Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✰ Chapitre Vingt: The Plan for Revenge

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

I stood up straight as I got my strength
To speak boldly in front of them
I looked at all of them first—one by one
And finally, I started to plan for my great revenge.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Vingt:
THE PLAN FOR REVENGE

—Wesley

Madilim na ang kalangitan nang pumasok kaming dalawa ni dad sa loob ng mansion ni Britanny.

Nakaakbay ang kaliwang braso ni dad sa akinh mga balikat nang dumiretso kami sa may sala. Doon, may ilang mga members ng The World Enders ang nagbabantay. Nandoon rin sina Al at Britanny, nakatayo sa gilid ng pahabang lamesa sa 'di kalayuan at para bang may pinag-uusapan na seryosong bagay.

Naglakad kami ni dad papalapit kina Al at Britanny para alamin ang kung ano mang pinag-uusapan nila. At sa paglapit namin ay napansin kong may nakalatag na malaking mapa sa may lamesa. Isa 'yong lumang mapa, na para bang ilang siglo na ang tanda n'on.

Hindi lang din basta-basta isang lumang mapa 'yon. Gumagalaw ang halos lahat ng nakalagay doon sa mapa na para bang ginamitan iyon ng mahika—mapa-letters man or mapa-drawings. Para bang nagmukhang isang 2D live action o animation map ang nakalapag sa lamesa ngayon.

Mas nakatutok ang mapa sa pang-apat na district ng Greenesilva, isang probinsya dito sa bansa namin na Isle of Edelidea. Nakasama rin doon ang napakalaking Lake Hureon at sa paligid ng lawang 'yon ay ipinapakita naman ang ilang lugar na pumapalibot doon. Nasa bandang kaliwa ang Amberwoods, ang Lemonopolis City, Birchtree, at ang Frozen Pines. Sa bandang kanan naman ang dalawa sa hindi masyadong pamilyar na lugar sa akin: ang Roseberry at Unnamed Forest. Narinig ko na nang ilang beses ang mga lugar na 'yon simula noong dinukot kami ni Dean, pero wala akong alam kahit na bahagya sa dalawang lugar na 'yan.

"Nakapag-usap na kayong dalawa ng tatay mo, Emery?" pagtatanong sa akin ni Britanny.

"U-uh oo naman—"

"Ih anu na ang plano mu?" biglang pagsingit ni Al, na ikinanganga ko nang bahagya dahil sa kalituhan.

"Ano naman ʼyang sinasabi mo?"

"Nagsisimula na kasi kami mag-usap ni Britanny tungkol sa plano nating pagsugud."

"T-teka, susugod tayo? Saan naman?"

"Sa Lemonopolis, Emery," pagsagot naman ni Britanny sa tanong ko. "Doon kasi gaganapin ang launch para sa new and improved Vide Noir ng LH Shopping Network. Bukod sa mga tauhan ni Dean Farrar, marami ring mga inosenteng tao ang pupunta doon kaya kailangan talagang pag-isipan nang maigi ang plano."

Sandali kong prinoseso ang mga sinabi ni Britanny sa akin. Habang ginagawa 'yan ay napatingin muna ako sandali kay Al na nakasuot pa ng sunglasses, tsaka naman ako napalingon kay dad na tahimik lang sa kinatatayuan niya—na para bang may alam na rin siya tungkol sa pinagsasasabi nina Britanny at Al.

"Kung may mga mga inosenteng tao ang nandodoon sa launch area ng LHSN, dapat lang talaga na pagplanuhan nang maigi ang gagawin natin. Kasi kung hindi, may mga madadamay—"

"Kaya nga itu na nga, pinag-uusapan na namin," sarkastikong pagsingit ulit ni Al sa sinasabi ko. At sa unang mga minutong nag-uusap kaming tatlo nina Britanny at Al ay nagsalita na rin sa wakas si dad.

"Alixandir, oo nga't si Emery na ang bagong gang leader natin ngayon. But he still needs my full guidance and assistance," mahinahon pero seryosong sambit ni dad kay Al. Habang ang gagong 'yon, wala nang nagawa kundi tumahimik na lang.

Well, totoo rin naman kasi ang mga sinabi ni dad. Although I finally got what my father was trying to say a few years ago before dying into my arms, wala akong alam sa pagiging leader—lalo na sa pagiging gang leader ng The World Enders. I don't know their gang group's systems, I am still in a full shock ,and I also don't know their do's and don'ts.

Nang matapos magsalita ni dad ay para bang lumabo na ang lahat sa akin. Ewan ko ba, parang nalutang ako bigla dahil sa mga pinag-uusapan namin ngayon. Naririnig ko ang mga boses nilang tatlo, pero wala akong maintindihan na kahit sa anong salita na inilalabas ng mga bibig nila. I was slightly zoned out all of the sudden.

Napalingon na lang muna ako sa ibang member ng TWE na kasama namin rito sa sala. Ang iba sa kanila ay nakatayo malapit sa malalaking mga bintana, at ang iba naman ay nililibot ang buong sala.

Isang member naman ang umagaw ng atensyon ko nang buksan niya ang isang 1950s style television at may mga pinihit na kung ano-ano sa bandang ibaba ng TV screen. Pagkatapos niyan ay umupo siya sa sofa na para bang bahay niya 'tong mansyon ni Britanny. Sa unang mga segundong lumitaw na ang mga tao sa screen ay hindi ko alam ang eksaktong ganap at kung sino-sino ba ang mga taong nandodoon. Pero habang patagal nang patagal ay nagiging pamilyar na ang lahat nang nandodoon sa akin.

"LH Shopping Network is back! And we are here again because we have something to tell you: we have very exciting news!"

Isang blonde-haired na babae na may cream coloured blazer, light coloured shirt, at light pink skirt ang nagsabi ng linyang 'yan. Siya si Trisha Murphy, ang main television host sa LH Shopping Network. Sa kaliwang gilid niya ay may katabi siyang lalaki na mukhang nasa mid-60ʼs at halos wala nang buhok ang tuktok ng ulo niya. May suot naman siyang light colored turtleneck, tan suit, at black pants. Nang makita ko ulit ang putanginang halimaw na 'yon ay bigla na lang nangalit ang mga ngipin ko.

"LH Shopping Network will have a great launch for our new and improved Vide Noir! And I am super-duper excited to say for all skygazers that this product, will be thrown you away to whatever your mind and soul that full of starʼs dusts desires," masiglang wika ni Dean Farrar habang may nakaukit na napakalaking ngiti sa mga labi niya.

Si Trisha naman ang nagsalita, habang may ipinapakitang isang picture ng lugar sa kanang gilid niya.

"Our launch will be on April 21st, at Yellowstones Amphitheater in Lemonopolis! Further information will be announced later on our main website and all of our social media platforms you will see on your lower TV screens."

Nanatili lang akong nakatingin nang masama doon sa TV screen habang pinapakita doon sina Trisha at Dean na tumatawa—dahan-dahan akong humihinga nang malalim, habang mahigpit na nakakapit sa sandalan ng isang wooden chair na nasa gilid ko lang.

"This is the home of amazing products of the universe, LH Shopping Network. See you on the Yellowstones Amphitheater—"

Sa sobrang nandilim ang mga mata ko ay hindi ko namalayang binuhat ko na pala ang upuang kanina ko pa kinakapitan nang mahigpit at inihampas ʼyon sa TV nang ilang beses. Nahulog sa sahig at nabasag ang pinaka-screen ng TV sa ilang piraso. Nasira din ang upuang ginamit ko panghampas.

Naririnig ko ang mga boses nina dad at Britanny na para bang pinapatigil nila akong dalawa sa ginagawa ko, pero hindi ako tumigil sa paghampas dahil nawalan na ko nang kontrol sa sarili ko. Alam ko ring sinusubukan akong pahintuin at pakalmahin ni Britanny, dahil nang magkaroon na ulit ako ng malay ay yakap-yakap na niya ako. Inilalayo ako doon sa pinagpapalo kong 1950s style television.

Dahan-dahan naman akong kumalma, bumalik sa huwisyo, at binitawan ang hawak-hawak na natitirang piraso ng upuan. At sa bahagyang pagkalma ko ay una akong napatingin kay Britanny na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapalaya muna sa mahigpit niyang yakap sa akin. Nang makaramdam siguro siya ng hiya sa mga tingin ko ay agad naman siyang pumiglas at umatras nang konti papalayo sa akin.

Pagkatapos ay napalingon naman ako kay dad. Alam kong hindi niya alam ang totoong dahilan kung bakit ko ba ginawa ʼyon, kaya nakakunot ang noo niya at tinititigan ako na para bang nagtataka sa ginawa ko.

Kumaripas ako ng lakad papaalis ng sala papunta sa isang napakahabang hallway. Mabibigat rin ang mga yapak na ginawa ko. Pagkapunta ko doon sa hallway ay ramdam ko na may taong nakasunod sa akin, kaya mas binilisan ko pa ang lakad. Nang liliko na sana ako ay bigla namang hinila ng taong sumusunod sa akin ang isa kong braso, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at mapalingon agad sa kanya.

"Dad, bitawan mo ako!"

"Hindi, Wesley. Hindi ka aalis sa harapan ko habang hindi mo ipinapaliwag ang ginawa mo kanina doon sa sala," wika ni dad na may diin habang nakahawak pa rin sa braso ko.

Tinitingnan ko siya sa mata habang nakayukom ang mga kamay ko. Wala na akong nagawa kundi magpumiglas na muna mula sa pagkakahawak ni dad sa braso ko bago magpaliwanag sa kanya.

"I badly wanna take revenge, dad—kasi sobra-sobra na ang ginawang kahayupan ng mga putanginang ʼyon sa atin!" Biglang nanggigigil na sigaw ko kay dad habang nanginginig ang panga ko sa poot. Dad just gave me a concerned look.

"Wesley, youʼre just still messed up by this time," sambit naman ni dad na may halong pag-aalala sa boses niya. "Oo ngaʼt pare-pareho tayong galit sa mga punyetang ʼyon, but you canʼt just act impulsively because you are in rage and—"

"Dad, pinatay nila ang karamihan sa kamag-anak natin at ang mga mahal natin sa buhay!" I suddenly snapped. "Napakarami nilang pinatay! Pinatay nila si Lolo Thaddeus, si mom, at pinatay rin niya si..."

Sasabihin ko na sana ang pangalan niya nang bigla akong mapahinto. Bigla na naman kasing nanumbalik ang mga alaala ng pagkamatay niya.

"Sino?" pagtatanong ni dad na may halong kuryosidad.

"Pi-pinatay nila si... Pinatay..."

"Sino ba ʼyang sinasabi mo?"

Sinabunutan ko nang marahas ang buhok ko gamit ng pareho kong mga kamay, sabay pikit nang mariin.

Nang ipinikit ko naman ang mga mata ko ay bigla na lang ding nag-unahang ang mga luha ko na tumulo pababa ng pisngi ko.

"P-Pinatay nila si Louisa... Ang g-girlfriend ko..."

Bigla akong napahagulgol nang malakas. Nanlambot rin ang mga tuhod ko, dahilan para mapasalampak ako sa sahig. Si dad naman ay mukhang nabigla sa sinabi ko.

Sinamahan na rin muna ako ni dad na sumalampak sa sahig, at niyakap ako nang mahigpit habang hinahaplos ang tuktok ng ulo ko. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang napakainit na yakap ni dad sa akin. At magiging totoo na ako: kailangan ko ngayon ng warm comfort mula sa kanya—lalo naʼt siya na lang din ang malalapitan ko ngayon.

"P-Pagkatapos kong h-hanapin si Louisa nang halos l-limang taon, parang n-nabalewala na lang 'yon ngayon..." humahagulgol na sambit ko kay dad, habang niyayakap ko rin siya nang mahigpit. "Pi-Pinatay nila si L-Lou... sa h-harapan ko..."

"Shhhh, Wesley... Dad's here..." Dad tried to give me some comfort while still hugging me.

"N-naging abo s-siya... W-wala na..."

Hindi ko na nadugtungan ang sasabihin ko kay dad. Ang sumunod na lang ay ang mga luha at sinok ko.

Wala na rin akong nagawa kundi ilabas na lahat ng nararamdaman kong sakit sa pamamagitan ng pag-iyak. Ayan na lang din kasi ang magagawa ko ngayon, dahil hindi na rin maibabalik pa ulit ang buhay ni Louisa.

Dumaan ang ilang minuto at kung ano-ano na ang mga pinag-iisip ko. Mula sa labis na pagdadalamhati ko dahil sa pagkamatay ni Louisa, hanggang sa nagkaroon ako ng ideya na maghiganti na sa kanila—patumbahin isa-isa ang mga putanginang ʼyon na sumira sa buhay naming lahat.

Pagkatapos ng halos labinlimang minutong nakaupo sa sahig ay nagdesisyon na akong tumayo. Pinagpag ko muna ang suot kong pantalon at pinunasan ang mga luhang nasa pisngi ko.

"Gusto mo ba munang mapag-isa o—"

"Babalik na ako doon," walang emosyon akong sumingit sa itatanong sana ni dad.

Hindi ko na rin hinintay pa si dad na makatayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig bago ako maglakad. Pagkabalik ko ulit sa sala ay nadatnan ko doon ang ilang members ng TWE na nagkukumpulan sa isang gilid, parang may mga pinag-uusapan na wala na akong pakialam kung ano man 'yon. Nakita ko rin sina Al at Britanny na may tinitingnan sa isang lumang red book.

Unang nakapansin sa akin ay si Al, at sumunod na si Britanny nang bigla kong inihampas ang dalawa kong mga kamay sa lamesa. Bahagya namang mapatalon si Britanny at muntik nang maihagis ang hawak niyang lumang red book nang ginawa ko 'yon.

"First of all, sorry sa ginawa ko doon sa TV. Galit lang talaga ako ngayon," seryosong sambit ko sa kanilang dalawa ni Britanny at Al. Bahagya namang napataas ang kanang kilay ni Al. Siguro ay dahil na rin sa pag-iba ng tono sa boses ko at sa ikinikilos ko ngayon.

"Dad, diba ako na ang leader ng The World Enders ngayon pero kailangan ko pa rin ng full guidance niyo?" biglaang pagtatanong ko kay dad na nakatayo lang sa kaliwang gilid ko.

"Yes naman, Emery. Bakit?" pagtatanong ni dad na may halong pagtataka.

Kung nakikita man nila ako na kalmado ngayon, pwes, nagkakamali silang lahat. Kumukulo na ang dugo sa katawan ko at dumadaloy na rin ang poot sa mga ugat ko. Konti na lang ay sasabog na ako sa galit—pero kahit na ganyan ay pinapanatili ko pa rin maging kalmado.

Well, dad was right. I can't just act impulsively out of rage.

Mabilis ko munang binasa ang nanunuyo kong mga labi gamit ng laway sa dila ko at tinitigan silang tatlo nang isa-isa, tsaka ako tuluyang nagsalita.

"Wala pa akong experience sa pagiging ganyan, but let me give you some ideas I've got for our plans in this revenge."

▬ • ★ • ▬

Ilang oras kaming nag-isip ng kung ano-anong mga plano nina dad, Britanny, at Alixandir. Lahat kami ay nag-brainstorm, hanggang sa may ilan pang mga ideya kaming idinagdag sa buong plano.

Naisip ni dad na hatiin ang grupo namin sa dalawa, at sabay-sabay kaming susugod kapag nagpakita na siya ng senyales sa amin lahat—na hindi man lang din niya sinabi kung anong klaseng senyales 'yon. Basta ang sabi niya lang sa amin ay "it will be a fucking lit!"

Si Al ang mamumuno sa isang grupo, na kung saan ay susugurin nila ang factory ng LHSN. Sinabi niya rin sa amin na siya na ang bahalang magdagdag pa ng magiging mga tauhan namin—kukuha raw siya ng mga tao na galing sa ibang gang group na nakilala niya sa isang university doon sa Amberwoods. Siya na rin daw ang bahalang kumuha ng mga armas na pwede naming magamit.

Ako naman ang mamumuno sa isa pang grupo, at doon naman kami sa Yellowstones Amphitheater susugod. Habang nagpaplano ay isiningit ko na ring sabihin ang tungkol sa mga nalaman habang binihag kaming dalawa ni Louisa doon sa factory ng LHSN, lalo na ang parteng may theory ako na isa palang bituin si Louisa—isang parte ng Emerald Star.

Si Britanny naman daw ang bahalang mag-ayos sa mga spells and all of the magic stuffs na maaari naming magamit sa laban. Sa katunayan nga, ang pinag-uusapan pala nilang dalawa ni Al doon sa red book na hawak niya ay tungkol sa isang effect-changing spell, o isang spell para ibahin ang epekto ng isang bagay sa ibang nilalang. Pinag-uusapan nilang dalawa 'yan dahil may nalaman si Britanny tungkol doon sa new and improved Vide Noir at ang remedy n'on na Cosmic Ash: mas lumalala ang pagka-black-brained ng isang tao sa new and improve Vide Noir kapag ginagamot siya gamit ng Cosmic Ash.

At hindi lang 'yan...

Maaari daw gamitin ang bagong version ng Vide Noir ngayon para kontrolin ang buong kilos at isipan ng mga taong iinom n'on.

"Kung sumugod na tayo doon sa amphitheater at nagkataong may mga taong maba-black-brained, ano na ang gagamitin natin kung ayan ngang Cosmic Ash ay mas pinapalala na ang epekto doon sa new version ng putanginang Vide Noir na 'yon? May iba ka bang suggestions?" pagtatanong ko kay Britanny, habang siya naman ay naglilipat ng pahina doon sa hawak niyang red book.

"Sa totoo lang, may iniisip akong idea," sagot naman ni Britanny, sabay sara ng librong hawak niya. "Pero mukhang hindi ka papayag sa ideya kong 'yon."

"Huh? Ano ba 'yan?"

"We both know now that Louisa is a main ingredient for the new and improved Vide Noir. And we also both know that she's not just an ordinary star being," she said, "I had her ash, nakatabi sa isang lalagyan. Pwede nating gamitin ang konti n'on at ihalo ang abo niya doon sa Cosmic Ash."

Napakunot naman ang noo ko at bahagyang napanganga dahil sa ideya niyang 'yan. I immediately said: "Fuck, no!"

"Respeto naman sa abo ng namatay, Britanny!" angal ko sa kanya.

"Wesley, pag-isipan mo nang maigi 'tong idea ko. At tsaka isa pa, hindi ko naman gagamitin ang lahat ng abo niya, okay?"

Tiningnan ko siya sa mga mata niya, at pinag-isipan muna ang ideya niyang 'yon nang ilang segundo.

"Okay, but convince me first—"

"Alam ko nang sasabihin mo 'yan," biglang pagsingit ni Britanny, na putangina, hindi ko ba alam pero para bang alam niya talaga ang lahat ng mga susunod na mangyayari. Lalo na ng mga susunod na gagawin at sasabihin ko.

Bigla naman niyang tinawag si dad, na nakikipag-usap kay Al doon sa isang gilid. Maangas na naglakad naman si dad papalapit sa aming dalawa ni Britanny.

"Tinatawag niyo ako?" pagtatakang tanong ni dad.

"Yes, and I need you to tell the theory."

Bahagya namang napakunot ang noo ni dad, at prinoseso 'yon ng ilang segundo bago niya ma-gets ang sinasabi sa kanya ni Britanny.

"Oh. The Stardust Theory."

"Theory ng ano?" napatingin ako kay dad dahil doon sa sinabi niya. In-adjust muna ni dad ang suot niyang eyeglasses bago magpaliwanag tungkol doon.

"'We're made of star stuff'—that's one of the famous quotes of Carl Sagan in his book, Cosmos," panimula ni dad, na para bang nagboses science teacher siya bigla sa akin. "Alam ko nang isang star si Louisa. At siya rin ang Emerald Star, diba? Pero wala talagang totoong green star kung magbabase tayo sa astronomy...

"Somehow, naniniwala naman ako sa stardust theory. The six most common elements of life on earth—na hindi ko na iisa-isahin pa at baka maulol pa kayo sa kaiisip kung ano-ano ang mga 'yon—ay mayroon din gan'ong klaseng mga elements sa mga stars na nabuo dati, over many billion years ago.

"Ang point ko rito sa explanation ko na 'to ay all of us have cosmic connections, at nagkataon lang na ang pinaka-main ingredient ng bagong Vide Noir ngayon ay galing sa sinasabi niyong Emeraldimë, the Emerald Star. We can mix some of that star's ashes in the Cosmic Ash, change its effects, and finally use it as the remedy for those who be black-brained on that new and improved version of Vide Noir."

Alam kong legit ang mga sinabing 'yon ni dad, dahil isa siyang malaking walking encyclopedia sa sobrang pagiging nerd niya. Sa totoo nga lang din, kung hindi man humantong sa ganito ang buhay ni dad na pagiging founder ng The World Ender, baka hindi lang siya isang comic artist kundi isa rin siyang astronomer o cosmologist ngayon.

Napabugtong-hininga na lang ako dahil ang galing nilang kumbinsihin ako.

"Okay, payag na ako," sambit ko sa kanila, "Kunin niyo ang kalahati sa abo ni Lou, tapos sa akin naman ang kalahati."

Pagkatapos niyan ay bigla ko na lang ding naisip si Claira—out of nowhere. Alam kong sandali lang kaming nagkasama n'ong inalagaan nila kaming dalawa ni Louisa doon sa campsite nila, pero may sumagi sa isipan ko na: "bakit hindi ko rin siya isama rito sa plano namin?"

"Pwede naman natin siyang isama," sagot ni Britanny nang magtanong ako kung pwede ba ang naiisip ko. "Matagal ko na rin namang kilala 'yang si Claira, at may balak na rin akong ayain siya dito—pero hinihintay ko lang talaga na sabihin mo 'yan sa amin, Emery."

"T-teka. Sino 'yang si Claira?" biglang pagtatanong naman ni dad.

"Isa siya sa mga matagal ko nang kaibigan, simula noong binuhay ko ulit siya," tugon naman ni Britanny sa tanong ni dad. "Don't worry, makikilala mo rin siya bukas..."

Pagkatapos niyan ay napagpasyahan naming ayusin na ang mga plano ng bawat isa sa amin. Si Britanny ay dali-daling umalis sa sala para simulan na ang pagdagdag sa abo ni Louisa doon sa Cosmic Ash at baguhin na ang epekto n'on. Pumunta naman sa isang gilid si dad at may tinawagan siya na kung sino man ay hindi ko alam—bukod sa boses ng isang matandang babae ang narinig ko nang konti doon sa kabilang linya ng telepono.

Kumuha naman ako ng isang notepad at black ballpoint pen at ilista lahat ng mga planong gagawin namin. Gusto ko rin kasing maging organized at makita ang progreso sa paghahanda naming lahat.

Habang naglilista ay na-distract ako sa malakas na boses ni Al, na bahagyang kinainis ko. Pasimple ko siyang sinilip at napag-alaman kong may kausap rin pala siya sa phone niya.

Hindi ako nahirapang makinig sa kung ano mang pinag-uusapan nina Al at ng isa pang lalaki na kausap niya doon sa phone niya. Ang lakas kasi ng boses ni Al at naka-loudspeaker rin ang phone call.

"You had a lot of weapons that you ordered from us. And it was for Vernon, right?" pagtatanong ng lalaking kausap ni Al sa kanya.

"Ay uu, kailangan ni Avery 'yan por our Battle in Cusmos—"

"Avery... Hmmm, is she available?"

Bahagya akong napakunot nang masabi 'yan ng lalaki 'yon mula sa kabilang line ng phone ni Al. Bahagya namang napamura si Al dahil doon sa tanong ng lalaki.

"Putangina mo, IX—lalaki 'yang si Av'ry!" Natatawang sambit ni Al. "Pero hariparut naman 'yun—you can set your date with him."

Mas lumakas ang halakhak ni Al, habang wala namang kibo ang kausap niya na ang pangalan yata ay IX—kung tama ang pagkakarinig ko.

Hindi ko ba alam, pero napakagago talaga nitong si Alixandir, kahit na kailan—at ang lakas pang pagtripan ang dad ko.

▬ • ★ • ▬

April 16, 2020.

Ang lahat ay kumikilos para ayusin pa ang mga inihanda naming mga plano. Bawat isa sa amin ay naka-focus sa mga indibidwal na gawain. Kahit limang araw pa bago ang sinasabi nilang Battle in Cosmos, lahat kami ay aligaga buong maghapon.

Tiningnan ko naman kung ano na ang nagiging progress doon sa ginagawa nina Britanny, dad, at Al. Naayos na raw ni Britanny ang effects ng Cosmic Ash, pero kailangan pa rin niya raw na mas i-improve 'yon. Ang sabi naman ni dad sa akin, hinahanda na rin daw niya ang senyales na ipapakita niya bago sumugod ang dalawa naming grupo. Habang ang mga sinambit naman sa akin ni Al ay makukuha na raw namin bukas ang mga armas na binili nila kay IX, at hinahati niya na rin sa dalawa ang isang gang group doon sa Amberwoods na magsisilbing backup namin sa laban.

Kinagabihan ay nag-ayos na kaming apat, pati ang mga miyembro ng TWE, para umalis na muna rito sa mansyon ni Britanny. Nauna nang umalis sina Al at ang karamihan sa mga member ng TWE dahil pupuntahan nila ang sinasabi niyang backup group doon sa Amberwoods. Habang kami naman nina dad at Britanny ay sumakay doon sa lumang kotse ni dad—na hindi ko inaasahang makikita ko pa ulit 'yon, pagkatapos banggain 'yon ng mga tauhan ni Dean habang nakasakay pa kami ni Louisa doon noon—papunta sa campsite nina Claira, doon sa Frozen Pines.

"Ako na muna ang magda-drive," suhestyon ni dad, sabay bukas doon sa pinto ng driver's seat, "Matagal ko na ring hindi namamaneho 'tong si Babe..."

Babe—madalas na tawag pala ni dad sa sasakyan niyang white '78 Lincoln Continental Mark V. Hindi ko ba alam kung ano bang espesyal sa sasakyang 'yan. Pero sa halos limang taon pagmamaneho ng sasakyan ni dad ay ngayon ko lang napagtanto na sobrang mysterious din pala ʼtong kotse ni dad—kung naiintindihan niyo man ang ibig kong sabihin.

Umupo na rin si dad doon sa may driver's seat. Habang ako naman ay doon na lang muna sa may backseat para sakupin ang buong upuan na nandoon. Nakaramdam kasi ako bigla ng pagkahilo, kaya naiisip kong umidlip na lang din muna habang nasa bumabiyahe kami papunta kina Claira.

Tatabi pa sana si Britanny sa akin nang pinigilan ko siya at doon na lang muna siya pinapwesto sa front seat kung saan ay katabi niya si dad. Medyo halata sa mukha niya na ayaw niyang pumuwesto doon sa harap at mas gusto niya akong katabi, pero wala na siyang nagawa pa kundi pumayag na lang sa desisyon ko.

Pinaandar na ni dad ang makina ng kotse at sinimulan na naming baybayin ang lupang kalsada na pinagigitnaan ng malalaki at ibaʼt ibang puno. Ito ang unang beses na nakasakay ako rito sa sasakyang ʼto, pero hindi ako ang nagmamaneho.

Medyo kakaiba sa pakiramdam na maging pasahero lang ng sasakyang halos limang taon kong minamaneho. Pero alam ko rin naman sa sarili kong kailangan ko pa ng konting pahinga.

Doon muna ako umupo sa kanang parte ng backseat, sa likod ng inuupuan ni dad. Bahagya kong isinandal ang ulo ko doon sa car window and pinanood ang mga punong malalampasan ng sinasakyan naming kotse, hanggang sa nagsimula na akong maghikab at dahan-dahan nang nakatulog...



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro