Chapter Six
Chapter Six
Brother
"M-Magpapahangin lang po ako sa labas..."
"Sige, magluluto na rin ako ng almusal."
I looked for my way out. Parang hindi ako makahinga.
Tisoy... He was my... brother. And I... fucked my own brother! Oh, my God!
Napaupo ako sa buhanginan. My head was aching and my heart hurt. I felt so bad. Pakiramdam ko ay mahihimatay na lang ako. I clutched my chest.
The sun started rising. I parted my lips to breath. Big tears fell down my cheeks. Pinilit kong tumayo and made my way to where I could ride a boat back to Villa Martinez. Nang makarating sa isla ay agad akong dumeretso sa mansiyon para sa mga gamit ko. Nagpaalam na rin ako kay Tita Elsa at sinabi ko na lang na kailangan ko nang bumalik ng Manila. Hindi naman na siya nagtanong pa at hinayaan ako. I thanked her and she said her regards to my parents. "I still look forward to seeing Analia back to her old self again." She hugged me.
Hindi ako nagsalita at dumeretso na sa kuwarto ko. "What's happening?" Si Alecx na naabutan akong nag-eempake ng mga gamit ko.
Nagpatuloy ako sa ginagawa. "Bumalik na tayo ng Manila, Alecx."
"What?"
Tumigil ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Parang wala pa ako sa sarili. I sighed. "I'm sorry. Puwede ka namang magpaiwan dito. I know Tita won't mind, she likes you. Kailangan ko na talagang umalis. Sorry."
Nilapitan niya ako. "Are you okay?" she asked worriedly. I nodded.
Umiling naman siya. "No, you're not okay. Pero sige, hindi na muna kita pipilitin kung ayaw mo pang magsabi. Magliligpit na rin ako ng gamit ko."
"Thank you, Alecx."
Lumabas na siya at nagpatuloy naman ako sa ginagawa. Nagpaalam na rin kami ni Alecx kina Kaz at Ryder. Wala doon si Russel at noong pagkatapos pa ng kasal nakaalis sina Myrrh.
"Take care. Baka susunod na rin ako sa inyo."
I hugged Kaz. And thanked her for the friendship. Magkikita-kita na lang kami kapag nakabalik na rin sila ng Manila. I don't know... Hindi ko pa talaga alam kung ano ang sunod kong gagawin. Basta kailangan ko nang makaalis ngayon.
Nasa eroplano na kami ni Alecx pabalik ng Manila nang maalala ko ang mga nangyari...
I smiled upon seeing my brother already outside my classroom through the window. Tapos na ang klase nila at hinihintay na lang niya ako. Sabay kaming umuuwi.
Tumayo na kami nang mag-dismiss na iyong teacher namin. Ipinasok ko na sa bag ang notebook ko nang lapitan ng ilang kaklase.
"Andrea, ipakilala mo naman kami sa kuya mo," one of my classmates said.
My lips parted for words. "Uh, o-okay..."
Mukhang natuwa naman sila. Sumabay ang tatlong babae kong kaklase sa akin palabas ng classroom namin kung saan naroon na rin si Kuya at naghihintay sa akin.
Puwede naman siyang maghintay sa sasakyan na lang. Alam kong nandiyan na ang sundo namin. Pero mukhang tinitingnan niya kung may kaklase raw ba akong lalaki na pinopormahan ako. Si Kuya talaga. Alam ko naman na bawal pa akong magpaligaw. Sinabi rin iyon sa akin ni Daddy.
"Kuya," tawag ko, pagkatapos ay ipinakilala na iyong mga classmates ko. Binati rin nila si Kuya.
But my brother was a bit rude at halos hindi niya pinansin ang mga ito. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila paalis.
"Kuya, ang bad mo. Gusto lang naman daw nilang makipagkilala. Sana kahit nag-hi ka na lang din sa kanila—"
"Tsk," suplado niyang sabi.
"Kuya, talaga. Isusumbong kita kay Mommy. Dapat mabait ka sa girls."
"Mabait naman ako sa 'yo at kay Mommy." He smirked. I sighed.
Maraming nagkaka-crush sa matangkad, payat, at maputla kong kuya. Pero hindi rin niya pinapansin ang mga ito. Hindi pa siya nagkaka-girlfriend kahit magaganda rin naman iyong mga nagkakagusto sa kanya.
"Hindi ko pa iniisip ang mga ganyan. Kaya ikaw, Lia, mag-aral ka rin muna," he would say.
And I would pout. "Hindi naman po, Kuya. Nag-aaral din akong mabuti."
"Good." And then he would smile. He was really cute kaya siguro nagkaka-crush sa kanya ang mga girls.
Pumasok na kami sa sasakyan at pinaandar na ng driver ang sasakyan paalis ng school.
"Nakita kita kanina sa cafeteria. Sino 'yong kausap mo?" medyo masungit na tanong ni Kuya.
"Hm?" Bumaling ako sa kanya. Pareho kaming nakaupo sa backseat at magkatabi. "Schoolmate natin. May tinanong lang."
"Ano raw?"
"Kung classmate ko raw ba ang kapatid niya. I said yes. Kuya pala siya ni Ayesha," tukoy ko sa isang kaklase.
Sumandal ako sa balikat ni Kuya at ipinikit ang mga mata. I was sleepy. Inayos naman ni Kuya ang ulo ko. Napangiti ako.
Nang makarating sa bahay ay wala pa sina Mommy at Daddy. Alam naman na namin ni Kuya. Busy pareho ang parents namin sa mga cases nila dahil pareho silang lawyers.
Pumunta na muna ako sa room ko para makapagbihis at makapagpahinga sandali. May Physical Education din kasi kami kanina kaya medyo napagod ako.
Kinatok at tinawag lang ako ng kasambahay namin nang dinner na. Naroon na rin daw sina Mommy. Bumaba na rin ako. "Mommy! Dad." Hinalikan ko sila sa pisngi and I hugged Mommy. Nanatili na ako sa tabi niya.
"How's my baby?" Mommy asked, kissing my cheek, too.
I smiled as I was looking up at her habang nakayakap sa baywang niya. "Okay po. Kayo po, Mommy?"
"Aba, bakit si Mommy lang ang may yakap?" tanong ni Daddy na kunwari ay nagtatampo.
I grinned and went to him at niyakap na rin siya.
"Ganyan nga, Dad. I-baby n'yo pa para hindi na talaga mag-boyfriend."
Sinimangutan ko naman si Kuya na nagsalita. I also stuck my tongue. Tumawa lang siya.
"Naku, kayo talaga ng dad mo, Kristoff. Nagdadalaga na 'yang kapatid mo. Time will come na may magugustuhan na rin siya." Si Mommy naman na ngumiti sa akin.
Sumimangot si Kuya. Ako naman ang natawa sa reaksiyon niya. I knew he was just being protective of me. Dalawa lang kami at ako lang ang kapatid niya. And he was my older brother. Palagi akong ibinibilin sa kanya nina Mommy at Daddy.
"At siyempre, kapag may crush ka na, sa akin mo unang sasabihin."
Yumakap akong muli kay Mommy. "Oo naman po, Mommy."
"Ano ba ang gusto ng baby ko sa isang lalaki kung sakali?"
"Hmm..." I acted as if I was thinking for awhile. "Gusto ko ng gaya ni Kuya," nakangiti kong sagot.
Mommy's lips parted. Nagkatinginan din sila ni Daddy.
"Or tulad po ni Daddy," I added with a smile on my face.
Ngumiti na si Mommy. She kissed my forehead at naupo na kami para kumain ng dinner.
Nakaunan ako sa braso ni Mommy habang nanonood kami ng movie sa kuwarto nila ni Daddy. Sa kabila ng pagiging busy nila, they would really find time to spend it with me and my brother gaya ngayon. Kahit panonood lang ng movies together.
Halos nakahiga kaming dalawa ni Mommy sa kama habang nakasandal naman sa headboard si Daddy. Si Kuya naman ay nakasandal ang likod sa paanan ng kama. He was just sitting on the carpeted floor.
Halos mapatili ako at mapasuksok sa gilid ni Mommy nang magpakita ang multo sa screen.
Natawa si Mommy at niyakap ako.
Natawa na rin sina Daddy at Kuya. Binato pa ako ni Kuya ng popcorn.
Agad naman akong nagsumbong kay Mommy. "Mommy, si Kuya, binabato ako ng popcorn."
"Stop it, Kristoff," saway sa kanya ni Mommy. I stuck my tongue at him.
Pero tumawa lang siya. "Ikaw ang pumili ng movie na 'to, 'tapos natatakot ka diyan?"
Sinimangutan ko siya. Muling nagpakita ang multo sa pinapanood namin kaya tuluyan na akong napatili.
Tinawanan uli ako ni Kuya. Pero sinaway rin siya nina Mommy at Daddy kahit tumatawa rin sila.
After several movies ay nagsimula na akong humikab. Napansin iyon ni Mommy at sinabihan na kami ni Kuya na matulog. Hinagkan niya ako at nag-good night na rin ako sa kanila ni Daddy.
"Kuya," tawag ko habang nakatayo sa kama nina Mommy. Bumaling siya sa akin. "What?"
"Carry." I raised my arms.
"Sige na, Kristoff, dalhin mo na sa kuwarto niya ang kapatid mo." Si Mommy.
I grinned.
He sighed and went to me. He carried me out of our parents' room to my own room in piggyback. "'Bigat mo. Mag-diet ka na," he said.
Ngumuso lang ako, inaantok.
Ibinaba niya ako sa kama at humiga na ako doon. Inayos naman niya ang pagtakip ng kumot sa katawan ko.
"Good night, Kuya."
I saw him smile. He kissed my forehead. "Good night, taba."
Sumimangot ako kahit inaantok na talaga. "'Di ako mataba." Hindi naman talaga. I knew he was just teasing me. Palibhasa siya, sobrang payat.
"I'm sorry, anak. Busy talaga kami ng daddy ninyo ngayon. Babawi na lang kami. At magdi-dinner din tayo sa labas sa birthday mo." Si Mommy.
Hindi ko na pinilit. Naiintindihan ko naman na busy talaga sila. Naisip ko lang na baka puwede kaming magbakasyon sa beach sa birthday ko. May nakita ako sa isang magazine. Parang magandang pumunta doon.
"Okay lang po, Mommy." I smiled.
Napangiti siya. Pagkatapos ay pinalapit ako para mayakap siya. I hugged her back. I felt her kissing the top of my head. "Babawi kami ng dad mo, promise," she said.
Pumuwesto na kami sa dining table at kumain ng breakfast.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro