Chapter Four
Chapter Four
I Like You
"Bakit n'yo pinapunta sina Paul dito?" Si Kaz.
Pare-pareho kaming nasa mansiyon nang araw na iyon.
Umiling si Russel. "Not me. Si Jake ang nagsabi kay Paul na nandito tayo."
Suminghap si Kaz. Kashmere Adriano was pretty. She looked strong and confident. Iyon ang first impression ko sa kanya. "Ano ba ang iniisip ni Jake? Alam naman niyang hindi okay sina Myrrh at Paul."
"Exactly," biglang sabad naman ni Ryder. Napabaling kami sa kanya. Beside him was Alecx. Mukhang close na silang dalawa. Lagi ba namang magkasama. "Maybe it's time para magbati na sila," he said, shrugging.
Nagkibit-balikat na lang si Russel.
Nakita ko iyong Paul nang bumaba kami sa beach kanina. May kasama siyang dalawang lalaking kaibigan. At nalaman ko rin na boyfriend or ex-boyfriend siya ni Myrrh. Si Myrrh Arquio naman ay sobrang cute. May lahi yata siyang Japanese o Korean.
Nagtangka si Paul na lumapit kay Myrrh kanina pero hinarang siya agad ni Kaz. Sinabi naman ni Russel na hayaan na muna sina Myrrh at Paul na makapag-usap.
Ang narinig ko lang kay Kaz ay madalas maghiwalay at magbalikan ang dalawa. But the last time ay mukhang malala iyong away nila kaya sumama si Myrrh sa kanila dito sa isla. At ngayon nga ay sinundan ni Paul ang babae para siguro magkaayos sila.
Sa huli ay hinayaan na rin ni Kaz ang kaibigan na makipag-usap sa boyfriend nito. Nagkanya-kanya muna ng activities sa isla habang nag-uusap iyong dalawa.
Kaz went with Ryder and Alecx. Niyaya rin nila ako pero nagpaiwan na muna ako sa restaurant. I really liked the interior of their restaurants here. Ang alam ko, hands-on si Tita Elsa sa pagpili ng mga furniture para sa resort niya.
Nakita ko sina Sha. Break nila kaya nagkaroon kami ng time para magkuwentuhan.
Parang baby si Sha. Sobrang hinhin at bagal magsalita. Mabait din si Jewel at mukhang kay Russel lang talaga siya masungit.
Nang makita kami ni Tisoy ay umupo siya kasama namin. Nilibre pa niya kami ng meryenda. Natuwa naman iyong dalawa at minsan lang daw talaga manlibre si Tisoy.
"Nakita kita kanina," Tisoy said.
Bumaling ako sa kanya. Abala sina Jewel at Sha sa pinag- uusapan. "Hmm?"
"May... kausap kang lalaki."
"Ah." I nodded after I sipped on my fruit shake. "Oo. Kaibigan ni Paul."
"Paul?"
I nodded again. Halos nasa shake iyong atensiyon ko.
Gusto ko rin talaga ang mga cold drinks nila dito. "Boyfriend ni Myrrh, 'yong kasama ko. Nag-uusap sila ngayon." I smiled. Sana magkabati na sila. Mukhang bagay pa naman sila.
Tisoy nodded.
I looked up at him. "Bakit?"
Umiling siya. "Wala lang... Mukhang masaya kayong nag-uusap."
"Huh?" My forehead creased a bit. "Hindi naman... Nakipagkilala lang siya. And I was just being polite kasi he's friends with Myrrh's boyfriend. At mabait sina Myrrh sa 'kin. 'Yon lang naman," I added.
Nakapag-usap nga sina Myrrh at Paul at sinabihan na lang ako nina Alecx tungkol sa plano ni Paul na pagpo-propose kay Myrrh mamayang gabi. Medyo nagulat naman ako dahil parang ang bilis. Pero high school pa lang pala ay sila na ni Myrrh. Natuwa na lang ako para sa kanila at tumulong sa plano.
Babalik muna kami sa mansiyon para makapagbihis. And then after ay ibabalik namin dito ang walang kaalam-alam na si Myrrh sa mangyayaring proposal.
At iyon nga ang nangyari.
Naiyak na lang si Myrrh nang lumuhod na sa harap niya si Paul na may ipinakitang singsing.
"Yes!" she said loudly.
Paul stood up and they hugged each other. We were all happy for him and Myrrh.
The scene warmed my heart. Halos hindi ko na naisip ang ganitong mga bagay dahil abala lang ako noon sa pag-aaral.
I looked at Tisoy. Nakatayo siya hindi kalayuan sa akin at napanood din ang proposal sa harap namin. Napatingin din siya sa gawi ko and we gave each other a smile.
Dahil mukhang tuwang-tuwa si Paul sa sagot ni Myrrh ay nagsabi siyang manlilibre. Paul occupied the whole floating bar for us.
Nasali na rin sina Tisoy sa libre dahil tumulong din siya at iba pang staff sa proposal. Halos tapos na rin naman ang oras ng trabaho nina Tisoy kaya nakasali sila sa kasiyahan.
Nakita kong kandong ni Russel si Jewel at parang may sariling mundo ang dalawa. Sunod-sunod naman ang inom ni Kaz sa harap ko. Parang naglalasing. Myrrh and Paul were dancing in the middle with the rest.
"Gusto mo?" Inabutan ako ni Kaz ng shot. Mukhang lasing na nga siya.
Tinanggap ko naman iyon. She urged me to drink it. Ininom ko naman iyon at agad napaitan. Inabutan ako ni Tisoy, na nasa tabi ko, ng tubig.
Kaz laughed. Lasing na talaga siya. Pinainom pa niya ako na hindi ko naman natanggihan dahil parang magagalit siya sa akin kapag hindi ko ginawa.
"Tama na," marahang saway sa akin ni Tisoy.
Bumaling ako sa kanya at ngumiti. "Okay lang." Kahit hindi ako sigurado. Hindi pa ako nalalasing sa buong buhay ko kaya kung sakali, first time ko ngayon. Alam kong hindi rin naman ako pababayaan ng mga kasama ko.
"Tisoy..." sabi ko nang medyo umiikot na ang paningin ko. Bagsak na rin ang ulo ni Kaz sa mesa.
Maagap akong hinawakan ni Tisoy.
I smiled at him. Nakatingin kami sa isa't isa. Madilim na sa bar at may sari-sariling mundo ang mga kasama namin. Unti-unti ay inilapit ko ang mukha kay Tisoy.
"Andrea..." pigil niya. Pero inilapit na rin niya ang mukha sa akin hanggang sa nagdikit ang mga labi namin.
Ilang sandaling ganoon hanggang sa nagsimulang gumalaw ang mga labi niya sa akin. I parted my lips and his tongue entered my mouth.
Muli kaming napatingin sa mata ng isa't isa when we parted from the first kiss. I had never been kissed before. Siya lang. Muli niyang hinalikan ang mga labi ko and I kissed him back.
We kissed each other deeply at parang nagkaroon na rin kami ng sariling mundo. And we got lost in that world. And the only thing that mattered to me at that moment was our kiss and the loud and fast beating of my heart.
Napahawak ako kay Tisoy. My palm pressed on his hard chest. Parang may naramdaman din akong malakas na pintig doon. He held me, too.
Close to him.
And closer.
"I like you, Tisoy," I said it against his lips.
Bahagya siyang natigilan but he continued and resumed our kisses.
Naging mabilisan ang paghahanda sa kasal nina Myrrh at Paul. Kinabukasan agad pagkatapos lang halos ng proposal ni Paul. Gusto kasi ni Myrrh na dito na ikasal sa isla. She fell in love with the place.
Ako rin naman.
Sa boardwalk gaganapin ang wedding. Dumating din ang ilang kapamilya ng bride at groom. Tumulong din si Tita Elsa sa paghahanda. She congratulated Paul and Myrrh.
Masaya siya para sa dalawa.
Kaz was Myrrh's maid of honor at iyong best friend naman ni Paul ang best man.
Nakasali rin ako sa bridesmaids. I was wearing a tube top pastel colored long dress. Nasa hotel room pa kami at hindi pa tapos ayusan ang bride. We took lots of pictures for memories.
Ang ganda-ganda ni Myrrh nang matapos siyang ayusan. Naghanda na kami sa pagpunta sa boardwalk kung saan naghihintay na raw ang groom at mga imbitado.
Lahat ng suot namin ay dineliver. Ipinahatid lang sa chopper nina Paul. Ready to wear kahit ang wedding gown ng bride. At mukhang wala naman iyong problema kay Myrrh.
"Ang mahalaga ay maikasal na kami ngayon ni Paul! I can't wait to be Mrs. Niño!" sabi pa niya na kita ang kasiyahan at kakontentuhan.
And I felt happy for her, too. Siguro hindi nga naman talaga mahalaga kung nasaan kayo o saan pa kayo ikasal. Basta kasama at pakakasalan mo ang taong mahal mo. It would still be perfect.
Bumababa na kami at patungo na sa pagdadausan ng kasal. Namangha pa ako sa ayos ng boardwalk. Ang galing din talaga ni Tita Elsa na kasalukuyang kausap ang parents nina Myrrh. She looked so elegant in her dress. Bagay na bagay sa kanya ang kulay n'on at may mga palamuti pa sa buhok niyang malinis na nakaayos.
And then the ceremony started. Both Myrrh and Paul were crying with their parents. And also some of their guests. Kasali na rin ako na napaluha nang kaunti. Lalo sa part na nagpalitan na ng vows ang bride at groom. Ang simple lang pero heartfelt. And I was lucky to attend this one-time event na another step sa journey nila bilang mag-asawa.
"Andrea."
"Tisoy..." Halos hindi ako makatingin sa kanya. I was a bit drunk that night but I remembered the kiss we shared clearly. Ang pakiramdam n'on... Ang malakas na pintig ng puso ko... Ang pakiramdam ng mga labi niya sa akin. I remembered everything. Maging ang paghatid niya sa akin sa loob ng sasakyan na naghatid sa amin sa mansiyon.
"Heto." He gave me a plate. Sila ang nag-aasikaso sa mga pagkain sa reception nina Myrrh at Paul.
Tumango ako at tinanggap iyon. Kumuha na rin ako ng pagkain. Halos tulungan pa ako ni Tisoy. Pagkatapos ay bumalik na rin sa mesa kung saan kasama ko sina Kaz.
Nasa parehong mesa naman si Tita Elsa at ang parents nina Myrrh. Nag-uusap-usap ang matatanda at mukhang nagkakatuwaan. Parang narinig ko pa na balak mag-invest ng daddy ni Myrrh sa resort.
Inabot ng gabi ang celebration.
Lumayo muna ako sa kasiyahan para magpahangin. Sinundan ako ni Tisoy. Tumabi siya ng tayo sa akin, kaharap namin ang dagat.
"Ang ganda mo. Bagay sa 'yo ang suot mo," puri niya. And my heart instantly fluttered. "Thank you. Ikaw rin. You're always handsome." Pareho kaming napangiti.
"'Yong... sinabi mo no'ng nakaraan na..."
"That I like you?" Inunahan ko na siya para hindi ako mahiya. Pero lalo yata akong nahiya. I slowly nodded my head and bowed down. "Totoo 'yon... I really like you, Tisoy."
Matapang akong nag-angat ng tingin sa kanya.
Mukha naman siyang nabigla sa pag-amin ko. Muli akong napayuko. Pero inangat din ni Tisoy ang baba ko para magtagpong muli ang mga mata namin.
Pagkatapos ay muli niya akong hinalikan. And I returned his kisses...
Our kisses turned deeper... and deeper. Napayakap na ang mga braso ko sa leeg niya and he was hugging my body. "Aba, mukhang uunahan n'yo pa sina Myrrh at Paul sa honeymoon, ah."
Agad kaming naghiwalay ni Tisoy.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan ko. "Alecx!" singhap ko.
Pero nakangisi lang siya sa amin. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. "Okay lang 'yan! Matatanda naman na kayo." She grinned. She looked happy for me though.
Kaya naman nang makauwi kami sa mansiyon ay patuloy si Alecx sa pangungulit sa akin ng tungkol sa amin ni Tisoy. Pumasok din siya sa kuwarto ko.
"Hindi nga kami, Alecx," I told her. Ang kulit talaga niya. "Kayo ni Rye? Kayo na ba? Palagi kayong magkasama, ah," I said that stopped her from teasing me. Napangiti ako.
She just shrugged. "Changing the topic, huh. Smart girl," sabi niya at nagpaalam na rin.
I nodded and she completely left my room. Pumasok ako sa bathroom para makaligo saglit. And then I was ready for bed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro