Prologue
Prologue
Villa Martinez
Andrea
"Mom, hindi pa raw po kayo kumakain, sabi ni Manang." Kinuha ko ang food tray mula sa matandang kasambahay na nakasunod sa akin pagpasok ko sa kuwarto. Madilim ang paligid dahil hindi pa nabubuksan ang mga kurtina at ilaw. Nagkaroon lang ng liwanag nang mabuksan ang pinto dahil pumasok ako. My mother was in bed looking at nowhere.
I sighed and went to her with the food. Sinubukan ko siyang subuan pero tinabig lang niya ang kamay ko. Tinabig din niya ang lalagyan ng pagkain kaya natapon iyong lahat sa sahig. Hindi agad ako kumilos. Habang si Manang ay nagtawag na ng dagdag na kasambahay para malinis ang kalat.
I looked at my mother. Parang hindi na siya iyong mommy ko. I couldn't see any gentleness in her eyes every time she'd look at me. Galit na lang ang nakikita ko tuwing tinitingnan niya ako.
"Leave!" pagtataboy niya na hindi na rin bago. I was used to it already. Mula noong mawala ang kapatid ko ay parang gusto na rin niya akong mawala o sana, ako na lang talaga iyong nawala.
"M-Mom—"
"I said, leave! Leave me alone! Ayaw kitang makita! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala sa akin ang anak ko! Kasalanan mo! Kasalanan mo!" Paulit-ulit na naman niya akong sinisi.
Ang kaninang nanginginig lang na mga labi ay nasabayan na ng pagbuhos ng mga luha sa pisngi ko. Kahit ganito naman palagi ay nasasaktan pa rin ako. I love her. I loved my mother so much.
"Ano ang nangyayari dito?"
Napabaling ako sa pinto nang marinig ang boses ni Daddy. He just arrived home. He was a court judge, lawyer naman si Mommy. Pareho silang magaling na abogado. And I look up to them. Kaya nga nag-take din ako ng law. And I just passed the Bar.
Pinunasan ko ang mga luha.
Tumingin sa akin si Daddy. Tumango siya na parang sinasabing siya na muna ang bahala kay Mommy.
I nodded too and went outside. Kasunod ang mga kasambahay na kakatapos lang linisin ang natapon ni Mommy.
Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng master bedroom ng bahay namin. Hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto. Agad akong tumingin kay Daddy. He let out a sigh. Humakbang siya palapit sa akin.
"Congratulations, hija," sabi niya na may maliit na ngiti.
Napangiti na rin ako. "T-thank you, Dad."
"Binati na lang nila ako kanina sa office at topnotcher ang anak ko. I'm so proud of you, anak."
"Thank you, Dad," muli kong sabi at niyakap siya.
He tapped my back. "Pagpasensiyahan mo na ang mommy mo. Alam kong proud din siya sa iyo. She just misses your brother..."
"I know, Dad... I understand..." I said in pain.
"What's your plan?" he asked after we parted.
"Work," I answered.
Tumango siya. "How about rest?"
Kung hindi pa iyon sinabi ni Daddy ay hindi ko na talaga siguro mararamdaman ang pagod. Parang namanhid na ako. "You've been studying and reviewing for your Bar exam. And you did very well, Lia." He smiled. The lines at the sides of his eyes showed. "Give yourself a reward. Take a rest. And then after, madali na lang ang trabaho."
I smiled. Muli ko siyang niyakap at nagpasalamat. Pumasok akong muli sa kuwarto nila. Magpapaalam ako bago magbakasyon.
"Mommy... Aalis muna ako. Gift n'yo raw sa akin ni Dad. Thank you, Mom... Uh, kasama ko si Alecx. Magbabakasyon din daw kasi siya kaya magkasama na kami. Mommy..." Marahan akong lumapit at umupo sa gilid ng kama. I was looking at her. Nasa harap lang naman ang tingin niya. She refused to see a doctor. She refused everything. Nagkukulong lang siya rito sa kuwarto. "Mommy—"
Hinarap niya ako. Bahagya naman akong napalunok. "Sana ikaw na lang ang namatay!" And then she broke down again.
Nanatili ang mga mata ko sa kanya.
Ang sakit.
Tama si Daddy. I was tired. I was exhausted.
Niyakap ko si Mommy kahit pa itinutulak niya ako at nasasaktan ako. I cried. "I love you, Mommy... I'm so sorry. Sana nga ako na lang at hindi si Kuya... Para hindi ka na nasasaktan nang ganito. I'm sorry..."
Sumigaw na si Mommy kaya binitiwan ko na siya.
Pumasok na rin sa kuwarto si Manang.
Tumango ako sa kasambahay at umalis na.
"Wow..." Tinanggal ni Alecx ang sunglasses niya nang makarating kami sa lugar kung saan kami magbabakasyon. It was a resort on a beautiful island owned by Madam Elisabeth Martinez or Tita Elsa. Kilala ko siya dahil kaibigan siya ni Mommy. Kakabukas lang din ng resort na ito a few years ago. Sinalubong kami ng ilang staff ng resort. Kinuha nila ang dalang gamit namin ni Alecx. Nakapag-book na rin kami ng room sa hotel nila.
"Welcome to Villa Martinez!" masiglang bati ng isang babae.
Napangiti ako.
"Ipinapasundo po kayo ni Madam. Nasa mansiyon po siya ngayon," sabi niya at bumaling sa katabing lalaki. "Ito po si Tisoy. Siya ang magmamaneho ng sasakyan na maghahatid sa inyo doon."
Mula sa kinatatayuan namin ay kita ang puting mansiyon ni Tita Elsa na nasa tuktok ng isang mataas na lupa sa isla. "Oh." Nagkatinginan kami ni Alecx at nagkibit-balikat.
Sumama na kami at pumasok sa naghihintay na sasakyan. Bahagya akong siniko ni Alecx nang nasa loob na kami. We were both seated at the backseat. Bumaling ako sa kaibigan ko. We'd been best friends since high school.
We were classmates. Pareho kami ng school na pinasukan hanggang college.
Inginuso niya ang driver sa harap.
Napatingin din ako doon. I mouthed, "what?" nang ibinalik ko ang tingin sa kanya. Umiling lang siya. Bahagya namang nangunot ang noo ko at hinayaan na lang siya.
Pareho kaming naging abala sa tanawin sa labas. Grassland ang nadaraanan namin at ilang mga puno sa paligid paakyat sa mismong white mansion.
Ang ganda.
"Dito na po tayo, Ma'am," sabi ng driver at nauna nang lumabas.
Pinagbuksan niya kami ng pinto ng sasakyan. Nagkatinginan pa kami nang bumungad sa akin ang... guwapo niyang mukha.
Bahagya pa akong itinulak ni Alecx para tuluyan nang bumaba. Sumunod na rin siya. Kinuha naman ng lalaki ang dala namin. Sumunod din ang mga mata ko sa kanya.
Medyo dark ang balat niya dulot siguro ng trabaho sa resort. Their white printed polo shirt uniform almost hugged his muscled body. He looked clean on it. Clean and fresh sa kabila ng init ng araw. Umangat ang mga mata ko sa kanyang mukha... His eyebrows were thick. He had beautiful pair of eyes na parang pamilyar... Matangos ang ilong, and his lips...
"Ito na po ba lahat, Ma'am? Wala na po ba kayong naiwan—"
"Oo, oo, kumpleto na 'to. Salamat... Tisoy." Narinig ko si Alecx na sumagot. Tiningnan na rin yata niya ang pangalan ng lalaki sa pin na nasa shirt nito.
Medyo mahaba at magulo rin ang buhok ng lalaki na mukhang malambot. Hindi ko iyon napansin kanina dahil abala ako sa pagtitingin sa magandang paligid.
Napakurap ako, lalo na nang mapatingin siya sa akin. "Hija!"
Bumaling kami sa mansiyon sa harap namin. Sinalubong kami ni Tita Elsa.
She was as beautiful as the last time I saw her. The hem of her long elegant dress was almost touching the ground. Sa likod niya ay mga katulong at bodyguards.
We shared a cheek-to-cheek kiss.
"Galing akong Manila. Nagkita kami ni Christopher and he mentioned about you, hindi na lang nagpasabi at pinag- book ka pa sa hotel. You can stay here in the mansion!" she said.
"Tita—" Pero umiling siya at bumaling kay Alecx, saka ngumiti. "Tita, this is my friend, Alecx," pakilala ko.
Binati rin niya si Alecx ng beso. "You're both welcome here! Huwag na doon sa hotel at mas malalaki ang kuwarto rito."
Tumango na lang kami ni Alecx.
Inimbita kami ni Tita Elsa sa loob at nagpahanda pa pala siya ng lunch. Mabait talaga si Tita Elsa. Iyon ang naalala ko kahit bata pa ako noong dinalaw niya kami sa bahay namin sa Manila.
Napansin kong parang hindi ko na hawak ang phone ko. Nauna na sina Alecx at Tita Elsa sa loob. Binalingan ko ang sasakyan na naghatid sa amin. Nasa driver's seat na iyong lalaki at bukas na rin ang makina ng sasakyan pero hindi pa naman nakakaalis.
"Wait!" Patakbo akong lumapit doon.
Nakita naman niya ako at pinatay muli ang makina. "Naiwan ko yata ang cell phone ko sa loob," sabi ko. Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas din siya.
Binuksan ko ang sa backseat at naroon nga ang phone ko. Bumaling na ako sa kanya nang makuha ko na iyon. "Nakuha ko na." I smiled at him.
Pero ipinagtaka ko ang reaksiyon niya na mukhang gulat na nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa akin... sa dibdib ko... Napababa na rin ako ng tingin doon at nakitang natanggal pala ang isang butones sa suot kong button-down summer dress. Natanggal siguro kanina nang nagbabatian kami ni Tita Elsa.
Nanlaki ang mga mata ko at agad itinakip sa dibdib ko ang mga braso. Lantad na halos ang boobs ko sa harap niya dahil mababa rin talaga ang neckline ng damit ko!
"Bastos!" hindi ko naiwasang sabihin sa pagkapahiya.
And he looked taken aback. He looked like a kid being caught. "M-Ma'am, sorry—"
Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis ko siyang tinalikuran at halos lakad-takbong umalis palayo, yakap ng mga braso ang dibdib at nag-iinit ang mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro