Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

Chapter Eleven



Love



"We just ate dinner... And then I told him na... Hindi ako pumapayag na... ligawan niya..." I said after we parted from the kiss we just shared. It still felt the same. I knew it was wrong pero parang wala naman akong maramdamang mali sa ginawa namin.

A smile appeared on Tisoy's lips. Napangiti na rin ako. Muli niya akong hinalikan. Pero hindi pa man nagtatagal iyon ay napahiwalay na kami sa isa't isa nang marinig namin ang malakas na boses ni Mommy.

"Ano'ng ginagawa n'yo?!"

We both turned to her.

My eyes widened. "M-Mom—"

Mabilis siyang lumapit sa amin ni Tisoy at pinaghiwalay pa kami. "What is this, Andrea Lia?!" malakas ang boses niyang sabi at hinarap ako.

"M-Mommy..." Nanginginig ang boses ko at hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.

Mariin niya akong hinawakan. I flinched a bit. "Mom..." Sinubukan siyang ilayo ni Tisoy.

"What is this, Kristoff?!" Si Tisoy naman ang hinarap niya.

"What's happening here—" Si Dad na pumasok sa kusina.

Nag-angat ako ng tingin at nakita na naroon din si Manang, kita ko ang pag-aalala niya.

"Nahuli ko silang—" Hindi halos masabi ni Mommy ang gustong sabihin. Nanubig ang mga mata niya sa luha. "N-naghahalikan!"

Yumuko ako.

"What?!"

"Dad..." Si Tisoy na sinubukang magsalita.

"Explain this, Lia!" putol ni Mommy sa kanya.

Bumuhos na ang mga luha ko. Nag-angat ako ng tingin at agad akong dinaluhan ni Tisoy nang makita niya ang mga luha ko.

Nanlalaki ang mga mata ni Mommy habang nakatingin sa amin. Kita ko na hindi siya makapaniwala.

"D-Dad..." I turned to Daddy dahil hindi ko kayang humarap kay Mommy. "Dad, we met at the island. Hindi namin alam noon na—" Umiling ako at patuloy ang pagluha. "W-we—"

"May relasyon kami," putol sa akin ni Tisoy.

My eyes went wide. Ganoon din ang reaksiyon ni Mommy. Habang nakatingin ako sa kanya ay nag-aalala ako na baka bumagsak siya o himatayin.

Umawang ang mga labi ni Daddy. "A-anong relasyon—"

"Girlfriend ko po si Andrea," mas malinaw na sabi ni Tisoy.

"Hindi puwede!" sigaw ni Mommy. Halos maghisterya siya sa nalaman. "Magkapatid kayo! Hindi 'yan totoo!"

Maagap na dinaluhan ni Daddy si Mommy. She cried in his arms. Dad turned to me. "Lia, totoo ba ang sinasabi..."

I nodded. "M-mahal ko po—"

"How dare you! Wala kang utang-na-loob!" Kumawala si Mommy kay Daddy at mabilis akong sinugod. She slapped me. Mabilis na kumilos sina Dad at Tisoy para pigilan siya. I accepted all her slaps as I cried. "After everything! Ito ang isusukli mo sa akin?!"

Tuluyan na siyang nailayo nina Dad sa akin.

Niyakap ako ni Tisoy at pinrotektahan mula kay Mommy. Dinuro ako ni Mommy habang hinahawakan siya ni Daddy para mapigilan. "Malandi ka! Kapatid mo pa! Nagpalaki ako ng isang imoral!"

"Tama na, Analia," sabad ni Manang na umiiyak na rin habang nasasaksihan ang nangyayari.

"Bitiwan mo 'ko, Christopher!" Pilit na kumakawala si Mommy kay Daddy at hindi nakikinig.

"Tama na, Analia! Hindi naman talaga sila magkapatid!"

Parang biglang huminto ang lahat. Lahat kami ay bumaling kay Manang.

"Manang!" Nanlaki ang mga mata ni Mommy sa matandang kasambahay.

"A-ano po..."

Bumaling sa akin ang patuloy na umiiyak na si Manang. "Hindi ka nila tunay na anak, Andrea—"

"Tama na, Manang!" pigil sa kanya ni Mommy na hawak pa rin ni Daddy.

Kumawala ako kay Tisoy at lumapit sa matandang kasambahay.

"Huwag kang makikinig, Lia. Wala ka talagang utang-na-loob!"

Nagsisigaw si Mommy pero parang hindi ko na siya narinig. Nag-focus na lang ako kay Manang at sa sinabi niya.

Umiiyak na tumango siya sa akin.

My lips parted as I turned to my parents. Nag-iwas ng tingin si Daddy. "T-totoo?" Lalong bumuhos ang mga luha ko nang pareho silang hindi nakasagot ni Mommy.

Mayamaya ay biglang hinimatay si Mommy. We were all worried. Mabilis na ipinahanda ni Daddy sa driver ang sasakyan. It happened so fast. Isinugod si Mommy sa ospital.

Tahimik kaming tatlo na naghihintay sa labas habang tinitingnan pa si Mommy ng mga doktor.

"Lia," tawag ni Dad. I turned to him. May luha pa rin sa mga mata ko. "Mahal ka namin ng mommy mo..." he started.

Nagyuko ako ng ulo. Naroon lang din si Tisoy at tahimik. "Hindi n'yo 'ko anak?" tanong ko nang muling mag-angat ng tingin.

Nakatingin lang sa akin si Daddy. May lungkot sa mga mata niya. "You will always be our daughter, Lia. Hindi mahalaga kung saan ka galing," he said it with finality.

Nang sabihin sa amin ng doktor na okay naman si Mommy ay umalis na ako ng ospital. Hindi ako napansin ni Tisoy na umaalis dahil abala at nag-aalala rin siya kay Mommy.

Naabutan ko sa bahay si Manang nang makabalik ako. Mukhang nag-aabang din siya sa akin. Agad siyang napatayo at lumapit nang makita ako.

"Kumusta ang lagay ni Analia?" Nakita ko ang labis na pag-aalala at pagsisisi sa kanya.

"Okay na po siya..." I answered. Nakatingin lang ako sa kanya. Para naman siyang nabunutan ng tinik.

"Salamat sa Diyos."

"Manang..."

Nagkatinginan kami. Halos mag-iwas siya ng tingin. "Manang, sino po ang totoo kong mga magulang?" Hindi siya nagsalita at yumuko.

"Manang, please..." I held her arm. "Sabihin n'yo po sa 'kin..."

Naluluha na naman ang mga mata niyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Please..." I begged.

Nagpaalam siya sa akin sandali na may kukunin lang sa kuwarto niya. Nang makabalik ay may ibinigay siya sa akin na isang litrato. Lumang litrato iyon na kasama niya ang isang babae na mas bata sa kanya.

"Siya si Chona."

Mula sa larawan ay nag-angat ako ng tingin kay Manang. She sighed. "Namamasukan din siyang kasambahay noon dito sa Maynila. Kakilala ko siya dahil sa iisang probinsiya lang kami galing. Isang araw... nanghingi na lang siya ng tulong sa akin dahil wala raw siyang mapuntahan at pinalayas daw siya ng amo niya."

Tumingin sa akin si Manang. "Sinabi ko kina Analia at pumayag naman sila. Tinanggap namin si Chona rito at nagtrabaho rin kasama namin dito sa bahay. Buntis siya noon... Hindi pa niya sinabi agad at nalaman na lang namin noong lumaki na ang tiyan niya. Nakiusap siya kina Sir Christopher na hayaan pa siyang manatili. Pinagbigyan naman siya ng mag-asawa. Pinagbubutihan din niya ang pagsisilbi at siya rin noon ang nag-aalaga kay Kristoff." Huminga si Manang. "Nang manganganak na siya ay sina Sir Christopher din ang nagdala sa kanya sa ospital at gumastos. Pagkatapos niyang manganak, gusto ka niyang ipaampon..." Tinitigan ako ni Manang.

I looked away.

"Nagdesisyon ang mag-asawa na sila na lang ang aampon sa iyo. Umalis din noon si Chona at hindi na bumalik pa."

"Nasaan siya ngayon, Manang?"

Umawang ang mga labi ni Manang. "Andrea—"

"Please, Manang," pakiusap ko.

Kumuha siya ng ball pen at papel. May isinulat siya doon na address at ibinigay sa akin. Tinanggap ko iyon at tiningnan.

"Hindi lang ako sigurado kung naroon siya ngayon. Basta diyan nakatira ang mga magulang niya."

Nakaupo ako sa buhangin ng isla habang nakatingin sa papalubog na araw. May mga lumalangoy pa sa dagat kahit pagabi na. Naririnig ko rin ang musika sa hindi kalayuang bar. Someone went to me a while ago and tried to start a conversation but I wasn't that attentive kaya kalaunan ay nagpaalam din.

Wala lang talaga akong ganang makipag-usap ngayon. Gusto ko lang umupo rito at tingnan ang lumulubog na araw. "Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Ang sabi ni Manang, umalis ka. Nagbaka-sakali lang ako na nandito ka." Natigilan ako at hindi agad nakakilos. Unti-unti akong lumingon at bumungad sa akin si Tisoy. Unlike his usual polo shirt uniform in the resort, nakasuot siya ngayon ng khaki shorts at white shirt. He was really Allen Kristoff Navarro. Ibinalik ko ang tingin sa dagat at sa papalubog nang araw. Dumidilim na. Naramdaman kong umupo siya tabi ko. Nanatili ang mga mata ko sa harap.

"Kontento naman na ako noon sa buhay ko dito sa isla... Pero nang makilala kita, sabi ko sa sarili ko, hindi puwedeng dito na lang ako. Dapat mas magsikap ako na may maabot sa buhay. Para sa 'yo. Para sa kinabukasan nating dalawa. Kaya noong nagpakilala sa akin si Dad, mas nagkaroon ako ng pag-asa. Kung siya nga ang tatay ko, matutulungan niya ako... Pero nang makita kita, nang sabihin nila na kapatid kita, sabi ko, sana hindi na lang pala nila ako anak. Mas gugustuhin kong patuloy na maghirap at magsisikap na lang ako para sa atin kaysa sa katotohanang kapatid kita."

I turned to him. He was looking at me. May emosyon sa mga mata niya na para lang sa akin. "Hindi nga tayo magkapatid," sabi ko.

Tumango si Tisoy. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

Nauna akong tumayo at naglahad ng kamay.

He looked at my hand. Parang hindi pa niya inasahan iyon. Tumayo na rin siya at hinawakan ang kamay ko. Nagkatinginan kami.

"Let's enjoy this night," I said.

Nakatingin siya sa akin, naninimbang. Parang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko. Pero tulad ko ay maguguluhan lang din siya. Because my head was a mess right now. Parang sa isang iglap ay hindi ko na alam kung sino talaga ako at kung saan ang lugar ko. Parang biglang hindi ko alam kung saan tutungo.

He nodded and held my hand tighter. I gave him a smile. "I'm hungry."

Dinala muna ako ni Tisoy sa paborito kong seafood restaurant dito sa isla. Si Sha ang kumuha ng orders namin. "Akala ko ikaw lang, Ma'am Andrea. Kasama mo pala si Kuya Tisoy." Hindi na halos nabura ang ngiti ni Sha. Mukhang natutuwa siya para sa amin. "Mayaman pala itong si Kuya Tisoy! Mas lalong bagay na kayo ni Ma'am Andrea," inosente niyang sinabi. Hindi alam ang buong katotohanan.

Pero ano nga ba ang totoo? Hindi ko pa natatanggap na magkapatid kami ni Tisoy, pagkatapos malalaman kong hindi naman pala talaga kami magkapatid. May parte sa akin na nagpapasalamat... At may parte na parang naliligaw at nasasaktan.

All my life, akala ko sila talaga ang pamilya ko. Sina Mommy at Daddy... they were not really my parents. At hindi ko pa alam kung nasaan ngayon ang totoo kong mga magulang. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kaya siguro sa Villa Martinez muna ako dinala ng mga paa ko.

"Nasaan si Jewel?" I asked her dahil hindi ko pa nakikita si Jewel sa resort simula nang dumating ako kahapon.

Nawala ang ngiti niya at napalitan ng lungkot. Umiling siya. "Bigla na lang siyang umalis pagkatapos mamatay ng lola niya."

My lips parted a bit. "Saan siya nagpunta?"

Umiling si Sha. "Hindi nga namin alam. Parang bigla na lang siyang nawala. Wala talagang paalam." Nahimigan ko ang pagtatampo niya sa kaibigan.

"Si... Russel?" Naalala kong palagi ko siyang nakikitang nakabuntot kay Jewel noon. Nagugulo na nga niya ang trabaho ni Jewel kakasunod at kakakulit.

Sumimangot si Sha. "Siya ang naiisip kong dahilan ng pag-alis ni Jewel dito. Sinaktan n'on ang kaibigan ko."

Bahagya akong nagulat. Parang totoo nga yata ang narinig ko noon na may pustahan sina Kaz.

"Sige po, kunin ko na ang order n'yo." Muling ngumiti si Sha at nagpaalam na pagkatapos.

"Nasaan ba si Russ ngayon?"

Tumingin ako kay Tisoy at umiling. "Wala na sila rito... Nakabalik na siguro sa Manila." Kahit si Tita Elsa ay wala rin. Hindi ko na rin ipinaalam na nandito ako ngayon sa isla at naka-check-in sa isa sa mga villa.

Dumating na ang in-order namin. Si Tisoy ang nagbukas ng alimango at nagbalat ng sugpo para sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay hinila ko naman siya papunta sa bar. Dahil medyo maaga pa, wala pa masyadong tao. Um-order ako ng drinks para sa amin.

"Andrea," pigil niya sa pangalawang shot ko. Halos hindi pa niya naiinom iyong kanya.

I just gave him a cheeky smile at nilagok na iyong alak sa shot glass.

Napailing na lang siya.

Nang unti-unti nang dumami ang tao at lumalakas na rin ang musika ay hinila ko si Tisoy patayo. Dinala ko siya sa gitna ng mga nagsasayawan. Ipinalibot ko ang mga braso sa batok niya. I danced and urged him to dance, too. Mukhang naninibago siya sa kilos ko.

What? I just wanna have fun.

Our faces became only inches apart. I closed the distance and my lips claimed his lips. I kissed him deep. I kissed him hungrily. Tinalikuran ko siya pagkatapos ng halik. I continued dancing. I started rubbing my butt on his crotch. I heard him groan. I smirked. Umeepekto na rin sa akin ang alak.

Hinawakan niya ako nang mabuti para mapirmi ako.

Muli ko siyang hinarap at muli kaming naghalikan. "Andrea," tawag niya nang hinila ko siya palabas ng bar.

Nang malapit na kami sa dagat ay binitawan ko ang kamay niya. Agad akong naghubad ng suot kong beach dress at hinayaan iyong mahulog sa buhangin. Leaving only my two-piece bikini.

Tumakbo ako papunta sa dagat. Nang hanggang baywang na ang tubig ay nilingon ko si Tisoy. Naabutan ko siyang naghuhubad na rin ng shirt. Lumangoy na ako.

Pag-ahon ko ay nasa harap ko na siya. We stared at each other. Hindi ako sigurado kung nagawa ko ba nang maayos pero sinubukan ko siyang akitin sa tingin ko. At tingin ko, naakit naman siya dahil bigla niya akong hinalikan. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko. He claimed my lips hungrily. I moaned in his mouth.

Iniyakap ko ang mga braso sa kanya. He also hugged my small body tightly. Dikit na dikit kami sa tubig sa madilim na gabi. My breasts got squished against his hard chest. Sandali siyang tumigil sa paghalik at tinitigan ako. His eyes were intense. Like fire, burning in desire. I licked my lips and he kissed me again.

Umangat ang katawan ko. He carried me. Awtomatikong pumulupot ang mga binti ko sa baywang niya. I tried to reach for his crotch. I tried rubbing my body against his. The heat of his body was comforting against the cold seawater.

Our making out continued inside my villa. Bumagsak ang likod ko sa malambot at maputing kama. Maagap siyang sumunod sa akin at hindi na yata kami matigil sa halikan. Alam kong pulang-pula na ang mga labi ko nang pakawalan niya. We didn't need more foreplay. Sapat na iyong kanina sa bar at sa dagat, at sa shower...

The wetness of my femininity welcomed his huge shaft. We both moaned in each other's mouth. I moved with him. Bahagya kong itinulak si Tisoy paalis sa ibabaw ko. Our parts detached, too. Pumuwesto ako patalikod sa kanya. So that he could fuck me from behind. Maagap naman siyang kumilos.

"Oh..." I moaned. Napakapit ako sa puting bedsheet. We were both sweating and panting. He was in front of me again. I told him to go faster and he was quick to oblige. The bed rocked with us. My mouth was open and I moaned louder and longer...

And then I just came. He continued moving until he soon followed, filling me with his heat.

"I love you, Andrea," he whispered, kissing my ear. Bumagsak siya at naramdaman ko nang bahagya ang bigat niya sa katawan ko.

My lips were still parted. I was still trying to even my breathing. "I love you," I replied. I closed my eyes for a while.

Nang dumilat ako ay hindi iyon nagtapos doon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro