong saktan ng ganito."

Umiling ako habang ang luha ay nag-aamba nang bumuhos mula sa mga mata ko. "Russel..."

Bumaling muli siya sa dagat. His knees were folded at nakapatong ang mga siko niya sa kaniyang tuhod. Hinihipan ng hangin ang buhok niya at puting plain shirt. "Alam kong nasaktan kita noon. I was an asshole. Pero bumawi naman ako sa inyo ng mga bata sa abot ng makakaya ko... I love you, Jewel. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin. Pero siguro hindi ko pa rin napupunan iyong mga pagkukulang ko sa inyo, sa 'yo... Kaya ganoon lang kadali sa 'yong iwan ako nang wala man lang paalam. Ganoon lang kadali sa 'yo na lumayo at makahanap ng iba... Ganoon na ba ako kasama para pati ang anak ko ipagkait mo pa sa 'kin?" Tumingin siya sa akin. Alam kong tinutukoy niya si Lila.

Tuluyang bumuhos ang luha ko. I shook my head. Suminghap ako. "Russel," patuloy ang pag-iling ko. "I'm sorry..."

He looked away. "Kung... hindi nakabalik ang kambal... Hindi ka na rin babalik sa akin..."

"Russel-" Tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng mga luha ko. Umiling ako. My heart hurts so much. "Hindi..." iling ko.

"You will continue to live the life you found and be with someone else... At ang anak ko..." bahagya siyang suminghot at alam kong umiiyak na rin siya. Sinubukan ko siyang abutin pero nanghina rin ako. "May plano ka pa rin bang ipakilala siya sa akin kung..."

"I was hurt, too... Fuck, anak ko rin ang inakala kong nawala noon. I was losing myself, too. And then you left... You just left. I needed you, too... Kung hindi nabalik sa akin sila Prince at Primrose hindi na rin ako makakabangon pa ulit... Naisip mo rin ba ako... Because you're all I think about."

"Russel..." I sobbed.

Tumayo siya. "Let's go back. Baka nagising ang mga bata at hinahanap tayo." Nauna na siyang naglakad pabalik sa villa namin. Hindi na niya ako nilingong naiwang nakaupo doon sa buhanginan.

I hugged my knees as I cried. I'm sorry, Russel... I was really so selfish. Hindi na kita naisip...

* * *

Kumatok ako sa pinto pero wala namang sumasagot o nagbubukas. Nakatayo ako sa labas ng isang villa dala ang pagkain para sa guest ng resort kung saan ako nagtatrabaho. Muli pa sana akong kumatok nang kusa iyong bumukas. Mahina akong napabuntong-hininga. Pero nanlaki rin ang mga mata nang isang lalaking walang damit pang-itaas at tanging maliit na tuwalya lang ang maluwang na nakapalibot sa baywang ang saplot sa katawan ang bumungad sa akin.

Kilala ko siya. Pamangkin siya ni Madam Elisabeth Martinez, ang may-ari nitong Villa Martinez. "Sir,"

Narinig kong mukhang tinatawag na siya ng isang malanding boses ng babae sa loob. Ngumiti siya sa 'kin at kinuha na sa 'kin 'yong food tray. "Ako na,"

Tumango nalang ako at hinayaan siya. Pagkatapos ay tumalikod na rin ako at umalis doon matapos mapagsarhan ng pinto.

"Hi,"

Kaya naman nagulat at nagtaka ako nang isang araw ay bigla nalang ako nitong lapitan, nakikipagkaibigan. Naalala ko ang nabanggit sa akin ni Sha tungkol sa kaniya. Gusto ko lang makapagtrabaho rito nang maayos para makapag-ipon at makabalik sa pag-aaral. Kaya naman ang ginawa ko ay medyo natarayan ko siya lalo at may kakulitan siya. Alam kong hindi dapat kasi pamangkin pa rin siya ng may-ari.

Siniko ako ni Sha kaya napabaling ako sa kaniya. May nginuso siya kaya tiningnan ko iyon at nakita si Russel Martinez na palapit. Bahagyang naningkit ang mga mata ko. Malaki agad ang ngiting salubong niya sa 'kin nang nakitang nakatingin na ako sa kaniya.

"Ayan na naman siya." sabi ni Sha na nagbuntong-hininga. "Mag-iingat ka. Babaero iyan." paalala ng kaibigan at kababata ko bago niya ako iniwan doon at lumapit sa mga mesa ng restaurant para manguha ng orders o 'di kaya magpunas ng mesa.

Alam ko naman iyon. Minsan ko nga itong nakita dito rin sa restaurant na may kinausap lang na customer pagkatapos nadaanan ko na sila sa may wala masyadong taong tabi na naghahalikan. Agad lang akong nag-iwas ng tingin noon at namula sa nasaksihan. Babaero nga talaga siya. Kausap niya lang tapos mayamaya kung saan na sila napunta ng babaeng kakikilala pa lang niya.

"Let me do it," agad niyang agaw sa akin sa tray na puno ng pagkain.

"Hindi na, Sir-" pigil ko.

"I told you. Just Russ or Russel, okay?" binigyan niya ako ng isang guwapong ngiti.

Minsan ang hirap niya rin ignorahin kasi sobrang guwapo rin talaga. Magandang mga mata, perfect nose, tapos ang ganda rin ng mga labi niya. Sakto ang kapal ng kilay. Tapos ang buhok niya itim at bagsak talaga. Parang model ng shampoo. Tapos mukha siyang palangiti at friendly. Ang ngiti niya pa...

Umiling ako at tinuro nalang sa kaniya ang mesa na pagdadalhan ko no'ng pagkain. Sa ilang araw niya na rin 'tong ginagawa ay nalaman ko na rin na wala rin akong magagawa sa kakulitan niya. Lagi siyang tumutulong sa gawain ko rito sa resort at halos siya na nga ang gumagawa.

That's how Russel and I started... I was a staff in his Aunt's island resort, mahirap lang at kitang ibang-iba sa mga babaeng nakita kong nakakasama niya noon. Sobrang simple ko lang at walang kahit na anong arte sa katawan. Habang siya ay mayaman at guwapo. Kaya hindi ko maintidihan noon kung bakit ako...

"Bakit ba palagi ka nalang nakasunod sa akin kahit sa pag-uwi ko rito sa bahay namin?" tanong ko sa kaniya habang binubuksan ang kural namin.

"I missed Lola Karolina." sabi niya.

Napailing nalang ako at pinatuloy siya.

"Lola!" binati niya agad ang Lola ko.

"... Itong apo n'yo lang po, Lola, ayaw pa akong sagutin." parang sumbong niya pa kay Lola.

Naririnig ko silang nag-uusap sa labas sa maliit naming sala habang nagpapalit pa ako sa kuwarto ko. Napapailing nalang ako. Malapit na rin siya kay Lola sa maka-ilang beses na rin niya na balik rito sa pagsunod-sunod niya sa akin.

Unti-unti... parang nagigiba na rin 'yong pader na hinarang ko para hindi siya tuluyang makapasok... Takot kasi ako. At hindi naman siguro ako masisisi sa nararamdaman kong ganoon sa kaniya.

Naramdaman ko nalang ang wisik ng tubig na tumama sa 'kin. Bumaling ako kay Russel. Nagdidilig kami sa mga halaman ni Lola sa bakuran. Winisikan pa niya ako ng tubig na galing sa tabo. Tapos inulit pa hanggang sa sunudsunod na nababasa na ako. "Russel!" saway ko sa kaniya pero tumawa lang siya.

Sumimangot ako at kinuha ang balde na may laman pang konting tubig at 'yon ang hinagis sa kaniya. Tumawa na rin ako sa hitsura niyang parang basa nang sisiw. Pero nawala rin ang tawa ko nang naalalang wala nga pala siyang dalang damit. "Hala, tara hubarin mo muna 'yan at patuyuin natin." sabi ko nalang. Na-guilty agad.

"It's okay." sabi niya at ngumiti lang sa 'kin.

"You grew up here." sabi ni Russel na nakasunod sa akin.

Tumango ako. Dinala ko siya sa dagat dito sa amin. Sinabihan na rin kami ni Lola na ipasyal ko rin siya dito sa lugar namin. "Wala ka bang ibang gagawin? Panay nalang ang sunod mo sa 'kin," puna ko.

Nag-smirked lang siya habang nagkatinginan kami. Umiling nalang ako.

"Wala naman," sabi niya lang. "Tara, ligo na tayo." At hinawakan niya ang braso ko para hilahin na ako sa tubig.

Napatawa nalang ako at nagpatangay na sa kaniya. 

"I would ask you to remove your shorts and shirt... but this place looks too public," aniyang tumingin sa paligid.

May mga bangka at mangingisda sa pampang hindi kalayuan na nag-aayos o tinitingnan ang mga bangka nila. May mga bata rin sa mababaw na tubig at buhangin naghahabulan. At mga bahay. Hapon iyon at pababa na ang araw. Ganoon talaga sa lugar namin. Nagkibit-balikat lang ako kay Russel. "Hindi rin naman talaga ako naghuhubad ng damit ko kapag naliligo 'di gaya sa resort n'yo na naka-bra at panty lang mga babae." sabi ko.

Nakatingin siya sa akin at bahagyang tumawa. Umiling siya.

Kaya noong isang beses na nakilala na rin ako ng pinsan at mga kaibigan niya at pinilit ako noong Alecx na mag-bikini na pinahiram niya ay hiyang-hiya talaga ako noon dahil first time ko magpakita masyado ng balat sa maraming tao. Hindi ako sanay.

"Ang ganda ng katawan mo! Tapos ang kinis mo pa! Ganda ng pagka-morena mo." sabi sa akin ni Alecx.

Ngumiti nalang ako sa kaniya. Mabait siya at sabi niya pa akin na raw itong pinasuot niya sa akin na twopiece bikni at hindi pa raw niya ito nagagamit. Nahihiya at nagpasalamat nalang ako sa kaniya.

"Tara na!" hinila na niya ang kamay ko at lumapit na kami sa mga kaibigan nila.

Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Russel nang nakita ako. Habang nahihiya naman talaga ako. Tinukso-tukso pa siya nina Jake na kaibigan din niya pero inilingan niya lang 'to. Lumapit siya sa 'kin. Nagbuntong-hininga ako at hinayaan lang siyang hawakan ang kamay ko at dalhin ako sa tubig.

Nag-swimming kami hanggang sa gumabi na. Hindi ko nalang gaanong pinansin si Kaz na naabutan ko nalang na nakatingin na ng masama sa akin.

"See you," sabi ni Russel na ngiting-ngiti.

Napangiti na rin ako. Madalas nakakahawa rin talaga ang ngiti niya. Para siyang wala talagang problema sa mundo.

Nagbihis muna ako ng isang magandang dress na bigay din sa akin ni Russel. Birthday ko kasi noong isang araw kaya gift niya raw sa 'kin.

Pagkatapos naglakad nako papunta sa sinabi niyang mag-d-dinner daw kami. "Ano 'to?" namangha na ako sa nadatnan.

May naka-set up na magandang table doon at para lang sa aming dalawa. "Nasaan na mga kibigan mo?" tanong ko sa kaniya pero umiling siya. May ngiti sa mga labi.

Hawak niya ang kamay ko at pinaupo ako sa upuan doon kaharap naman ng uupuan niya. Table for two iyon malapit sa dagat at maraming ilaw doon. Kami lang din ang tao at ilang nagsilbi sa amin sa pagkain dahil medyo malayo na iyon sa madalas puntahan at paliguan ng mga tao.

"You like it?" tanong ni Russel habang kumakain kami.

Nakangiti akong tumango. "Oo, salamat, Russel." Hindi ko alam kung ano ang mayroon. Tapos na ang birthday ko at hindi rin naman niya birthday dahil natanong ko na rin siya sa mga ganoong bagay. Ivan Russel Martinez ang buo niyang pangalan. At 27 na siya.

Para kasing ang espesyal ng gabing ito.

"You're welcome." nakangiti niyang sabi.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad muna kami sa tabi ng dagat. Hawak ni Russel ang kamay ko at tahimik lang kami hanggang nagsalita na ako. "Russel," Tumigil din ako kaya natigil na rin siya sa paglalakad.

Humugot ako ng hininga.

Nakatingin lang siya sa akin.

"Sinasagot... na kita..." marahan kong sinabi.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin at mukhang hindi iyon inasahan. Pero lumapad din ang ngiti niya at inangat pa ako s tuwa niya. Napatawa nalang ako.

Nang ibaba niya ako ay nagkatinginan kami. Unti-unti niyang binaba at nilapit ang mukha sa akin. Pumikit nalang ako. Tapos naramdaman ko na ang halik niya sa 'kin...

And that was our first kiss. My first kiss.

It all felt so real. Lahat ng mga pinakita at pinaramdam niya sa 'kin... Kaya hindi ako makapaniwala sa nalaman ko mula kay Kaz noon. Kasinungalingan lang pala? Pinaniwala niya ako? Pustahan? Ang sakit. Inamin niya rin iyon sa akin. At nalinawan naman ako. He proved himself to me.

But still he lied to me at first. Noong una niya akong lapitan. May ibang rason pala na inakala kong lumapit lang talaga siya sa akin dahil kagustuhan niya. Iyon pala dahil katuwaan lang nila ng mga kaibigan niya.

We started with that lie.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro