✰ Chapitre Vingt-Sept: The Battle in Cosmos (Part Two)
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapitre Vingt-Sept:
THE BATTLE IN COSMOS (PART TWO)
Three days ago...
—Henry Vernon
"Dad, sigurado ka bang ikaw lang mag-isa ang pupunta doon sa kung saan ka man pupunta? Eh ano namang gagawin mo doon? Hindi ka naman mapapahamak, diba?"
I just gave him a deep sigh as an indirect answer to all of his questions. And yes... that's my one and only son... Feeling ko nga nananaginip ako ngayon dahil pagkatapos ng halos seven years na pagtatago para lang hindi malaman ng Creature of the Void na nabuhay ulit ako at para din sa punyetang strange trails na kailangan ko ring sundin ay nakita ko na rin siya ngayon.
But because I need to do something else, I also need to go—which means we will be separated again.
"Don't be scared, Wesley. Kaya ko naman na ang sarili ko." I patted my son's right shoulder and slightly smiled at him. "Then also, baka sa day of launch na ulit kita makita. I just need to prepare something huge, okay?"
Wesley just looked at me and nodded his head too. After a few seconds, he hugged me tightly, and I did the same.
"Dad, please... Mag-iingat ka, okay?" mahina niyang bulong sa left ear ko.
"Of course, Wesley. We must follow the strange and unknown trails to be fine..."
Marami ang pinagbago ni Wesley ngayon. He's not like then that was too clueless about what's happening in his surroundings. He also has better skills in fighting and is more mature than ever. Pero kahit na maraming nagbago sa kanya ngayon ay ramdam ko pa rin na nawawala ang pagiging soft-hearted niya...
Katulad ng nanay niya.
Ayokong umiyak ngayon dahil naalala ko na naman siya—si Fleura—kaya bago pa ako makita ni Wesley na naluluha ay umalis na agad ako.
I didn't say goodbye to him. I just walked away from him and left that campsite. To be honest though, Claira has a great campsite and group of people to work with for this battle. At kahit na ilang araw pa lang kaming magkakilala ay magaan na agad ang loob ko sa kanya.
And that makes me feel weird too.
Ewan ko ba, pero iba talaga ang pakiramdam ko sa Claira na 'yan. Hindi naman masama like parang may tinatago siyang kasamaan or whatsoever. Pero may kung ano talaga akong nararamdaman na somehow we're both too connected to each other—kahit na bwisit na 'yan, hindi ko na alam sa instincts ko.
Bago ako pumunta doon sa lugar na kung saan talaga ako pupunta ay may dinaanan muna ako, which is my secret place, para kunin ang tinatago kong motorbike doon. Hindi na ako magbibigay pa ng ilang descriptions tungkol dyan sa secret place ko kasi malamang, secret nga eh.
▬ • ★ • ▬
My real destination by this time was at the Muttering Trees Network Center, at nandyan rin matatagpuan ang building ng Muttering Trees Entertainment. Kakausapin ko kasi ang isa sa mga kamag-anak namin at pinsan ng papa ko: si Stacey Renauld, ang founder ng MT.
And for whatever reasons?
Well, it's for the battle in this cosmos.
"Buti naman at nakarating ka nang ligtas rito, Henr—"
"Avery. Please call me by that name." Bahagyang seryoso pero nananatili pa rin akong magalang nang sinabi ko 'yan kay Stacey. Tumango naman siya na tila ba'y naiintindihan ang ibig kong sabihin.
Pagkatapos ng konting kamustahan ay pumunta na kami sa 19th floor ng MTNC. Madilim at malamig sa palapag na 'yan, pero dose-dosenang mga tao ang nandodoon at nakatutok sa kanilang mga computer.
Doon rin sa floor na 'yan matatagpuan ang mga advance computers na ginagamit ng MTNC para sa broadcasting nila—at kung minsan ay madalas ring gamitin ang mga 'yon sa pag-hack ng ibang systems.
"Well, alam mo naman na simula noong binigay sa akin ni Thaddeus ang huling note niya sa akin tungkol sa mangyayaring giyera ay talagang pinaghandaan ko na 'to. And I had been preparing this for years, Avery." Sinundan ko lang na maglakad si Stacey habang sinasabi ang mga 'yan. I know what my first cousin once removed was saying right now. Papa gave a lot of notes to her, especially those related to what is going to happen in our future. But one of those notes intrigued her and even me because that last note was about the battle in the cosmos.
Hindi ko naman namalayan na may napasukan kaming isang kwarto kung saan ay mas madilim pa kaysa doon sa nadaanan namin kanina at kakaunti lang din ang mga taong nandoon.
May nilapitan naman na isang lalaki si Stacey. He looked so familiar to me though—because I knew him. His looks had changed slightly, but he was still recognizable to me. May suot siyang square-shaped eyeglasses, magulo ang buhok niya, at napansin ko rin na may suot siyang white polo long sleeves at black pants.
Nang kinalabit siya ni Stacey ay agad naman niyang tinanggal ang malaking headphones na nakasalpak sa dalawa niyang mga tenga at napatingin sa aming dalawa. At nang makita niya ako, syempre nagulat siya.
"Uh, hi, Mrs. Renauld—w-wait... What the hell?" He immediately stood up and looked at me from head to toe. "Is that really you?"
I just nodded. Binigyan ko rin siya ng isang matipid na ngiti. After that, he suddenly hugged me as if that was our first hug after many years.
That was Orlando Lee Sr.—the father of Wesley's best friend. Hindi ko rin naman aakalaing makikita ko pa ang kumag na 'yan pagkatapos ng ilang mga taong pagtatago ko. At hindi ko rin aakalain na nandidito rin siya, nagtatrabaho sa entertainment company nina Stacey.
Bahagya yatang nagulat si Stacey sa aming dalawa ni Orlo. I think hindi pa niya alam na magkakilala pala kaming dalawa.
"Dapat ipapakilala ko pa kayo sa isa't isa... But because of that, I will leave you two here for a moment, okay? May kailangan lang din akong ayusin sandali."
Habang sinasabi pala 'yan ni Stacey sa aming dalawa ay nakikita ko siya na pasilip-silip rin sa phone na hawak niya. Then, a few seconds later, iniwan na muna niya kaming dalawa ni Orlo.
Sa pag-alis ni Stacey ay kinausap naman agad ako ni Orlo tungkol sa kung anong ginagawa niya sa harapan ng computer na gamit niya. Not too believable, pero nandidito siya ngayon sa MTNC para tulungan kaming ma-hack ang broadcasting equipments ng LH Shopping Network at ng iba pang mga stations sa buong Isle of Edelidea. Besides that, nagkamustahan rin kami tungkol sa mga ganap namin noong mga nakaraang taon. Nagkwento siya tungkol sa pagbabantay na ginawa nila kay Wesley noon kahit hindi nila siya maampon officially, at nagkwento rin ako ng ilang stories sa kanya—lalo na ang tungkol sa main career ko. Medyo na-surprised lang din siya sa sinabi ko na ako ang former gang leader ng TWE.
"Throughout these years, ikaw pala ang Avery na 'yon?" gulat na pagtatanong ni Orlo sa akin. "So... kumusta sa pagiging gang leader?"
Binigyan ko siya ng bahagyang mapait na ngiti. "Seven years ago, it didnʼt go well, so I needed to hide from those enemies."
"Ah, kaya ka rin nawala noon, am I right? At tsaka bago ko makalimutan— 'd-di ba... n-namatay at inilibing ka na?"
"Well, yes... and another yes..." Mukhang wala pa siyang idea na nabuhay ulit ako, so I quickly gave him a concise explanation of what happened to me since I created TWE. At sa hindi inaasahang pangyayari, hindi ko nakita sa kanya ang pagkalito o pagkagulat sa mga nasambit ko sa kanya.
Nang mahinto ako sa pagkukwento ay pareho kaming nanahimik. Pero binasag ko rin agad 'yon ng isang pasasalamat.
"Alam mo, Orlando... thank you so much kasi binantayan niyo pa rin si Wesley kahit na ayon nga, hindi niyo siya pwedeng kunin at kupkupin. Sobrang laki ng utang na loob ko sa inyo dahil sa ginawa niyong 'yon." Pagpapasalamat ko sa kanya.
"No worries, Henry. Parang anak na rin naman ang turing namin si Wesley, kaya wala kang utang sa amin." Tumakip naman siya sa kaliwang balikat ko at nginitian ako nang bahagya.
Bahagya akong nakahinga nang maluwag. I knew that my whole family was a huge burden to carry on by the others. But somehow, I'm very glad that some people are still willing to help us—even if it is big or small. Well, hindi lang naman ang mga mahal ko sa buhay ang makikinabang sa ginagawa namin ngayon.
Pati rin naman ang buong cosmos.
▬ • ★ • ▬
April 18, 2020.
I'm a bit nervous about what will happen in today's events. But still, my adrenaline keeps going up with the rage flowing into my veins.
Nasa loob ako ngayon ng isang broadcasting room na kung saan ay nakaupo ako sa isang stool rito sa gitna ng mini stage. Ilang minuto na lang din kasi ang natitira bago namin simulan ang pangha-hack sa broadcasting systems ng LH Shopping Network doon sa Yellowstones Amphitheater at i-broadcast na ang buong katotohanan sa buong bansa ng Isle of Edelidea.
"Is everything ready?!" Mababa ngunit malakas na tanong ni Stacey sa lahat ng mga crews at hackers na kasama namin ngayon rito sa broadcasting room. Halos lahat rin naman sa kanila ay tumango. Nang masigurado ni Stacey na maayos na ang lahat ay nilapitan naman niya ako.
"Ikaw ba, Avery? Natatandaan mo ba lahat ng napag-usapan natin at kung ano ang magiging takbo ng broadcast na 'to?"
"Oo naman. Ako pa ang tinanong mo."
"Aba, syempre kailangan natin maging handa ng one million percent, Avery," maawtoridad na wika sa akin ni Stacey. "Kailangan mong masabi lahat ng mga kasakimang ginawa, ginagawa, at gagawin pa lang ng LH Shopping Network na 'yon in a short period of time only. At sa oras na ibibigay rin namin sa'yo para sabihin ang mga 'yon ay ipapakita rin namin sa kanila ang lahat ng evidences para mabunyag na ang mga tinatago nilang baho."
Pagkasabi niyan ay ipinatong naman niya ang kanang kamay niya sa kanang balikat ko.
"Avery, I know how much you want to get the justice that your family deserves. So we, my team, are here today to help you. Well, I'm truly hoping that our preparation will be worth it in the end, and we will win against them after this war."
I gave her a reassuring smile. "Don't worry, makakaasa kayo na worth it ang lahat nang gagawin natin ngayon—"
"LIVE BROADCAST WILL START IN TWO MINUTES!" Isang sa mga crew ni Stacey ang bigla na lang sumigaw, at nang dahil dyan ay nahinto ako sa pagsasalita at hindi na magkandaugaga ang lahat ng mga taong kasama namin ngayon rito sa kwarto. Halos lahat sila ay mga seryoso, ang iba naman ay natatakot, at ang ilang naman sa kanila ay kabado. Nakita ko rin sa hindi kalayuan si Orlo—nakaharap ulit siya sa isa sa mga computer, at may ilan rin mga kasama na mabilis pumipindot sa kanilang mga keyboard.
Iniwan naman na akong nag-iisa sa gitna ng mini stage ni Stacey. Habang ako naman ay napapikit at dahan-dahang humihinga nang malalim. I'll be fucking honest though: I am terrified. Kung iisipin, ito na marahil ang pinakamalaking laban na kakaharapin ko in my whole existence. At katulad lang din ni Stacey, ang hiling ko sana ay matapos na ang kasakimang pinapalaganap ng Creature from the Void ngayon.
"LIVE BROADCAST WILL START IN ANY SECOND!"
Yumuko muna ako at huminga ulit ako nang malalim sa huling pagkakataon. At sa pagdilat ng mga mata ko ay may isang spotlight na ang nakatutok nang diretso sa mukha ko. Nakita ko rin sa gilid ng mga mata ko na nagbibilang na ang isa sa mga crew, indikasyon na magsisimula na ang live broadcast in...
Three...
Two...
One.
Feeling ko, lagpas kisame na ngayon ang adrenaline ko. Pero syempre, kailangan kong huminahon para ma-deliver ko nang maayos ang mga sasabihin ko. Nang binigyan naman ako ng isang signal ni Stacey gamit ang earpiece na magsalita na ay nginisian ko siya at tumingin na ako nang diretso sa isang camera na nakatutok rin sa akin.
Let the war fucking begin.
"Live from our bloodline's haven... I am Avery, the former gang leader of The World Enders... Are you all surprised that I'm still alive after many years of my disappearance?" I stopped for a while after my first few lines. And I'll be honest—it's so fucking great to say that all out with full confidence while smirking.
Ipinagpatuloy ko na rin ang pagsasalita dahil mahaba-haba pa ang mga babanggitin ko.
"I know some of you have doubts about my gang, especially myself. But lemme show and explain to you some things...
"Seven years ago, my father was killed by an unknown—well, actually, by that fucking Dean Farrar—who was spreading his devilry, not only here in our country, but also in our whole universe. Kung hindi niyo rin alam, siya ang dahilan kung bakit abandoned na ang Roseberry at siya rin ang pasimuno para masira ang image ang buong troop ko. He's also the reason why my other relatives died all over these years just to defeat him!"
I clenched my teeth when I shouted out of anger. I also felt my eyes were on fire and my every breath was intense. Stacey said that I needed to calm down a little bit through my earpiece because "she can see how the color of my eyes changes", so I tilted my head and smirked again at her in a very evil way.
"The Unfair, The Abusive, The Bad Man Must Die!"—the main ethos in our group until now. We must protect YOU, against all the unfair and abusive creatures around your places... And we must defeat the Bad Man, who is standing in front of you... Dear Farrar... The Bad Man... Tehmo-Noxandra... The Creature from the Void...
"To be honest though, mali ang perspective niyo tungkol sa puro panggugulo lang ang ginagawa namin sa buong 4th district ng Greenesilva. That was just our front so that it would hide our true intentions and mission to take down Dean Farrar and his evil sorcery. But everything went wrong after he took my father and wife's lives."
I stopped for a moment again, and that's because it was Stacey's command. May mga secret footages raw muna silang kailangan ipakita bago ulit ako magsalita dahil bahagya raw silang nahihirapang mag-broadcast ngayon.
Habang hinihintay ko ang hudyat ni Stacey sa akin na pwede ko ng ituloy ang speech ko ay inaalala ko muna kung ano-ano ang mga footages na sinambit niya. At sa pagkakaalam ko, iyon ang halos lahat ng mga video clips na nakuha nila bilang ebidensya laban sa LH Shopping Network at kay Dean Farrar. Mula sa mga illegal transactions, ang paglusob nila noon sa Roseberry, hanggang sa pagpatay nila ng mga inosenteng tao—na ang karamihan sa kanila ay mga kamag-anak ko.
Pagkatapos ng halos isa't kalahating minuto ay ibinigay na ulit sa akin ni Stacey ang pagkakataong magsalita ulit. At sa pagkakataong 'to, tungkol naman sa Vide Noir ang sasambitin ko.
"You wanna know what's on that fucking Vide Noir? Of course, not! But he desires to rule us all and invade this whole fucking cosmos! Hindi lang basta LSD ang black liquid na binebenta nila na 'yan, kundi isa rin 'yang mind controller na ginawa nila para mabalot sa kadiliman ang buong sangkatauhan! Psh, you're not believing me? Well, what about these shites?"
Sa unang mga video clips ay makikita doon ang mga plano nina Dean Farrar na nakapaskil sa isang malaking whiteboard. May mga nakalagay doon kung papaano nila gagawin ang bagong version nila ng Vide Noir, papaano nila makukuha ang "another ingredient" para doon, at ang buong map ng Roseberry—kung saan nakatayo nang palihim ang factory nila doon.
May pinakita ulit na mga clips sina Stacey na hindi masyadong kinayanan ng sikmura ko nang ipinanood niya sa akin ang mga 'yon noong nakaraang araw. May hawak na mga hostages sina Dean Farrar—doon mismo sa loob ng factory nila at ginagawa nilang mga "experimental subjects" ang mga 'yon para sa new and improved Vide Noir. May isang babaeng hostage nga rin doon na para bang iba ang pakiramdam ko sa kanya. May kinukuha kasi na kung anong green liquid na nagliliwanag rin sa bandang leeg niya gamit ang isang malaking syringe. Ayoko na sanang pasakitin pa ang mga ulo niyo, pero sa tingin ko at isa siya sa mga cosmic servant's star.
O mas higit pa dyan sa iniisip ko.
I do not know how Stacey got this footage, but I decided not to ask her for good. After a few minutes, I said the last words in this live broadcast...
"I don't have much time to explain how evil that shopping network is and convince you to get away from there, but please, don't let that fucking Creature from the Void control every single one of you and conquer the whole cosmos!"
Mabilis akong tumayo sa stool na inuupuan ko, at dali-daling lumapit doon sa camera na nakatutok sa akin. Tumitig ako nang diretso doon sa camera lens na para bang tinitingnan ko rin ang lahat ng mga taong nanonood ngayon n'on.
Pagkatapos niyan ay binigay ko na rin ang signal na sinabi ko kina Wesley, Britanny, at Alixandir noong nakaraang araw na magkakasama pa kami.
"Al, attack the site NOW! Claira and Britanny, take care of innocent people! And Emery... It is time for the great revenge of our bloodline!"
Nang mahinto sa pagpindot ng mga hackers sa kanilang mga computer keyboards ay kasabay na nahinto ang live broadcast namin. Wala namang kaingayan ang ginawa ng lahat ng crews na nandidito ngayon sa broadcasting room. Tahimik silang mga nagtititigan habang pinipilit na kumalma gamit ang paghinga nang malalim.
Nakita ko namang sumulyap at tumango sa akin si Stacey na para bang nagbibigay ulit siya ng signal for one thing na kailangan kong gawin na ngayon. Tumango rin ako pabalik sa kanya—dali-daling lumabas ng kwartong 'yon, at pumunta sa parking lot para kunin ang motorbike ko doon.
And where the fuck am I going now?
Into the Yellowstones Amphitheater.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro