Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nineteen

Chapter Nineteen



Sorry



Pagkatapos ng trabaho ay nagkayayaan sa isang club dahil birthday ni Atty. Valencia. Hindi na ako nakatanggi. Minsan lang din naman ito.

Umuwi muna ako sa condo para patulugin si Toffie dahil nahihirapan talaga siyang makatulog kapag wala ako. Nagpalit na rin ako at nag-ayos.

When I arrived at the bar ay naabutan kong nag-iinuman na sila at ang iba ay nasa dance floor na. I greeted Atty. Valencia who was already drunk. I think I heard her saying before that she would get drunk easily. Naroon din naman ang asawa niya.

Hinila ako ni Atty. Morada papunta sa dance floor at naiwan na namin ang mag-asawa sa sofa.

"Here's your drink!" Inabutan ako ni Atty. Morada ng alak. "Sige na, Attorney! And then let's dance!"

She looked energetic. She was younger than me. Kung titingnan ay mas mukha pa siyang supermodel kaysa attorney. But she was doing well in our field.

Ininom ko ang ibinigay niyang inumin. Hinintay niyang maubos ko iyon. Pagkatapos ay ibinigay ko na sa dumaang waiter ang baso. And then I started dancing and laughing with Atty. Morada. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganito pero okay na rin minsan.

Kumuha pa si Atty. Morada ng dalawang panibagong drinks para sa amin at uminom muli ako. Nakikita kong nalalasing na siya.

Hanggang sa may sumasayaw nang lalaki sa likuran niya. Nilingon niya iyon and she assured me that she knew the man. Lasing na siya kaya nag-aalala ako.

They started dancing. Atty. Morada was smiling at the man habang panay naman ang pag-alalay nito sa kanya para hindi siya matumba. Kaya hinayaan ko na sila.

Umatras ako at nabangga sa taong nasa likuran ko. Nang lingunin iyon ay nakita kong si Atty. Castillano.

"Attorney." Nagngitian kami.

"Nando'n sina Attorney Mendoza." Sinubukan pa niyang ituro ang isang parte ng dance floor. "Kakarating mo lang, Attorney?" he asked.

I nodded. "Oo, pinatulog ko pa si Toffie."

Ngumiti siya. "Nakaka-miss din ang anak mo, Attorney," he smilingly said.

Halos nagsisigawan kami at lumalapit sa isa't isa para magkarinigan dahil sa malakas na music sa lugar.

Bahagya na lang din kaming sumasayaw dahil nadadala na rin sa mga nagsasayawan sa dance floor. Natawa na lang ako. Tumawa rin si Atty. Castillano.

"Ang ganda mo, Attorney," he suddenly said. Natigilan ako. Natigilan din sa pagsasayaw. Mukha siyang nakainom na rin. Sabay lang sila nina Atty. Valencia na pumunta rito sa bar. Ako lang yata ang umuwi muna sa amin.

"Attorney..."

"Medyo nakainom lang ako, Attorney, pero hindi pa naman ako lasing. Ang totoo ay matagal na talaga kitang crush," tuloy-tuloy niyang sabi.

Gulat pa rin ako. Mukhang hindi pa naman siya lasing pero dahil siguro sa impluwensiya ng alak ay nagkalakas-loob siya ngayong magsabi sa akin.

"Attorney." I didn't know what to say. Hindi ko rin alam kung naririnig ba niya ako dahil sobrang hina ng boses ko.

May braso na biglang pumulupot sa baywang ko. Agad ko iyong nilingon at nakita si Kristoff. Basta na lang niya akong hinila palayo kay Atty. Castillano.

"Attorney Navarro—"

He held me close. Hindi niya ako binibitawan. Nakaramdam din ako ng bahagyang pagkahilo. Naapektuhan na rin siguro ako ng alak na ininom kanina. Minsan lang ako uminom kaya siguro madali lang din akong nalalasing.

"What are you doing?"

The music was loud and we were in the middle of the dance floor.

Gusto kong mag-angat ng tingin sa kanya pero nanatili siyang nakayakap sa akin. Pakiramdam ko ay ayaw niya akong pakawalan. "Are you drunk?"

"No, I'm not drunk," he answered. "Then why are you hugging me—"

"Because I want to. I miss you," he said and kissed my ear. It gave me goosebumps. Humigpit ang yakap niya sa akin.

Marahan ang sayaw namin kabaliktaran sa mabilis na tugtog.

"You're just drunk..." wala sa sarili kong sabi.

"I'm not."

Nagpakawala ako ng marahang buntong-hininga. "Where's Kayla?"

"Hmm?"

"Kayla. You did not invite her here? At bakit ka nangyayakap ng ibang babae—"

"Hindi ka ibang babae, Lia," mariin niyang sabi.

Bahagya akong pinakawalan ni Kristoff para magtagpo ang tingin namin. Lumakas lalo ang music. Bumaba ang isang kamay niya para hawakan ang sa akin. And then he pulled me out of the place.

"Saan mo 'ko dadalhin—"

"We need to talk," sabi niya hanggang sa makarating kami sa parking.

Pilit kong kinalas ang pagkakahawak sa akin ni Kristoff at nagawa ko naman. Hinarap niya ako. Nasa gitna kami ng mga naka-park na sasakyan sa tahimik na parking lot.

"There's nothing between me and Kayla. We just met at a party. That night, magpo-propose ang kaibigan ko na nakilala ko sa US sa girlfriend niya. Nasa isang bar kami. Kayla was also there because she's friends with Mark's girlfriend. We were introduced to each other and that night, she tried to invite me to your father's birthday..." He was looking into my eyes. "I was thinking about you that's why I accepted her invitation," mahaba niyang paliwanag.

And I was just looking at him.

"Lia, say something." Halos magmakaawa siya.

I blinked. Was I drunk? Parang bahagyang umiikot ang mundo ko.

"Lia, are you listening?" Hinawakan niya ako. "Are you okay?"

"You were always with her—"

"Twice. Only twice, Lia. Your Papa and Toffie's birthday. And about Toffie's birthday, inimbita lang din ako no'n ni Kayla. She'd always invite me out, she got my phone number probably from Mark's fiancée. Minsan lang akong umoo dahil nando'n ka."

Nakatingin pa rin ako kay Kristoff. Should I believe him...? Pero kung totoo ang mga sinabi niya, "Did you just use my sister?"

He looked like he was taken aback for a bit. "Lia..." He shook his head. "I'm sorry, hindi ko kasi alam kung saan magsisimula and Kayla happened to be your sister—"

"Asshole." Hindi ko na napigilan. Parang nawawala ang kaunting kalasingan ko. Kayla and I might not be the best example of sisterhood but she was still my sister.

This selfish asshole.

Now he looked guilty.

Nabalot kami ng katahimikan.

"I'm sorry..." Kristoff said after a while. Hindi ako nagsalita. I was thinking of Kayla. "Lia, si Toffie..."

Nagkatitigan kami.

I saw him gulp a bit. "Tell me..." May pagsusumamo sa mga mata niya. "He's my..." Kumislap ang luha sa mga mata niya. "He's my son."

"Yes, he's your son, you stupid asshole!" I shouted at his face.

He nodded. Parang nanghina siya.

And I didn't know but I slapped him. I slapped him hard on the cheek that his face turned to the side.

Tumaas-baba ang dibdib ko pagkatapos gawin iyon. I just found him so stupid.

Selfish asshole.

Kristoff nodded. Muli lang siyang humarap sa akin at hindi inalintana ang sampal ko. "I know..." he said, looking at me. "I was just waiting for you to tell me."

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. I just realized that I already told him he was Toffie's dad.

"Although at first I admit, mas pinangunahan ako ng selos. I thought you were really married... I was illogical."

"You're stupid."

He nodded, accepting what I said.

I sighed. I already knew even then, noong mga bata pa lang kami, na may ugali talaga siyang hindi maganda minsan. He was rude to his admirers before. And he could be selfish. Naalala ko noon, walang pakialam si Kristoff kung makasakit man siya ng damdamin, lalo na ng mga babae na humahanga sa kanya. He wouldn't really entertain them...

"I have nothing to do with them, Lia," he would say kapag sinasaway ko siya noon.

"Pero puwede ka namang maging nice sa kanila kahit kaunti," I would say.

"They might misinterpret it." He would just shrug.

But Kristoff was so nice to me and Mommy, kay Daddy. Kina Manang sa bahay. Hindi lang talaga siya ganoon ka-friendly sa labas.

Pareho kami. Maybe because we had each other at sapat na iyon sa amin. We didn't need more friends dahil kaibigan na rin namin ang isa't isa at nagkakaintindihan kami.

Noong naging si Tisoy siya sa isla, parang nagbago iyon. He gained friends at natuto rin siyang mag-aalala sa ibang tao.

"I'm sorry," I said.

Umiling lang siya. "Let's go home... Can I go with you? I want to see my son." Hindi agad ako kumilos. "Please," he begged.

Unti-unti akong tumango.

Nakarating kami sa condo na nakabuntot ang kotse ni Kristoff sa akin. Hinintay ko siya at sabay na kaming pumasok sa elevator.

"Tulog na si Toffie," I said.

"It's okay. I just want to see him." Tumango ako.

Pinagbuksan kami ni Inday ng pinto. Hindi pa siya natutulog at nagpupuyat talaga sa Korean dramas na pinapanood niya.

"Good evening, Ma'am... Sir," bati ng kasambahay.

"Nandito ang kuwarto niya." I brought Kristoff to our son's room. Marahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa amin ang natutulog na nga na si Toffie.

Lumapit si Kristoff sa kama at umupo sa gilid. Tumalikod ako at hinayaan na siya. Sasakit lang din ang puso ko sa makikita.

Lumabas ako at doon na lang naghintay.

Minutes passed at sumunod din si Kristoff. His eyes were red from obvious crying. He looked at me.

"It's late... Puwede kang dito na matulog at may guest room naman."

He nodded. "Thank you, Lia."

Tumango ako at tinalikuran na siya, nagpatiuna. Ipinakita ko sa kanya ang kuwarto na malinis naman.

"Kung may kailangan ka, katukin mo na lang ako sa kuwarto." Itinuro ko sa kanya ang pinto ng kuwarto na katabi lang ng tutulugan niya.

He nodded.

Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa kuwarto ko. I took a night shower and then readied myself for bed. Hindi pa man ako nakakahiga sa kama ay narinig ko ang pagkatok sa pinto. I went to the door and opened it. I saw Kristoff standing outside.

"What is it?" I asked.

Pero nabigla ako nang lumuhod siya sa harap ko. And then I felt him hugging me as he was kneeling, burying his face there, and then I felt him crying...

"K-Kristoff..."

"I'm sorry... I'm so sorry..." paulit-ulit niyang sabi. "I didn't know... I shouldn't have left. Iniwan kita sa panahong kailangan mo ako. I'm sorry, Lia... I'm sorry..." He was crying.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan at hindi agad nakagalaw.

"I'm sorry you have to deal with all of it alone..." he said. Hindi ko maalala kung nakita ko na ba siyang umiyak noon. Siguro nakita ko na siyang lumuha pero hindi pa ganito... I could feel his regret, his pain. Sumasakit na rin ang puso ko. Unti-unti rin akong bumaba para magpantay kami.

"Kristoff..." I cupped his cheeks.

Puno ng luha ang mga mata niya. I wiped his tears gently. Alam kong may mga hindi kami pagkakaintindihan. Iniwan ko siya noon sa isla nang hindi kami nag-uusap. And then he left the country without us talking too. Things happened and there were things na kailangan naming unahin noon at hindi lang ang relasyon namin. I had my reasons and I knew he had his reasons, too. At handa na akong makinig.

Kristoff was looking at me. At ganoon din ako sa kanya.

Nagbabadya na ring tumulo ang mga luha ko.

We would talk. Ito ang hindi namin nagawa noon. "I'm sorry... Basta na lang kitang iniwan noon sa isla... Umalis ako nang hindi nagpapaalam. Magulo pa kasi noon ang isip ko. I just found out na hindi naman talaga sina Mommy at Daddy ang totoo kong mga magulang. I was hurt. Hindi ko alam kung saan ako pupunta..." Tumulo na ang luha ko.

I remembered those times when I still didn't know where I belonged... Kaya sobrang laking blessing sa akin ng anak ko. Dahil kay Toffie, lalo akong tumayo at nagsikap. Nagkaroon muli ng direksiyon ang buhay ko. He was my home...

Umiling si Kristoff. May luha pa rin ang mga mata habang nakatingin sa akin. "Nandoon dapat ako. You needed me... Pero si Mom... Lumala siya noon, Lia. Lalo noong nalaman mo ang totoo at umalis ka. When I came back to Manila from the island after you left me, hahanapin pa kita noon kahit hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula. But one day, your father met with Dad and Mom. Sinabi niyang nasa kanila ka. Hindi matanggap ni Mommy. Dad decided na dalhin na namin siya sa States. Sabi ko, babalikan kita..." Tumulong muli ang luha niya. "Ang mahalaga, nangako si Mr. Chiong na hindi ka niya pababayaan. It was hard, pero kailangan din ako ni Mommy... I almost didn't know what to do then..."

Umiling ako. "Tama lang ang ginawa mo. It's for Mom. Kung ako rin siguro ay uunahin ko ang health niya."

Pero umiiling pa rin si Kristoff. "Sinubukan ko namang umuwi sa mga nakalipas na taon pero ang hirap pang iwan ni Mommy. Kailangan niya kami pareho ni Dad. When she was finally okay, doon ko sinabi na babalik ako. Sumama na rin sila sa akin."

I nodded. And then I hugged him. "Sshh... I understand now."

He continued to cry on my shoulder.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon. We just stayed that way hanggang sa humupa na rin ang damdamin niya. And my heart was feeling lighter.

"Forgive me..."

"I forgive you," I said.

I was able to convince Kristoff that it was okay now. Alam kong magiging maayos din kami. Dahil nakapag-usap na kami at nabigyang linaw ang mga hindi malinaw noon. Bumalik na rin siya sa guest room nang gabing iyon.

Nagpahinga na rin ako.

The next day, I woke up na nasa kusina na silang mag-ama. Kristoff was cooking our breakfast habang naroon na rin si Toffie na umiinom ng gatas niya.

"Mommy!" he greeted me with a big smile and a kiss on the cheek.

Hinalikan ko rin siya sa pisngi. "Good morning, baby," bati ko.

Bumaling ako kay Kristoff na abala pa sa piniprito niya. "Good morning!" he still managed to greet nang lingunin niya ako.

"Tito is cooking our breakfast, Mommy," Toffie said.

I bit my bottom lip. Nagkatinginan din kami ni Kristoff. I turned to Toffie again. "Toffie, he's not your Tito... He's your dad..."

"Daddy?" he asked with a little crease on his forehead.

"'Di ba you asked about your dad? And I said he's abroad... He's here now... Sorry kung ngayon lang namin sinabi..."

"Daddy..." Tumingin siya kay Kristoff.

Tapos na ni Kristoff ang niluluto at lumapit sa amin. Kay Toffie. Kita ko ang pagkislap ng luha sa mga mata niya habang nakatingin sa anak namin. "I'm sorry..." He hugged our son.

Nagbadya na rin ang luha sa mga mata ko habang tinitingnan sila.

"What took you so long..." Toffie asked him as tears formed in his eyes, too.

"I'm sorry." Patuloy lang sa paghingi ng tawad si Kristoff. Tumulo na rin ang luha ko sa aking pisngi habang pinagmamasdan sila sa ganoong ayos. Nakita kong unti-unti ay yumakap na rin si Toffie sa daddy niya. He cried. Binuhat na siya ni Kristoff at pinatahan.

Alam kong mag-a-adjust pa ang anak ko pero masasanay rin siya... Unti-unti... At alam kong kahit noong hindi pa niya alam na si Kristoff ang ama niya ay magaan na ang loob niya rito. Kahit halos isang buong araw pa lang silang nakapag-bond noong bumisita kami kina Mommy.

Hindi ko inaasahan ang pagdalaw ni Kayla nang araw ring iyon. Hindi pa siya dumadalaw sa amin ni Toffie dito sa condo. Pinagbuksan siya ni Inday at hinahanap daw ako.

"Kayla—"

Pero sinalubong niya agad ako ng sampal. Nagulat ako sa ginawa niya at napahawak sa pisngi ko.

Nasa kuwarto ni Toffie si Kristoff at pinapaliguan ang anak namin.

Kayla was looking at me angrily. "Mang-aagaw ka!" sigaw niya. "Ang landi-landi mo, may anak ka na! Kaya pala hindi ako magawang reply-an man lang ni Allen sa mga messages ko sa kanya dahil inaahas mo na pala siya! At nakakadiri ka! He's your brother—"

"Hindi kami magkapatid," mariin kong sabi.

Lalo siyang nagalit. "My friend sent me these pictures. She was also there and she saw Allen dancing with you in that club!" Ipinakita niya sa mukha ko ang phone niya na may pictures nga namin ni Kristoff na nagsasayaw sa bar kagabi. "Makakarating ito kina Ahma! Mang-aagaw ka!"

And with that, she left.

Naiwan akong nakatayo doon at iniinda pa ang sampal niya sa akin.

Dumating sa living room si Kristoff. "What happened? May narinig akong sumisigaw."

"Si Ma'am Kayla, Sir, nandito kanina, sinampal si Ate," sumbong ni Inday na nakasaksi sa nangyari. "Pinagbibintangan niyang inagaw raw po kayo—"

"Inday—" saway ko.

"Where is she?" Nakita ko ang agad na pag-iigting ng panga ni Kristoff. Tumingin siya sa akin, sa pisngi kung saan ako sinampal ni Kayla.

"Kakaalis lang po—" Si Inday uli.

"Kristoff!" Sinubukan ko siyang pigilan pero nakalabas na siya ng unit at mukhang hahabulin si Kayla.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro