✰ Chapitre Vingt-Six: The Battle in Cosmos (Part One)
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
This is the day
To fight for the whole cosmos
This is also the day
To defeat the monsters from our void.
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapitre Vingt-Six:
THE BATTLE IN COSMOS (PART ONE)
April 21, 2023.
—Wesley
Today is the launch of the new and improved Vide Noir.
Sa lumipas na halos tatlong araw ay labis talaga kaming naghanda para sa gagawin naming paglusob doon sa Yellowstones Amphitheater at sa factory ng LH Shopping Network. Mas dumami rin ang mga nandirito sa campsite nina Claira, at dahil 'yon sa nag-aya pa kami ng maraming tauhan na maaaring sumama sa amin. Ang karamihan sa kanila ay galing sa iba pang mga grupo na kilala ni Claira, habang ang ilan naman ay galing sa mga pinadalang tao ni Al dito sa amin—na may dala na ring mga armas na gagamitin ng halos lahat ng nandidito.
Si Britanny naman ay nag-aya rin ng ibang mga witches para tumulong sa dalawang grupo na binuo namin. Habang ako naman ay ipinaliwanag na sa kanilang lahat ang plano naming paglusob sa Lemonopolis. Well, syempre inalala rin namin ang kaligtasan ng mga inosenteng tao na maaaring madamay sa gagawin naming ito—na para din sa ikaliligtas ng buong cosmos.
I also remember that this is also the right time to take great revenge on that fucking Creature from the Void and its filthy servants, especially Halester. I will never forget how they tortured Louisa and me and how Lester killed Lou in front of my eyes. I will not also forget how furious I am right now, that I wanted to slash Lester's neck harshly with my dagger and use the Emerald Star's gem at the Creature from the Void to make him finally diminish too.
Habang inaalala ulit ang mapopoot na mga pangyayaring 'yon ay napayukom na naman ang mga kamay ko, at nang dahil doon ay huminga na lang muna ako nang malalim. Sa totoo lang ay sobrang galit ako ngayon. Ngunit alam ko rin naman na kailangan ko munang huminahon at mas pagtuunan nang pansin ang magiging papaano namin para matalo ang mga kalaban, lalo naʼt hindi rin namin alam ang aasahan naming mangyari kapag nagsimula na ang laban.
At tsaka isa pa, hindi makakatulong ang labis na pagkamuhi para magtagumpay ako sa gagawin kong paghihiganti—na hindi lang para 'yan kay Louisa, kundi para na rin sa mga inosenteng tao na dinamay nila sa ginagawa nilang katarantaduhan rito sa mundo.
Tinanggal ko na lang muna sa isipan ko sina Dean at Halester at mas inalala na lang ulit ang mga nakuha naming impormasyon sa magaganap na launch sa Lemonopolis. Mga 8 pm pa naman raw magsisimula 'yon sa Yellowstones Amphitheater, at 5:35 pa lang ng hapon ngayon kaya marami-rami pa kaming oras para sa huling mga paghahanda.
Huminga na lang muna ulit ako nang malalim at inayos ang pagkakaupo ko sa gilid ng single bed. Mag-isa lang rin kasi ako rito sa loob ng tent at halos katatapos ko lang tawagan si Al gamit ng phone ko. Kahit na medyo naiirita pa rin ako sa kanya ay isinantabi ko na muna 'yon at itinanong kung nakahanda na ba sila kapag susugod na doon sa factory ng LHSN mamaya. Ang sabi naman niya sa akin ay halos handa na rin daw sila at hinihintay na lang nila ang kung ano mang klaseng senyales ang sinasabi sa amin ni dad, tatlong araw ang nakalipas bago siya umalis at pumunta sa kung saan man.
Habang tahimik na nakaupo sa gilid ng single bed ay nagmumuni-muni at bahagyang nagiging balisa ako tungkol sa daan-daang mga bagay na posibleng mangyayari mamayang gabi. Ilang minuto rin akong ganyan hanggang sa may marinig akong kaliskis, dahilan para mapalingon naman ako sa buong paligid ko para hanapin ang kung sino mang gumawa ng tunog na 'yon.
"Oh, Britanny! M-May problema ba?" pagtatanong ko kay Britanny, na agad niyang sinagot ng pag-iling pagkatapos ko siyang makitang pumasok at naglakad papalapit sa akin.
"Wala naman, Wesley. But I have something for you..." Pagkasabi niyan ni Britanny ay agad rin niyang ibinigay sa akin ang hawak niyang isang damit na nakatupi nang maayos—isang black leather jacket. May kalumaan na ang jacket pero nasa magandang kondisyon pa rin ʼyon. Nang tiningnan ko na ang buong leather jacket ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Napansin ko kasi ang ilang mga logos, pins, at patches na nakalagay sa paligid ng leather jacket.
Sobrang pamilyar sa akin ang leather jacket na ʼto na bigay sa akin ni Britanny ngayon. Mayroong malaking logo ng The World Enders sa bandang likod ng black leather jacket na 'yon. Bahagya ring bedazzled ang jacket at may mga maliliit na mga pins na nakalagay—lalo na sa bandang balikat at kwelyo n'on. Mayroon ding mga patches na related sa gang group na TWE ang nakadikit sa parehong sleeves ng leather jacket, pero mas napansin ko ang isang ang light pink patch na may yellow at white flowers na may nakasulat na kung ano sa paligid n'on at nakalagay rin sa braso ng kanang sleeve.
"T-teka... alam ko kung ano at kung kanino 'to!" Pagkasabi ko nang malakas niyan ay narinig ko rin ang bahagyang pagbungisngis ni Britanny.
She smiled at me. "Yes, that's your father's black leather jacket that since you're a little child, you badly want to take that from him..."
Sa hindi ko ba mapaliwanag na dahilan ay bigla na lang akong napangiti nang malawak at nakaramdam ng saya na para bang bumalik na naman ako sa pagkabata. Well, tama naman si Britanny tungkol sa mga sinabi niyang 'yon. Maliit pa lang talaga ako ay gustong-gusto ko nang kuhain kay dad ang black leather jacket niya na hawak ko ngayon. Hindi niya lang talaga binibigay sa akin ʼyan dahil bukod sa napakalaki pa sa akin niyan noong bata pa ako ay makukuha ko rin daw 'yon sa tamang oras.
At nakasisiguro akong ito na nga ang tamang oras na ʼyon.
Ewan ko ba, pero kahit na natatakot ako kay dad noon ay hinahangaan ko pa rin talaga siya nang sobra. Halos naibibigay naman niya ang lahat ng pangangailangan naming dalawa ni mom noon. At nakakamangha lang din kasi magaling siya sa arts, sa self-defense, at matalino pa.
"Bago pala umalis ang dad mo ay sinabihan niya akong ibigay 'to sa'yo. Hindi na niya naibigay nang personal 'yan sayo at nagmamadali kasi siyang umalis n'on, but he wants you to wear that leather jacket for the battle in cosmos." Dugtong pa si Britanny sa sinabi niya kanina.
"P-Pero hindi ba nakakapukaw ng atensyon sa napakaraming tao itong leather jacket kapag suot ko na 'to doon?"
Ngumiti ulit nang konti sa akin si Britanny bago sagutin ang tanong ko na iyon. "Don't worry, I'll make their eyes deceived by my spells."
Biglang pinitik ni Britanny ang dalawa niyang mga daliri sa kanang kamay niya, at nang ginawa niya 'yon ay may kumislap na pulang sparks sa paligid ng black leather jacket ni dad na kanina ko pa hawak-hawak.
"Sige na, Wesley. Suotin mo na 'yan tapos sumunod ka na rin sa akin doon sa big catering tent. Naghanda na rin kasi kami ng makakain natin bago tayo umalis."
"O-okay," matipid ko namang sabi kay Britanny sabay ngiti. Pagkatapos niyan ay iniwan na niya ako nang mag-isa rito sa tent ko.
Matagal kong tiningnan ang buong black leather jacket ni dad bago ko napagpasyahang isuot na 'yon nang tuluyan. Hindi pa rin ako makapaniwalang isusuot ko na rin ʼto sa wakas.
Pagkatapos kong isuot ang leather jacket ni dad ay tinitigan ko naman ang sarili buong sarili ko sa isang salamin at inayos ang damit ko. Sumakto naman sa akin ang jacket na labis ko ring ikinatuwa dahil bumagay naman siya sa suot kong plain white t-shirt, black denim jeans, at black combat shoes.
Habang nag-aayos ay napansin ko ulit ang light pink patch na may yellow at white flowers. May nakasulat rin na kung ano sa paligid n'on, kaya mas nilapit ko ang mga mata ko sa patch na 'yon para mabasa nang mas maigi ang kung ano mang nakasulat doon.
"I am a flower that will never be wilted for you..." Nakaburda ang mga salitang ʼyan doon sa taas ng mga bulaklak sa patch. Sa bandang baba naman ay may nakalagay na isang pamilyar na pangalan: Fleura.
If I'm not mistaken, Fleura was my mom's pseudonym when she was a lounge singer here in Frozen Pines, many years before she met dad. I am also familiar with that name because my mom once told me some stories about her, being a former lounge singer.
I placed my hand above that light pink patch and closed my eyes. I felt something strange when I did that—I felt some chills down my spine—and I suddenly thought about mom.
"Mom, kung kasama ko man ang kaluluwa mo rito ngayon, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita at sobrang namimiss na rin kita..." bulong ko sa sarili ko habang nananatili pa ring nakapikit.
"Be my guardian angel and please guide us in the battle, okay? I love you and I still miss you to this day, mom..."
▬ • ★ • ▬
"Kumakain na ba ang lahat?" Bigla akong natigilang kainin ang fried chicken wings ko dahil sa sigaw ni Claira. Nandidito na kasi kaming lahat sa malaking tent kung saan nila hinahain ang mga pagkain rito sa campsite para kumain bago sumugod. Kasama ko naman sa isang table si Britanny, na abala naman sa pag-inom ng tea.
Nakatindig nang tuwid sa harapan namin ngayon si Claira na mukhang magbibigay ng talumpati sa aming lahat. Tumikhim muna siya nang kaunti bago magpatuloy sa pagsasalita.
"Bago tayo umalis rito sa campsite mamaya ay gusto ko lang munang magsalita sa harapan ninyong lahat... Alam kong lahat kayo ay alam na rin ang pinakalayuning ng gagawin nating paglusob sa Yellowstones Amphitheater. Gagawin natin ito, hindi lang dahil para patumbahin ang LH Shopping Network, kundi para din iligtas ang buong kalawakan...
"Gusto ko lang din munang magpasalamat sa lahat ng nandidito ngayon na handang isakripisyo ang mga buhay nila para sa kaligtasan ng ibang mga nilalang. Hindi man lahat ng nandidito ngayon ay makakabalik nang buhay pagkatapos ng laban, isang malaking pasasalamat na ang gusto kong iparating sa inyo ngayon mismo..."
Huminto muna sumandali si Claira para pagmasdan kaming lahat bago niya sabihin ang huli niyang mga salita para sa aming lahat.
"We only have a few hours before the battle in cosmos begins. At mamaya, lalabanan na natin lahat ng mga hayop na 'yon! Kaya pagkatapos niyo kumain dyan sa mga lamesa ninyo ay ihanda niyo na ang mga sarili niyo... dahil may mga ipapatumba pa tayong mga demonyo mamaya! Nawa'y gabayan rin ni Idra ang bawat isa sa inyo!"
Bigyang humiyaw nang malakas si Claira at gayon na rin ang halos lahat ng mga taong nakikinig sa kanya. Ilang segundo lang ang nakalipas ay nakita ko namang tumingin nang diretso sa akin si Claira at matipid niya akong nginitian.
"Bago ko rin pala makalimutan, may inihanda ring talumpati ang susunod na magiging lider ng The World Enders—at inaaya ko rin siya rito sa harapan niyong lahat." Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Claira dahil unang-una, wala akong inihandang speech. At ang pangalawa naman ay nahihiya ako nang sobra.
"Dali na, Emery! Samahan mo na doon si Claira!" Nginitian ako ni Britanny, dahilan para mapabugtong-hininga ako bago tumayo at pumunta sa tabi ni Claira. Wala rin naman akong magagawa kundi magsalita sa harapan nilang lahat dahil ayon nga, ako na ang susunod na magiging lider ng TWE.
Bago ako magsalita sa harapan nilang lahat ay huminga na muna ako nang malalim. Parehong nakayukom ang dalawa kong mga kamay at pareho ding pinagpapawisan ang mga 'yon.
"Wala akong naihandang maayos at matinong speech para sa inyong lahat, pero pipilitin kong may masabi ako ngayon bago tayo lumaban..." Napahinto muna ako nang ilang segundo para lumanghap ng kaunting hangin gamit ng ilong ko. At pagkatapos niyan ay sinabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin—diretso mula sa utak ko.
"Unang-una sa lahat, nagpapasalamat din ako sa mga nandidito ngayon dahil hindi birong sumama sa magiging laban natin mamaya. Hindi lang ito labanan ng mga tao sa tao, kundi laban ito ng mga nilalang at mga kampon ng kasamaan. Kaya taas-noo ko kayong babatiin sa katapangan ninyo.
"Hindi rin natin masasabi ngayon kung sino-sino ang magiging malubha ang kalagayan o mamamatay mamaya sa laban. Pero sasabihin ko na sa inyo ngayon: hangang-hanga na agad ako sa pagiging magiting niyo mamaya..."
Habang sinasabi ang mga 'yan ay bahagya akong napatingin kay Britanny, dahilan para mapatigil na naman ako sa pagsasalita. Bahagya na kasi akong nauutal sa mga sinasabi ko at mas pinagpapawisan pa rin ang mga palad ko dahil sa kaba.
Tiningnan rin ako ni Britanny nang diretso sa mga mata ko, at nang dahil doon ay hindi ko ba alam pero gumaan ang pakiramdam ko—kahit na papaano. Binigyan niya rin ako ng isang nakakapanatag na ngiti, hudyat na ipagpatuloy ko na ang pagsasalita.
Sa pagkakataong ito ay napatingin na ako sa bawat isa na kasama ko ngayon. Hindi ko man kilala ang halos lahat sa kanila ay ramdam kong katulad ko lang din sila na may gustong ipaglaban. Na gustong maghiganti para sa hustisya ng mga nabiktima nina Dean Farrar. At nang dahil dyan ay mas lumakas na ang loob ko ngayon na makipaglaban... tutal, hindi naman akong mag-isang lalaban.
"Sa nakalipas na maraming taon ay maraming nangyaring masama dahil sa mga kagaguhang ginawa ng Creature from the Void, o mas kilala sa ginagamit niyang pangalan na Dean Farrar. Maraming tao ang naghirap, at marami ding namatay nang dahil sa kanila. At kung hindi niyo lang din alam, tinorture nila at namatay sa harapan ko ang halos lahat ng pinakamamahal ko sa buhay!
"Sikapin nating lahat na itong gabi ang magiging huling gabi na may dadanak na dugo nang dahil sa Creature from the Void at ng mga alagad niya! Lalabanan natin sila hanggang sa huli nating mga hininga! Nagsimula na ang labanan, at tayo ang magtatapos nito sa pamamagitan ng pag-ubos natin sa kanila!"
Biglang tumaas ang adrenaline ko nang isinigaw ko nang dahan-dahan ang huling bahagi ng mga sinabi ko sa kanilang lahat. Kitang-kita rin sa pinta ng mga mukha nila kung gaano sila hindi makapaghintay upang labanan sina Dean at ang mga kampon niya.
"PARA SA COSMOS!" biglaang sigaw ko nang malakas sa kanilang lahat sabay taas ng index, middle, at ring finger ko mula sa kanang kamay ko. Hindi ko rin inaasahang gagayahin rin ni Claira at Britanny ang ginawa ko hanggang sa lahat nang mga taong kasama namin rito sa big catering tent ay ginawa na rin ang ginawa ko.
"Para sa cosmos!" Ilang beses na sigaw nilang lahat habang paulit-ulit na itinataas ang kanilang mga kamay sa ere. Napangiti naman ako nang mapait at inulit-ulit ang mga salitang ʼyon...
▬ • ★ • ▬
"Wesley?" Narinig ko ang pagtawag ni Britanny sa pangalan ko habang minamaneho ko ang lumang kotse ni dad, dahilan para mapasilip ako sa kanya nang panandalian.
"Hmmm? Bakit?"
"Wala naman," aniya. "But I just wanna tell you that you should take it easy later, okay? Don't let your rage eat and kill you alive."
"At bakit mo..."
Bigla akong natigilan nang napatingin ulit ako sa kanya. Nginitian niya ako nang matipid at para bang nagkaintindihan rin kami sa titigan naming dalawa. Ewan ko ba, pero ang lakas talaga ng pakiramdam ko na sobrang konektado kaming dalawa ni Britanny sa isaʼt isa—na syempre ay hindi ko alam kung papaano at bakit ganʼon.
Naisip ko lang din na kaya nasabi ni Britanny 'yon ay bukod sa witch siya ay alam kong magaling siyang magbasa ng kilos at isip ng iba. Totoo rin naman kasi na sobrang galit pa rin ako sa mga oras na 'to, pero tama rin naman siya. Kailangan kong humimahon at baka ang labis na galit ko ang pumatay sa akin mamaya sa laban.
Papunta na rin kami ngayon sa Yellowstones Amphitheater, at ilang minuto na lang ay nandodoon na ang grupo namin. Pagkarating namin doon ay agad ko nang inutusan ang mga kasama namin na magsikalat sa buong lugar at magmasid nang palihim. Sumama naman sa akin si Britanny na maglibot malapit sa stage habang si Claira naman ay sumama sa iba pa niyang mga kasama sa buong amphitheater.
Tahimik lang kami na maglibot malapit sa stage at nagpapanggap bilang sibilyan. Pinagmamasdan ko rin ang buong paligid at napansin ko na masyadong malaki pala ang amphitheater na ʼto—dahilan para bahagya akong kabahan dahil malaki rin ang posibilidad na maraming mga tao ang madadamay kung magsisimula na ang kaguluhan rito mamaya.
Bahagyang malakas at malamig rin ang simoy ng hangin na humahampas sa buong katawan ko. Napahawi ako sa mga buhok kong nakatikwas sa harapan ng mukha ko papunta sa likod ng mga tenga ko.
Ramdam ko na rin ang kakaibang bigat na dala ng hangin na umiikot ngayon sa buong lugar. Bukod rin kasi sa outdoor type ang Yellowstones Amphitheater ay dito rin mismo sa lugar na ito mangyayari ang sinasabi nilang labanan sa cosmos.
The Battle in Cosmos. Hindi ko aakalain na sa paghahanap ko lang kay Louisa noon ay mapupunta ako sa ganitong labanan ngayon. Alam ko naman na walang katahimikan at madalas na kaguluhan ang dala ko sa buhay, pero hindi ko rin naman inaasahang mas gugulo pa pala ang buhay ko sa mga oras na ito kaysa sa iniisip ko noon. Siguro nga't totoo ang tinutukoy na "kapahamakan" ng mga Schneiders sa angkan namin dati, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang buong kwento at katotohanan sa likod ng mga pinagsasasabi nila na 'yon.
Habang patagal pala nang patagal ay mas dumarami na din ang mga taong pumapasok rito sa loob ng amphitheater, at habang nangyayari din 'yan ay dinadagdagan na rin ang mga staffs na nandidito. Then so far, so good. Effective talaga ang spell na nilagay sa akin ni Britanny, dahil hindi lang kaming dalawa ang hindi napagtutuunan nang pansin ng iba kundi ang buong grupo namin na nakakalat rito sa amphitheater.
Ilang minuto ang lumipas ay bigla naman akong nakaramdam na may tumapik sa kaliwang balikat ko.
Si Britanny.
"May nahanap akong dalawang upuan sa Zone A Row 19," wika niya. "Maganda ang pwesto doon. Nasa gilid tayo ng daan, pero nasa center aisle ang zone natin. Tara na?"
Pagkaaya sa akin ni Britanny ay agad naman akong tumango at sinundan siya. Habang paakyat kami sa panglabing-siyam na row ay may bigla akong nakabanggaan na isang lalaki, dahilan para bahagya akong matalisod na buti naman ay agad akong inalalayan ni Britanny na nasa harapan ko.
"S-Sorry..." Dahan-dahan akong napatigil sa pagsasalita at bahagya ring napanganga nang malaman ko kung sino ang nakabanggaan ko. Pareho kaming napangiti nang malawak at agad na nagyakapan.
"Ikaw lang pala ʼyan, Wesley! Akala ko kung sinong gang leader ang nabangga ko!" masiglang sambit ng bestfriend kong si Orlando sa akin, dahilan para bahagya kong ipakita sa kanya ang nakanuot kong noo.
"Bakit ba lagi mong pinupuna ʼyung appearance ko na parang mukha talaga akong member ng isang gang group?"
"Aray naman, Wesley. Pero hindi ba pwedeng gustong-gusto ko lang talaga ang aesthetic mo simula dati pa?"
Napatikhim na lang ako sa sinabi niya na hindi naman sinagot nang direkta ang tanong ko.
"Eh 'di sana ako na lang ang niligawan mo kaysa kay M—"
"Uh, hello? Nandirito rin ako sa likod ni Lando!" Isang sarkastikong boses ng babae ang biglang sumingit sa pag-uusap naming dalawa ni Orlando. At sa katunayan nga ay sobrang pamilyar niya sa akin. Mahaba ang kulay itim at kulot niyang buhok. May mole rin siya sa bandang upper left ng labi niya. At nakasuot siya ng blue choker halter dress.
"S-Sorry, Megan. Hindi kita napansin dyan." Paghingi ko ng paumanhin sa first crush ko. Umiling naman siya at nginitian ako.
"No worries, my Wesleybabes. We are still friends and have no hard feelings."
Well, Megan was my first crush right after I became friends with Orlando—and that was just a few weeks after my parents' funeral. And after some months of having a crush on her, I confessed, but she immediately busted me. It hurts, somehow, but I understand her decision and I'm finally moved on now.
Inaamin ko na rin ngayon na medyo pihikan ako pagdating sa pagpili ng nga babae. At sa katunayan pa nga, si Megan ang una kong naging crush bago si Louisa.
Yep, bilang lang sa kamay ang naging crush ko dati—dalawa lang sila, at isa na doon si Megan.
"Sino naman 'yang kasama mo?" Bahagya naman akong nagulat kay Orlando nang bigla siyang nagtanong tungkol kay Britanny. Ipapakilala ko na rin sana siya nang unahan ako ni Lando gamit ang pang-aasar.
"Girlfriend mo 'yan?"
"H-Hindi ah, kaibigan ko lang 'to!" Tunog defensive man masyado ay totoo naman ʼyang sinabi ko. "Oh, and by the way, her name's Britanny."
Britanny shook hands with Orlando and Megan. "I'm Britanny Bradbury, just a friend from Wesley's relatives."
Naningkit naman ang mga mata ni Orlando—parang may iniisip na kung ano.
"Hmmm, I see kung bakit hindi mo siya girlfriend. Mas bata siya ng ilang taon sayo, so baka magmukha kang pedophile—"
"Alam mo, Orlando, putangina mo. Saan mo naman naisip 'yung ganyan?!"
"Eh idol nga kasi kita, 'di ba?! Ang galing mo kayang bumuo ng mga theories, lalo na noong naglalaro tayo dati ng mystery games."
"Well, bulok pa rin ang skills mo hanggang ngayon. Kaya nga nagpapatulong ka pa rin kay Megan hanggang ngayon sa Mistycal Mansions Season 15 game!"
Kumumot ang noo ni Orlando sa sinabi ko. Habang si Megan naman ay bumungisngis nang tahimik sa likod ni Lando—dahil totoo naman kasi ʼyon. Sumabay na lang ako sa pagtawa ni Megan, dahilan para si Lando naman ang mas maasar sa akin.
As of now, I am very happy for both Orlando and Megan—especially since they're now engaged after almost 6 years of their romantic relationship.
But while I laughed with them both, I was feeling very nervous because I was afraid. I'm afraid that both of them might get involved in the fight that will happen later.
And because of that, I tried to warn them—even though I couldn't tell the full reason for the warning to the two of them.
"Alam kong concern ka sa amin, pero hindi kami aalis kasi ang labo ng dahilan mo." Mahinahon na pagtutol ni Orlando. "Hindi lang dahil masama ang pakiramdam mo sa pwedeng mangyari mamaya eh totoo na ʼyan."
Napabugtong-hininga na lamang ako. Gustong-gusto ko nang sabihin ang lahat kay Lando—mula sa pagiging new leader ko ng The World Enders, hanggang sa labanang mangyayari mamaya—pero pinigilan ako ni Britanny gamit ang paghawak at pagpiga nang mahigpit sa kanang kamay ko.
"Wait, Wesleybabes. Bakit mo ba kami gustong umalis na agad rito sa amphitheater?"
Biglang nagtanong si Megan na halata sa kanyang pananalita ay sobrang naiintriga siya. Bahagya namang napaatras ang dila ko dahil piniga na naman ni Britanny ang kanang kamay ko—na para bang nagbibigay siya ng signal na huwag kong sasabihin ang naiisip ko.
"Ay basta," umiling na lang muna ako. "K-Kung kailangan niyo na lang ng tulong mamaya, nandidito lang kaming dalawa ni Britanny." Binigyan ko na lang ng mapait na ngiti sina Orlando at Megan. Tumango naman silang dalawa bago kami magpaalam sa isa't isa.
Pagkaupo naming dalawa ni Britanny sa sinasabi niyang mga upuang nahanap niya para sa aming dalawa ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanilang dalawa doon sa first row kung saan sila nakaupo ngayon. Magkahalong kaba ang takot ang mararamdaman ko para sa kanilang dalawa, dahil kasama silang dalawa sa mga taong pinapahalagahan ko bukod sa pamilya ko at sa mga mahal ko sa buhay.
Kumakain rin pala si Britanny ngayon ng cheese-flavored popcorn. Inalukan niya ako n'on, pero umiling naman ako dahil ayokong kumain ngayon.
"You're so worried for both of them, aren't you?" biglang pagtatanong ni Britanny sa akin na nakaupo sa kaliwa ko.
Tumingin naman ako nang diretso sa mga mata niya.
"Yes, of course. Nandyan silang dalawa para sa akin noong namatay 'yung mga magulang ko eh. Lalo na 'yang si Orlando at ang parents niya. Even though they can't adopt me in their family legally, they still took care of me. Kaya nga malaki ang utang na loob ko sa lalaking 'yon kasi hindi lang siya ang bestfriend ko, kundi parang kapatid ko na rin siya kung ituring... Well, he's like a younger brother to me now."
Wala nang imik si Britanny pagkatapos kong sabihin 'yan sa kanya. Napabugtong-hininga naman ako, umaasang wala na lang mangyaring masama sa kanilang dalawa mamaya.
▬ • ★ • ▬
8:14 pm na at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisimula ang program para sa launch ng putanginang new and improved Vide Noir nina Dean Farrar. Ilang minuto rin ng nakaraan ay may in-announced ang isang staff sa harapan ng stage na nagkaroon daw ng "konting technical issues" kaya hindi pa masimulan ang launch. Pero kahit na gan'on raw ay maging kampante raw kaming lahat at maayos naman nila 'yon.
Pagkatapos niyan ay nagpatugtog na lang muna sila ng ilang mga upbeat songs para hindi ma-bored ang mga taong nandidito na sa amphitheater. Well, speaking of people—halos mapupuno na ngayon ng tao ang loob ng amphitheater, dahilan para bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito.
Paulit-ulit akong lumanghap ng hangin papasok sa ilong ko at inilabas 'yon sa bibig ko. Hindi ako mapakali, pero kailangan ko ring hindi mag-panic nang sobra ngayon.
Habang pinapakalma pa nang bahagya ang sarili ko ay dahan-dahan naman akong nakaramdam na ipinatong ni Britanny ang isa niyang kamay sa kaliwang hita ko—dahilan para bigla naman akong mapatingin sa kanya.
"Hey, Wesley... Huminahon ka lang, okay?" Sinubukan ni Britanny na pakalmahin ako, pero parang hindi rin umubra 'yon nang bahagya akong sumabog sa harapan niya.
"Britanny, papaano ako hihinahon kung alam nating dalawa na may masamang mangyayari mamaya-maya lang?!" pasigaw na bulong ko sa kanya. "At tsaka isa pa, mas hindi maganda ang pakiramdam ko doon sa sinasabi nilang 'technical issues' na inaayos nila ngayon."
Napakunot naman nang kaunti sa noo si Britanny dahil sa huli kong sinabi.
"What do you mean by that?"
Dahan-dahan naman akong napatingin sa kanang gilid ng stage at tinitigan ang mga staffs na bahagyang nagkakagulo doon. Para bang may pinoproblema silang malaki doon.
Naningkit naman ang mga mata ko habang mas tinitingnan pa ang nangyayari doon.
"W-Wesley?"
Bigla namang nakigulo si Dean doon sa mga staffs na nagkakagulo—at kita sa mukha niya na mas galit siya dahil sa kung ano mang technical issues ang nagpapaudlot ng launch nila ngayon. Gusto ko mang tumawa dahil kinakarma na agad siya ng cosmos ay hindi ko pa rin magawa ngayon. Mas masama pa rin kasi ang kutob ko na baka may ibang tao na nakikialam sa laban namin ngayong gabi.
"Wesley! What the heck is happening to you?!" Para bang humihina nang humihina ang boses ni Britanny sa tenga ko nang makita ko ang mga sumunod na nangyari. Sumabay ako sa mga staff na tumingala, at gan'on rin ang halos lahat ng mga taong nandidito sa loob ng amphitheater. May pitong fireworks ang bigla na lang pumutok sa itaas ng stage, at ang panghuling firework ay pumutok nang sobrang lakas na halos ikinabingi ko.
Kasabay niyan ang biglaang pag-glitch ng big screen doon sa may stage at may ipinakita itong kung ano na sobrang pamilyar sa akin—ang lightning shape na nasa World Enders logo.
Pareho kaming nagkatitigan nang ilang segundo ni Britanny. Binabasa ang utak nang isa't isa. At sa loob lang ng mga segundong 'yon ay alam na rin namin kung sino ang may pakana n'on.
"Y-Yes, it will be fucking lit!" Sabay ng patuloy na pag-glitch ng screen sa stage ay ang pagsasalita ng isang distorted na boses. At habang nangyayari 'yan ay patuloy naman sa pag-iba ng ipinapakitang kung ano doon sa screen.
Mga lumang dyaryo na may headlines tungkol sa LH Shopping Network, ilang nakaw na footage mula sa isang lugar na sa tingin ko ay laboratory, at ilang mga pang mga clips ng mga taong nagkakagulo—ayan lang ang tatlo sa napakaraming videos na nag-flash at nag-glitch sa big screen. Ang ilan sa kanila ay parang nakita ko na dati, at ang karamihan naman doon ay hindi ko alam kung maniniwala ba ako na totoong nag-e-exists ang mga 'yon.
Maya-maya lang ay bigla nang nag-focus ang mga clips sa isang lalaki na nakaupo sa isang stool. Nakayuko pa siya sa mga oras na 'yan kaya hindi ko pa makita nang maayos ang mukha niya—pero nakikita ko naman na nakasuot lang ng black leather jacket sa pang-ibabaw, black pants at combat shoes sa pangbabang suot, at ang hairstyle niya ay slicked back.
Unti-unti namang lumapit sa mukha ng lalaki ang ang sumunod na clip, at mula doon ay bahagya ko na ring namumukhaan ang lalaking 'yon.
Nagsimula siyang magsalita habang inaangat ang ulo niya nang mabagal hanggang sa parang makatitig na siya nang diretso sa aming lahat.
"Live from our bloodline's haven... I am Avery, the former gang leader of The World Enders... Are you all surprised that I'm still alive after many years of my disappearance?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro