Chapter Seven
Chapter Seven
Alive
It was my thirteenth birthday. I was on our sala at binubuklat kong muli iyong magazine nang mapadaan sa likuran ko ang kasambahay namin.
"Alam ko 'yan. Malapit lang 'yan sa 'min sa probinsiya," she said.
Mula sa binabasang libro ay nag-angat ng tingin si Kuya. Napatingin ako sa kanya. Tumayo siya mula sa sofa at nilapitan iyong kasambahay namin.
"Naku, Sir, baka pagalitan ako nina Attorney—"
"Hindi, ako'ng bahala," Kuya assured. He didn't stop until he convinced her.
"Sige, puwede tayong magbarko papunta doon," sabi ng kasambahay.
And then my brother turned to me after. There was a smile on his face. "Bihis ka na. Aalis tayo."
Umiling ako. "Pero, Kuya, ang sabi nina Mommy, magdi- dinner tayo mamaya—"
"No'ng isang araw pa 'yan sinabi ni Mommy. I'm sure nakalimutan na nila." He sighed. "Tumawag kanina kay Manang hindi raw sila makakauwi."
Hindi ako nagsalita.
"They won't be home this week," he added.
Minsan, nangyayari talaga ang ganito. Kapag malaki iyong hawak na kaso nina Daddy ay hindi na sila halos nakakauwi at sa firm na natutulog.
Unti-unti ay tumango ako. Ngumiti lalo si Kuya at napangiti na rin ako.
We packed our things. Si Kuya ang nagpaalam kay Manang. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya pero pinayagan naman kami ng matandang kasambahay. Umalis kami ng bahay kasama iyong isang kasambahay namin na alam ang papunta doon sa beach resort.
Nakaramdam ako ng tuwa. Matutupad ang birthday wish ko. "Ano'ng sabi mo kay Manang?" tanong ko nang nasa sasakyan na kami.
"Na pupunta lang tayo kina Ninong."
I cocked my head. "Kuya..."
"Hindi na 'yon magtataka kapag hindi tayo nakauwi mamaya."
Totoo iyon. Minsan kasi, kapag pumupunta kami kina Tito ay doon na rin kami natutulog. Mabait iyong asawa niya at palagi kaming ipinagluluto ng masarap. We also liked hanging out with their kids na kaedad lang din namin ni Kuya.
"Paano kapag tumawag si Manang kina Tito?" tanong ko. I was worried. Parang kinakabahan ako sa pag-alis namin.
Umiling si Kuya. "She won't," he just said.
"Dito na lang kami," pigil ni Kuya sa driver nang nasa labas na kami ng subdivision nina Tito.
"Hindi ko na ba kayo ihahatid sa loob, Sir?"
Umiling si Kuya. "Hindi na po. Dito na lang. Malapit na rin naman."
Tumango ang driver at lumabas na kami ng sasakyan. Tiningnan pa niya ang mga guard na nagbabantay sa entrance ng subdivision. Alam kong nag-iingat lang din sila dahil bilin nina Mommy. May mga nagiging kalaban kasi sila ni Daddy dahil sa mga cases na hawak nila.
Kunwaring lumapit lang kami sa entrance hanggang sa makalayo iyong sasakyan namin.
Sumunod lang kami sa kasambahay namin hanggang sa nakarating kami sa isang port. Unang beses yata namin iyon na sasakay ng barko. Si Ate ang bumili ng tickets naming tatlo gamit ang pera na dala ni Kuya. Pagkatapos ay umakyat na kami sa barko. Hawak ni Kuya ang kamay ko kaya naibsan ang medyo takot ko. Hindi na lang ako tumitingin sa tubig sa ibaba.
"Tatawag ako uli kay Manang, sasabihin ko doon muna tayo kina Ninong. Stop worrying. We'll be fine. Just enjoy this trip, okay?" he assured.
I nodded and smiled a bit.
Ngumiti si Kuya at hindi binitiwan ang kamay ko kahit nakaupo na kami sa isa sa mga higaan doon.
"Happy birthday," he greeted with a smile.
Napangiti na ako nang tuluyan. I hugged him. Parang nabigla naman siya sa ginawa ko. I hugged him tighter.
"Mahaba rin ang biyahe. Pahinga muna kayo," sabi sa amin ni Ate na nakahiga na sa higaan na katabi ng sa amin.
Tatlo ang binayaran naming higaan pero nagkasya kami ni Kuya sa isa. Medyo natatakot kasi ako kaya ayaw kong magkahiwalay kami kahit sandali. Hindi ko pa kilala ang mga kasama naming pasahero.
Ilang sandali kaming nakahiga doon pero hindi rin naman ako inantok. Sa huli, niyaya ako ni Kuya na tumingin ng tanawin sa labas.
Hawak pa rin niya ang kamay ko nang nasa labas na kami. Hinubad ni Kuya ang jacket niya at ipinasuot sa akin. Naiwan ko kasi iyong akin sa loob. Maaga pa naman pero malamig ang hangin.
"Hala, Kuya, ang daming isda!" Natuwa ako sa nakita Tumango si Kuya at may ngiti rin sa mga labi niya habang tiningnan iyong itinuro ko.
Nang maggabi ay nasa loob na kaming muli. Nagpaalam si Kuya na bibili ng noodles sa canteen ng barko para may kainin kami. Ayaw ni Mommy na kumakain kami ng ganoon pero gusto naming subukan ni Kuya.
"Sama na ako," sabi ko at tumayo.
Nakangiting umiling na lang si Kuya at hinawakang muli ang kamay ko papunta sa bilihan.
Naghintay kami habang nilalagyan ang noodles ng mainit na tubig. Bumili rin kami ng iba pang pagkain at junk food. Pagkatapos ay bumalik na rin kung saan namin iniwan si Ate na natutulog na naman. Sabi kasi niya, nahihilo raw siya kapag sumasakay ng barko.
"Mainit."
Itinabi muna ni Kuya iyong cup noodles at kinuha iyong akin. Hinipan muna niya bago isinubo sa akin. Nalasahan ko iyon.
Nag-thumbs-up ako sa kanya habang ngumunguya.
Ngumiti siya.
Nanood kami ng videos sa phone niya hanggang sa nakatulog ako sa tabi niya. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa noo ko bago ako tuluyang hinila ng antok.
Nagising ako dahil nagkakagulo na ang mga tao. "Kuya!"
"Sshh, I'm here." Mahigpit niya akong hinawakan.
Kumapit din ako sa kanya.
May nasusunog na parte ng barko at mabilis iyong kumakalat. My eyes widened. Umiiyak na rin si Ate sa tabi namin. Nagkakabanggaan at tulakan ang mga tao. Niyakap ako ni Kuya at iniharang ang katawan niya.
Mabilis niya akong hinila sa kung saan. May mga taong isinasakay na sa lifeboat.
"Sir! Itong kapatid ko." Halos itulak ako ni Kuya papunta doon.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling. "Kuya, halika na—"
"Hindi na tayo kakasya, Lia, sige na—"
Inaabot na rin ako ng isang naroon. Umiling ako. "Hindi, ayoko. Hindi kita iiwan dito, Kuya—"
"Lia, dali na! Huwag matigas ang ulo. Magagalit ako sa 'yo." Natigilan ako sa sinabi niya. Never pa siyang nagalit sa akin. I shook my head. Malalaking luha ang bumuhos mula sa mga mata ko.
"Tsk." He cupped my face. "Sumama ka na, okay? Susunod naman ako. May parating nang mga rescue."
Pero umiling pa rin ako.
His jaw clenched. "Sige na." Pagkatapos ay puwersahan niya akong pinasakay sa lifeboat.
"Kuya!" I was crying habang papalayo na iyong lifeboat kung saan ako sakay.
Nakita ko siyang ngumiti lang sa akin.
Kulang pa yata sila sa lifeboat at hindi agad nakaresponde ang rescue. Magmamadaling-araw na at kitang-kita ko ang pagtupok ng apoy sa malaking barko. I was so scared.
Palayo na si Kuya nang palayo sa akin hanggang sa hindi ko na nakita.
"Kuya!" malakas kong sigaw nang kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang malakas na pagsabog. Halos maabot pa kami niyon.
I was crying so hard.
I felt like it happened so fast. Dumating sina Mommy at naabutan akong nakaupo at nakabalot ang katawan sa isang kumot na ibinigay lang din sa akin.
People around me were crying.
"Lia!" Agad akong nilapitan ni Mommy at naupo sa tabi ko. She hugged me tight. And then she cupped my cheeks nang pakawalan ako. "Are you okay? Where's your brother?"
I cried even more. Pilit akong umiling. Hindi makapagsalita. "Lia, where's your brother?" Tumaas ang boses ni Mommy.
Pero patuloy lang ako sa pagluha at pag-iling. Mommy's eyes widened. "Lia!" Niyugyog na niya ako. But I was just crying.
Inilayo na siya ni Daddy sa akin dahil nasasaktan na niya ako. "Christopher! Ang anak natin!" Umiyak na si Mommy.
And I think that was the first time I ever saw her cry. She was the strongest woman for me. She was a great lawyer.
"Magtatanong tayo." Si Daddy, pagkatapos ay naging abala sila sa pagtatanong para sa kapatid ko.
And I just continued crying and sobbing. I remembered my brother... Lalo akong umiyak na halos hindi na ako makahinga...
Pagkatapos niyon ay nagbago na sa akin si Mommy. We all mourned. Pero sobra ang pagluluksa ni Mommy. Hindi na siya nakabalik sa trabaho niya. Palagi na lang siyang nagkukulong sa kuwarto nila ni Daddy. Naririnig ko siyang umiiyak. She didn't want to see me or hear from me. She blamed me for what happened. Parang nawala na ang pagmamahal niya sa akin at napalitan ng galit.
Pero inintindi ko siya. She lost her son. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin minsan na anak din naman niya ako, ah. At nandito pa ako.
Alecx hugged me nang makarating na kami sa Manila. "I'm here, Andrea," she reminded me as if I'd forget.
Sa kabila ng maraming iniisip ay napangiti ako. I nodded. Alam ko naman iyon. She was my best friend. There were just things that I think I should deal with alone right now.
Muli naming niyakap ang isa't isa bago kami tuluyang naghiwalay.
Nang makauwi sa bahay, sinalubong ako nina Manang. "Ngayon pala ang balik mo? Bakit hindi ka nagpasabi? Sana napasundo ka sa airport."
Kinuha ng mga kasambahay ang dala ko. "Si... Mommy po..."
Manang sighed. "Nasa kuwarto, hija. Narito na pala ang daddy mo."
Bumaling ako sa main door namin at hinintay si Daddy. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang naroon ako. "Lia, akala ko nag-extend ka ng stay mo doon sa isla ng Tita Elisabeth mo?" Ibinigay niya sa sumalubong na kasambahay ang dalang briefcase.
"D-Dad..." Agad nanginig ang boses ko. Ramdam ko na rin ang luhang nagbabadya sa mga mata ko.
Nagulat si Daddy sa reaksiyon ko. Agad niya akong nilapitan. "Hija, what's wrong?"
Umiling ako. "Dad... D-Daddy, nakita ko po—" Halos hindi ko matuloy ang sasabihin.
Naghihintay naman si Daddy sa sasabihin ko. Kita ang pag-aalala sa mga mata niya. "What is it, hija?"
I gulped. "Dad, si Kuya..." His eyes widened.
"He's alive... I saw him—"
"What are you talking about, Andrea Lia?" Bahagyang tumaas ang boses ni Daddy.
I shook my head. "Totoo, Dad! I really saw him! Kuya Kristoff! He's alive! He's in—"
Napasinghap sina Manang. Hinawakan na ako ni Daddy. "Lia—"
"Daddy, totoo! Totoo! Nakita ko siya! Nakausap..." I was already crying. I sobbed.
Napatakip sa bibig si Manang.
Awang ang mga labi ni Dad. Binitiwan niya ako. "Don't tell this to your mother yet," he said after a while. "Kailangan ko munang masiguro..."
I nodded. Nakayuko ako at umiiyak pa rin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro