Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

Chapter Nine



Problema



"Are you his maid?" tanong nito sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita. Hanggang sa narinig namin ang boses ni Russel na dumating doon.

"Love," tawag sa akin ni Russel na mukhang natigilan din.

"Russ!" Nilagpasan ako ng babae at agad tumungo kay Russel nang makita ito.

Nilingon ko sila at naabutan ang paghalik ng babae sa pisngi ni Russel na mukhang hindi naman inasahan ni Russel. Bahagya niyang tinulak ang babae at tumingin sa akin. Nakatingin lang din ako sa kanya, sa kanila. "What are you doing here?" baling niya sa babae.

"I'm visiting my fiancé!" Maganda ang ngiti nitong pinakita kay Russel.

Umiling naman si Russel. "Please leave, Leonor."

Nagulat si Leonor na nakatingin kay Russel. Nanlaki ang mga mata nito. "W-What?-"

"I already told our parents na walang mangyayaring engagement-"

"You know very well that my Dad would pull out his shares in your company kapag hindi mo 'ko pinakasalan!" Bigla itong nagtaas ng boses.

Halos hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"I don't care." mariing sinabi ni Russel, lumalabas ang pagiging suplado. "Our company can continue without your father's share-"

Sandaling tumawa ng walang humor si Leonor. "Are you kidding? Malaki ang share ng Dad ko sa company n'yo! Without us babagsak kayo!-"

Inilingan lang ito ni Russel. "Leave." Kita ko ang pag-igting ng panga niya.

Hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya si Leonor.

Agad akong nag-alala nang narinig ang boses ng kambal at dumating sila doon sa living room. Mabilis kong nilapitan ang mga anak ko. Maagap din ang baling sa kanila ni Russel. Nilapitan niya kami at iniwan si Leonor.

"Daddy," tawag ni Primrose sa ama.

Tinawag ni Russel ang dalawang yaya na maagap din namang tumugon. Binilin niyang dalhin muna ang mga bata sa kuwarto. "Susunod din si Daddy, okay? We'll play after this." aniya na tinanguan ng kambal. Sumama na ang mga ito sa yaya nila.

"Iyon ba ang mga anak mo?" ani Leonor nang makatalikod ang mga bata. "Tita Lani and I already talked! Walang problema sa akin, Russ. I can be their Mom-"

Nagmura si Russel at nilapitan na si Leonor. Mariin ang hawak niya sa braso ng babae at hinila ito palabas ng unit. "Russ!-" daing nito.

Nag-aalala akong sumunod sa kanila. "Russel,"

"Oh, is this the mother of your children?" Tiningnan ako muli nito mula ulo hanggang paa, gaya ng ginawa kanina. Hawak pa rin siya ni Russel at malapit na sila sa pinto. "Akala ko katulong mo!" Nagpakita ang disgusto sa mukha niya.

Lalo pa siyang hinila ni Russel at halos itapon palabas ng pinto. Marahas siyang binitawan ni Russel nang nasa labas na siya. Iritado naman niyang inayos ang sarili at masama akong tiningnan. Tapos si Russel. "You can't do this to me, Russ! I will not let you do this to me! Hindi pa tayo tapos!" Pagkatapos ay padabog siyang tumalikod at umalis.

Awang pa ang labi ko at parang hindi agad rumihistro sa akin ang nangyari.

"I'm sorry," Naramdaman ko ang marahang hawak sa akin ni Russel at pinaharap ako sa kaniya. Pagkatapos ay niyakap. "Don't mind what she said. I will ban her. Hindi na siya makakalapit dito."

Niyakap ko rin siya pabalik. Parang iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon...

* * *

Natuloy nga kaming apat sa Disneyland. Tuwang-tuwa ang mga anak ko. First flight din nila iyon. At kung ano-ano na naman ang mga pinamili nilang mag-aama sa ibang bansa. At dahil summer na rin ay nagkaroon din kami ng maikling bakasyon sa isang resort hindi kalayuan sa Metro. Gumagawa lang talaga ng paraan si Russel para magkaroon siya ng maraming panahon sa amin ng mga anak niya. Pero alam kong abala rin siya sa kompanya nila...

"Russel," Nilabas ko siya sa nakabukas na veranda ng villa namin. Tulog na ang kambal at nakatulog na rin ako nang nagising at nakitang wala siya sa tabi namin.

Mula sa pool na kaharap lang nitong ni-rent naming tinuluyan dito sa resort ay maagap siyang bumaling sa akin. "Hey," nilapitan niya ako.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Hindi man niya sabihin ay may pakiramdam akong may problema siya sa trabaho. At wala akong magawa upang makatulong sa kaniya dahil ni hindi naman ako nakatapos ng high school...

Binigyan niya ako ng ngiti. "Of course, you're here with me." Niyakap niya ako. "Basta nasa tabi ko lang kayo ng mga bata. I will be fine." aniya.

Hindi pa rin ako napanatag.

"Wait," pinakawalan niya ako. "may ibibigay ako sa 'yo." Binigyan niya ako ng ngiti at sandaling pumasok siya sa loob.

Nanatili naman ako doon at naghintay. Nang makabalik siya ay ngiting-ngiti siya sa akin. Bahagya naman akong pinangunutan ng noo at napangiti na rin. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. At nanlaki nalang ang mga mata ko nang may pinakita siyang maliit na kahon at binuksan iyon na naglalaman ng isang singsing! "R-Russel..."

"This might not be the perfect place? I don't even think this is romantic," napangiwi siya sa sarili. "But," pinakatitigan niya ako. Nakatingin lang din ako sa kaniya, namumuo ang luha sa mga mata. "I really want to marry you... Hindi lang dahil sa mga anak natin. But because I love you. I love you, Jewel. You are the only girl I ever love. I've been waiting for this. I want you in my life. And our beautiful children. I don't think I could still live a life without you in it." Kumislap na rin ang luha sa mga mata niya.

Maagap kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko. Ngumiti ako sa kaniya kahit naluluha. "Kailan mo lang 'yan binili?" tanong ko.

"When we went to Japan. Remember noong nagpaalam akong mag-C.R. lang? While you were busy with our twins at sandali ko kayong iniwan. Bumili talaga ako ng singsing no'n." Bahagya siyang napangisi sa sarili. "I also planned to propose there, nga lang naging sobrang busy tayo sa mga anak natin. So I think this is it, huh? Habang tulog pa ang mga bata." aniyang nakangiti.

"Will you... marry me? Oh, shit." Bigla siyang lumuhod. "I almost forgot. Ganito pala dapat."

Nakangiti ako habang patuloy na ang pagbuhos ng luha at emosyon. "Oo," tumango-tango ako. Nanlaki ang mga mata ni Russel. "Magpapakasal ako sa 'yo, Russel." sabi ko.

Sinuot na niya ang magandang singsing sa daliri ko. Pagkatapos ay tumayo na at maagap akong niyakap at hinagkan. "I love you." aniya.

"Mahal din kita... Mahal pa rin kita." nasabi ko rin.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

Hindi naman mahirap tanggapin muli si Russel sa buhay ko. Nakita ko namang nagsisi na siya at sa mga panahong nakasama na namin siya ng mga anak ko ay pinaramdam niya sa amin na bumabawi talaga siya at na mahalaga kami sa kaniya. At wala akong nakikitang dahilan para hindi pa kami bigyan ng pagkakataon. Lalo at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin talaga siya. Siguro ay natabunan lang ng galit ko noon. Siya lang din ang lalaking minahal ko.

Hanggang sa narinig ko mismo sa Mama ni Russel ang nangyayari. Natigilan ako at hindi natuloy sa pagpasok sa study ni Russel dito sa penthouse niya. May dala akong juice para sa kanila. Humigpit ang hawak ko sa tray. Nanatili ako doong nakatayo sa labas ng pintong bahagyang nakaawang pabukas.

"Inuuna mo pa ang ibang bagay! Wala ka talagang pakialam sa pinaghirapan namin ng Dad mo!" Narinig kong sumbat ng ina ni Russel sa kaniya.

"Lani, calm down-" boses naman iyon ng Dad ni Russel.

"Calm down?! Raphael! Paano ako kakalma kung babagsak na ang company natin-"

"Mom," pigil ni Russel sa ina. "I told you, hindi mangyayari 'yan. Just give me time. I'm working on it."

Narinig kong nag-w-walk out na ang Mommy ni Russel kaya mabilis nalang akong tumabi doon. Tumigil ito nang nakita ako. Masama ang tingin nito sa akin. Yumuko ako. Nilagpasan na rin niya ako.

* * *

"We'll meet with the wedding planners-"

"Russel," pigil ko. Nakahiga na kami sa kama namin at nakaunan ako sa dibdib niya. Habang nakayakap din ang mga bisig niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Unahin mo muna ang mga kailangan mong gawin. Makakapaghintay naman ako. Ang kasal natin puwedeng saka na lang kapag maayos na ang lahat..."

Nakatingin kami sa isa't isa. Nagbuntong-hininga siya at unti unti rin tumango. Lalo niya akong niyakap ng mahigpit. Hinagkan hanggang lumalim ang halikan namin...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro