Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen

Chapter Fourteen



Leave



"Bumalik tayo." sabi ko sa driver.

Sumunod ito at nakabalik kami sa building. Umakyat ako sa tamang floor at nakasalubong din ang secretary ni Russel. "Where's your boss?" I asked.

Giniya ako nito sa office ni Russel. Agad siyang napatayo nang nakita ako. "Jewel,"

"Nasaan ang mga anak ko?"

Tumango siya at sumama na ako sa kaniya. Nasa school pa raw ang mga anak ko pero pauwi na rin at pinasundo niya sa driver dahil masama ang pakiramdam ni Primrose. "Okay lang ba siya?" nag-aalala kong tanong habang nakaupo sa shotgun seat ng kotse niya.

He nodded while driving. Kinalma ko ang sarili. Halong emosyon ang nararamdaman ko.

Nakarating kami sa isang maganda at malaking bahay. Nasa isang exclusive subdivision din iyon. Bumukas ang gate at pumasok ang kotse ni Russel. Ang bakuran pa lang ay malapad na. Huminto ang sasakyan at lumabas na kami. Sinalubong kami ng ilang kasambahay.

"Nasaan na sila?"

"Pauwi na." sagot ni Russel.

Tumango ako. Magkahawak ang mga kamay ko at hindi na ako makalma at bahagyang pabalik balik ang lakad sa malaking living room ng bahay. Naghalo halo na ang nararamdaman ko sa loob loob ko. Hindi ako mapakali at hindi ko halos malaman ang saktong dapat na maramdaman sa mga sandaling iyon.

"Daddy!"

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko.

Sinugod si Russel ng dalawang batang kakarating lang. Yumakap ang mga ito at humalik sa kaniya. Bahagya siyang napatawa. Habang naroon ako halos nanigas sa kinatatayuan at pinanood sila. Kinumusta ni Russel ang anak dahil masama raw ang pakiramdam nito. Abala ang mag-aama at hindi pa agad nakabaling sa akin.

Nang bumaling na sila sa akin ay malakas na lalo ang pintig sa dibdib ko.

Sa una ay pareho lang silang nakatingin sa akin as if I was a stranger in their eyes. Unang nag-iwas ng tingin si Primrose at bumaling lang kay Russel. "I wanna rest, Daddy..." sabi nito at humawak sa ama.

"Mama..." nasambit naman ni Prince.

Agad bumagsak ang mga luha ko. "A-Anak..."

"Daddy," Hinihila na ni Primrose si Russel. Pero dahil hindi agad siya nadadaluhan ng ama ay nagtawag ito ng kasambahay. "Yaya!"

Maagap na may dumating na katulong. Walang lingong sumama doon si Primrose at diretso lang paakyat sa sunod na palapag ng malaking bahay.

My lips parted. "Primrose..." halos bulong iyon. Sinundan ko siya ng tingin na hindi na talaga lumingon sa akin.

Bumaling ako sa isa ko pang anak. "Prince-"

"I'll go upstairs, Dad. I'll check on Primrose." sunod na paalam ni Prince at humabol sa kapatid.

Ang sakit ng dibdib ko.

Tumingin ako kay Russel na apologetic ang mga matang nakatingin din sa akin. "I'm sorry, Primrose is just not feeling well-"

"Ano'ng ginawa mo?!" I cut him off. "Ano'ng sinabi mo sa mga anak ko? Bakit sila gano'n sa 'kin?!"

He looked like he was taken aback by my accusation.

Umiling siya. "I didn't..." His lips were parted.

Tinalikuran ko siya at tinungo ang hagdan para mapuntahan ang mga anak ko. Maraming pinto sa tahimik na pasilyo. Nakasunod sa akin si Russel at tinuro sa akin ang bedroom ni Primrose.

Naabutan ko doon ang anak ko na kakatapos lang magpalit galing sa school uniform niya. Inaasikaso siya ng yaya niya. Papunta na siya sa kama niya nang nakitang pumasok ako sa kuwarto niya. "Yaya," tawag niya sa kasambahay. "I want to sleep."

Maagap na tumango ang kasambahay at sumulyap sa akin. Inayos nito si Primrose sa kama nito. Pumikit na ang anak ko nang tawagin ni Russel na nakasunod sa akin. "Primrose, your Mom is here."

"I wanna sleep, Dad." Nakapikit pa rin ito.

Nilagpasan ako ni Russel at nilapitan ang anak ko. He sat on the edge of her bed. Hinawakan niya ang anak at dinama ang noo at leeg nito. He leaned and whispered to our daughter. Bumukas ang mga mata ni Primrose at nakatingin lang sa Daddy niya. Umiling siya sa ama.

Bumukas ang pinto sa tabi ko at nakitang pumasok si Prince na nakapagpalit na rin ng damit. Saglit lang itong tumingin sa akin at nilagpasan din ako. Dumiretso sa tabi ng Dad at kapatid niya. Ang lalaki na nila... Muling bumuhos ang luha ko.

Nanatili lang akong nakatayo doon at nakatingin sa kanila. Tumingin sa akin si Russel at nakitaan ko ng pag-aalala ang mga mata niya para sa akin. Muli siyang bumaling sa mga bata.

"Ayaw ko nga, Dad!" Biglang tumaas ang boses ni Primrose kasunod ang pag-iyak.

Agad akong nag-alala at lalapit sana nang harangin ako ni Prince. "Leave! My sister is sick." mariing anang anak ko. "Umalis ka na noon bakit ka pa bumalik?" Mariin ang tinging pinukol ng anak ko sa akin.

Napaatras ako.

"Prince!" saway ni Russel sa anak. "That's your Mom." Bumaling siya sa yaya ni Primrose na naroon lang sa tabi. "Tawagin mo sila Manang. Pakitawagan na rin ang doctor ni Primrose." Sunudsunod ang mga naging utos niya habang abala kay Primrose. Alam na alam niya kung ano ang gagawin. Pinapakalma niya ang anak namin.

"Opo, Sir," Mabilis na lumabas ng room ni Primrose ang yaya para sundin ang mga inutos sa kaniya.

Nakatayo lang ako doon at parang hindi ko na malaman ang gagawin.

Hanggang sa dumating ang ilan pang kasambahay at ang doctor ni Primrose ay nanatili ako doon. Abala si Russel sa anak at si Prince din sa kapatid. Kumalma na rin si Primrose at kausap ni Russel ang doktor matapos nitong tingnan ang anak ko.

Unti-unti akong lumapit sa kama ni Primrose. Gusto ko siyang hawakan, sila ng kakambal niya. Hinarang lang muli ako ni Prince. Nasa labas pa si Russel at inaasikaso naman ng mga kasambahay si Primrose. May pumasok na isa pang katulong na may dalang soup para sa anak ko. Ang sabi ng doktor ay may konting lagnat si Primrose.

"Hindi ka pa ba talaga aalis? You heard what the doctor said, my sister should rest. And she can't rest because you're still here!" sunudsunod na sabi sa akin ni Prince.

"P-Prince, anak..."

He shook his head. Nag-angat siya ng tingin kay Russel nang nakabalik na ito sa kwarto matapos makaalis ng doktor. "Dad! Paalisin mo na po siya-"

"Prince," mariing pigil ni Russel sa anak.

Prince shook his head again at tinalikuran kami nito. He went to his sister.

Hinarap ako ni Russel. "Jewel-"

"Daddy," Primrose called.

Bumaling si Russel sa anak namin.

"S-Sige... Babalik nalang ako..." halos wala sa sarili ko nang nasabi.

Nabigla pa rin ako sa mga nangyari at sa naging reaksyon ng mga anak ko. Halos hindi ako makapag-isip at halos nablangko nalang ang isipan ko.

Tinawag pa ako ni Russel pero nagmamadali na akong makaalis. Hindi na rin niya ako nahabol dahil abala rin siya kay Primrose. Tinawagan ko si Sha para magpasundo.

Tuloy-tuloy akong lumabas hanggang sa gate. At palayo pa doon. Dumating din agad ang sundo ko at pumasok na ako sa sasakyan.

"Jewel-" salubong sa akin ni Sha nang nasa loob na ako ng sasakyan.

Yumakap nalang ako sa kaniya at umiyak. Humagulhol ako. Inalo nalang din ako ng kaibigan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro