Chapter Fifteen
Chapter Fifteen
Toffie
Nang magtagpo ang mga mata namin ay hindi na rin naalis ang tingin sa akin ni Kristoff. Sinundan ni Kayla kung saan nakatingin si Kristoff. May ibinulong sa kanya ang kapatid ko at lumapit na sila sa akin. Nanatiling nakakapit sa braso ni Kristoff si Kayla.
"Hey, sis!"
"Kayla."
"I'm with your brother!" She grinned.
"We're not siblings," mariin kong sabi.
She shrugged. "Well, dati."
Ibinaling ko ang tingin kay Kristoff. Nakatingin lang din siya sa akin.
Tinawag kami ni Papa. Hinila na ni Kayla si Kristoff papunta doon. Sumunod na rin ako sa kanila. We all sat on the long table together with Papa and Ahma and my two aunts. Naroon din ang mga asawa nina Tita Danica at Tita Danna at ang mga anak nila.
"Sana ay kasama mo rin ang parents mo, hijo," sabi ni Papa kay Kristoff na nakaupo sa tabi ni Kayla.
Natuon ang atensiyon niya kina Papa.
"Kakabalik n'yo lang din sa bansa, hindi ba? How's your parents, hijo?" tanong din sa kanya ni Ahma.
Kristoff answered politely. Nagpapahinga pa lang ang parents niya at kakabalik pa nga lang nila after years of staying abroad.
Gusto ko ring kumustahin ang kinalakhan kong mga magulang. Hindi ko pa lang alam kung saan magsisimula at paano sila haharapin. Pero gusto kong magpasalamat sa lahat ng ginawa nila para sa akin. Malaking parte sila ng pagkatao ko.
"Gusto rin naming personal silang mapasalamatan para sa pagpapalaki kay Andrea." Sandaling bumaling sa akin si Ahma.
Nagkatinginan kami ni Kristoff. Ibinaba ko ang tingin sa pagkain.
"Nakausap ko na rin sila bago kayo umalis noon. Pero tama ang mama na gusto pa rin namin silang makausap at mapasalamatan."
Kristoff nodded. "I will tell my parents, Tito." Papa nodded with a smile.
Nagpatuloy ang pagkain namin ng dinner. Nanatili akong nakaupo doon at kumakain nang tahimik. Maingay naman si Kayla na ikinukuwento kung paano sila nagkakilala ni Kristoff.
"We met at a party, Tita," baling ni Kayla kay Tita Danna. May ngiti sa mga labi niya. Ganoon din si Tita Danna na mukhang natutuwa.
"You graduated Law in the US and passed the Bar." Si Ahma.
"He topped the Bar, Ahma," mukhang proud na sabi ni Kayla.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Ahma. Masaya siyang tumawa. "You should date my granddaughter more, Attorney."
Halos mabitawan ko ang hawak na kubyertos.
Tita Danica and Tita Danna both agreed to what Ahma just said.
They had no idea who Toffie's father was. Tinanong noon ni Papa nang malaman niyang buntis ako pero hindi rin naman niya ako pinilit na magsabi. Wala rin naman silang pakialam.
"Your father was a judge! Medyo maaga nga lang siyang nag-retire." Ngumiti si Tita Danna kay Kristoff. "Siguradong susunod ka sa yapak ng parents mo. They were great!"
Nagpatuloy ang usapan sa mesa. Nang tumayo ang isang pinsan ko ay halos sumabay na rin ako at tahimik na nag-excuse.
Mas matatanda sa akin ang mga anak nina Tita Danica at mas bata naman ang anak ni Tita Danna. Tumutulong sa kompanya ang dalawang anak na lalaki ni Tita Danica while Tita Danna's only daughter was still studying. Ito rin ang pinakabata sa aming magpipinsan. Hindi ako gaanong nabigyan ng pagkakataon na makasama sila. Busy rin sila sa kanya-kanyang buhay. Pero nagkakabatian din naman kami kapag nagkikita.
I went to the washroom. Tiningnan ko ang sariling repleksiyon sa malaking salamin doon.
He's dating my sister...
Hindi na kami nakapag-usap ni Kristoff nang iwan ko siya sa isla noon at bago sila umalis.
I tried contacting him. Pero sa huli ay hindi ko rin alam kung saan magsisimula. Kung ano ang sasabihin ko. Naging abala na rin ako kay Toffie at sa trabaho.
My phone rang and it was a call from Toffie's yaya. Agad ko iyong sinagot. She told me that my son woke up at hinahanap ako. Hindi raw ito matigil sa pag-iyak.
Lumabas na ako at binalikan sina Papa. Nagpaalam na ako at hinayaan na ni Papa nang sabihin kong si Toffie. Hindi rin ako halos napansin dahil abala pa sila kay Kristoff.
I left that night and went home straight. Saka lang tumahan si Toffie nang makita na ako. Pinatulog ko siya sa tabi ko at niyakap hanggang sa makatulog na rin ako sa pag-iisip.
"Mommy, can we go to the beach on my birthday?" Toffie asked while I was putting on some makeup on my face. I was getting ready for work again.
Napabaling ako sa anak ko at nag-isip. Five na siya sa darating niyang birthday. Ie-enroll ko na siya sa kindergarten sa pasukan. I smiled at my son. "Okay, we will celebrate your fifth birthday at the beach."
"Yay!" At saka niya ako niyakap at hinalikan sa pisngi. Natawa na lang ako.
Toffie's birthday was on a weekend. Simple lang lagi ang handa namin kapag birthday niya. Kami-kami lang din naman. Hindi ko na rin maalala kung kailan iyong huling beses na nakapunta ako sa dagat. I was really so busy with work and my son.
Isang tao ang nadatnan ko sa Alcantara-Ledesma and Associates Law Firm. Agad niya akong nakita. Kausap niya mismo si Atty. Ledesma at ilang partners doon sa firm.
"Oh!" Nakita na rin ako nina Atty. Valencia. Nilapitan niya ako at hinawakan para ilapit sa kanila. "Attorney Navarro, this is Attorney Chiong," he introduced. "Attorney, this is Attorney Navarro. And we're lucky to have him here in our firm!" natutuwang sabi niya.
Bahagyang umawang ang mga labi ko.
Nanatili ako doon hanggang sa matapos ang pagpapakilala. Pagkatapos ay umatras na rin ako. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang matigilan nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Lia."
Lia? Nakakaalala na siya...
I slowly turned to face Kristoff. Nagkatinginan kami. Walang nakapagsalita agad sa amin. We were just both standing there and looking at each other.
"You remembered." Ako na ang bumasag sa katahimikan dahil nakatingin lang talaga siya sa akin. Sa mukha ko.
Unti-unti siyang tumango.
Nagbalik na pala ang mga alaala niya. At ngayong naalala na niya mula simula ay baka naisip niyang mali iyong mga nangyari sa amin noon... Dahil kahit hindi kami magkadugo, pinalaki pa rin kaming magkapatid.
"Good for you..." I didn't know what to say.
"Attorney Chiong."
Bumaling ako sa tumawag. It was Atty. Flores. "Excuse me, may ipapa-check lang sana ako."
I nodded. May trabaho pa kami. I turned to Kristoff one last time para magpaalam. He just slowly nodded. Tinalikuran ko na siya.
Hindi ko na rin siya nakita uli sa firm nang araw na iyon hanggang sa nakauwi na ako.
Toffie' birthday came. I invited Papa and he came with Tita Mari sa resort. I also invited Alecx and her husband with their daughter. Naroon din si Atty. Castillano dahil hiniling ng anak ko na sana makapunta raw siya. Sinubukan ko siyang imbitahan at pinaunlakan naman niya. I thanked him. Kaunti pa lang din kasi ang mga kakilala ng anak ko. I just wanted him to be happy on his birthday.
Tapos na kaming mag-set up ng table. Nagpatulong lang ako sa ilang staff ng resort. Hindi malayo sa Metro Manila ang napili kong beach resort na pagdadausan ng birthday ni Toffie kaya uuwi rin kami mamaya pagkatapos.
"Inday, tawagin mo muna si Toffie at ready na ang cake niya," utos ko sa yaya ni Toffie. Siya na ang tumulong sa akin na alagaan ang anak ko simula noong baby pa lang si Toffie.
Nasa baybayin si Toffie at nagpapahabol sa hampas ng alon, naglalaro. Sinamahan siya ni Atty. Castillano at natatanaw ko sila mula sa kinatatayuan ko.
Tumatakbo si Toffie palapit sa akin. Agad akong kumuha ng towel at sinalubong siya. Medyo pinagpawisan na sa kalikutan.
Dinala ko na si Toffie sa gitna, sa harap ng malaking birthday cake niya. He looked extra happy today. Masiyahing bata rin talaga ang anak ko. At masaya ako na maayos naman siya kahit kaming dalawa lang.
"Happy birthday, Toffie..." we sang him the usual birthday song.
"Make a wish!" I said.
He closed his eyes at tahimik na humiling. Hindi namin narinig kung ano iyong wish niya. And then after that, he blew his candle. We clapped our hands.
"Happy birthday, apo!" Kinarga at hinalikan siya ni Papa. Humalik din si Tita Mari sa pisngi niya.
"Thank you, Lolo! Lola!"
"Aw..." Tita Mari pinched my son's cheek lightly. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang anak ko. "Happy birthday, Toffie!" sunod-sunod na bati sa kanya. Panay ang thank you ng anak ko.
"Happy birthday, baby." Hinalikan ko siya sa pisngi nang ako naman ang may buhat sa kanya.
"Happy birthday, Toffie!" Atty. Castillano was beside us.
Nakangiti siya sa anak ko.
"Thank you, Mommy! Thank you, Papa Tupe!"
Natigilan ako sa huling narinig sa anak ko. Nagkatinginan kami ni Atty. Castillano. Nagtaas siya ng dalawang kamay na para bang inaaresto siya. Umiling siya na sinasabing wala siyang alam.
"Toffie."
"Can I call Attorney Tupe Papa Tupe, Mommy? Please, Mommy?" Pinagdikit pa niya ang dalawang palad.
My lips parted. Tumingin muli ako kay Atty. Castillano.
He slowly shrugged.
"Pasensiya ka na, Attorney—"
Maagap siyang umiling. "Ayos lang, Attorney." He smiled.
I sighed.
Hinalikan kong muli ang anak ko bago ibinaba na para pakainin na muna.
"Hot dogs and cake!"
"Later, eat rice first," bahagyang saway ko.
Bahagya lang ngumuso si Toffie at ibinuka naman ang bibig nang subuan ko ng kanin at ulam.
"Hot dog."
Kumuha ako ng isang stick ng hot dog at ibinigay sa kanya. Binali ko na rin ang matulis na parte ng stick. Una niyang kinain iyong marshmallow sa dulo. Napangiti ako. Naalala ko noong nagpi-picnic kami nina Mommy ay nagbabaon din kami ng hot dog na may marshmallow sa stick.
Pagkatapos ay gusto nang pumunta ni Toffie sa dagat. My pool din ang resort pero mas gusto yata ng anak ko ang dagat.
"Ako na, Attorney," Atty. Castillano offered.
Nahihiya na ako sa kanya at kanina pa siya habol nang habol kay Toffie. May kalikutan pa naman ang anak ko.
"Okay lang, Attorney," he assured me with a smile.
Tumango ako at nagpasalamat. Tutulong pa rin kasi ako sa pagliligpit ng kaunting kalat.
Maagap na siyang sumunod kay Toffie.
Atty. Castillano was handsome. Marami na rin akong naririnig sa office na may crush sa kanya. He was more of a good-boy type. Mabait din naman talaga siya.
"Where are you, Kayla?"
I turned to Tita Mari nang marinig ko siya. May kausap siya sa phone.
"Hija," she called me nang ibinaba niya ang tawag. "Your sister's coming. May dala siyang gift for Toffie." She smiled a bit.
Napangiti rin ako. "Sige po, Tita. Malapit na raw ba siya?" She nodded.
Kalaunan nga ay nakita na namin si Kayla na dumating sa resort at papalapit sa kinaroroonan namin. Kami na lang nina Papa at Tita Mari ang naiwan doon. Nasa may pool na sina Alecx at sumama naman si Inday kina Toffie. Pinasama ko at ayaw ko namang pagbantayin talaga si Atty. Castillano sa anak ko.
Parang sandaling huminto yata sa pagtibok ang puso ko nang makita na hindi nag-iisa si Kayla at may kasama siyang pumunta doon.
Hindi na ako halos makagalaw sa kinatatayuan. Palapit sila nang palapit sa amin. Ngiting-ngiti ang kapatid ko.
"Mom." Humalik siya kina Tita Mari at Papa. Bumati rin ang kasama niya kina Papa.
Kayla turned to me. "Where's Toffie?"
Parang malalagutan na ako ng hininga sa pagbanggit pa lang sa pangalan ng anak ko.
"Swimming." Si Papa ang sumagot.
Nagtagpo ang tingin namin ni Kristoff. I looked away.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro