Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twelve

Chapter Twelve



Lost



Tahimik kong pinagmamasdan si Tisoy habang natutulog siya. Inangat ko ang isang kamay para marahang mahawakan ang kanyang mukha. Pinasadahan ko ng haplos mula sa may kakapalan niyang mga kilay pababa sa mga mata niya. His long lashes matched his deep eyes. Ang matangos niyang ilong, his reddish lips, down to his jaw...

Maingat kong inalis ang pagkakayakap ng mabigat niyang braso sa dibdib ko. I was careful not to wake him up. Walang ingay na bumangon at umalis ako ng kama.

Madilim pa nang lumabas ako ng villa at umalis ng isla. Pinuntahan ko ang address na ibinigay sa akin ni Manang.

Nang makarating doon ay pinagbuksan ako ng isang babae.

"Sino sila? Ano'ng kailangan nila?"

"Uh, dito po ba nakatira si Chona—"

"Chona? Kapatid ko iyon. Nakababatang kapatid niya ako. Bakit?"

I looked at her. Ibig sabihin, tita ko siya. Wala akong nakilalang tita o tito na kapatid nina Mommy habang lumalaki ako. Pareho kasi silang only child ni Daddy. Sina Tito Rome at Tita Joy na siguro ang pinakamalapit nilang kamag-anak.

"Ang sabi po kasi sa akin, dito siya nakatira."

Umiling siya. "Bahay 'to ng mga magulang namin at pareho na silang patay. Ako na lang ang nakatira dito kasama ang asawa at mga anak ko. Hindi na rito nakatira ang Ate Chona."

"Uh..."

May ibinigay siyang address sa akin at doon daw nakatira ang hinahanap ko. Umalis na ako at iyong address na ibinigay niya ang pinuntahan ko.

"Tao po!" Hindi naman ito ganoon kalayo sa nauna kong pinuntahan. Ibang barangay lang.

Pinagbuksan ako ng isang matangkad at payat na babae. Nagkatinginan kami. She aged, pero kamukhang-kamukha niya iyong babae sa picture na dala ko rin.

"Ako po si Andrea..."

Pinapasok niya ako sa bahay nila at pinaupo sa maliit na sofa sa sala. May naabutan din akong batang babae doon. She was looking at me. I gave her a small smile. Ngumiti rin siya sa akin.

"Ito ang bunso ko. May dalawa pa siyang nakatatandang kapatid. Ang ate at kuya niya ay nasa eskuwela pa. Siya naman, hindi ko muna pinapasok at medyo may lagnat." Bumaling siya sa bata. "Pasok ka muna sa kuwarto?"

Tumango ang bata at nagpaalam sandali. Naiwan kaming dalawa sa maliit na sala.

"Si Manang Helen ang nagpapunta sa 'yo," she said calmly.

I nodded.

She sighed. "Bakit ka pa umalis sa mga Navarro? Nangako sila sa akin na hindi ka nila pababayaan. At alam kong maganda ang buhay mo doon."

"Bakit n'yo po ako ipinamigay?" I said, looking at her. I had so many questions. At gusto kong masagot ang mga iyon. Dahil kapag hindi, pakiramdam ko ay tuluyan na akong maliligaw sa mundong ito. Pakiramdam ko, bigla akong nawalan ng direksiyon.

Nakatingin din siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. "Bata pa ako noon. Eighteen lang ako nang magbuntis at nanganak ako sa 'yo. Hindi alam sa amin dito sa probinsiya ang nangyari sa akin sa Maynila. Hindi ko alam ang gagawin ko noon pero itinuloy ko pa rin ang pagbubuntis ko sa 'yo. Hindi ko rin naman kayang pumatay ng walang muwang. Ang solusyon ko noon ay ipapaampon na lang kita pagkatapos kong manganak at bago ako umuwi rito." Hindi ako nagsalita. Namumuo ang luha sa mga mata ko. In front of me was my real mother. Pero parang wala lang siyang reaksiyon. Ni hindi niya ako nagawang yakapin ngayong nagkita kami sa unang pagkakataon pagkatapos ng maraming taon. Nakaupo lang siya doon at kaharap ko. Muli siyang bumuntong-hininga. "Bakit ka pa umalis doon? Alam kong mabuting tao sina Ma'am Analia at Sir Christopher. Noon pa nila gustong magkaanak ng babae pero mahirap talagang magbuntis si Ma'am Analia. Ilang beses din siyang nakunan, mabuti nga at naipanganak pa nila si Kristoff. Sila rin ang nagbigay ng pangalan sa 'yo."

"Hindi ko sila tunay na mga magulang."

Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay muling bumuntong-hininga. Kumuha siya ng papel at may isinulat. Pagkatapos ay iniabot sa akin. "Dito pa rin naman siguro siya nakatira. Siya ang tatay mo."

Tinanggap ko iyon at tiningnan ang nakasulat na address at pangalan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso lang siya.

"Hindi alam ng asawa ko ang nakaraan ko." Nakatingin ako sa kanya. Sa mukha niya. Akala ko noon, nagmana ako kay Mommy. We had the same almond eyes. Pareho rin kaming maputi. Iyon lang siguro. And looking at my biological mother right now, I could say na mukhang sa kanya ako nagmana. Ang hugis ng mukha, ang ilong, ang mga labi.

"Mahal."

Agad siyang napatayo para salubungin ang kadarating lang.

"May bisita pala tayo," sabi nito na tiningnan ako. Napatayo ako at magalang na bumati.

"Malayong kamag-anak, mahal. Dumalaw lang. Aalis na rin siya."

Pumasok sa kusina iyong lalaki.

Muling bumaling sa akin ang tunay kong ina. Hinawakan niya ako at dinala sa labas. "Sige na, umalis ka na," tulak niya sa akin.

Nanatili akong nakatingin sa kanya. Sandali rin siyang tumigil sa pagtulak sa akin. Nagkatinginan kami. Alam kong kita niya ang panunubig ng mga mata ko.

She hugged me. Doon na tumulo ang mga luha ko. Sandali lang iyon at balik muli siya sa pagtulak sa akin paalis. "Sige na." Isinara niya ang gate nila.

I wiped my tear. Tumalikod na rin ako at naglakad paalis. Nang makabalik sa Manila ay pinuntahan ko iyong address ng tatay ko. Nakatayo ako ngayon sa labas ng isang malaking bahay. Dito siya nakatira. Lalapit na sana ako sa mataas na gate para mag-doorbell nang mapatabi ako dahil may dumating na sasakyan.

Lumabas mula doon ang isang matangkad na lalaki. Mas bata lang siguro siya nang ilang taon kay Daddy. Nagtagpo ang tingin namin. Nilapitan niya ako. He stopped in front of me.

"Hinahanap ko po si Damien Chiong..." I said.

"I am Damien Chiong," he said, looking at me. He's my father.

Tinanggap ako ni Papa sa bahay nila ng asawa at isa niyang anak na babae. Halos kasing-edad ko lang si Kayla. Obvious ang disgusto nito sa akin at ganoon din si Tita Mari. Pero wala silang nagawa sa desisyon ni Papa.

"She's my daughter, Marichelle! At dito na siya titira sa bahay ko sa ayaw n'yo man o gusto," I heard him saying that to his wife.

"Bahala ka, Damien!" Tita Mari walked out.

"Kamukhang-kamukha mo ang mama mo." Ngumiti sa akin si Papa. I remembered Chona, my mother. "Chona was one of our maids here... We had an affair," he said after a sigh. "Noong nalaman ng Tita Mari mo at ng ahma mo, pinalayas siya. Wala ako noon dito sa bahay. Wala akong nagawa... I didn't know she was pregnant..."

Mabait sa akin si Papa at naaalala ko si Daddy sa kanya.

Pareho silang mabuting ama.

Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa pamilya ng tatay ko. He was my father kaya tingin ko, dapat lang na narito ako.

Kaya tumira na talaga ako sa kanila. Nasa bahay lang ako at hindi lumalabas.

Masaya ako kapag nandiyan si Papa at umiiwas naman ako kina Kayla at Tita Mari. Malaki itong bahay at hindi kami basta-bastang magkikita kung nasa kuwarto lang ako palagi at lalabas lang kapag nandiyan na si Papa. Nakakausap ko rin ang ilang katulong kaya kahit paano, kapag wala si Papa at abala sa kompanya ay may nakakausap ako.

Kahit ayaw sa akin ni Tita Mari, sinusubukan ko namang lumapit sa kanya. Pero inilalayo talaga niya ang sarili sa akin at hindi ako pinagtutuunan ng pansin sa bahay nila.

Mas okay na iyon kumpara kay Kayla na minsan, kapag nagkakasalubong kami ay kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi sa akin.

"Anak ka lang ng isang katulong! Hindi ka nababagay dito sa bahay namin at sa pamilya namin!"

Dama ko ang inis ni Kayla sa akin. Ayaw niya sa akin.

Ayaw niyang naroon ako sa bahay nila.

"Dito sa bahay magdi-dinner ang ahma mo bukas at ipapakilala na rin kita sa kanila." Papa smiled at me. Nasa dining area kami nang araw na iyon.

Tumango ako at napangiti nang tipid. Nakita ko ang pag-irap ni Kayla. Si Tita Mari naman ay nasa pagkain lang ang atensiyon.

Nang sumunod na araw, maaga pa lang ay naghanda na ako. I was nervous. Umasa akong sana ay magustuhan din nila ako. Naging uhaw na nga yata ako sa pagtanggap. Pakiramdam ko ay nagbago na ang pagkatao ko at gusto ko na lang matanggap ako ng mga taong parte ng bago kong buhay.

Suot ang isang simpleng dress that I paired with quality heels ay lumabas na ako ng kuwarto. Wala akong masyadong nadalang damit kaya pinabilhan ako ni Papa ng mga gamit at damit sa sekretarya niya. Hindi naman ako mapili. I could use or wear anything, basta komportable. And I love dresses! Kaya natuwa ako na halos dress ang mayroon ako ngayon sa closet ko.

Nakasalubong ko si Kayla. Hindi siguro kami mapagkakamalang magkapatid. Maputi rin ako but she was paper white. And she had chinky eyes. Typical na mga mata ng isang may dugong Chinese.

Tiningnan niya ang ayos ko. Sumama na naman ang kanyang mukha. Padabog niya akong tinalikuran at bumalik sa kuwarto niya.

Nagpatuloy ako sa pagbaba sa dining area. Naroon na sina Papa at Tita Mari kaya umupo na rin ako doon. Sumunod si Kayla na nakita kong iba na ang suot. Halos kapareha ng sa akin. Sinimangutan at inirapan niya ako nang makitang nakatingin ako sa kanya.

Dumating na nga si Ahma. Lumapit ako sa kanya at magalang siyang binati. May inihanda rin akong ngiti pero hindi naman siya ngumiti sa akin.

Naroon din ang dalawang kapatid ni Papa na babae.

Matagal na raw wala ang lolo ko.

Lahat kami ay umupo na at nagsimula nang magsilbi ang mga katulong.

"Nakausap mo na ang mga Navarro, Damien?" baling ni Ahma kay Papa. Tahimik ang mesa at siya pa lang ang nagsalita.

Papa nodded at his mother.

"I know Judge Navarro." Tumingin si Ahma sa akin. Kinabahan ako. She was really scary for me. Kahit ang tingin pa lang niya.

Iniba ni Papa ang usapan kaya pansamantalang nawala sa akin ang atensiyon. Pero tumayo rin siya and excused himself to answer a call na may kinalaman siguro sa family business na siya ang nagpapatakbo.

At parang hinintay lang nila na mawala si Papa. I could see Kayla smirking.

"Ano ba ang inaasahan mo sa pamilya namin?" It was Tita Danica, Papa's older sister.

"G-gusto ko lang pong makilala ako ni Papa—"

Tita Danna laughed with no humor. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. "And then? Manghihingi ka na ba ng mana? Wala kang ipinagkaiba sa ina mong mukhang pera. Kumabit sa may asawa. Akala naman talaga niya iiwan ni Kuya si Mari para lang sa kanya?"

"That woman is a trash," kalmadong sabi ni Ahma na sumimsim ng tubig sa baso.

Nakita nilang pabalik na sa mesa si Papa.

Nasaktan ako sa itinawag ni Ahma sa mama ko. Hindi man naging maayos ang pagkikita at pag-uusap namin noong pinuntahan ko siya ay ina ko pa rin siya. I could only imagine what she'd been through with Papa's family. Kaya siguro parang ayaw na niyang balikan ang nakaraan niya.

"Ang DNA test, Damien?"

Bumaling si Papa sa kapatid niya. "Hindi na kailangan, Ate. She's my daughter."

Tiniis ko lang ang dinner na iyon hanggang sa makaalis sila. Walang alam si Papa sa mga sinabi sa akin ng pamilya niya.

That night, I cried myself to sleep. Ni minsan ay hindi ko naranasan ang ganoon noong sina Mommy at Daddy pa ang kilala kong mga magulang. Naramdaman ko ang pamilya sa kanila. Ang pagmamahal. Lumaki naman akong mahal na mahal nina Mommy at Daddy. Hindi tulad sa nararamdaman ko ngayon sa tunay ko talagang mga kadugo.

The next day, I tried opening my phone. Noon ko pa lang iyon binuksan. Agad na may pumasok na tawag galing kay Manang. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba iyon.

"Manang—"

"Andrea! 'Buti naman at sumagot ka na. Noong nakaraan ka pa namin sinusubukang tawagan pero nakapatay yata ang cell phone mo. Nag-aalala sa 'yo ang mommy at daddy mo."

"Kumusta na po sila, Manang?" I felt guilty. Umalis na lang ako basta. Pero magulo rin kasi ang isip ko. "Hinahanap ka nila... Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari at nagdesisyon silang umalis ngayon at mangibang-bansa. Doon na rin magpapagamot si Analia—"

Napabangon ako mula sa pagkakasandal sa kama. "Po? Nasaan po sina Mommy?" Lumakas ang tibok ng puso ko.

"Nandito pa sa bahay. Pero paalis na rin. Ngayong umaga ang flight nila—"

Ibinaba ko na ang tawag at nagmadali. Lumabas ako ng kuwarto at tuloy-tuloy sa pagbaba. Hindi ko na pinansin si Kayla na mukhang haharangin pa sana ako at pagsasalitaan na naman ng masama.

I rode a taxi to our house. Nang makarating doon at makababa ng sasakyan ay naabutan ko pa ang sasakyan namin. 'Kita ko pa iyon pero nakalayo na. Hinabol ko iyon.

"Mommy!" I was running after the car. "Daddy!"

I knew it was stupid. Pero gulong-gulo na ang utak ko. Hindi ko na alam ang iisipin at gagawin. Hindi ko na alam kung saan talaga ako pupunta. I was so lost. Parang hindi na ako makapag-isip nang tama o maayos.

I remembered our memories together habang patuloy ako sa pagtakbo at paghabol sa kanila. Noong bata pa ako. When Dad would make time for me at siya pa mismo ang magtu-tutor sa akin, lalo na sa Math. When Mom would cook my favorite food. When she would hug me and tell me she loves me and that I was her baby...

Para akong bata na umiiyak habang hinahabol ang mga magulang niya para pigilan sa pag-alis. Dahil hindi pa niya kaya. Natatakot pa siya at kailangan pa niya ang kanyang mga magulang.

"Daddy... Mommy..." Napaupo na lang ako sa daan nang makaliko na ang sasakyan at hindi ko na matanaw. "Mommy..." I cried.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro