✰ Chapitre Vingt-Trois: Gloomy Night
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
The night is so gloom
And I wanna be with you
But you're already dead and gone
So what am I supposed to live for now?
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapitre Vingt-Trois:
GLOOMY NIGHT
—Wesley
Sa unang labinlimang minuto na pagmamaneho ko ay pareho kaming walang imik ni Britanny sa isa't isa. Nakatingin lang din kasi ako nang diretso sa binabaybay kong kalsada, habang siya naman ay may hinuhuni na kung ano-ano at nakadungaw sa labas ng bintana. Pero binasag rin ni Britanny ang katahimikan nang bigla niyang binuksan ang radyo nitong sinasakyan naming kotse.
"You are listening to Alive from Muttering Trees! I am your host tonight, DJ Xel, and I am here to travel you back in time..." Isang mababang boses mula sa isang lalaki ang una naming narinig nang buksan ni Britanny ang radyo. The DJ speaks slowly, but it didnʼt make me feel sleepy though.
Sumandal si Britanny sa inuupuan niya pagkatapos niyang buksan ang radyo, at ako naman ay naka-focus lang sa pagmamaneho. Kahit na bahagyang nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak nang mahigpit sa manibela ay sinubukan ko pa ring magmaneho nang maayos.
Pareho lang din kaming nakinig nang tahimik.
"Tonight is April 18, 2020, at nagkataon na sakto ang segment natin ngayong gabi sa pagbabalik-tanaw ng isa sa mga taong naging parte ng aming entertainment company noon..."
Nang marinig ko ang linyang ʼyan ay bahagya akong na-distract, dahilan para bahagyang naging hati ang atensyon ko sa pagmamaneho ng sasakyan. Hindi ko alam kung napansin ba ni Britanny ang ikinikilos ko, pero mas pinakinggan ko na lang rin muna ang sinasabi ng DJ.
"Ever since she was seven years old, she became a member of our family here at Muttering Trees Entertainment. This girl's voice was also interesting—it makes you feel the goosebumps and the chills down your spine.
"Her soft gloomy voice might tell you some tales, all along with her eyes full of darkness and her heart that has been already eaten by the void... But unfortunately, she suddenly disappeared. Leaving nothing but her first and last single—and oh my, it was one of the deepest, saddest, and most emotional songs I have ever heard!
"Tonightʼs featured artist was our former entertainer and singer of Muttering Trees Entertainment, Louisa Green, or much known as her codename 'Frankie'. At sa pagbibigay-respeto mula sa ikalimang anibersaryo ng pagkawala niya at pagbabalik-tanaw na rin sa kanya, buong puso kong ibinabahagi ang nag-iisang kanta na iniwan niya para sa ating lahat ngayong gabi—"
Bigla na lang nawala ang boses ng DJ kaya mabilis akong mapatingin sa radyo. Pinatay pala ni Britanny ʼyon, dahilan para napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Baʼt mo pinatay?" pagtatanong ko sa kanya, pinapanatiling magmaneho nang maayos.
"Patutugtugin nila ang Gloomy Night ni Louisa. Ayos lang ba sayo na marinig mo ʼyon ngayon?"
Hindi niya sinagot nang direkta ang tanong ko, bagkus ay binigyan niya lang din ako ng tanong. Napangiti naman ako nang mapait.
"O-okay lang sa akin, Britanny. Halos limang taon ko na ring hindi napapakinggan ang kantang ʼyon..."
Nagkaroon ng konting alinlangan si Britanny na buksan ulit ang radyo, pero pagkaraan lang din ng ilang segundo ay binuksan niya ulit ʼyon.
𝅘𝅥𝅮 You're like the sun, and Iʼm like the moon
Your sunlight rays upon my weeping soul
You making me shine between the sea of stars
Tell me, hon, if Iʼm the brightest one... 𝅘𝅥𝅮
Ang malamig at malumanay na boses ni Louisa ang agad kong narinig nang buksan ulit ni Britanny ang radyo. Iʼll be damn honest that I badly wanna hear her voice again. Pero sobrang kirot pa rin ang nararamdaman ko mula sa puso ko habang pinapakinggan ang kanta niyang ʼyon na Gloomy Night.
𝅘𝅥𝅮 But honey, why are you so far from me?
Did I do wrong or hurt you, darling?
I just wanted to hug you so I could bear this cold breeze
Honey, come back to me𝅘𝅥𝅮
𝅘𝅥𝅮 Gloomy night
I wanna be with you tonight
And be here on my side
Dancing under the pale moonlight 𝅘𝅥𝅮
𝅘𝅥𝅮 Gloomy night
Can you be here for a while?
Just stay with me, donʼt leave
ʼTil the sun rises up... 𝅘𝅥𝅮
May mga luha nang unti-unting naiipon mula sa mga mata ko nang makarating na sa pangalawang beses na chorus ang kanta ni Lou. Handa na ring umagos pababa ang mga luha ko na ʼyon sa mga pisngi ko, ngunit pinipigilan kong mangyari iyon dahil ayokong makita ako ni Britanny na umiiyak.
𝅘𝅥𝅮 What am I going to do with this life,
Now meaningless to live through?
You are dead and gone now, so how am I supposed to live
If you are the only one who keeps me alive? 𝅘𝅥𝅮
Nang makarating ang kanta dyan sa bridge part ay tuluyan nang nag-unahan ang mga luha kong umagos mula sa kaliwa kong mata pababa sa mga pisngi ko
"How come that this song of hers will be fitted in my situation right now?" pagtatanong ko sa isipan ko habang kinakagat ang ibabang bahagi ng labi ko.
𝅘𝅥𝅮 Gloomy night
I wanna be with you tonight
And be here on my side
Dancing under the pale moonlight 𝅘𝅥𝅮
𝅘𝅥𝅮 Gloomy night
Can you be here for a while?
Just stay with me, donʼt leave
Please stay with me, donʼt leave
Oh, stay with me here
And we will wait... until the sun is up... 𝅘𝅥𝅮
I uncontrollably sniffed my nose and quickly wiped off the tears that were flowing down my cheeks. The song is now finished, but my grief is still not over yet.
"Uh, a-ayoko nang makadagdag pa sa sakit na nararamdaman mo. But may I know what's the meaning behind that song?" Napatingin ang namumula at naluluha pa ring mga mata ko kay Britanny nang bigla niya 'yang naitanong sa akin.
Bago ko sagutin ang ininanong niya sa akin ay ihinto at ipinarada ko muna sa isang gilid ang minamaneho kong kotse. Pinunasan ko na rin muna ang mga luha ko bago magsalita.
"Alam mo, sa totoo lang, maraming ibig na sabihin ang kantang Gloomy Night, base sa ilang mga bagay na nasabi niya sa akin habang sinusulat niya 'yon." Panimula ko, habang sumisinok nang bahagya. "Hindi niya kasi talaga sinasabi ang mga hidden messages doon sa kanta niya nang direkta eh. P-pero may alam akong dalawang bagay na sa tingin ko ay tama naman ako..."
"Una doon ay may ilang lines sa Gloomy Night na nagde-describe tungkol sa akin. Doon sa part na 'youʼre like the sun, and Iʼm like the moon... your sunlight rays upon my weeping soul'? Ako ang tinutukoy niya dyan. Kasi nasabi niya sa akin na simula noong dumating ako sa buhay niya ay para bang isa akong araw, na sa tuwing ginagawa siyang masaya ay nahahawa at magiging masaya na rin daw siya nang dahil sa akin."
Nakangiti na naman ako nang mapait habang ikinuwento 'yan kay Britanny. Ilang segundo lang ay nagtanong na naman siya sa akin.
"So, what's the second one?" pagtatanong niya na may halong kuryosidad.
"Ang pangalawa? Well, nakakagulat lang kasi tungkol naman 'yon sa tatay niya."
"Oh... really?"
Tumango ako.
"Yep, the second one was mostly about her father. To be honest, bihira lang na ginagawang topic nina Louisa at ng nanay niya si Mr. Green sa isang usapan—siguro ay dahil na rin sa trahedyang nangyari sa kanya ilang araw pagkatapos isilang si Louisa. I don't really know what exactly happened to Louisa's father, but as far as I know... he died."
"Hmmm... Rest in peace to him..." Ayan lang ang tanging nasabi ni Britanny, nang mahina. Napabugtong-hininga naman ako sabay hawak nang mahigpit sa manibela.
Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Habang ganyan ay naalala ko lang din bigla ang joke sa akin ni Louisa noon. Hindi man nakakatuwa ang joke na 'yon ngayon, pero nasabi niya sa akin dati na kapag nawala man siya ay pwede ko raw pakinggan ang kanta niyang Gloomy Night.
Louisa, kung naririnig mo man ako ngayon... gusto ko lang sabihin na medyo gago ka sa part na 'yon...
Sinubukan kong payapain ang puso't isipan ko, kahit na konti habang nanatili kami ni Britanny na tahimik rito sa loob ng sasakyan. Nang medyo nakahinga na ako nang maluwag ay naisipan ko na ring ipagpatuloy ang pagbaybay sa kalsada. Bubuksan ko na sana ang makina ng sinasakyan naming kotse nang biglang ipinatong ni Britanny ang kaliwang kamay niya sa kanang hita ko, dahilan para bahagya akong napakislot at agad na napatitig nang diretso sa asul niyang mga mata.
Nagsalita siya gamit ng mahinanon niyang boses.
"Hey, Wesley. I know that it's very hard to finally let her go, at alam rin natin na dalawang beses pa siyang nawala sa'yo. Pero hindi rin ito ang tamang oras para magkimkim lang." Habang sinasabi sa akin 'yan ni Britanny ay may isang luha mula sa kaliwang mata ko na bigla na lang umagos ulit sa kaliwa kong pisngi. At sa halip na punasan 'yon ay hinayaan ko na lang muna 'yon na umagos pababa.
"Sa pagkakataong 'to ay hindi na natin siya maibabalik pa. Siguro kasama na ni Louisa ang tatay niya ngayon doon sa langit," pagpapatuloy ng sinasabi niya. "But please, be brave. It's not just for me or for the sake of the whole cosmos, but also for all of your loved ones... Be brave, Wesley. Especially for Louisa."
Nakikita ko mula kay Britanny ngayon na namumugto na rin ang mga mata niya pero pinipigilan niya lang na lumuha. Binibigyan niya lang din ako ng isang matipid na ngiti, dahilan para makaramdam ako ng kaunting init sa buong katawan ko. My heart just melt because of what Britanny said to me. Dapat lang talaga na hindi ko masyadong kinikimkim ang paghihinagpis ko tungkol sa pagkamatay ni Louisa, dahil baka makaapekto 'yon sa gagawin naming paglusob laban sa Creature from the Void.
Ipinatong ko rin ang dalawa kong mga kamay doon sa kaliwang kamay ni Britanny na nakapatong rin sa kanang hita ko. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko.
Nginitian ko naman siya pabalik.
"Don't worry about me, I will be brave... I'll try to be brave enough for all of you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro