★ EPILOGUE ★
▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬
Welcome back to the home of amazing products in the universe, LH Shopping Network! I am your guide here, Trisha Murphy and we're delighted that you are—
WE ARE INTERRUPTING THIS PROGRAM TO BRING YOU THESE NEWS AND ANNOUNCEMENTS FROM THE MUTTERING TREES CORPORATION CHANNEL. PLEASE STAND BY...
MTC NEWS: Banning of all LHSN's Products and the Closure of its factories
Dahil sa kaguluhang naganap noong April 21, 2020 sa Yellowstones Amphitheater bago pa man magsimula ang product launching ng LH Shopping Network, nagkaroon ng malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad doon na nagtagal ng ilang araw.
Base sa kanilang pag-iimbestiga, ang mga naturang produkto na ibinibenta ng shopping network ay sobrang delikado sa mga tao at ginagamit rin daw ito para 'makontrol' ang kung sino mang gagamit sa mga 'yon. Ang best-selling product nila na Vide Noir ay itinuturing na ring isang illegal substance ngayon, sa kadahilanang nagtataglay raw ito ng napakaraming kemikal na may 'bad psychological effects' na maaaring ihantong sa pagpanaw ng iinom nito.
Pagkatapos naman ng ilang araw na imbestigasyon ay tuluyan nang ipinasara ng mga awtoridad ang LH Shopping Network at ang lahat ng mga factories nila, kabilang ang pinakamalaki nilang factory na natupok ng apoy noong araw din na nagkaroon ng kaguluhan sa Yellowstones Amphitheater. Ipinatigil na rin ang lahat produksyon at distribusyon ng kanilang mga produkto. Inaasahan naman sa mga susunod na araw at linggo ay ilalabas na ng mga awtoridad ng isang "official banned letter" na kung saan ay ipinapa-ban na ang lahat ng products na gawa ng LHSN, lalo na sa buong bansa ng Isle of Edelidea.
MTC NEWS: The Downfall of LHSN's Former Founder, Dean Farrar
Kasalukuyan nang hawak ng mga awtoridad ang dating founder ng LH Shopping Network si Dean Farrar, kasama ng karamihan sa mga tauhan niya, matapos maganap ang napakalaking kaguluhan doon sa Yellowstones Amphitheater noon April 21, 2020.
Base sa nadagdag na impormasyong nahagilap ng mga awtoridad ay may balak umano ito na 'sakupin ang buong cosmos' gamit ang kanilang mga produkto—lalo na ang sinasabi nilang 'new and improved version' ng ngayon ay isa ng illegal substance na 'Vide Noir.' Nagmula ang impormasyong ito at ang ilan pang bagay na konektado rito sa dating gang leader ng The World Enders na si Avery. Napabalita rin noong 2013 na nadamay ang naturang gang group sa lumaganap na isyu noon—sa pagitan ng grupo nila at ng LH Shopping Network.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon, at ang ilan sa mga detalyeng nahahanap nila ay hindi nila sinasabi sa publiko para daw sa 'kaligtasan ng lahat.' Kasalukuyan namang nakakulong sa pinakatago, secured, at private na lugar si Dean Farrar at ang lahat ng kanyang mga kasabwat. Kasama na rin dito ang isa sa mga apo niyang si Craig Halester Jones—
Has your life turned upside-down all of a sudden? Are you being abused in the worst way possible? Or do you want justice for something that makes your world so miserable?
Well, we got you, mate! Here in our hood, we will help you to overcome these struggles you've got in your life. You can also lend a hand to other people—while being the best and coolest version of yourself!
I am Emery, and we're the World Enders! The unfair, the abusive, and the bad men must die in our hands for the peace of our whole cosmos! Join our hood now!
▬ • ★ • ▬
"Sinubukan ko namang mamuhay nang normal, pero ayaw talaga ng tadhana na maging normal ang buhay ko..."
Ayan ang ilan sa mga salitang binitawan ko nang hindi pa nagsisimula ang paglalakbay ko noon sa Frozen Pines, mahigit isang taon na ang nakalipas. At ngayon na tapos na rin ang paghahasik ng lagim ng Creature from the Void rito sa buong cosmos ay hindi pa rin naging normal ang buhay ko pagkatapos ng Battle in Cosmos noon. Marami-rami ding mga bagay ang nangyari pagkatapos n'on, pero hindi naman na kasing-miserable katulad noon—sa palagay ko.
Isa sa mga pangyayaring hindi ko pa rin inaasahan ay naging official gang leader na ako ng The World Enders ngayon. Isang buwan pagkatapos ng pagdiriwang sa pagkapanalo namin ay napagpasiyahan nina dad na iyon na ang tamang oras para ipasa na sa akin ang responsibilidad bilang isang ganap na gang leader ng TWE. Nagkaroon ng isang ceremony sa campsite ni Claira para doon—at hindi naman na ako umayaw pa sa posisyong 'yon na ibinigay sa akin, dahil pinapahawakan ko na ngayon ang pagiging isa sa mga tao na handang magsakripisyo para lang mabantayan at mapanatili ang kapayapaan sa buong sangkatauhan.
Hay, parang noon lang... hinahangaan ko ang gang group na 'yon lalo na sa mga comics nila. Pero ngayon, ako na mismo ang new gang leader nila. I still can't believe it though, but that's the reality. I'm their new leader now.
Si dad naman ay tuluyan nang bumaba sa posisyon niya bilang lider ng TWE at naisipang magbakasyon muna sa Mallines ng ilang buwan, isang lugar sa eastside ng Isle of Edelidea. Sikat talaga ang lugar na 'yon biglang bakasyunan ng mga turista, at nakuwento rin sa akin ni dad dati na gustong-gusto niyang bumisita doon at mag-relax kahit na kaunti. Sumama rin pala sa kanya si Tito Al, na sa ngayon ay parte pa rin naman siya ng TWE pero bumaba na rin siya sa puwesto niya bilang temporary leader at kanang kamay ng gang group. Hindi ko na rin masyadong nakikita nang personal si Al, pero nagkakaasaran pa rin naman kami minsan through phone call kapag tumatawag siya sa akin ng ilang beses sa isang linggo.
Tinutulungan naman ako nina Claira at Britanny na mag-recruit pa ng mga tao bilang new members ng TWE sa loob ng ilang buwan. At habang ginagawa rin namin 'yan ay unti-unti rin naming nililinis ang pangalan ng gang group na hawak ko sa mata ng ibang mata tao. Oo nga't isang gang group ang The World Enders, pero hindi ibig sabihin n'on na mga basag-ulo kami at puro kagaguhan lang ang ginagawa.
Mukha mang hindi madali ay nagpapasalamat naman ako at may mga tumutulong sa akin para gawin 'yon. Noong una nga ay sinabihan ko sina Britanny at Claira na mamahinga muna ng ilang linggo, pero pareho silang umiling at tinulungan ako para sa mga future plans ng grupo.
Sa loob ng halos isang taon ay unti-unti kong naaayos ang reputasyon ng TWE, hanggang sa mas dumami na ang mga bagong members ng grupo namin. Nagkaroon din ng mga paghahati-hati sa grupo namin para ipakalat ang lahat ng members sa buong Isle of Edelidea. Sa ngayon, magkakaroon na rin ng apat na sub-leaders kada district rito sa Edelidea.
Habang inaayos ang TWE, dahan-dahan ko na ring binubuo ulit ang pagkatao ko. Hindi ko man maibabalik pa ang buhay na mayroon ako noon o baguhin ang kasalukuyang panahon batay sa kagustuhan ko, abot-tenga naman ang ngiti ko kahit na papaano dahil magiging mas mabuti at maganda na ang mga nangyayari sa akin at sa lahat ng mga taong minamahal ko ngayon. Siguro nga't simula noong namatay ang parents ko ay nagkandaletse-letse na ang buhay ko—pero ngayon, alam ko na sa sarili ko na kaya nangyari ang mga bagay na iyon ay dahil sa may misyon ako rito sa cosmos. At inihanda lang niya ako para magtagumpay kami sa misyong 'yon.
▬ • ★ • ▬
One year later...
Kahit halos isang taon na ang nakalipas simula noong natapos ang laban ay may isang bagay pa rin akong hindi kinakalimutan...
"Wesley... Let's try again to do that thing we weren't able to do five years ago... Meet me on the side of that river... Exactly one year from tonight..."
Ayan ang nakasulat doon sa lumang sketch ko na ibinalik sa akin ni Louisa noon kasama ang isang letter na para sa akin. Simula noong nabasa ko iyon ay araw-gabi ko nang iniisip 'yan—at sa totoo lang, halo-halo ang nararamdaman ko tungkol sa note na 'yon ni Louisa.
Bahagya akong nababalisa, dahil nanunumbalik ulit ang lahat ng alaala at trauma ko noong nawala siya nang parang bula ng gabing dapat magkikita kami sa tambayan namin—sa tabing-ilog na nasa Eastside White Forest. Ayoko mang dagdagan pa ng mga negative thoughts ang isipan ko dahil doon, pero hindi ko pa rin maiwasang matakot sa kung ano mang mangyayari...
Sa gabing ito.
Pagkaparada ko ng kotse ko sa isang parking lot na malapit sa gilid ng Eastside White Forest ay agad akong naglakad papunta sa loob ng forest na 'yon. Hindi masyadong madilim doon dahil nagsisilbing ilaw ang bilog na buwan na nasa langit habang binabagtas ko ang kagubatan. Nakakarinig rin ako ng mga kuliglig sa buong paligid at ang pag-ago ng tubig mula sa ilog na nasa 'di kalayuan.
Habang naglalakad ay naghahalo ang saya at kaba mula sa puso't isipan ko—na halos pinagpapawisan na ang buong katawan ko. Huminto muna ako sumandali, huminga ng malalim, at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Nang makarating ako sa shoreline kung saan kami madalas tumatambay noon ni Louisa ay umupo na muna ako sa lupa. Tumingala ako nang bahagya at kitang-kita ko ang libo-libong mga bituin na nagkalat sa madilim na kalangitan. Bahagya rin akong binabalot ng malamig na simoy ng hangin doon na nagpapataas rin ng balahibo ko nang kaunti.
"Wesley, magiging maayos ang gabing 'to. Tiwala lang, matutuloy na rin ang pagkikita niyo ni Louisa rito." Napapikit ako habang sinasabi 'yan sa isipan ko at dinaramdam ang buong paligid ko.
Nanatili lang akong nakapikit pagkatapos kong sabihin 'yon. Dahan-dahan lang rin akong nagpapasok ng hangin sa ilong ko at inilalabas rin 'yon sa bibig ko.
Pagkaraan ng ilang minuto ay unti-unti na akong dumilat—at sa pagdilat ko ay may isang kamay ang bigla na lang pumatong sa kaliwang balikat ko. Bahagya naman akong napatalon sa kinauupuan ko dahil doon.
"Don't be afraid, it's just me..." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mala-anghel niyang boses. Hindi naman na ako nananaginip ngayon, 'di ba?
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko para makita ko kung sino iyon. At tama ang nasa isip ko. Siya 'yon.
Nagliliwanag si Louisa ngayon, katulad ng isang bituin sa langit—kasingliwanag ng Emerald Star na nasa kalagitnaan ng madilim na gabi. May suot rin siyang mahabang emerald green silk dress at wala siyang suot sa kanyang mga paa. Nginitian naman niya ako, dahilan para malusaw ang puso ko.
"Hi, Rainbow..." aniya habang malawak pa rin ang kanyang ngiti sa akin. Tumayo naman ako at agad na hinawakan ang kanyang mga kamay.
Marami akong gustong sabihin, pero wala man lang lumalabas sa bibig ko ngayon. Nanginginig rin ang pareho kong mga kamay at labi ngayon.
"T-totoo na 'to, 'di ba? Sampalin mo nga ako kung totoo na 'to!" nauutal na pagtatanong ko kay Louisa na bahagya niyang ikinatawa.
"There's no need to do that, silly! Totoo 'tong nangyayari ngayon. Hindi ito panaginip, Wesley."
Nginitian niya ulit ako, at sa pagngiti niyang 'yon ay napansin kong may nagliliwanag sa ibabaw naming dalawa. Ang Emerald Star.
Eight years ago, my life became miserable—and it became worse when she suddenly disappeared six years ago. But now... Life's better than before, and I finally found her. Hindi man nasagot ang ilan pa sa mga natitira kong tanong tungkol sa mga nangyari noon, marami pa ring mga bagay ang nagbigay sa akin ng kaliwanagan sa kung sino nga ba talaga ako at sa kung ano rin ang silbi ko rito sa buong cosmos. That's better than nothing, right?
May mga bagay rin akong natutunan simula noong napadpad ako sa Frozen Pines. Unang-una na dyan ang huwag mawalan ng pag-asa. Kahit na sa tingin ko ay maliit na lang ang tsansang makita ko si Louisa noon, buti na lang at hindi ako sumukong hanapin siya dahil mayroon pa ring natitirang pag-asa mula sa puso ko. Pangalawa naman ay huwag magpadala sa bugso ng damdamin. Inaamin ko, minsan talaga ay hindi ko makontrol ang sarili ko sa mga unexpected and unconscious decisions na ginagawa ko dahil likas na rin sa tao na maging pahangas sa mga kilos—pero dahil sa mga nangyari sa akin lalo na noong nabuhay ulit ako't naging gang leader pa ng The World Enders, natutunan kong kontrolin ang emosyong nararamdaman ko para hindi 'yon makaapekto sa malalaking mga desisyon na kailangan kong gawin. At ang pangatlo naman ay hindi ka nag-iisa sa mga laban na ikinakarahap mo sa buhay. Akala ko nga noon ay ako lang mag-isa ang magbabagtas ng strange and unknown trails na sinasabi sa akin ni dad noon—pero simula noong makilala ko sina Britanny, Claira, Al, at iba bang mga taong tumulong sa akin noon na tumayo ulit sa sarili kong mga paa ay doon ko na rin naisip na hindi talaga ako nag-iisa sa mundo. May tutulong at tutulong pa rin sa'yo sa mga lugar na hindi mo aakalaing kakailanganin mo sila.
Sa ngayon, wala na rin naman na akong hinihiling pang ibang bagay. Bakit? Dahil kahit na hindi perpekto ay mas maayos at matiwasay na rin ang mga buhay namin ngayon. Wala na rin ang Creature from the Void pati ang mga tauhan niya para manggulo pa rito sa buong cosmos. Natagpuan ko na rin si Louisa pagkatapos ng maraming tao at nasa mabuting kalagayan na siya ngayon.
At sa wakas... nahanap ko na rin ulit ang sarili ko.
I think we're now finally finished following the bottom of the Emerald Star.
FIN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro