Chapter Twenty
Chapter Twenty
Family
Tisoy
Naabutan ko si Kayla sa basement. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya kay Lia. Ganito na ba siya noon pa? Sinasaktan niya ang kapatid niya?
"A-Allen, why are you here?"
My jaws clenched. "What did you do?"
"What?" Parang may napagtanto siya. "Magkasama ba kayo ni Andrea?"
I saw anger and hatred in her eyes. Hindi para sa akin kundi para sa kapatid niya.
Ngayon ko lang nalaman na ganito pala siya kay Lia. Parang ang dali niyang magalit sa kapatid niya. Nagawa pa niyang pagbuhatan ng kamay.
Mahigpit kong hinawakan ang braso niya. Agad niyang ininda ang hawak ko. "Huwag mo nang sasaktan pa uli si Lia. The next time you hurt her, you will not like what I would do to you," I warned her. She couldn't just hurt Lia. Lalo at nandito na ako.
Hindi siya nakapagsalita at mukhang nagulat.
Iniwan ko na siya doon at bumalik na ako sa unit ni Lia. Her father called that day. Nasabi na rin ni Lia sa papa niya na ako ang ama ni Toffie. Pinapapunta siya nito sa birthday ng asawa nito sa bahay nila. "Lia, I can go with you—"
Umiling siya. "Dito ka lang para may kasama si Toffie. Sandali lang din naman ako doon."
I was worried. Lalo at nalaman ko mula sa kanya na hindi pala talaga sila okay ni Kayla at ng ahma niya.
She gave me a smile to assure me. "Kung gusto mo, ihatid at sunduin mo na lang ako mamaya?"
I nodded. Iniwan muna namin si Toffie sa yaya niya. "Sunduin mo na lang ako mamaya." She kissed my cheek at lumabas na siya ng sasakyan.
Nag-aalala pa rin ako sa kanya habang nagda-drive ako pabalik sa condo para balikan ang anak namin. When I arrived, ibinigay ko muna kay Toffie ang atensiyon ko. Naglaro kami ng mga toy car niya. He liked cars. At natutuwa ako na paborito niya iyong ibinigay kong regalo noong birthday niya.
I remembered the first time I saw Lia on the island. Agad akong nagandahan at humanga sa kanya. Lalo at mabait din siya. At halatang galing sa may kayang pamilya. While I was only the Tisoy she knew then.
Noong nawala ang alaala ko at napadpad sa isla, tinanggap ko na rin ang buhay ko doon. Mahal din naman ako nina Nanay at Tatay at inalagaan nila ako. Pero noong nakilala ko si Lia sa isla, parang hindi na ako nakontento sa buhay ko doon. Ginusto kong makaalis. I wanted to be a better person that she deserved.
Kaya noong nagpakita sa akin si Daddy at sinabi niyang anak niya ako at kung ano talaga ang buhay na mayroon ako sa Maynila ay mas nagkaroon ako ng pag-asa para sa amin ni Lia kahit pa bigla na lang siyang nawala noon at hindi ko pa alam kung saan siya hahanapin.
"'Nay." Pumasok ako sa bahay. Galing kami ni Tatay sa pangingisda. "Si Andrea po?" Siya agad ang hinanap ko.
"Nagpaalam siya sa 'kin kanina na magpapahangin lang sa labas," sabi ni Nanay.
And I looked for her. Pinuntahan ko na sa villa pero wala na siya doon. Halos mabaliw ako. Ang daming tanong sa isip ko. Wala siyang sinabi. Wala naman kaming pinag-awayan. Bigla na lang siyang nawala.
Sumama ako sa Maynila para talaga hanapin si Lia. And I found her. Kasabay niyon ay nalaman kong magkapatid daw kami. Lalo akong parang mababaliw. Hindi ko iyon matanggap! Ginusto ko na lang maging si Tisoy uli sa isla. Kaysa ganito na magkapatid pala kami.
She cried in front of me. Nakiusap na itigil na namin at kalimutan iyong mga nangyari sa isla. But I couldn't do that! Tingin ba niya ay ganoon lang kadali iyon?
Pero nang makita kong nasasaktan din si Lia ay sinubukan ko. Para sa kanya. Pero hindi ko rin talaga kaya. Lalo noong nakikita ko siyang lumalabas kasama ang ibang lalaki. It was killing me. Hindi ko talaga kaya.
Nang sumabog ang katotohanan na hindi kami magkapatid ay umalis si Lia sa bahay. Abala pa ako noon kay Mommy sa ospital. Nang umuwi ako sa bahay at agad siyang hinanap, ang sabi lang ni Manang ay umalis daw siya. Agad ko siyang hinanap. Nagpaalam ako kay Daddy. Hinahanap na rin siya ni Mommy.
I found her in Villa Martinez.
Pagkatapos ay iniwan na naman niya ako.
Nang magising ako ay wala na si Lia sa tabi ko. Bumalik ako sa Maynila at nakilala si Damien Chiong. He said that he was Lia's father at nasa kanila raw ito. And he assured us that they would take care of her.
Mommy cried. She was sick. Kaya dinala na namin siya ni Daddy sa States. Nangako akong babalikan si Lia.
Sa States na ako nagpatuloy sa pag-aaral. I also met some friends there. Minsan ay sumasama na lang ako sa kanila para mabawasan ang pag-aalala ko sa maraming bagay. One time I tried racing that caused my accident. Naisugod naman nila agad ako sa ospital at pagkagising ko, nakakaalala na ako.
I remembered everything. I remembered Lia... Naalala ko na kahit noong mga bata pa lang kami at kahit kapatid ang pagkakakilala ko sa kanya ay may lihim na akong pagtingin sa kanya. That I would wish then na sana hindi na lang kami magkapatid. Kaya siguro kami nagkahiwalay noon sa barko at napadpad ako sa ibang lugar at nawalan ng memorya. Para magtagpo muli kami sa ibang pagkakataon... Because who knew? Kung hindi iyon nangyari, baka hindi na namin nalaman ang katotohanan.
Pero nang makabalik ako, pinangunahan agad ako ng damdamin. I was illogical. I really thought she was married with a kid. Hindi ko naisip na maaaring ako ang ama ni Toffie. She was right. I was really stupid. When I heard Toffie calling that Atty. Castillano "Papa,"agad na akong nag-isip ng ganoon.
Pero kalaunan ay napagtanto ko rin. I already had I hint that Toffie was my son. Pero hinintay ko lang at gusto ko na kay Andrea mismo manggaling. Kaya gusto ko siyang kausapin pero iniwasan niya ako noong una. I couldn't blame her. I was an asshole.
Hinintay ko si Lia sa club noong pare-pareho kaming naimbitahan ni Atty. Valencia dahil birthday niya. Gustong-gusto ko nang makapag-usap kami. Kaya rin ako nasa Alcantara-Ledesma and Associates Law Firm ay dahil naroon siya. And I hated it every time I'd see her with that guy.
Kaya noong nakita ko silang sobrang lapit sa isa't isa sa dance floor ay agad ko nang nilapitan at inilayo si Lia. Doon na rin niya tuluyang nasabi sa akin ang tungkol kay Toffie... At nagsisisi talaga ako hanggang ngayon na wala ako sa tabi nila. Lalo noong nagbubuntis pa siya sa anak namin. Dapat ay naroon ako at naalagaan siya. Dapat naroon ako habang lumalaki ang anak namin... Pero wala na. Tapos na. Nangyari na ang mga nangyari. Isa na lang ang ipapangako ko ngayon. Hinding-hindi na sila mawawala sa tabi ko.
When I received a text message from Lia na tapos na siya sa bahay ng papa niya ay agad akong kumilos para masundo siya. Maingat akong umalis sa tabi ni Toffie. Napatulog ko na siya.
Hindi nakatakas sa akin ang halatang pag-iyak ni Lia nang pumasok na siya sa sasakyan. Kahit umiwas pa siya at sinubukang itago ay napuna ko pa rin iyon at naramdaman.
"Huwag na, Kristoff, please. Umuwi na lang tayo... Please..." pigil niya sa akin nang tangkang lalabas ako ng sasakyan para pumasok sa bahay ng papa niya.
Nagtagis ang mga bagang ko at galit na nagmaneho. Mabilis lang din kaming nakarating sa condo. Nakasunod siya sa akin. Dumeretso ako sa guest room.
Hinarap ko siya. "Ganoon pala ang trato nila sa 'yo?"
"Sanay naman na ako—"
"Hindi puwedeng masanay ka na lang, Lia!" Tumaas ang boses ko.
Panibagong luha ang bumuhos mula sa mga mata niya. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap. I kissed the side of her head.
"M-mabait naman sa 'kin si Papa..." Nanginig ang boses niya.
"What did they tell you?"
"Na... Nakakadiri daw ako at kapatid ko pa raw pala ang ama ng anak ko—"
"We're not siblings!" I wanted to curse so much.
"Ayos lang..."
"Lia—"
"Hindi, ayos lang talaga. Ganoon na ang tingin nila. I realized many things, Kristoff. Noong umalis kayo nina Mommy at naiwan ako. This is the reality. I realized that people would think what they want to think. Lalo kapag iyon na ang gusto nilang paniwalaang opinyon sa 'yo. Kahit mag-explain ka pa. Kapag ayaw nilang makinig ay wala rin... Masakit lang kasi pamilya ko sila—"
Humigpit ang yakap ko sa kanya. Muli ko siyang hinalikan. "Hindi lang sila ang pamilya mo, Lia. Nandito kami ni Toffie. We are your family... Your home. Kami ng anak natin."
I felt her nodding her head. Yumakap din siya sa akin nang mahigpit. "Dumating ako noon sa puntong hindi ko na alam kung saan ako pupunta... That time, I felt like I lost my home..."
"You're home now, Lia." Muli ko siyang hinalikan. And I am home, too. It's always the people we find our home with. "I love you, Lia..."
Kumalas siya sa mga bisig ko at nagkatinginan kami nang ilang sandali. I lowered my head and slowly pressed my lips against her. Napapikit siya. I closed my eyes, too.
"I love you..." she said in between kisses. I lifted her up and carried her to bed.
I loved and admired Lia so much. And I loved her even more for being so brave and for standing up for our son while I was still away. She was and would be the only woman I would ever love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro